Sa Empire Hotel gaganapin ang party na hinanda ng K4 para sa pagtatapos nila sa Kolehiyo at farewell party na rin para kay Mike dahil aalis na ito patungong Maynila. Si Stephany pa ang punong abala ng party, kaya napaka-organize at malinis ito. Maraming tao na sa Ballroom Hall ng hotel nang dumating siya kasama ang escort niyang si John Albie Salvatierra. Sobrang tikas nito sa suot niyang gray tuxedo at siya naman ay simpleng black night dress na may mahabang slit hanggang sa hita. Batid niyang labis ang paghanga ni Albie sa kanyang ayos ngayon pero siya ang dahilan kung bakit ganito siya ngayon kaganda. Pero bago pa sila pumunta sa party ay napagkasunduan na nilang pagselosin si Mike. Hindi naman tumutol si Albie dahil malaking advantage ito sa kanya kasi mapapalapit ito kay Marie. "H

