"What are you doing here, Fin?" Mabilis na hinawakan ni Bless ang braso ng dalaga upang dalhin ito sa isang sulok malayo sa kinaroroonan ng mga batang inaalagaan nito sa kaniyang Foundation. Kabado nitong pinagmasdan si Fin. She draw a deep breath. "Please tell me, Ate Bless. May masama bang ginawa si Alfred kay Rave?" walang paligoy-ligoy na sambit ng dalaga at marahang hinawakan ang dalawang kamay ni Bless. Nakaramdam si Bless nang konting pagkirot sa kaniyang dibdib nang maaninag nito sa mga mata ni Fin ang labis na pangungulila at pag-aalala sa kasintahan. Napalunok na lamang si Bless at tila may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan. "Sorry, Fin. Wala akong alam sa mga plano ni Alfred. It's been two days since I left him and the mansion," mahinahong sagot ni Bless at iniwas a

