CHAPTER 21

2040 Words

Malungkot ang umaga ni Marie dahil buong araw na hindi nagparamdam si Mike at kahit reply sa mga text ay hindi nito ginawa. Kahit isang 'hi' o 'hello' ay hindi man lang nito magawa para sa kanya. Kahit ang usapan nilang magsisimba dapat kahapon after her work ay hindi man lang nito maalala. "What happened to you, Mike? May masama kayang nangyari sa kanya?" Mga katanungan sa kanyang isipan na nais niyang mabigyan ng kasagutan. Kaya tumawag na lamang siya sa lalaki para malaman niya ang sagot. Ngunit bigo naman siyang ma-contact ito dahil out of coverage ang kanyang cellphone. Lumabas na lamang siya ng kwarto nagmamadaling pumunta sa kitchen. Uunahan na niya ang kanyang mommy bago pa ito maglitanya ng sobrang haba dahil mahuhuli na naman ako sa klase tapos hindi pa ako makakain ng almusal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD