-POV of Stephany Louisse Delima- “Ladies and Gentlemen, welcome to the Ninoy Aquino International Airport. Our local time is two in the afternoon. We would like to thank you for joining us on this trip. We are looking forward to seeing you onboard again in the near future. Have a nice day and keep safe, everyone.” Nagising ako sa announcement ng flight stewardess at kasabay nito ang ingay ng mga tao na nag-uusap at nagtatawanan habang naglalakad. Pumikit akong muli pero isang mahinang tampal sa aking pisngi ang nagpagising ng aking diwa. Agad na tumaas ang kilay ko ng masilayan ang pagmumukha ng taong gumigising sa akin, si Mikael Mondragon. Kaya umayos ako ng upo at bahagyang tumagilid paharap sa bintana saka tahimik na inayos ang sarili. Honestly speaking, hindi ko kagustuhan ang umu

