"Death is my shadow"
Kasabay nang pagbigkas ko n'on ay saka rin naghiyawan ang mga tao r'on sa nagpeperform.
"Huh? Anong sabi mo?" tanong ni Isagani, mukhang hindi niya narinig 'yung sinabi ko.
"Wala," saad ko.
"Sige, mauuna na ako. Inaantok na 'ko eh." paalam ko. Kumunot ang noo niya, parang nabother ata siya. Pero ilang sandali ay bumuntong-hininga na lang siya at tumango.
"Tara na" aya niya.
"Hindi ka ba magstay dito?" tanong ko.
"Boring." saad niya. Natawa na lang ako.
Nauna siyang tumayo at inabot ang kamay ko. Ngumiti ako at tinanggap iyon.
Umuwi na kami sa cottage.
The next day, nagising ako nang maaga dahil nakalimutan kong iwrap 'yung mga pinamili ko. Kaya ginawa ko na 'yun bago ako pumunta sa activity.
Oo nga pala, bibisita rin ako sa bahay nila Aling Mercedes.
Pagkatapos gawin lahat ng dapat gawin ay umalis na 'ko para bumisita.
Maraming tao ang nasa labas ng bahay nila, may dalawang tent sa labas. Mukhang marami ang nakikiramay sa pagkamatay ni lola Teresa.
Lumapit ako.
"Raven, hija. Buti napadalaw ka." bati ni Aling Mercedes. Tumango ako. Inaya niya akong tumuloy sa loob ng bahay.
Hindi tulad sa labas na maraming tao, dito sa loob ay kaunti lang.
Umupo kami ni Aling Mercedes sa upuan na kaharap ng kabaong ni lola Teresa.
"Pagka-alis na pagka-ali mo, saka siya nastroke." kwento niya. Napasinghap ako.
Kaya pala, hindi ko nakita 'yung sarili ko sa mga mata ni lola Teresa. Umalis na pala ako n'on.
"Condolence po." saad ko. Tumango naman siya.
"Alam ko naman na isang araw pwedeng mangyari sakanya 'to, pero hindi ko pa rin napaghahandaan." saad niya. Nakatingin ako sakanya.
"Sabi niya sa'kin, ako raw ang pinakapaborito niyang apo." saad niya.
"Malamang dahil ako lang naman ang kasama niya, haha. Pero nagpapasalamat ako dahil siya ang nagsilbing ina ko." tuloy niya. Hinaplos ko ang likod niya.
"Ang ganda po ng tingin ni lola sa mundo. Natutunan ko pong tingnan ang ganda ng mundo kahit na may mga times na feel ko na pinaglalaruan na lang ako n'on, haha. Sabi niya po na masarap mabuhay kahit sa kabila ng sakit at hirap. Pipiliin niya pa rin pong mabuhay ulit." saad ko. Ngumiti siya, dahil siguro gan'on ang palaging sinasabi sakanya ni lola Teresa.
Nagkwentuhan pa kami ilang sandali, bago ako nagpaalam sakanya.
Tiningnan ko ang kabaong bago ako tuluyang umalis.
Katulad ni Manang Fe, paniguradong alam na niya ang tungkol sa'kin.
Dumiretso na ako sa activity ko ngayonf araw, umabot ito simula tanghali hanggang mga hapon. Dalawang oras lang naman 'to.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa cottage at kinuha na ang mga regalo ko kay Lila. Wala pa rin akong balita sa address niya kaya good luck na lang sa'kin. Sana ay aksidente kaming magkita sa daan.
Hinanap ko na siya. Naglakad-lakad ako malapit sa camp at nagbabakasakaling makita ko siya sa daan.
Hanggang sa medyo napalayo na ako, nagtanong-tanong na ako sa ibang tao kung may kilala silang Lila.
Ang ibang natanungan ko ay hindi raw nila kilala. Kaya patuloy lang ako sa pagtatanong.
"Excuse me po, may kilala po ba kayong batang babae na Lila ang pangalan?" tanong ko. Nakakunot ang noo ng babae, hanggang sa lumiwanag ang mukha nito.
"Ah, oo meron. Bakit?" tanong niya.
"Uhm, alam niyo po ba kung saan siya nakatira?" tanong ko. Bumuntong-hininga siya bago sumagot.
"Oo. Dumiretso ka sa daan na iyon, kapag may nakita ka ng lawa, dumiretso ka sa maraming bahay tapos kapag may nakita kang kulay pulang pinto, sakanila na 'yun." paliwanag niya. Nagpasalamat naman agad ako at naglakad na ulit.
Ilang segundo pa lang ay natanaw ko 'yung lawa, malawak pa nga ito at pwede picnic. Oo nga pala, ito pala 'yung place ng last activity namin.
Dumiretso naman ako sa sinabi nung babae na maraming bahay. Hindi clear sa'kin 'yung sinabi niya dahil ang tanging sabi niya lang ay pulang pinto.
Naghanap ako ng pulang pinto, hanggang sa may nakita nga ako. Pero hindi ako sure dahil medyo kupas ito at parang pa-color brown na.
Tinanaw ko naman ang ibang mga bahay pero mukhang ito lang naman ang may pulang pinto.
Dahan-dahan akong kumatok.
May narinig akong nagmura.
"BUKSAN MO 'YUNG PINTO!" rinig kong sigaw ng nasa loob, saka pa ulit ito nagmura.
Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto. Nakita ko ang isang batang lalaki.
"Sino ka?" saad nito. I'm speechless.
I think, namali ako ng bahay?
"Renzo, sino ba 'yan?" may narinig naman akong kumausap sa batang lalaki, soft ang boses nito kumpara sa kanina.
At nakita ko nga ang may-ari ng boses.
Halatang nagulat si Lila nang makita ako sa harap ng bahay nila.
Pinilit kong ngumiti para gumaan 'yung atmosphere.
"Bakit po kayo nandito?" tanong niya agad at mabilis na lumabas ng bahay. Pinapasok naman niya 'yung batang lalaki sa loob at sinarado ang pinto. Palihim naman akong sumilip sa loob nito bago tuluyang mag-sara.
"Uhm, gusto ko lang malaman kung kumusta ka. At gusto ko sanang ibigay sa'yo ang mga 'to, gaya ng pangako ko." saad ko, mukha namang hindi siya makapaniwala na ibibigay ko ang mga 'to sakanya.
Medyo nangawit ang kamay ko dahil hindi pa niya tinatanggap ang mga 'yun, tumingin muna siya sa likod niya saka iyon tinanggap.
"Maraming salamat po. Pero hindi niyo naman po kailangang gumastos para sa'kin. Baka po masayang lang lahat ng mga 'to." saad niya.
Parang n'ong isang araw lang, habang sinasabi niya 'yung about sa pagguhit, sobrang inspired siya at halata sakanya na gusto niya ang ginagawa niya. Bakit ngayon, parang nawalan na siya ng gana?
Medyo nalungkot ako dahil nag-effort pa man din akong regaluhan siya.
Ilang sandaling katahimikan.
"Uhm, gusto niyo po bang makita 'yung pinakapaborito kong lugar?" tanong niya. Tumango ako.
Nauna siya sa'kin maglakad na dala ang regalo.
"Teka, hindi mo ba 'yan ilalagay sa loob ng bahay niyo?" tanong ko. Mabilis siyang umiling saka naglakad na ulit paalis. Agad na lang din akong sumunod sakanya.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makapunta kami sa may lawa. I see why this is her favorite place. It's perfect for picnics and kapag gusto mong mag-isa or when you want to hangout with your friends.
Umupo kami sa grass.
"Ang ganda rito." komento ko. Ngumiti siya.
"Salamat po sa regalo niyo." saad niya.
"Oh, buksan mo na." saad ko. Mabilis naman niyang binuksan ang regalo. Napasinghap siya nang makitang maraming laman iyon. Makukulay at bagong mga art materials.
Napangiti siya habang iniisa-isa niya itong tingnan.
"Ang gaganda... Pero hindi ko po alam paano gamitin 'yung iba rito." saad niya. Kinuha ko naman ang ibang mga gamit at ipinaliwanag sakanya ang mga iyon.
"Oh, naintindihan mo na ba?" saad ko. Agad siyang tumango.
Binuksan niya ang sketchpad at kumuha ng pencil at magsimulang gumuhit. Habang ako ay tumingin sa lawa.
Sobrang nakakakalma ang lugar na 'to.
Ilang sandali kaming nanatili sa gan'on, nagdadrawing siya habang ako naman ay nakatingin lang sa lawa at nagmumuni-muni.
Tumingin ako sakanya.
"Sinong kasama mo sa bahay niyo?" tanong ko. Napansin ko namang napatigil siya sa pagguguhit. Tumingin siya sa'kin.
"Kasama ko 'yung bunsong kapatid kong lalaki... at 'yung tito ko." mahina niyang saad.
"Kung tatanungin mo naman kung nasaan ang magulang ko, wala na sila. Naghiwalay at mayroon nang kanya-kanyang pamilya." pangunguna niya. Mas lalo akong napatahimik.
Tumingin ulit ako sakanya. This time, nakatitig naman siya sa'kin.
Nakita ko ang mga mata niya.
Ito na naman ba?
I'm feeling it again, na parang ang mga mata ko ay unti-unting nagzozoom in sa mga mata niya.
Umiwas siya ng tingin, kaya hindi natuloy.
"Gusto ko nang umalis doon." saad niya. Kumunot ang noo ko.
Ano 'yung naramdaman ko? Hindi ba't gan'on kapag nakikita ko ang kamatayan ng mga tao?
Ibig sabihin ba...
"B-bakit?" tanong ko.
Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa may lawa. Namamasa ang mga mata niya, mukhang paiyak na.
"Mahirap. Masakit." basag ang pagkakabigkas niya dahil pinipigilan niyang umiyak. Nag-aalala naman ako para sakanya.
"Yung sumigaw ba, 'yun 'yung tito mo?" maingat kong tanong.
Tumango lang siya.
"Salamat po kasi binigyan mo 'ko ng motibasyon para lumaban." makahulugan niyang saad. Naspeechless naman ako sa pagpapasalamat niya kaya tumango na lang ako.
Tumingin ulit siya sa mga mata ko.
Oh, shoot.
Natigilan ako.
"Lila..." tangi kong bigkas habang nakatitig sakanya. Kumunot ang noo niya habang natulo ang mga luha niya.
Agad niya 'yung pinunasan at tumayo na.
Malapit nang tuluyang lulubog ang araw. Nag-aagaw na ang dilim sa liwanag ng araw.
Hindi ako tumayo dahil nanginginig na naman ako.
Heto na naman, bumibilis ang t***k ng puso ko. Napalunok ako.
"Tara na po, baka abutin ka pa ng dilim bago makauwi." saad niya habang isa-isang kinuha ang mga gamit.
Nakayuko lang ako.
"Ate?" tawag niya sa'kin kaya napatingin ako sakanya.
"Tara na?" aya niya.
Agad kong hinawakan ang braso niya. Napalunok ulit ako.
Napansin niya atang nanginginig ako dahil sa paghawak ko sa braso niya kaya tinanong niya ako kung okay lang ba ako.
"Lila..." tangi kong saad habang namamasa na ang mga mata ko.
Paulit-ulit kong naalala ang vision na nakita ko sa mga mata niya.
Umiling ako habang unti-unti nang kumawala ang mga luha ko.
"Ate, ayos lang po ba kayo? May masakit ba? Anong nangyari?" nag-aalala na niyang tanong.
Nahihirapan na akong makahinga dahil sa takot at pangamba.
"Ate Lila!" rinig kong tawag ng isang bata sa 'di kalayuan. Lumingon si Lila, pati ako. Nakita ko ang kapatid niya na papalapit sa'min.
"Tinatawag ka na ni tito." saad niya pagkalapit sa amin. Napansin ko na bumuntong-hininga si Lila.
Ibinigay niya sa kapatid niya ang mga gamit niya at sinabing itago ito sa bag nila.
"Itago mo 'to Renzo, gamit nating dalawa 'to." bulong niyang saad sa kapatid. Mukhang natuwa ang kapatid niya kahit hindi pa nakikita ang lahat ng gamit kaya agad siyang tumango at mabilis na itinago ang mga gamit at tumakbo pauwi.
"Raven." rinig kong saad ng nasa likod ni Lila. Napatingin ako.
Si Elise. 'Yung babaeng nasa panaginip ko.
Itinaas niya ang kamay niya, at kahit hindi ko alam ang gagawin niya ay sinubukan kong unahan iyon.
"Lila, mag-ingat ka. Huwag kang uuwi, plea--" hindi ko na natapos ang mga paalala ko kay Lila dahil narinig ko ang pagsnap ng daliri niya.
Masyadong malakas iyon na parang tuluyan akong nabingi.
Dumilim ang paligid ko.
***
Nagising ako dahil sa liwanag.
Nakita ko ang ilaw na nakakasilaw.
"Gising na siya." rinig kong saad ng kung sino man.
Pinakiramdaman ko muna ang sarili. Tuluyan na akong nakakita.
"Raven, buti naman at gising ka na." saad ni Isagani. Nakakunot ang noo ko at pinagmasdan ang paligid. Wala kami sa cottage.
"Nandito tayo sa building na katabi ng canteen." saad niya.
"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala niyang tanong sa'kin. Umiling lang ako.
"Saglit lang, tatawag ako ng doktor at ipapaalam ko na gising ka na kila Violet." saad niya.
Inaalala ko ang nangyari bago ako magising dito.
Si Lila!
Nagpanic ulit ako.
"Raven, calm down!" takbong saad ni Violet.
"S-si Lila. Kailangan niya ng tulong. Si L-lila, Violet. Mamamatay siya, kailangan niya ng tulong." paulit-ulit kong saad kay Violet.
"Ano bang sinasabi mo, Raven? Binangungot ka ba?" takang tanong ni Aleis, pati rin si Isagani ay nagtataka pero mas nakikita ko sakanya ang pag-aalala.
Si Violet naman ay nanatiling tahimik.
Tumingin siya sa'kin.
"Boys, pwede bang tawagin niyo na 'yung doktor? At saka iwan niyo muna kami. Papakalmahin ko lang muna siya." saad niya sa dalawa. Kahit na naguguluhan ang dalawa sa nangyayari ay wala silang nagawa kun'di umalis.
Nang umalis sila ay umupo si Violet at tinanong ako kung ano ba 'yung ibig sabihin ng sinasabi ko.
"Si Lila. Mamamatay siya. 'Yung batang binigyan ko ng regalo. Mamamatay siya, pero mas malala kumpara sa iba. Nag-aalala ako, Violet. Ayaw kong mamatay siya nang gan'on." saad ko at tuluyan na akong naiyak.
Mukhang malalim naman ang iniisip niya.
"Sino si Lila? 'Yun ba 'yung babaeng kasama mo kanina?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. Oo, kasama ko siya kanina.
"Paano ako napunta rito?" tanong ko.
Nagtaka naman siya nang mag-iba ang tanong ko.
"Uh, tumawag ka kasi sa'kin. Sabi mo bilisan ko ang pagpunta kasi masama ang pakiramdam mo. Pinapunta mo ako sa may lawa." kwento niya. Napasinghap ako.
"Tapos 'pag dating namin ni Isagani, wala ka ng malay. Mabuti na lang at may kasama kang batang babae na humihingi ng tulong. Sumama rin siya hanggang dito. Pero umuwi na siya kasi sinundo siya ng parent niya ata." tuloy niya. Nagulat pa rin ako sa nangyari.
Hindi ako 'yung tumawag.
P-paano?
"A-anong oras na?" tanong ko. Agad naman siyang tumingin sa phone niya.
"4:36 nang madaling araw na sis" saad niya. Mas lalo akong nagulat.
"Kailangan nating puntahan si Lila, please. Violet ikaw lang nakakaintindi sa'kin, please. Hindi ako matatahimik." saad ko.
"Oo na, sige. Pero ayos ka na ba talaga? Baka mamaya naman ay bigla ka ulit himatayin." nag-aalala niyang saad. Umiling ako.
"Okay lang ako. Mas hindi ako mapapakali kung hindi ko nakitang buhay si Lila." saad ko.
Agad naman kaming lumabas ng building at nagulat ang dalawa dahil nagmamadali kami.
"Isagani, 'yung sasakyan." utos ni Violet. Nagmadali naman si Isagani.
"Ano ba nangyayari sainyo?" naguguluhang tanong ni Aleis.
"Mamaya ka na muna Aleis, pwede? Nagmamadali kami." saad ni Violet. Medyo napatahimik si Aleis dahil sa inasal ni Violet.
Sumakay kami sa sasakyan, kaming apat. Sinabi ko kay Isagani na ihatid kami sa may lawa. Wala akong ibang iniisip ngayon kun'di si Lila lang.
Wala pang limang minuto ay nakarating naman kami.
Dire-diretso akong naglakad at nakasunod sila sa'kin. Pumunta ako sa bahay nila Lila.
Kahit madilim ay nakabisado ko ito. Nang makarating ay agad akong kumatok nang malakas. Wala akong pakialam kung may makarinig sa ingay.
Paulit-ulit akong kumatok nang malakas.
"Raven, huminahon ka." saad ni Isagani pero 'di ko siya pinakinggan.
Hanggang sa nagbukas ang pinto.
Ang kapatid ni Lila ang nagbukas, halatang kakagising lang.
"Ate?--Ay." saad ng bata. Akala niya ako ang kapatid niya.
Nang sabihin niya 'yun, mas lalo akong kinabahan.
"N-nasaan ang ate mo?" tanong ko sakanya.
"Hindi ko po alam. Paggising ko po ngayon, wala pa rin siya. Sabi niya, magkukulay pa raw po kami eh." malungkot niyang saad.
Kumawala na ang mga luha sa mga mata ko.
Nanghina ako, napaupo ako sa may pintuan nila.
"Raven," nag-aalalang tawag ni Violet.
Napahilamos ako sa mukha.
Wala akong dapat na sayangin na oras.
"Sumama ka sa'min?" pag-aya ko sa bata.
"Mas ligtas ka sa'min. Hahanapin natin ang ate mo, ha?" nahihirapan kong saad sakanya. Tumango siya at agad na dinala ang regalo ko kay Lila.
Kahit walang nalalaman ang mga kasama ko ay sumusunod lang sila sa'kin.
"Pwede po bang hindi na ako bumalik doon? Ayaw ko na po r'on. Si ate, sigurado pong sasama rin sa atin." saad niya sa'kin habang hawak ko ang mga kamay. Tahimik akong umiiyak habang naglalakad.
Sumakay kami sa sasakyan.
"Bumalik na tayo sa camp. Irereport ko 'to sa mga pulis." saad ko. Agad kaming nakabalik sa camp.
Nireport ko sa pulis na may bangkay sa may lawa. Ako ang mismong kumausap. Sinabi ko rin na ako ang naka-witness.
Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag ang mga 'to pero mamaya na lang. Basta ang importante ay mahanap si Lila.
Ngayon, mas nagiging malinaw na huli na ang lahat.
"Renzo, palagi ka bang sinasaktan ng tito mo?" tanong ko sa kapatid ni Lila habang nasa building kami. Nakikinig naman sa tabi sina Violet.
Tumango si Renzo.
"Palagi po. Pati rin si ate." saad niya. May kasama rin kaming mga taga-DSWD dito. Iniinterview nila 'yung bata, buti na lang ay mga taga-DSWD na kasama sa Liwanag Project. Hindi ako nahirapan sa pagtawag.
"Miss Raven, natagpuan na po." rinig kong saad ng isang pulis na dumating dito. Iniwan muna namin si Renzo doon at agad na dumiretso sa may lawa.
Naabutan naming inilalagay ang bangkay ni Lila sa ambulansya.
Nagsimula na naman akong umiyak nang makita siya... --siyang wala nang buhay.
Agad ko ring inutusan ang mga pulis na hanapin 'yung tito nila na sigurado akong naroon lang sa bahay nila.
Siya. Siya ang pumatay kay Lila.
Alalang alala ko.
Hindi ko maintindihan.
Bakit gan'on?
Bakit kailangan niyang mamatay nang ga'non!?
If only I saved her.
Elise, kasalanan mo 'to!
K-kasalanan ko lahat nang 'to.