[Infinity’s POV] Hindi ako agad nakapagsalita nang humakbang si Alfred papunta sa gawi ko. Pinagmasdan ko ito ng buong tapang kahit pakiramdam ko ay nauubos na ang lakas ng aking katawan dahil sa labis na frustration. Alam kong walang kaalam-alam si Ate Bless na pumunta ang asawa nito sa mansyon dahil buong akala namin ay perpekto na ang plano naming dalawa upang makahingi ng tulong sa mga magulang ni Rave. Hindi ko mapigilan ang aking sariling huwag mapayukom habang naglalakad ito papalapit sa'min. Bakit ngayon pa kung kelan nagkaroon na ng pag-asa ang puso kong mahanap si Rave? Akala ko may kaonti nang liwanag sa aming mundo, ngunit naudlot na naman ito pagkatapos kumalat ang balitang natagpuan ang labi ni Rave sa sarili nitong sasakyan pagkatapos maaksidente at masunog dahil sa isa

