Napayukom na lamang ang dalaga habang pinapakinggan ang usapan ni Alfred kasama ang mga investors ng Raven's. Hindi nito maiwasang huwag makaramdam ng labis na pagkasuklam dahil may gana pa itong magyabang sa mismong last night ng kapatid. She inhaled. Pinakalma nito ang sarili, gustuhin niya mang tuldukan ng maaga ang pagyayabang ni Alfred ngunit hindi maari. There's a perfect timing for everything. At alam niyang mas malalim ang sugat na matatamo ng kalaban kung mas maingat nitong gagawin ang kanilang plano ni Rave. Ipinagpatuloy na lamang ng dalaga ang ginagawa nitong pakikipag-usap sa mga bisita kasama ang kaniyang Mommy Yvette. Sobrang awa ang nararamdaman nito sa tuwing nakikita ang mga mata ng ginang sapagkat masasalamin dito ang gabi-gabing pag-iyak at kakulangan sa tulog dahi

