Nandito ako sa loob ng kwarto ni Jacob, kausap ko kanina ang mga magulang nila Zyriel at Jacob. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Jacob, pero maayos naman na raw ang lagay niya. Kani-kanina lang din na-announce na wala na nga si Zyriel. Kaya nandito ang dalawang pamilya nila. Nagpakilala ako bilang kaibigan nila. At ngayon naman ay nandito kami't naghihintay pa rin. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman ni Jacob ang naganap n'ong time na wala siyang malay. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain sakanya na... n-na hindi na siya nahintay ni Zyriel. N'ong time na bumitaw si Zyriel sa pagkakahawak niya sa'kin, hindi ko na napigilang humagulgol sa takot. Isa na namang kaibigan ang nawala sa harap ko pa mismo. "Anak?" rinig kong saad ng nanay ni Jacob. Napatingin na

