Mayabang na hinarap ni Alfred ang mag-asawang Brown nang masigurado nitong tuluyan nang nakapasok ang dalawa sa loob ng opisinang pagmamay-ari ng kapatid nitong si Rave. He smiled at them arrogantly at masayang pinagmasdan ang pagkabiglang sumibol mula sa mga mata nito. "What are you doing here, Alfredo Fierro?" galit na tanong ni Mr. Brown dito. Napa-angat naman ang makakapal na kilay ni Alfred bago ito mala-demonyong ngumisi sa ginoo. "I'm visiting my company, Mr. Brown. Few days from now, I'll be the new CEO of Raven's Construction Corporation," sinundan nito nang nakakalokong ngiti ang sinabi. Napayukom naman ang ginoo dahil alam nitong nag-sisinungaling lamang si Alfred. Kinilabutan ang banyagang investor sa kasakimang ipinapakita nito sa kaniya. Mag-isang humalakhak si Alfred, "

