"We need to go, Fin." Muntik ng mahulog ang panga ng dalaga ng biglang bumukas ang pintuan habang hinahalikan nito ang labi ni Rave. Hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha dahil sa kahihiyang naramdaman. Mabilis na pumasok ang kaniyang Ate Bless at nagmamadaling inayos ang mga gamit sa loob ng kanilang kwarto. Sinilid nito sa isang lalagyan ang mga gamit pati na rin ang mga gamit ni Fin. Inis namang pinagmasdan ni Adrian ang dalaga bago nito kinuha ang dextrose ni Rave. Bahagya pang sumampok ang kilay bago napailing. "We don't have time, Fin." Sambit nito at inabot ang hawak sa dalaga. Seryoso nitong hinarap si Fin at muling nagsalita, "Narinig ni Erin na may dalawang lalaking naghahanap kung may pasyente daw na nangangalang Crave Dale Fierro dito sa ospital. Mabuti nalang at iban

