Weeks passed, still no calls and text from Mike. Kaya mas matindi na ang kabang nararamdaman sa kanyang puso lalo na ngayon hindi pa rin nagparamdam ito sa kanya. Kahit ang mga kaibigan nito ay walang kaalaman din sa kanyang totoong kalagayan. “Nasaan ka na ba Mike? May masama bang nangyayari sayo? Oh may iba ka ng babae dyan sa Maynila?” tanong niya sa kanyang sarili. Pinilit naman niyang maging matatag para sa kanilang relasyon dahil mahal niya si Mike at may tiwala siya para sa lalaki. Kaya kahit maraming negative thoughts about him ay iwinaksi niya kaagad sa kanyang isipan. Lagi niyang iniisip na malaki ang tiwala niya kay Mike pero nababahala pa rin ang kanyang puso. Tiwala lang sa isa’t-isa ang kanyang pinanghahawakan at ang iniwang pangako ni Mike para sa kanya. Hindi naman masama

