Chapter 13

2209 Words
Natapos na ang prusisyon at pag-uwi namin ay kumain na kami ng hapunan na inihanda namin nila Manang kanina. Pero hindi katulad kanina na maraming bisita, ngayon ay puro mga kamag-anak ni Manang ang nadito- ang pamilya ni Aling Flor at kami. Tinuloy na ulit nila ang kasiyahan, sina Rachel naman at ang mga kapatid niya ay nauna nang umakyat sa taas dahil maaga pa ang pasok nila bukas. Malalim na ang gabi nang matapos na ang party sa bahay, tumulong ako kina Manang sa paglilinis ng buong sala at kusina, pati na rin sa balcony. Nang matapos na ang pag-aayos, tumambay muna ako sa labas para magpahangin. Hindi ko pa kasi feel matulog. "Raven, hija. Hindi ka pa ba inaantok?" rinig kong tanong ni Manang kaya napalingon ako, papalapit siya sa'kin. "Hindi pa po." tipid kong sagot, umupo siya sa tabi ko. Napansin kong nasa loob pa si ate Kristie, siya lang siguro ang nag-aayos sa loob. "Ano, kumusta naman ang stay mo rito? Nag-eenjoy ka naman ba?" pangangamusta ni Manang. Tumango naman ako. "Sobra po, Manang. Ang dami ko pong natututunan na mga bagong bagay. Marami rin po akong na-experience for the first time." natutuwa kong saad. Buti na lang talaga, nakilala ko sila. "Salamat po sa pagpapatuloy niyo sa'kin, pati rin po sa pag-aalaga niyo. Ngayon ko lang po naranasan 'yung ganitong mga bagay." nahihiya kong saad. Ngumiti naman siya. "Wala 'yun. Salamat din dahil sa'yo, nakasama ko ang pamilya ko. Ikaw din ang nagsilbing karamay ko n'ong mga panahong walang wala ako." saad niya. Nakangiti akong tumitig sakanya. Unti-unti ko ulit nakita ang visions ko. Mas nagiging malinaw at makatotohanan ang mga pangyayari. Dahil doon ay nalungkot ako. Kaya umiwas na ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding lungkot at pagka-miss, kahit nandito pa siya sa tabi ko. Itinuturing ko na siyang para kong ina. "Bakit hija? May problema ba?" nag-aalala niyang tanong nang mapansin akong parang tulala. "Mamimiss ko po kayo." mahina kong saad. "Bakit, aalis ka na ba?" naguguluhan niyang tanong. Ilang sandaling katahimikan ang nanaig. Hindi ko alam kung bakit bigla rin siyang nanahimik. "Natutuwa ako na nagkakasundo na kayo ng mga anak ko. Alam mo bang itinuturing na kitang parang anak ko rin? Para ka na naming pamilya rito." saad niya. Nagchange topic pa nga. "Opo. Dahil po ang babait niyo pong pamilya. Hindi niyo po ako itinuring na bisita, kun'di parang pamilya." tugon ko. Maya-maya ay nagsalita ulit siya. "Kampante na akong malaman na kaya na ng mga anak ko na tumayo sa sarili nilang mga paa. Kung iisipin, parang kahapon lang na mga bulinggit pa ang mga iyon, ngayon tingnan mo nga naman, sobra kong maipagmamalaki." proud niyang kwento. "Si Robert, ang panganay kong anak. Nakita ko kung paano maging responsableng kuya, hanggang sa maging responsableng ama. Hindi ko aakalain na maabutan ko pa ang apo ko." tuloy niya. Nawala ang mga ngiti ko. Habang tumatagal na nagkukwento siya, para siyang may pinapahiwatig. At hindi ko 'yun nagugustuhan. "Si Isagani, ang talented kong anak. Ngayon nagsisimula na niyang tuparin ang mga pangarap niya. Kahit pa gan'on, ay makikita mo ang pag-aalaga niya sa pamilya niya. Hindi niya pa rin kami kinakalimutan. Makikita mo sakanya ang pagiging matiyaga at lakas ng pasensya." Parang nasa kanya na ata ang lahat. "Haha, ang dalaga kong si Rachel. Pasensya ka na hija kung minsan ay masyado ang tabas ng dila ng babaeng iyon. Hindi lang talaga siya basta-basta nagtitiwala sa mga taong hindi pa niya gan'on kakilala. Pero kahit gan'on ang ugali ng batang 'yun, maasahan at masunurin pa rin naman siya. Lahat ng mga payo at utos ko, sinusunod niya. Kung minsan, napapatanong ako. Kung ginagawa ba niya ang mga bagay na gusto niya o ang mga bagay na alam naming magugustuhan namin sakanya. Hindi rin kasi iyon pala-kibo sa mga nararamdaman niya." pag-aalala niyang saad. Bumuntong-hininga ako. May similarities pala kami. Pero naiinggit ako sakanya dahil meron siyang ina na nag-aalala sa nararamdaman niya. Sana maappreciate ni Rachel ang lahat ng sinasabi ng nanay niya. "Si Leo naman ang pinakamakulit at pasaway na anak ko. Minsan, hindi talaga maiiwasan na matatawag ako sa eskwelahan nila dahil sa kakulitan. Pero ang batang 'yun, madiskarte at mabilis makaisip ng mga paraan lalo na kapag may problema." Sigurado akong marami pang matututunan si Leo. Siguro pagdating ng araw ay mababawasan na ang pagiging pasaway niya, haha. "At ang bunso kong si Ningning. Talagang napakalambing at maaalahanin. Hindi siya takot ipaglaban kung ano ang sa tingin niya ang tama. Opposite sila ng ate niya." Nag-aalala ako sa mga anak niya, lalo na kay Ningning. Ningning is too soft and innocent to suffer, at para iwanan. "Mahal na mahal niyo po ang mga anak niyo, 'no." tangi kong saad. Agad naman siyang tumango. "Sobra." saad niya. Mukhang nalungkot pa siya nang sambitin ang sinabi niya sa'kin. "S-sobra ding masakit." mahina niyang tuloy. Tumulo ang luha ko. And then, I suddenly know that the end is near. Hindi ko ipinakita kay Manang ang mga luha ko. Baka magtaka siya kung bakit ako umiiyak. "Nasabi ko naman na sainyo, lahat. Sobra akong nagpapasalamat dahil binigyan ako ng pagkakataon na mag-alaga ng mga anak. Nagpapasalamat din akong dumating ka, hija." tuloy pa niya. Sabi nila, kapag feel natin ay naghahabilin or namamaalam na ang isang tao, dapat binabara para hindi matuloy. Pero hindi ko magawang barahin ang mga sinasabi niya, dahil nakita ko. Dahil alam ko. Alam kong wala na akong magagawa. Nakayuko akong umiiyak. "Ikaw ang magsilbing kasiyahan at pag-asa nila." habilin niya sa'kin. Tumango lang ako, kahit mahirap na maging gan'on, tinanggap ko. Basta para sakanya. "Oh sya, mauuna na ako, Raven. Magpapahinga na ako." tumayo siya at nagpaalam. Lumingon naman ako at nasilayan niyang basa ang mga mata ko. 'Yung huling sinabi niya ay parang pamamaalam na talaga. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto, habang ako naman ay naiwan sa labas. Tinitingnan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Alam kong mangyayari 'to, pero kailan nga ba? Kailan nga ba siya lilisan sa mundong 'to? Para naman maihanda ko na ang sarili ko. *** Kinabukasan ay hindi ko inaasahang magigising ako ng sobrang aga. Mga 4 a.m. Dahil siguro hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip kay Manang. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. Siguro tutulong na lang ako sa paghahanda ng almusal. Pero paglabas ko ay naramdaman ko ang lamig ng hangin. Medyo madilim sa baba. Huh? Bakit naman kaya? Sinubukan kong pumunta sa baba para silipin kung naghahanda na sila Manang. Pero nagulat ako dahil sobrang dilim pa sa baba. Kaya agad kong binuksan ang ilaw. Walang tao. Hindi kaya nananaginip na naman ako? Kinurot ko ang sarili ko, pinakiramdaman ko ang mga kamay ko kung normal pa ba ito. Mukha namang normal. Tumingin ako sa orasan, alas kwatro naman. Sinampal ko ulit 'yung sarili ko. At nasaktan ako. Ang alam ko, ganitong oras na naghahanda si Manang Fe. Lunes ngayon at may pasok pa sila, kaya paniguradong gising na siya. Chineck ko naman ang labas, sa bakuran. Dahil baka nagwawalis siya. Chineck ko rin ang tsinelas niyang panlabas, baka kasi maagang namalengke. Pero nakita ko naman ang pares ng tsinelas niya rito. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Napatingin ako sa taas, sa kwarto ni Manang. Nanlalamig na ang mga kamay ko, at kinakabahan ako. Biglang tumulo ang mga luha ko. Agad akong umakyat para katukin ang pinto ng kwarto ni Manang. "M-manang? Nandiyan po ba kayo?" katok ko. Medyo hininaan ko lang kasi baka nakakaistorbo ako sa ibang natutulog. Nakita ko sa lapag ang pares ng panloob niyang tsinelas. Sure na akong nandito siya sa loob. Kumatok ulit ako. Ilan pang katok. Pero hindi ito bumubukas. Nawawalan na ako ng pasensya. Naghanap ako ng susi. Inalala ko kung saan nilalagay ang mga susi. Pumunta ako sa may hallway ng floor na 'to, hinalungkat ko ang ilalim ng mga paintings at decorations. Buti na lang, may nakita akong susi. Kaya lang, hindi ako sure kung sa kwarto 'to ni Manang. Nanginginig kong ipinasok ang susi sa doorknob. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil nagclick ito, ibig sabihin ay nabuksan ko. Huminga ako nang malalim bago tuluyang buksan ang pinto. Pagbukas ko, madilim ang buong kwarto. Dahan-dahan akong pumasok. Malapit sa bintana ang kama ni Manang. Nakita ko siyang nakahiga, mukhang mahimbing na natutulog. Gusto kong isipin na pagod lang siya kaya hindi siya maagang nagising. 'Yun na lang sana ang dapat kong isipin. Nakita ko sa bintana na unti-unting nagkakaroon ng liwanag. Mukhang malapit nang sumikat ang araw. Umupo ako sa tabi niya at lumapit. Nanginginig pa rin ako, tinapik ko ang balikat niya para gisingin siya. "Manang," mahina kong saad. "Manang Fe, g-gising na." naiiyak kong saad. Nakita ko naman na nakapikit pa rin siya. "Manang Fe, umaga na po. Baka po malate 'yung mga anak niyo. Tutulungan ko na lang po kayo para mapabilis ang mga gawain niyo." tuloy ko. Linakasan ko na ang tapik ko sakanya. At linakasan ko na rin ang pagtawag sa pangalan niya. "Manang Fe..." nanghihina kong tawag. "H-huwag naman po kayong magjoke nang gan'yan. Hindi po magandang biro.." nahihirapan kong saad kahit.. Kahit ito na 'yung... 'Yung nakikita kong nangyari sa mga mata niya. "Manang.. Ito. Ito 'yung nakita ko.. Bakit?" tuluyan na akong humagulgol nang maalala ko nang tuluyan ang lahat ng nakita ko sa mga mata niya. Nanginginig kong chineck kung humihinga pa siya, chineck ko ang pulso niya. Hindi ko alam kung namamanhid ba ako o ano, pero wala akong maramdaman. Biglang nag-glow ang anino niya. Naging kulay itim na ito. Unti-unti akong umiwas at lumayo sa kama, takot na takot. Hindi ko maintindihan pero takot na takot ako sa nakikita ko ngayon. P-parang nakita ko na 'to noon. Nabaling naman ang tingin ko sa pulsuhan ko. Nakita ko ulit ang mga numero at sobra ang liwanag nito. Feel ko napapaso ako kahit hindi ko 'to maramdaman nang literal. Napaupo ako sa sahig at ipinikit ang mga mata ko. Ayaw kong tingnan ang mga ito. Sana panaginip na lang ang lahat nang ito. Please, sana panaginip na lang. Tulungan mo ako, Elise. Gusto ko na lang managinip. Ito na lang ang maging panaginip. Ayaw ko na... Hindi ko kaya! Raven, Tumingin ka. Bigla naman akong dumilat at napatingin sa paligid. Nandito pa rin ako, pero wala na ang itim na lumulutang kanina. Wala na ring glowing numbers sa wrist ko. Pero nand'on pa rin si Manang nakahiga. Dahan-dahan akong lumapit. Yinugyog ko siya nang malakas. "Gumising ka!" sigaw ko habang humahagulgol. Hanggang sa napagod na lang ako at tumungo na lang ako sa tabi ng kama na umiiyak pa rin. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni Manang, malamig ito. Hinaplos ko ang kamay niya. Mas lalo akong umiyak nang maramdamang wala na nga siya. Hindi ko naman aakalain na ganito kabilis, hindi naman ako nakapaghanda. Bakit? Bakit hindi ko agad nalaman? "Raven?" rinig kong tawag ni Isagani. Napalingon ako, kahit na hindi maayos ang hitsura ko. Nakita ko siya na nakatayo sa pintuan, nagtataka kung bakit ako nandito. Mukhang kagigising niya lang din. Inobserbahan niya ang paligid. Agad siyang lumapit. "B-bakit?" tanong niya sa'kin. Dahan-dahan akong umiling habang hawak pa rin ang kamay ni Manang. Tuluyan na naman akong humagulgol. "M-ma? A-ano ba 'to, Raven? Bakit nandito ka? A-anong nangyayari? Ma!" saad ni Isagani. Tinapik niya si Manang pero gan'on pa rin ang nangyari, walang anumang response galing sakanya. "Ma! Gising na, malalate na sila Rachel kapag hindi nahanda 'yung baon nila. Ayaw mo pa namang hindi sila nababaunan. At saka mas ayaw mong nalalate sila 'di ba?." bulong na saad ni Isagani sa tainga ng ina, tuluyan na siyang lumapit sa'min. Nabitawan ko ang kamay ni Manang at unti-unting lumayo habang naiyak pa rin. Kinapa ni Isagani si Manang, chineck niya. Nang marealize niya kung ano ang kalagayan ng ina, unti-unti siyang nanghina. Yinakap niya lang si Manang at maya-maya, humagulgol na rin ito. "Ano ba 'to, ang ingay ingay naman!" sigaw ni Rachel na mukhang badtrip. Pero nang makita ang mga reaksyon namin, biglang nagbago ang pagtingin niya. "K-kuya, ano ba nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Rachel nang malapitan ang kapatid na nakayakap pa rin sa ina. Walang sumagot sakanya. Tahimik na tumakbo si Rachel palabas. Nakatayo lang akong umiiyak. "Ano?--" patakbong saad ni kuya Rob. "Ma!" sigaw ni kuya Rob, napansin ko namang nasa labas sina Rachel at ate Kristie na parang umiiyak na rin. Binuhat agad nila si Manang palabas para dalhin sa hospital. "T-tumawag kayo ng sasakyan!" natatarantang saad ni kuya Rob. Agad namang kumilos si ate Kristie. Habang ako ay naiwan lang sa kwarto, umiiyak pa rin. Ngayon lang ako nakakita ng namatay na malapit sa'kin. Yet it feels like I've felt this grief and fear before. Sobra akong takot na takot sa nangyari. Sobra din akong nalulungkot. Pumikit ako habang tumutulo pa rin ang mga luha ko. Elise, I think I can't handle this...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD