Hindi maitago ni Alfred ang galak na nararamdaman nang makauwi ito sa sariling tahanan. Siya lamang ang tao rito kaya nagmistulang haunted house ang mansyong pagmamay-ari dahil sa sobrang katahimikan. Sumalubong sa kaniya ang inihandang pagkain ng mga kasambahay nitong kasalukuyan nang nagtatago sa ipinatayong Maid's Quarter ni Bless. She protected them from Alfred's rules. Dahil labis na ipinagbabawal ni Alfred sa kaniyang mansyon ang makahalubilo ang mga kasambahay nito. Maliban sa mababa ang tingin ng lalaki sa kanila ay naalala niya ang kaniyang yumaong ina sa tuwing nakikita ang mga ito. Hindi naman kinayang sikmurain ni Bless ang ginagawa nitong kalupitan sa tuwing may bagong katulong na nagkakamaling lumabag sa batas ng asawa, kaya gumawa ito ng paraan upang mailigtas ang mga ito

