Pagkababa ng eroplano ay sumalubong sa amin ang pamilyar na ingay ng Pilipinas. Ang mainit na araw at hangin, na humahagod sa balat ko. Naigala ko ang paningin, at di maiwasan na makaramdam ng pinaghalong sakit, lungkot at poot, pero may bahagi rin na nag-aasam na muling mag-cross ang aming landas. “Louisse—” Naiirita ko itong binalingan at matalim na tiningnan pero pinagtaasan lang ako nito ng kilay. Ilang sandali pa kaming nagtitigan hanggang sa ako ang naunang umiwas ng tingin. Padabog ko itong tinalikuran at naglakad palayo sa lalaking hudas na pinaglihi sa palaka na iyon. “Hey! Louisse, wait!” Natatawa nitong tawag sa akin na lalong kinaiinisan ko at mas binilisan pa ang paglakad. “Wait—wait— mo yang mukha mo!” Sandali akong napatigil dahil kailangan i-check iyong dala kong shoul

