Mabigat sa pakiramdam ni Louisse ang nangyari noon sa kanyang mommy at sa mommy ni Anastasha. Kung ano man ang ugat ng kanilang alitan noon hanggang ngayon ay matindi talaga ang dahilan. Dahil pati silang mag pinsan ay nadadamay sa kanilang hindi pagkakaunawaan. "Ano nga ba talaga ang nangyari noon?" Never nagkwento ang kanyang ina noon kung ano ba talaga ang simula at dulo ng hindi nila pagkakaintindihan. Mas lalong naging malayo ang kanilang loob bilang magkapatid ng magkasakit ang kanyang mommy dahil mas ninais nitong mag-stay sa bahay bakasyunan nila sa La Union keysa manatili sa Bacolod at mangunsumi sa lahat ng problema sa kanilang bahay. Kaya wala na silang balita sa mag-ina na naiwan dito sa Bacolod City. Thirty percent shares of stocks ang hawak na ngayon ng kanyang Tita Beatr

