CHAPTER 2: TEMPTED CRUISE

1861 Words
TEMPTED CRUISE 1: BIDDING LUST CHAPTER 2: TEMPTED CRUISE EVERYONE is here in this elegant hall. Bago raw makapasok sa pinakaloob ng cruise, ay may kailangan maglaan ng kaunting oras para sa instructions and meetings. Lahat kami ay binigay ng brochure map ng buong cruise. Napangiwi ako sa pagbuklat ko ay para akong naghawak ng world map. Lumapit isa-isa sa amin ang lalaking may puting cotton gloves pa at isang papel at ballpen. “Please, write your name here, madam." Wow! The accent! Ang sosyal! "Y-yeah! Right! Got you!" Sabay kindat ko pa sa kaniya at tila napatingin sa mga kasama kong lumingon sa akin. "Y-yeah..." humina ang boses kong kunin na lamang ang ballpen at inilagay na roon sa papel ang buong pangalan ko, kasabay no'n ay hiningi rin ang imbitasyon ko. Halos sinakop ng kaba ang dibdib ko, dahil sa tingin niya pa lang sa invitation ay parang may mali. Sandali lamang nang tumungo-tungo naman siya't ibinalik sa akin ang invitation. Gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko sa kahihiyan! Halatang hindi ako lumaking sosyal! Pinagmasdan ko ang katabi kong babae at naka-de-kwatro pa siya kung magsulat ng pangalan niya sa papel. Ibinigay niya ang invitation card nito sa lalaki at kasunod naman no'n ay nagbigay siya ng limang hundred dollar! Ano 'yon? Tip lang, dahil pinasulat siya sa papel? "Thank you, Madam." Yumuko pa ang lalaki. Ako lang ata ang nag-iisang hangal sa lugar na 'to. Baka iniisip nila, ay paano ako nakapasok sa ganitong cruise? Maraming sinabi ang isang babae sa gitna, tulad ng mga maari gawin sa cruise na 'to. Sa pagkain at sa iba pa. "Just remember... All secrets remain on a cruise. Enjoy, dear guests!" Ang mga babae ay elegant, kung tumayo. Ang mga lalaki naman ay napa-formal. Wala pang sandali ng may lumapit sa amin na mga bell boys. "Good day, Madame. I'm your attendant, and I'm here to guide and tour you in Tempted Cruise." Isa lang ang masasabi ko, bakit ang gwapo ng mga bell boy dito? Pwedeng model! Bakit lahat din ng mga guest ay naglalabas ng pera! I wasn't ready for this! Hindi ko kayang magbigay ng dolyar agad-agad! Ako lang ata ang hindi nagbigay ng tip sa bell boy ko, kaya nang dalhin niya na ako sa third deck ay doon ko napagtanto na may mga kwarto na pala rito. Halos napamangha ako sa itsura at parang wala ako sa cruise! Para akong nasa loob lamang ng isa sa pinakamagandang hotel! Sa ilang paglalakad namin, ay nakarating kami sa room seven-three-four. Pag-tap pa lang niya ng card ay binuksan niya na ito't tumambad sa akin ang magandang loob. Para kang may condo na may isang kwarto at malaking sala! Hindi ko mapigilang mapatakbo sa banyo, saka tinakpan ang aking bibig. "Dream! Parang dream!" Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Matapos kong makita ang magandang bathtub, ay para na akong inuubusan ng hininga. "Is this... my room?" "Yes, madame." "Will I... pay for this?" "No, madame." Napapikit-pikit naman ako. "So, I'm going to sleep here for free? In this room, for seven days?" Gusto ko iyong iklaro at baka mamaya ay singilan ako nito, e! "Yes, madame." Tila ayon lamang ang sagot niya sa akin. Hindi ako makapaniwala. Sheena, kung nasaan ka naman ngayon! I love you so much! "Do you want me to tour you, Madame?" Gusto ko iyon, pero parang mas gusto ko rito sa kwarto na 'to mag-tour. "If you need me, please click the bell, Madame." Yumuko ulit ito sa akin na animo'y binigyan ako ng galang. Kagalang-galang pa pala ako rito. Nang makahiga ako sa kama ay mabilis kong inilabas ang telepono ko't tinawagan agad si Sheena. "Having fun?" Iyon agad ang bungad sa pagsagot nito sa akin. "I am! Ang laki!" "Bukas ang auction, ah! May pakisuyo lang sana ako, Meg." Talagang hindi siya maka-get over sa kaniyang painting, ah! "Oo! Kukunin ko 'yon at hindi ako papayag na hindi ko makuha 'yon!" Humalakhak pa siya sandali sa kabilang linya. "Can you please tell Steven that we're done?" Hindi ako nakasagot. Ang kaniyang pinakamamahal na Steven? Walang lumabas na salita sa aking bibig. Hindi niya ito nasabi sa akin na hiwalay na sila. "I know you're probably asking me in your head, Meg, but I can't take it anymore. That man—wait! He's not a man, he's a piece of sh*t!" Inilayo ko pa ang aking cell phone sa tainga ko, nang isigaw niya iyon. "Can you just calm down and tell me what's going on? Bakit kayo naghiwalay? You didn't even tell me when I was with you, bakit ngayon mo lang sinabi?" "Basta! I'll inform you when you arrive in Singapore. Just speak with him and let him know that we're finished. Huwag na kamo niya ako kulitin at tawagan." "Sandali? Narito si Steven? Saka... saan ko naman siya kikitain?" "Sa roof deck bukas ng six, tapos seven naman ay sa auction six, ha! Please, Meg? Ayoko na talaga sa kaniya at sa ginawa niya sa akin." Naaning na ata ako sa mga narinig ko pa lalo. Sa boses pa lang ng kaibigan ko ay nasusuka na ako sa galit, kay Steven. Ano ang ginawa ng hayop na 'yon sa kaibigan ko? Dahil ayoko naman na masayang ang unang araw ko rito sa Tempted Cruise, ay nag-ayos ako agad ng mga damit na dala ni Sheena sa akin. "What the hell?" Nang mabulatlat ko ang apat na maletang malaki. Nakalagay sa bawat maleta ang pang tulog at ang isang maleta naman ay ilang long dress at pumps. Sa isang maleta naman ay puro fitted dress at pumps na pang lakad siguro 'to rito sa cruise. "Hayop ka talaga, Sheena! Bakit ko kailangan nito!" Isang hila ko pa lang sa lace ng t-back ay nawindang na ako. Wala man lang pang takip ito ng pwet ko! "Puro ganito lang ang susuotin ko? Seryoso ba 'to? Wala bang pati pwet ko ay sakop!" Kinalkal ko ang lahat, pero wala talaga kahit isa. Halos labas na labas lamang ang pwet ko. Ang mayroon lang dito na may takip ang pwet ko'y swimswear pa! Isang malalim lamang na paghinga ang tangi kong nagawa't isinara ang mga maleta. "Wala bang pants man lang na inilagay 'tong babae na 'to sa akin? Kahit isa lang!" Gusto kong maiyak, dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganiyan! Habang isinasampay ko na ang mga ito walk-in closet na mayroon ako sa room ko'y nakita ko naman ang sarili ko sa malaking salamin. Napatigil ako sa aking ginagawa at pinagmasdan naman ang sarili kong suot. May hubog naman ako at matangkad, sadyang hindi lang ako ang tipo ng mga lalaki rito sa Pinas, dahil hindi naman kaputian ang kulay ko. Mahaba ang buhok ko't bagsak na bagsak. Parehas kami ng buhok ko, hindi na virgin. So, what? Binigay ko na ang kiffy ko sa ang aking ex boy friend na hiniwalayan ako, dahil ayaw ng mama niya sa isang babaeng tulad kong teacher lang. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang maghiwalay kami ni Kenneth, dahil ang sabi niya'y ayaw sa akin ng mama niya. Habang naglalakad palabas ng kwarto't pinindot ang nalagay ay RD na button, ay hindi rin naman nagtagal nang makarating ako roon. As I expected, it was beautiful. Medyo malayo-layo na kami sa hotel, ngunit nakikita ko pa rin ang katayug nitong building. Para ako lamang ang narito sa gilid ng roof deck at ako lang din ang walang kausap. Halos puro ibang lahi pa ang naririto, kaya't nang tignan ko ang dagat ay tila napaayos ang tayo ko nang isang yacht ang sumusunod sa likod ng cruise. Ano ang trip nito? Hindi ko alam kung ano ang trip nila para gawin iyon. Napangiti pa ako, dahil sa isip-isip ko'y mga mukha silang mga tanga na nasunod sa cruise. Sige, mga ambot sa imong lubot! Lumingon ako sa likod ko, nang nabasag na baso. Tila nabangga siya ng isang lalaki na parang namumukhaan ko. Ang ex ni Sheena! Narito nga siya! Well, bukas na kami magtutuos! Bumalik ang tingin ko sa yatch nang unti-unting nabawasan ang ngiti ko, nang wala na akong nakitang yatch pa sa likod ng cruise. Saan na iyon napunta? Lumubog na? Ang creepy, ah! Dahil wala na rin naman na akong magawa sa buhay ko rito sa roof deck, ay napagpasyahan ko na lamang bumalik sa room ko. Ang hirap mag-enjoy kung sanay ka na lagi kang may kasama. Mabuti na lang at ako lang ang mag-isa ngayon sa elevator. Sa tuwing nakikita ako ng ibang tao na mga naririto—nakakaramdam ako na hindi ako belong. Sa first floor, ay may pumasok na matandang babae. Mukhang sosyal at may kaakibat na yaman. Tinulungan ko pa siya dahil alam kong nahihirapan siya. “Hija? Eight floors, please.” Agad naman akong tumungo, nang gawin ko iyon. Bumukas ang the third floor, kung saan ako dapat patungo pero gusto ko munang tulungan ang ginang na ito. “Are you Filipina?” Haplos niya pang tanong sa akin. “O-opo…” “Where are you going? You look decent to be in the ninth deck?” Tumabingi pa ang mukha niya kung itanong iyon. “P-po? Papunta po sana ako sa room ko, pero ihahatid ko po muna kayo.” Mas umaliwalas naman ang mukha niya. Gusto ko pa sanang magsalita, nang bumukas na ang elevator. Nasa eight deck na kami. Bago ko pa siya matulungan palabas—ganoon na lamang ang gulat ko nang makita kong may isang lalaking nakapiring at hawak-hawak ito ng dalawang malaking lalaki. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon, dahil pakiramdam ko ay na kidnapped iyon! “Hija? Maayos na ako rito. Bumalik ka na sa cabin mo.” Ang ginang ang siyang lumabas na lamang ng elevator. Nanginginig ang daliri kong pintudin ang third floor. Baka naman hindi iyon kidnapped! Baka naman bachelors party, o hindi naman kaya ay birthday party! Mukha namang desente ang cruise na ‘to! Wala akong dapat ikatakot… Hindi ba? Safe naman ang Tempted Cruise, right? Hinawakan ko ang aking dibdib sa kaba, aba't malay ko ba kung ano talaga ang ginagawa nila. Hindi ko alam kung magto-tropa lang silang mga tinopak at parang kulang na lang ay isako nila ang kaibigan nila, hindi ba? Nilalaro ko ang daliri at hindi ko alam kung lalabas pa ba ako sa ng elevator. Baka mamaya ay mali ang inaakala ko, baka mamaya hindi naman ito kasing desente nang iniisip ko. Paano kung dakipin nila ako dahil nalaman nila na hindi naman ako kasing yaman nila? Baka mas mayaman pa ang mga aso nilang may chain ng Chanel at iba pang brand na mamahalin. Lumingon pa sa akin ang ginang at agad naman akong kinawayan nito. Mabilis kong ini-click ang close door at pinindot agad ang pabalik sa deck! Bwesit sa kaba kong iyon ay halos parang nagmamakaawa na ang itsura ko sa maliit na bilog na siyang CCTV, ngunit ganoon na lamang ang paghinga ko nang maluwag nang sumara na ang elevator at hinintay na lamang itong umakyat sa pinindot kong button na kung saan ay ang pabalik muli sa deck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD