"Pero hindi ko na ata kaya." saad niya. "Huwag mong sabihin 'yan." bara ko. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Matagal ko namang tanggap na hindi ako o siya, kami magtatagal sa mundong 'to. Kaya okay lang sa'kin, kahit masakit isipin. Iyon ang katotohanan." saad niya. Yumuko ako. Hindi ko pa rin kinakayang pakinggan ang mga pamamaalam. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko, kung paano ko siya i-cocomfort. Dahil hindi ko naman masabi na mabubuhay pa sila nang napakatagal na mga taon. Kung palagi ko ring nakikita ang kamatayan niya. Biglang may nagbukas ng pinto kaya napalingon kaminh dalawa. Ang nurse pala ni Zyriel. "Oras na para magpahinga si Zyriel, maaari ka nang makauwi." striktong saad ni Sheryl na nurse ni Zyriel. Tumayo naman ako at nagpaalam na sakanya. "Bibisita u

