CHAPTER 33

2000 Words

Hindi naman naging madali para kay Marie ang long distance relationship nila ni Mike kasi ngayon lang nawalay ang lalaki ng matagal sa kanya. Pero tinupad naman ni Mike ang kanyang pangako na laging mag-update sa kanya. Sa umaga bago siya pumasok sa school ay tumawag ito sa kanya para kamustahin at batiin. Laging pinapaalalahanan siya na mag-iingat at umuwi kaagad sa bahay pagkatapos ng eskwela. Ganoon din sa gabi bago siya matulog ay tinatawagan uli siya at mag-uusap sila hanggang sa makatulog. Masaya ang unang linggo ng kanilang LDR pero kalaunan ay naging madalang na ang kanyang update at hindi na ito umuwi sa Bacolod. Nabahala na nga siya para sa kanyang kasintahan at nabuhay pa ang takot sa kanyang puso na baka may kinalolokohan na nga itong iba. Kaya naging abala na ito at hindi man

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD