Chapter 17

2769 Words
"Maraming salamat po, Aling Mercedes at sainyo po ate." saad ko, nandito na kami sa labas ng bahay nila. Nagsiuwian na rin ang ibang mga sumali rito. "Ano, marunong ka na ba?" tanong ni Aling Mercedes. Ngumiti ako at tumango. "Raven, pwede ka bumalik dito bukas. At saka bukas naman ito hanggang sa matapos na ang project na 'to." saad nung babaeng nag-assist sa'kin. "Sige lang." saad ko. Nagpaalam na ako sakanila at bumalik na sa cottage namin. Naglakad na ako pabalik sa camp namin. Nang matanaw ko na ang cottage namin, nakita ko sina Violet na nakatambay sa labas ng cottage. I think they're waiting for me. Tuluyan na akong lumapit. "Oh kumusta?" bati ni Aleis. Bumuntong-hininga ako. Bigla ko kasing naalala 'yung nakita ko sa mga mata ni lola Teresa. I mean, hindi naman na nakakagulat para sa'kin or para sa iba. Masyado na siyang matanda. Pero nalulungkot pa rin ako. "Huy! Raven, tulaley 'yan?" saad ni Violet sabay pitik sa noo ko, kaya natauhan ako. "Yeah, I'm fine." saad ko, tapos dumiretso na ako sa loob ng cottage. Naiwan naman ang tatlo na napatahimik dahil sa inasal ko. Pagpasok ko, nakita ko sa gilid 'yung painting ni Lila. Oo nga pala, I almost forgot. Siguro bukas, itatry kong magtanong-tanong kung taga-saan siya para maibigay ko sakanya ang painting at saka 'yung pinangako ko nga pala. 'Di bale, pupunta na lang ako sa plaza ng Heronimo, kung meron man, bukas na bukas din. Wala namang masyadong activities bukas nang umaga eh. Kinabukasan, sinabi ko kila Violet na pupunta ako sa plaza ng Heronimo dahil may mga bibilhin ako. "Samahan na kita. Mamayang hapon pa naman 'yung sched natin 'di ba?" aya ni Isagani. Nakita ko naman si Violet na biglang sumingkit ang mga mata. Tumango ako. "Sige" ngiti kong sagot. "Anong oras kayo pupunta? Sama ako!" saad naman ni Aleis. "No! Hindi ka sasama, Aleis. Meron tayong aasikasuhin, right?" saad ni Violet habang nakatitig kay Aleis. Napadabog na lang si Aleis. Tumawa ako. Kulit talaga ng dalawang 'to. "Siguro mga tanghali na, para makasakto kami mamayang hapon sa activity natin." saad ko. "Uh, aww. Sige, may aasikasuhin pala ako nang time na 'yun." sagot ni Aleis, pagkatapos ay ngumiti si Violet. "May pupuntahan pa ako ngayon eh." sabi ko sakanila, tumango naman sila. Pumunta ulit ako kila lola Teresa. Hindi pa tapos 'yung binuburda ko eh. Pagdating ko, nandito na rin 'yung iba pero mas kaunti na lang. Siguro 'yung iba ay nawalan ng gana or baka tapos na sila. Nakilala naman ako nung babae at sinamahan ulit ako kay lola Teresa at Aling Mercedes. "Nandito na si Raven, 'la." saad ni Aling Mercedes kay lola Teresa. "Sige na, upo ka na hija." saad niya sa'kin. Lumapit naman ako sa tabi ni lola Teresa at umupo. "Tapusin na natin ito, hija." saad naman ni lola Teresa. Tumango ako kahit alam kong parang may pahiwatig ang sinabi niya. Binilisan ko rin ang pagtapos nitong binuburda ko dahil nga may pupuntahan pa ako mamaya. Nagturo pa rin siya ng ilang mga lessons na hindi niya naturo kahapon. Nagtanong-tanong naman ako ng mga questions about sa pagbuburda at sinagot naman niya iyon. "Pagod na po ba kayo?" bigla kong tanong. Bigla naman akong napatigil dahil sa tanong ko. Hindi ko naman sinasadya, baka kung anong sabihin niya. Tumango siya at tumigil sa pagbuburda. Tumingin siya sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. "Ikaw ba namang mamuhay nang ganitong katagal na taon." saad niya na hindi man lang ako tinitingnan. "Sumpa man kung ituring ko, hindi ko kailanman naisipang kitilin ang buhay ko. Para tapusin ang lahat at piliin ang kapayapaan." saad niya. Medyo na-nosebleed ako sa lalim ng pagsasalita niya, pero naiintindihan ko naman. "Dahil naiisip ko, napakaganda ng mundo para iwan 'to. Nakakapanghinayang isipin na hindi ko na makikita ang malinaw na alapaap, ang sikat ng araw, ang mga ibon na malayang lumilipad, ang mga bulaklak na namumulaklak sa hardin, ang mga tala na kumikinang, ang buwan na nandiyan sa'king pag-iisa, ang alon ng dagat na sumasabay sa agos ng emosyon ko. Hindi ba, kay ganda ng mundo? Hindi ko lubos maisip na lilisanin ko na ang natatanging mundo na ito." kwento niya. Namangha ako sa pagdedescribe niya sa mundo. It makes me believe that the world is indeed beautiful. "Opo, totoo po. The world is beautiful and mysterious." saad ko. "Pero alam kong huli na ito." tuloy niya. Tumingin ako sakanya. "Paano po?" tanong ko. "Nararamdaman ko na malapit lang sa'kin ang kamatayan ngayon." saad niya dahilan para kilabutan ako. Napayuko ako. It makes me guilty, hindi ko alam bakit parang ako 'yung tinutukoy niya. Tumingin ulit ako sakanya at nakita kong nakatitig sa'kin si lola Teresa. And then, I see everything. Nag-glow ang anino niya, hanggang sa naging itim ito. Nakatitig ako rito, kung noon ay ayaw ko itong dapuan ng tingin. Ngayon, ewan ko kung bakit lang ako nakatingin dito. Tiningnan ko naman ang wrist ko na maliwanag din. 00:03:32 *** "Tara na?" saad ni Isagani. Natauhan ako n'ong nagsalita siya. Tumango ako. Sumakay na kami sa sasakyan at bumyahe na papunta sa plaza ng Heronimo. "Ano bang gagawin mo sa plaza?" tanong niya. "Uh, may bibilhin lang ako." sagot ko. Ilang sandali naman kaming natahimik. "Ayos ka lang?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot agad. May music na tumutugtog kaya hindi masyadong awkward. "Uh, oo. Marami lang iniisip, sorry." sagot ko. Nakatingin lang ako sa hawak ko. Natapos ko 'yung binuburda ko. Actually, hawak ko 'to ngayon. Regalo ko na 'to para sa sarili ko. Hindi masyadong maganda at perfect kasi first time ko pa naman 'tong gawin. Pero gusto ko 'to dahil memorable 'to. Kahit pa may naalala akong kalungkutan dito. Nakarating na kami sa plaza, naglibot kami ni Isagani para hanapin ang arts and craft shop dito. Ilang minutes din kaming nag-ikot ikot hanggang sa natagpuan na namin. Pagpasok ay agad akong naghanap ng canvas. Pumili ako ng size nito, 'yung katamtaman lang para hindi mabigat dalhin, bumili ako ng tatlo. Bumili na rin ako ng set ng paint brush, paint palette, tapos naisipan ko ring bumili ng sketchpad at mga pencils and some coloring materials. "Para ba 'yan sa nakilala mo? 'Yung gumawa ng painting na nasa cottage natin?" tanong ni Isagani. "Oo. Gusto ko lang siyang regaluhan. May talent kasi siya, nakakatuwa. Ang ganda ng painting niya." sagot ko. Ngumiti naman siya at kinuha ang mga pinapamili ko, siya na ang nagdala n'on. Naisipan ko na rin bumili ng mga iba't-ibang kulay ng sinulid at tela dahil marunong na akong magburda, paniguradong gagawin ko 'tong hobby ko sa mga susunod na araw. "Uh, ikaw ba, may bibilhin ka ba or may dadaanan ka ba bago tayo umuwi?" tanong ko sakanya habang naghihintay na nakapila sa cashier. Tumango naman siya. "Ay, ano?" saad ko. "Ice cream." tipid niyang sagot. Hindi ko na napigilang tumawa. 'Yung hitsura niya kasi pagka-sabi niya n'on, parang bored na bored na rito at gusto nang kumain. "Oh, sige. Mag-iice cream tayo, haha." saad ko sakanya habang natatawa pa rin. Napakamot na lang siya sa batok niya at natawa na lang din. Pagkatapos namin magbayad ay pumunta kami sa isang ice cream parlor at nag-order ng ice cream. Sabi ni Isagani, libre daw niya. "Favorite mo ang ice cream?" tanong ko. "Oo. Naalala ko, palagi akong binibilhan ni mama nito kapag namamalengke kami." kwento niya. Napangiti ako. After naming tapusing kainin 'yung ice cream, umuwi na kami agad. Pagdating namin ay wala sina Violet sa cottage. Inilagay ko na muna ang mga gamit na pinamili ko sa tabi. Sa tingin ko, hindi ko pa muna 'to mabibigay kay Lila ngayon. Mamayang gabi 'pag natapos namin 'yung activity namin, iwrawrap ko na lang ang mga 'to para naman presentable tingnan. Sure akong magugustuhan niya 'tong mga pinamili ko. Napagdesisyunan namin ni Isagani na pumunta na sa last activity for today, hindi naman siya katulad ng ibang activities dati. Ito ay simple at chill lang, like social gathering lang. Nakita ko na nag-aayos na ang iba ng tents para doon ilalagay ang mga gamit. At nagsesetup na ng bonfire. "Uy, Raven?" rinig kong tawag sa'kin ng isang babae. Napalingon ako. Hindi ko siya kilala pero ang alam ko ay nakasama ko na siya sa embroidery class. Doon sa may bahay ni lola Teresa. "Uh, hi? Bakit?" saad ko. "Nagkasama na tayo sa embriodery class." kwento niya. Tumango naman ako. "Yeah, natatandaan kita." saad ko. "Nabalitaan mo na ba?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Ang alin?" tanong ko. "Yung balita tungkol sa lola ni Aling Mercedes." saad niya. Natahimik naman ako. "Uh, wala na siya. Kanina lang." kwento niya. Nanlumo ako, hindi ko naman alam na ngayong araw din pala 'yun. "Na-stroke daw. Share ko lang. Kasi ang alam ko, nakasama mo siya 'di ba?" saad niya. Bumuntong-hininga ako, sabay tango. "Sige, dalaw ka na lang sakanila kapag may time ka." saad niya sabay tapik sa balikat ko at nagpaalam na siya. May humawak naman sa kamay ko kaya agad akong napatingin d'on. Si Isagani pala. "Tutuloy pa ba tayo?" tanong niya sa'kin na mukhang nag-aalala sa kalagayan ko. Narinig din pala niya ang pinag-uusapan namin kanina. Tumango lang ako bilang pagtugon na ayos lang ako at kaya ko naman. Huminga ako nang malalim, saka patuloy na naglakad papunta kila Violet. "Wazzup, guys! Musta date?" bati ni Violet sabay titig sa magkahawak naming kamay. Bumitaw kami pareho. Kumunot naman ang noo ko. "Pinagsasabi mo d'yan" saad ko at hindi pinahalata ang hiya. Tumawa lang siya. Tumulong naman agad kami sa pagsesetup ng mga gamit. Hanggang sa dumating na ang gabi. Maraming volunteers and organizers ang nandito para makihalubilo. Nagkaroon ng munting program para maging maayos ang flow ng pagdiriwang na 'to. Then, kumain muna ang lahat. Mas special ang mga pagkain na nandito ngayon, kumpara n'ong mga nakaraang araw sa canteen. Talagang pinaghandaan nila ito. After kumain ay nagkaroon ng mga games para sa lahat. Sila Violet, Isagani, at Aleis ay sobrang active sa pagsali sa mga games. Nakisali na lang din ako sa ibang mga laro pero mostly ay nakaupo lang ako. Nagkaroon din ng mga performances like sayawan, and nagjamming ang lahat. Nasa gitna namin ang bonfire habang nakaupo ang lahat sa grass. Magkakatabi kaming magkakaibigan. "Okay, guys. Introduce yourself tayo rito, ha. Say your name and your hidden talent, okay? Walang hiyaan, ha." saad nung MC. 'Yung iba ay naghiyawan habang 'yung iba ay mukhang nabadtrip pa, haha. Nagpakilala na ang isa-isa. Marami kaming nandito, siguro mga nasa mahigit 30? Pero alam kong wala pa sa kalahati nito ang talagang sumali sa Liwanag Project. Siguro busy lang 'yung iba or ayaw nila dahil sa pagod. Nagsimula na ang pagpapakilala. Hanggang sa turn na namin. "Yow, Aleister is my name and being pogi is my game." swabeng saad ni Aleis. Natawa ang ilan habang ang iba ay tumili. May narinig pa akong nagcomment na "Akala ko pagiging pogi ang hidden talent niya eh." Natawa tuloy kami. "Hidden talent, hmm. I can make y'all smile, I guess?" saad niya. Nagtawanan naman ulit ang ilan. "Hay, korni!" "Wah, gwapo!" komento ng ilan. "Oh, see? Lahat kayo ngumiti. Well," saad ni Aleis. Hinatak naman siya ni Violet pa-upo dahil nakicringe na kami rito. Gan'yan siya umasta kapag sa ibang tao. Masyadong friendly at sabi nga ng iba ay charming daw siya. Pero hindi gan'yan ang palagi naming nakikita sakanya. Madalas ay understanding at kalmadong tao si Aleis sa'min ni Violet, siguro dahil he's trying to be a great 'kuya' sa'min. But yeah, he's a good one naman. Si Violet na. "Hello, my name is Violet! I'm a unique and beautiful person." pakilala niya sabay pa-cute. Nagpalakpakan naman ang tao, mayroong naghiyawan din. "My hidden talent is.. Lucid Dreaming!" saad niya. 'Yung iba ay kumunot ang noo, siguro ay hindi naintindihan ang sinabi niya, ang iba naman ay napasinghap. "Talent ba 'yun?" "Nonsense" "Wow, gusto ko 'yun itry dati pa!" komento ng iba. Nagpalakpakan na ulit ang lahat. Ako na ang sunod. "I'm Raven." tipid kong saad. Nailang ako nang ilang seconds sila bago pumalakpak. "My hidden talent is writing." saad ko sabay upo. This is not my thing, okay? "No, guys! She's good at arts, music, and business! And she has a hidden ability na unbelievable, yet dangerous!" sabat ni Violet at nagpalakpakan naman ang lahat. Mahina ko siyang hinampas, bida-bida kasi. Mamaya akalain naman nila akong may sayad sa utak niyan dahil sa pinagsasabi niya. Si Isagani na ang sumunod. "Magandang gabi, ako si Isagani." pakilala niya. Nagbulungan naman ang ilan at mukhang kinikilig pa ang iba. "Uh, I guess I can sing?" saad niya. Nagtilian naman ang karamihan. "Another pogi" "Sample! Sample!" komento nila. Napahawak si Isagani sakanyang batok, hindi alam ang gagawin kung kakanta ba or uupo na. Nagpatuloy ang introduction hanggang sa natapos na ang lahat. And now, we're just chillin'. "Oh, 'yung mga gustong kumanta. Punta lang kayo sa platform na 'to ha. Dali, go na!" saad nung MC. "Uy, Isagani! Kanta ka naman d'yan." saad ni Violet. Sumang-ayon naman si Aleis habang may hawak na bote. "Sabi kasi ni Raven, ang galing galing mo raw. At saka sobrang ganda raw ng boses mo, nakaka-inlove!" pang-eechos ni Violet. Napakunot naman ang noo ko at agad siyang hinampas. "Pinagsasabi mo! Ang O.A. naman ng pagkakakwento mo!" saad ko sakanya. "Talaga, sinabi mo 'yun?" tanong niya sa'kin habang nakangiti, mukhang nang-aasar din. Umiling agad ako. "Hindi-- Uhm, Oo. Hindi pala, kasi eh! Ang sabi ko, maganda 'yung boses mo. Magaling ka naman talaga kumanta eh. Sadyang O.A. lang ang pagkakakwento ni Violet." paliwanag ko. Namilog ang mga mata ni Violet habang si Aleis ay tawang-tawa. "Utal 'yan?" komento ni Aleis. Doon na nagtawanan 'yung tatlo. 'Ta mo, ako talaga palaging nabubully sa'min eh. Pinilit ulit siya nila Violet na kumanta kaya wala nang nagawa si Isagani kun'di pumunta r'on sa maliit na parang stage. Naghiyawan ang mga tao nang makita si Isagani na naroon sa stage. Maraming babae ang tumili at nagcheer sakanya. Syempre, todo cheer din sila Violet sakanya. Kumuha siya ng gitara. Hindi ko alam na kaya rin pala niyang mag-gitara. He's really talented, huh. He gently strummed the guitar, doon na tumahimik ang mga tao. Then, he started singing. There I was an empty piece of a shell Just mindin' my own world Without even knowin' what love and life were all about Ang lamig ng pagkaka-kanta niya. Pinakinggan ko lang siyang kumanta. Then you came You brought me out of the shell You gave the world to me And before I knew There I was so in love with you And just I realized na familiar 'yung kanta. Alam ko, old song na rin 'to eh. Naghiyawan ulit ang mga tao. Tumingin ako sakanya at nakita ko siyang nakatingin sa direksyon namin nila Violet. Napalingon naman si Violet sa'kin kaya kumunot ang noo ko sakanya. Alam ko 'yung tingin niya, mapang-asar na naman. You gave me a reason for my being And I love what I'm feelin' You gave me a meaning to my life Yes, I've gone beyond existing And it all began when I met you... He smiled towards our direction. Ngumiti na lang ako pabalik dahil ang ganda ng boses niya. Oh, so yeah. This song is really famous and familiar to me. Nakisabay ang mga tao sa pagkanta. Ang iba ay dahan-dahang kumakaway. All of us are just feeling and vibin' with the song. Natapos na ang pagkanta ni Isagani. 'Yung iba ay nabitin at nagpa-request pa ng another song. Pero meron pa kasing ibang kakanta kaya 'wag na lang daw. "Ang ganda ng boses mo, Isagani! Grabe goosebumps!" komento ni Violet. "Oo nga, paturo naman diyan master!" dagdag ni Aleis. Tinawanan lang sila ni Isagani. Dahil pagod na kaming tumayo, naisipan namin umupo na lang malapit sa bonfire, habang 'yung iba ay nakiki-jamming pa sa mga kumakanta. "Galing mo, ah." komento ko kay Isagani na katabi ko. Ngumiti siya. "Ako lang 'to." sagot niya. Natawa ako. Medyo mahangin? Haha. "Mabuti naman at nagiging okay ka na. Tumatawa ka na kasi ulit." saad niya. Bigla ko tuloy naalala 'yung balita sa'kin kanina. "Ewan ko. Hindi ko na alam kung kailan pa ako magiging okay." saad ko. "Pero unti-unti ko na sigurong natatanggap." tuloy ko. Tahimik lang siyang nakikinig. "That Death is my shadow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD