TEMPTED CRUISE 1: BIDDING LUST
CHAPTER 3: TEMPTED CRUISE
TEMPTED CRUISE: BIDDING LUST
CHAPTER 3: THE BASTARD
I ALMOST scream out my lungs, nang matamaan ng straightener ang tainga ko. Sa init n'yon ay parang sasabayan niya pa ang init ng ulo ko. Ngayong araw na ang pinakahinihintay ko, ang pagtutuos naming dalawa ng ex niyang kinulang ata sa buwan.
Well, mamaya na rin ang pinakamamahal ni Sheena na painting ni Juaco.
"Ipapasok ko talaga 'tong plantsa na 'to sa bibig ng mokong na 'yon!" Galit kong bitaw na salita, habang nakatingin sa malaking salamin.
"Calm down, Meg. Just punch him in the face for me," ani naman ni Sheena sa kabilang linya. Pinapanood lamang niya akong mag-straight ng buhok, habang siya ay nasa sasakyan nito. "Don't use nude lipstick, dork! Make him pay! Use red—darker shades!"
Isang side eye lamang ang ibinigay ko sa kaniya, ngunit pinagtaasan niya lamang ako ng dalawang kilay. Tila hindi naman sa kaniya tatalab ang side eye ko, mukhang sa mga students ko lang ata iyon papalag.
"Ano kinalaman ng lipstick ko sa ex mong may sayad?" Nang itanong ko 'yon kay Sheena ay parang nahinto ang oras at ang sasabihin ko. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang nakita kong nakikipaghalikan ang ex niya sa iba.
Wait, kung nakikipaghiwalay pa lang si Sheena kay Steven, ibig sabihin para kay Steven ay sila pang dalawa!
"Pero dahil mahal kita ay magsusuot ako ng red lipstick!" Sabay kindat pa sa kaniya mula sa screen na mas ikinatawa niya. Kita ko ang pamamaga ng mata niya—siguro dahil iyon sa maghihiwalay na talaga sila ni Steven.
"Bakit ngayon mo lang naisipan makipaghiwalay sa kumag na 'yon?"
"Inihahanda ko lang ang sarili ko noon, ngunit ngayon ay tanggap ko na." Napangiwi ako sa aking kausap nang marinig ko ang pananalita nito. "Ang lalim naman nang pinanghuhugutan mo," pang-aasar ko sa kaniya.
"Oh! Please! Just get my painting and slap that s**t for me, Meg."
"Okay! Okay! Gagawin ko naman 'yon!"
"Just tell him how stupid he is, and tell him how gorgeous I am!" Hindi naman ako makikipagtalo sa kaniya kaya um-oo na lamang ako. Nag-end call kaming dalawa ni Sheena nang ihanda ko ang mga gamit na susuotin ko. I can even remember the last time I wear long gown, pero iyon daw kasi ang kailangan.
Of course! Hindi naman ako papayag na magmukhang tanga sa auction hall at sa deck mamaya at ako lang 'tong akala mo magmamana ng Tempted Cruise.
I do look stupid, sino ba naman ang hindi magmumukhang tanga kung nag-iisip ka ng scenario at kinakabisado mo ang mga sasabihin mo sa harapan ng ex ng kabigan mo?
"Alam mo? Sinayang mo kaibigan ko, Steven. Ang bobo mo!" Ang dami ko pang pinagsasabi na alam kong ikakasakit ng damdamin niya. Sa totoo n'yan ay siya ang una kong naging kaibigan, hindi ko rin akalain na magiging ganoon siya kay Sheena.
Simula noong magkaroon sila ng sparks sa isa't-isa ay ako na ang naging tulay. Kaya't ganito na lamang ang galit ko sa lalaking iyon! Kasama ko siya mag-aral noong college, pinili niya rin ang maging teacher, ngunit ngayon—simula nang magkaroon ng business ang pamilya niya at ang pamilya ni Sheena ay ramdam ko naman na nagbago ang ugali niya.
Naging mahangin siya samantalang noong walang-wala sila ay si Sheena lang din ang bumuhay sa kanilang pamilya. Si Sheena na nga ang nagpa-aral sa kaniya at si Sheena na rin ang nagbigay ng mga mamahalin niyang kotse.
Ganoon pa man ay hindi naman na sangayon talaga ang tatay ni Sheena kay Steven, pero wala tayong magagawa. Love is blind...
"Kaya ko 'to!" Pagbibigay ko pa sa sarili ko ng lakas, habang tinitignan na ang sarili sa malaking salamin. Ito ang nasa loob ng mga maleta na bigay sa akin ni Sheena, medyo nagpapakita ng balat pero okay na rin naman na. "You can do this!" English ko pang bigkas.
Nang makalabas na ako sa kwarto ko ay iniayos ko pa ang damit ko. Dala-dala ko ang maliit na purse kung saan naroon naman ang black card ni Sheena. Hindi naman ako mangmang para hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng black card.
Ang black card na 'yon ay mas mahal pa sa kaluluwa ko.
May lumabas din sa isang pintuan na hindi naman kalayuan sa akin. Nakita ko siyang ngumiti sa akin at halata sa itsura niya ang may lahi.
"Ninth deck?" Naningkit ang mata ko, dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko sa ninth deck. Kahapon ay sinabi sa akin ng matandang babae na mas'yado raw akong mukhang inosente para pumunta sa deck na 'yon. Ano ba ang mayroon sa deck na 'yan?
"N-No..." Iling ko naman sagot sa kaniya at umawang naman ang labi niya't tumungo. Napaisip ako sandali, siguro para may party lang doon. Sabagay at ang mga matatanda naman na ay hindi sila pabor sa mga parties.
"But if you change your mind—"
"Yeah! I will find you!"
"Sweet," ani niya at lumawak naman ang ngiti sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin para dampian ng halik ang pisngi ko na aking ikinagulat. Wait? Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Kailangan kapag may napaboran ay hahalik sila? Baka naman na culture shock lang ako? Syempre at ibang lahi itong kaharap ko.
Isa siyang Italiano, alam ko naman ang mga trip ng mga Italiano... gusto nila iyong mga morena.
"See you," sunod niya pa at saka naman ito umalis na sa harapan ko. Naiwan akong pinagmamasdan ang likod niyang patungo sa kung saan ang mga elevators.
Kalaunan ay sumunod na rin naman na ako sa kaniya, dahil kailangan ko mauna sa itaas. Kailangan ko mapuntahan si Steven, dahil may hahabulin pa akong auction mamaya.
Tinignan ko ang orasan ko at doon ko napagtanto na mahaba pa ang oras ko. Kailangan kasi ay six pa lang ay naroon na ako sa auction six. So, may oras pa ako para hanapin si Steven, pero kung wala naman siya ay siguro maiintindihan naman ni Sheena, kung ipagpapabukas ko na lang.
"f**k me," mahina kong bulong nang makita ko ang likod ng Italiano na nag-iintay kung may bubukas ba na elevator. Akmang aalis na sana ako para hindi pa niya ako makita, ngunit huli na ang lahat nang lumingon ito sa akin.
Nanlaki pa ang mga mata niya kung tignan ako.
"Going down?" Animo'y hinihintay niya siguro na pupunta rin ako sa ninth floor, kung saan niya ako niyaya.
"Up," sagot ko naman sa kaniya nang ngumuso naman ito. Sandali lamang nang may bumukas na elevator mula sa likod namin. Sakto rin iyon at pababa rin naman ang gawi ng elevator kaya nagpaalam na siya muli sa akin. Kaunting hintay lang din naman ang ginawa ko nang mag-open ang nasa harap ko, saktong pababa rin iyon.
Habang naglalakad patungo sa pool side, ay nakita ko kaagad ang mga nagsisitawanan sa gilid na mga babae. Iniisip ko nga kung may katulad din ako na loner dito sa loob ng Tempted Cruise.
"Cocktail," ani ko sa bartender, kahit wala pang laman ang t'yan ko. Wala lang, gusto ko lang uminom. Pinagmasdan ko kung saan pwedeng dumaan ang pinakamabuting ex ni Sheena, pero sa ngayon ay hindi ko pa iyon nakikita.
"You must be new here, Madame." Napatingin ako sa bartender na nagbigay sa akin ng cocktail. "Y-yeah... actually, I was invited—but not invited from the... you know?" Hindi ko maipaliwanag sa kaniya.
Tumawa lang ang bartender sa akin. Hindi naman siya mukhang may lahi at halata sa kaniya ang pagiging dugong Pinoy, pero baka naman magkamali ako. Malay mo naman ay isa siyang Indo o hindi naman kaya ay mukhang Pinoy lang!
"You are invited. Only those who have an invitation can enter this cruise, Madame."
"Well... basically, yes." Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya, habang nataas ang kanang gilid ng aking labi kung isagot iyon. Tama naman kasi siya at alam naman niya kung paano ang takbo ng pinagtatrabahuan niya.
Ilang minuto rin akong uminom lamang ng cocktail at pinagmamasdan ang bawat gilid. Ngunit doon ko lang nakita ang kagandahan ng sunset.
Hindi mawala sa labi ko ang maliit na ngiti, dahil kitang-kita ko iyon ngayon sa kinauupuan ko. Ngayon na hindi pa ako nakuntento ay tumayo na ako para mas lalong makita nang malapitan ang sunset. Iyong bungad siya sa akin, dahil kay sarap niyang pagmasdan.
Iyong pakiramdam na parang nawawala ang problema mo, kapag pinapanood lamang siya.
"Hi, baby..." Halos nanlaki ang mga mata ko nang may bumulong n'yon sa akin mula sa likod ko. Umawang ang labi ko nang mapagtanto ko kung sino iyon, bakit siya pa sa lahat ng tao? Maging siya ay nanlaki rin ang mga mata.
“Steven?”
“Megan?”
Sabay namin natawag ang pangalan ng isa’t-isa.
“W-What are you doing… here?” Nilibot niya pa ng tingin ang kabuuan ng deck at alam ko naman kung sino ang hinahanap niya. Natakot ata sa pwedeng mangyari sa kaniya, kaya’t nang lingunin niya ako ay parang may hinihintay siyang sagot sa akin o kwento. “She’s not here,” wika ko.
Ang pagbuga niya ng hangin ay siyang naging sagot na tama nga ang iniisip ko. Hindi naman siya makakatakas sa akin. Ano siya, chicks?
“By the way, pinasasabi ni Sheena ay hiwalay na raw kayo.” Hindi ko alam kung bakit iyon ang una kong nasabi sa kaniya. Samantalang kanina ay halos ang dami na ata nang na-practice ko. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya nang maayos, dahil natabunan na agad ng galit ang puso ko nang makita ko siyang nakatayo sa harap ko.
“Pardon?” Animo’y gusto niya pang ulitin ko ang binanggit ko.
“Alam kong narinig mo na ang sinabi ko, Steven. Ayaw na ni Sheea sa relasyon niyo.” Umiling naman siya sa akin at sabay dinilaan ang labi nito. “Sinabi mo ba sa kaniya na narito ako? Bakit? Nagsumbong ka?” Kumunot agad ang noo ko sa tanong nito sa akin na para bang ako pa ang dahilan kung bakit sila naghiwalay dalawa.
“Kaya ako narito kasi ayon ang gustong gawin ni Sheena. I didn’t came here to have fun you cunt!” Yes! Hindi na ‘to ang fun-fun trip, dahil narito siya! Paano ako magiging masaya kung makikita ko ang hayop na ‘to? Alam kong malaki ang cruise, pero maliit lang ang mundo!
“Meg, language.”
“Niloloko mo si Sheena, Stev! Hindi ka ganito!” Malakas ang pagkakabigkas ko n’yon nang hawakan niya ang bibig ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya kung tignan ako. Aminado akong nakaramdam ako ng takot, pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya. Sapagkat mas nilakihan ko pa ang mata ko para lamang makita niyang nanggigil ako sa kaniya.
“Ikaw na babae ka, ikaw siguro ang nagsumbong sa akin, ano?” May gigil niyang tanong.
Inalis ko agad ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Ramdam ko ang labi kong dumaplis pa sa palad niya. Iniiisip ko ay kumalat na ata ang lipstick kong pula sa kagagawan ng punyetang ‘to.
“Stev, pasalamat ka at hindi ko pa sinabi ang nakita ko kahapon. Sadyang nagulat na lang din ako at pinasasabi ni Sheena hiwalay na kayo at ayaw na raw niya makipagbalikan pa sa ‘yo.” Narinig ko ang marahang mura niya at hampasin ang railings sa gilid ko. Tumunog iyon, dahil tumama sa bakal ang gold na singsing nito.
“Kapag ang mga Sy ay inalis ang mga shares nila kumpanya ng Daddy, Meg. Babalikan kitang punyeta ka,” banta nito sa akin. Nakita ko na lamang siya na itulak nito sa dibdib ang isang kaibigan nito na akmang hinawakan siya sa braso saka lumingon naman sa akin ang isang kaibigan nito.
Nagbago na talaga si Steven, hindi naman siya ganito. Mabait siya at maginoo noon, kaya nga siya nagustuhan ni Sheena, kahit hindi naman siya ganoon kayaman.
Aminado ako na ang pamilya ko ay may pera, pero sa kanila naman ang pera na iyon. Gumagawa pa lang ako ng sa akin at ang hirap kumita ng pera! Ang trabaho ko bilang guro ay wala nang ginawa kung hindi mangunsume at maubusan ng boses araw-araw, para sa mga kinabukasan ng mga batang tinuturuan ko.
“f**k you!” May ilang tumingin sa akin, dahil sa ginawa ko. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko sa lalaking ‘yon! Asan na ba ang Steven na nakilala ko? Nawala na? Ano nautot na ng pwet niya ang mabait niyang kaluluwa?
Sa sobrang stress ko ngayon ay dali-dali akong nagtungo sa island bar muli. Ibinalik ko ang hawak-hawak kong cocktail glass at humirit pa ng isa. Kailangan ko ‘to, dahil baka kapag nakita ko pa muli si Steven ay baka sa dagat na siya matagpuan sa susunod.
“Kuya, isa pa nga!” Saka ko lang napagtanto na nag-Tagalog pala ako. “I mean… one more, please…”
“Okay lang, Ma’am. Pinoy naman po ako,” ani niya. So, hindi nga ako nagkamali at Pinoy nga siya. Wala na rin naman na akong balak pa makipagkwentuhan sa kaniya, kaya nang ibigay niya sa akin ang hinihingi kong liquid, ay mabilis ko naman iyong ininom.
Sa rami-rami nang iniisip ko, ay hindi ko alam kung ano sasabihin ko kay Sheena. Sasabihin ko ba sa kaniya na pinagbantaan ako ni Steven? Siguro naman ay hindi niya tototohanin ang mga pinagbabanta niya sa akin sa akin, ano? Hindi naman siya ganoon kasama siguro.
“More, please.” Ibinigay din naman sa akin ang hinihingi kong cocktail. Sa marami kong pag-inom ay doon ko natagpuan ang sarili kong mahilo mula sa ilang baso pa lamang ng alak. Okay, fine! Hindi naman kasi talaga ako nainom, pero hindi rin naman ako mabilis malasing tulad nang inaasahan ko, okay?
Siguro ngayon lang ako tinamaan ng alak, kasi mas’yadong mamahalin ang alak na ‘to. Wala na rin akong pakialam kung hindi ko ‘to bayaran kung malasing ako ng sobra.
“God!” Hindi ko namalayan na ala-sais na pala! Ngayon ang simula ng auction para sa painting ni Juaco! Kung hindi ko pa titignan ang telepono kong umilaw na lamang saglit, ay hindi ko pa mamalayan na anong oras na pala!
Kahit hilong-hilo na ako ay minabilis ko ang sarili kong paa na makapunta ng elevator. Paulit-ulit ko pang pinindot ang eight number na akala mo naman ay may maidudulot iyon sa pagmamadali, kahit wala naman magagawa ‘yon.
“C’mon! C’mon!” Ilang beses ko na ata iyong nasabi habang ilang beses ko rin na dinudutdot ang eight button. “f*****g button! Bilis!” Mabuti na lang talaga at wala akong kasama sa loob ng elevator. Tila ang aking takong ang siyang nagiging tunog sa loob sa kakataktak ko ng paa ko. Hawak-hawak ko pa ang bakal sa gilid upang maging suporta at hindi ako matumba.
Iyong hilo ko ay ang tipong parang hindi ko kakayanin kung hindi pa ako makakaupo.
Nang bumukas na ang elevator ay bumungad sa akin ang puro pintuan. Nagulat na lamang ako nang may bumunga pa sa gilid ko at nilingon naman ako--malaki itong tao. Nauna siyang maglakad sa akin at nang may buksan siyang pintuan ay bigla itong kumatok nang malakas na animo’y parang hinampas na niya iyon ng kaniyang palad sa pintuan na iyon.
Nang makalapit ako sa kada pintuan ay agad kong hinanap ang auction six.
“Auction Ten…” Ang una kong nakitang pinto, ang kasunod naman niya ang tinignan ko. “Auction Six?” Pinagmasdan ko pa ang ilang pintuan ngunit ang lalayo na ng agwat. Naramdaman ko rin ang hilo ko mula sa cocktail.
Ito iyong pintuan na hinampas ng lalaki kanina.
Kaya’t nang makapasok ako ay binigyan naman ako agad ng isang lalaki na para bang pang-ping-pong ang itsura. Bidding racket ba ang tawag dito? Hindi ko alam, ngayon lang ako magbi-bidding.
“Hi! I’m… Megan Salvador? Yes… I am... that…” Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hiningi kasi ng lalaki ang pangalan ko at tipong may isinulat sa papel, siguro iyon ang log in book niya? Bahala na siya at malaki na siya!
May lumapit sa akin para tulungan ako makaupo sa aking seat. Marami na rin ang tao sa loob, siguro mga nasa twenty to thirty kaming naroon, pero tatalunin ko ‘yan silang lahat, makuha ko lang ang painting ni Sheena.
Itatabi ko pa ‘yon matulog sa kama ko para matuwa lalo si Sheena!