Hindi agad na nakapagsalita si Bless nang makita ng malapitan ang gown na pinagawa ni Fin sa De Luxe Luna. Alam niyang kulay itim ang request ng dalaga ngunit hindi niya inaasahan ang disenyong pinili nito. She took a deep breath bago muling pinagmasdan si Fin. Napakaganda pa rin nitong tingnan kahit wala itong suot na make-up. Lumutang lalo ang maputi nitong kutis at natural na kulay ng labi dahil sa kulay itim na suot. Hapit na hapit ang gown nito sa bandang likod kaya naman makikita talaga ang magandang hubog at kurba ng katawan ng dalaga. Matiyagang iwinakli ni Bless ang ideyang kanina pa pilit pumapasok sa kaniyang isipan, para kasing pinapamukha nito sa kaniya ang isa pang dahilan kung bakit nahibang si Alfred sa dalaga -- halata naman kasing lamang sa ganda at kasexyhan si Fin ku

