Chapter 12

2220 Words
Natapos na ang sayawan. Lumapit kami kina kuya Rob na nasa gilid lang pala na mukhang naghihintay sa'min. "Galing niyo sumayaw, Raven. Bagay kayo!" asar ni ate Kristie. Uhm, it's kinda awkward. "Ano ba 'yan, kuya Leo. Ang panget mo naman sumayaw, nakakainis. Dapat pala doon na lang ako nakisayaw--" inis na sigaw ni Ningning na papalapit sa'min. Lumingon kami dahil ang ingay nila. "Anong doon!? At saka niyaya mo kaya ako! Hep! At saka r'on? Sa nagyaya sa'yo? Hoy, hindi pwede 'no!" sigaw namang saad ni Leo sa kapatid niya. "Oh tama na 'yan. Tapos na ang sayawan, 'di ba? Move on na nga kayo." suway ni kuya Rob habang si Isagani at ate Kristie ay tumatawa lang. "Sila mama pala kanina pa umuwi." saad sa'kin ni Isagani. Napansin niya atang sandali kong hinanap sila Manang Fe. "Oo. Kailangan pang matulog ni Aiko, at saka gabing-gabi na rin eh." sabat ni ate Kristie. Aiko ang pangalan ng anak nilang lalaki. "Tara na umuwi na tayo." pag-aya ni kuya Rob. Nang makarating kami sa bahay ay kanya-kanya na silang dumiretso para matulog. Sa totoo lang, nakakapagod ang araw na ito. Ang daming nangyari pero kahit pa gan'on, masasabi kong mas nag-enjoy ako. "Nag-enjoy ka ba?" rinig kong tanong ni Isagani kaya lumingon ako sakanya. Kakaisip ko lang nung about sa enjoy, hanep. "Oo naman." saad ko habang umupo sa sofa ng sala. "Masaya ako dahil may mga bagay akong na-experience ulit at na-experience for the first time." tuloy ko. "Kaya salamat," saad ko. Ngumiti siya. "Salamat sainyong lahat." *** Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit hindi pa naman oras ng almusal. Sabado ngayon kaya sabi ni Manang ay mga alas sais na raw nagigising ang mga anak niya. Nagwalking ako nang madaling araw, at ako lang ang mag-isa. Kahit papaano ay kabisado ko naman na ang daan mula sa bahay papunta sa park kaya nagawa ko iyong lakarin. Pagbalik ko, nakita kong nakatambay ang magkakapatid sa balcony ng bahay. Habang si ate Kristie naman ay nagwawalis sa bakuran. "Hala ate Raven, nagwalking ka pala. Hindi mo naman ako sinabihan, edi sana sumama ako." saad ni Ningning. "Luh Ningning, hindi ka nga makaunat ng buto kahit dito lang sa bahay eh." sabat naman ni Isagani. At nag-asaran na naman sila. Wala naman masyadong ginawa ngayong araw kun'di umalis ulit at pumunta sa palengke. Sabi ni Manang ay mamimili siya ng mga putahe para sa mga ihahanda para bukas. Dahil bukas na ang mismong fiesta. At dahil si Manang at ate Kristie lang ang nagluluto, nakisali ako sakanila. Sinabi ko kay Manang na gusto kong matuto magluto. To be honest, medyo nahiya pa akong iapproach sila tungkol d'on. Dahil I'm in my 20's and everyone's assuming pa naman na women should know how to cook. Well, wala naman akong pakialam sa mga gan'on pero gusto ko rin talaga matutunan. This could be added into my hobby list. "Ang bilis mo naman matuto, Raven." komento ni ate Kristie na tinuturuan ako kung paano magcut ng mga meat and vegetables. Itinuro din niya ang iba't-ibang kutsilyo and 'yung functions and description n'on. "Kaya mo bang magprito, Raven?" tanong ni Manang Fe. Umiling ako. "Eh magsaing?" tanong naman ni ate Kristie. Umiling ulit ako. Mukha namang nastress ang dalawa. "Oh sya, turuan mo nga magsaing at magprito muna ang babaeng ito." saad ni Manang habang busy sa linuluto. Tumango naman si ate. Itinuro sa'kin ni ate Kristie kung paano magbukas ng stove at paano magsaing. And she also teached me some ways para i-measure 'yung tubig na nasa bigas. It's convenient and smart, actually. Sinabi rin niya kung paano malalaman kapag luto na ang kanin at paano ito tatanggalin at ihahain. Next na ginawa namin ay ang pagpiprito. I was kinda scared na matalsikan ng mantika. Pero natalsikan pa rin ako, at medyo masakit siya sa totoo lang. Nang matapos si ate Kristie sa pagtuturo sa'kin, itinuro naman sa'kin ni Manang Fe ang niluluto niya. Ang dami kong natutunan sa pagluluto. Sabi ni Manang, para mas matuto raw ako, dapat sumama ako sakanila sa pagluluto at paghahain ng pagkain. Agad naman akong pumayag dahil mukhang nakakaexcite iyon. Kaya pala busy sila Rachel na nag-gugupit ng kung ano-ano, idedesign ata sa bahay. Para daw makulay ang bahay pagdating bukas. Maraming dekorasyon ang ginamit nila, may mga banderitas, abaniko, at mga makukulay na ilaw. Linagyan nila ito ng mga designs. In fairness, ang gaganda. "Raven, ba't hindi ka sumali sakanila? Mukhang magaling ka rin naman sa pagdidisenyo." saad ni Manang Fe. Nakakahiya naman, mukhang gamay na gamay na nilang magdesign. Kaysa naman ako na hindi ko naman talaga gawain. Baka makaistorbo lang ako. "Oo nga, ate. Nakita kaya kita na nagdedesign ng notebook mo. Ang galing mo kaya!" compliment ni Ningning. Wala na tuloy akong nagawa kun'di tumulong sakanila. Kahit minsan ay ang sungit pa rin ng turing sa'kin ni Rachel. Kapag ito talaga sinungitan ko rin, hay nako. Ang iba ay naggugupit ng mga colored papers para sa design ng mga banderitas, nagdadrawing naman ang iba ng mga designs, at ang iba ay naglalagay n'on sa labas at loob ng bahay. Natapos kami nang gabi na. Nakakapagod nga lang pero nag-enjoy pa rin dahil sa pagitan ng mga pagdedecorate namin ay nagkukwentuhan din kami. This is what it feels to have a family. I mean, 'yung normal lang. Masaya pala 'yung ganito. Nagpapasalamat ako dahil kahit once in my life, na-experience ko 'to. I'll surely treasure these moments for the rest of my life. Oras na para matulog, sinulat ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kahit pa recently lang nangyari ang mga ito, para pa rin akong nagrereminisce. Tumingin ako sa bintana at tinanaw ang buwan na sobrang maliwanag at maganda. Napangiti ako. Pagkatapos ng pagrereflect ko, natulog na ako. Sure akong marami pang mangyayari bukas. *** "Oh, magsi-ayos na kayo at pupunta na tayong simbahan para magsimba! Dali na, mauubusan tayo ng mga silya!" paalala ni Manang Fe. Busy ang mga tao sa bahay dahil nagmamadaling mag-ayos. Buti na lang, maaga akong nagising. I'm wearing a puff sleeves plain white dress dahil nga magsisimba raw. Actually, ngayon lang ulit ako makakasimba. Usually kasi nagsisimba lang kami kapag may occasion like Christmas, and sometimes tuwing birthday ko pero ako lang din mag-isa. "Wow. Ang ganda mo, Raven." komento ni Leo habang nakatitig sa'kin. Binatukan naman siya ni Rachel kaya nabaling ang tingin ni Leo sakanya. Bigla tuloy akong naconcious nang icompliment ako ng iba dahil sa suot ko. Umalis na kami at pumunta ng simbahan. Pagkarating d'on ay tama nga si Manang dahil napakaraming tao na ang nandoon. Buti na lang at nareserve kami ng upuan ni Aling Flor. Malaki rin pala ang loob ng simbahan na ito. Luma siyang tingnan kapag nasa labas, pero kapag nasa loob ay sobrang linis at napakaganda pa rin. Halatang buhay na buhay ang simbahan dahil palaging dinadayo ng mga tao rito sa Las Espadas. Isang oras ang lumipas, natapos na ang misa at opisyal na winelcome ang fiesta sa Las Espadas. Nagsimulang mag-ingay ang mga tao. Umuwi naman kami para maghanda. "Halina kayo Kristie, Rachel, at ikaw Raven. Tulungan niyo kami ni ate Flor dito na maghanda ng mga pagkain. Marami tayong lulutuin ngayon." nagmamadaling saad ni Manang Fe pagdating namin sa bahay. Hindi na tuloy kami nakapagpalit ng pambahay. Si ate Kristie ang umalalay sa'kin at nagsilbing partner ko sa mga tasks na pinagawa ni Manang. Kami ang magluluto ng Lumpiang Shanghai na nawrap na kagabi, Kaldereta, at Spaghetti. Si Rachel naman ay nakatoka sa mga desserts habang sila Manang Fe at Aling Flor ay bahala sa karamihan ng mga pagkain. Sobrang busy kami, buti na lang mabilis akong matuto kaya walang nagiging aberya sa mga niluluto namin. First time ko kasing magluto ng ulam na pagkain at saka 'yung mga maraming steps and ingredients. Pinagpawisan ako sa pagluluto kaya pagkatapos naming magluto ay nagpalit ako ng damit. Pero naka-dress pa rin naman ako. Sabi kasi ni Manang ay may prusisyon daw mamayang hapon, makikisali kami. Ito na lang din siguro ang isusuot ko. Dumating na ang tanghalian at nakahain na ang napakaraming pagkain. Medyo proud ako sa sarili ko dahil nakatulong ako sa pagluluto ng tatlong pagkain. Maraming bisita ang dumayo sa bahay nila Manang, karamihan ay mga kamag-anak din nila. Ang pamilya nila Aling Flor ay dito rin nakikain. Ipinakilala naman ako ni Manang sa karamihan. Pumwesto ako sa sala kung nasaan din kumakain ang mga magkakapatid. Nakatabi ko pa tuloy si Rachel. "Kuya, akin na lang kasi 'yang pineapple. Dali na!" mahinang pasigaw ni Rachel kay Isagani. Umiling paasar naman itong si Isagani at umalis para kumuha ata ulit ng pagkain. "Ang damot naman!" inis niyang saad. Tahimik lang akong kumain. Napansin ko naman na nagkukwentuhan sina Ningning at iba nilang kamag-anak, pati rin si Leo. Bigla tuloy akong nanahimik dahil wala naman akong kakilalang ibang tao kun'di ang pamilya lang ni Manang Fe. "Gusto mo?" tanong ko kay Rachel. Napalingon naman siya sa'kin. Balak ko sana ibigay ang pineapple sakanya. Mukha kasing gusto pa niya kahit ang dami-dami pang pinya sa plato niya. "Uh, medyo allergic kasi ako rito eh." tuloy ko. Nangangati 'yung dila ko at saka 'yung lalamunan ko kapag kumakain ng pinya. "Ayoko nga. Tapos ano, kakain ako ng tira mo? No way." saad niya. Galit na galit siguro siya sa mga kagaya ko. "Ano namang big deal d'on? At saka hindi naman 'to tira ah, Wala pa nga akong nakakagat eh." saad ko. Inirapan niya lang ako. "Okay sige, itatapon ko na lang 'to." biro kong saad at umaktong aalis. Tumaas ang kilay niya. "Akin na lang, Raven. Para hindi masayang." saad ni Leo at akmang kukunin ang plato. Pero hinampas ni Rachel ang braso ni Leo. Mabilis niyang kinuha sa'kin ang plato at umalis. Nagkatinginan kami ni Leo at parehong natawa dahil sa inasal niya. Nagkaroon din ng videoke sa may balcony ng bahay, dahil malawak ang bakuran ng bahay, naroon mostly ang mga kamag-anak nila. 'Yung mga nag-iinuman. Nakaupo lang ako sa gilid habang nanonood sa mga kumakanta sa videoke. "Hoy, Isagani. Kumanta ka naman! Ikaw ang pambato ng mga singing contests dito eh! Mana sa nanay!" aya ng isa nilang kamag-anak. Oo nga pala, naalala ko na sumasali dati si Manang Fe sa mga singing contests. Bagay na mukhang namana ni Isagani kahit hindi naman sila magkadugo. Mukha namang nahihiyang lumapit si Isagani pero sa huli ay kumanta pa rin siya. He has a deep and soulful voice and it's very pleasing to my ears. Ang talented niya and I admire everything about him. Eh? Ano bang sinasabi ko. Naisipan ko na lang pumasok sa loob at tumulong kina ate Kristie na magligpit ng mga pinagkainan. Marami-rami din kasing huhugasan at lilinisin. Hindi pa naman totally tapos ang handaan dahil may part 2 pa mamaya, at hinahanda lang namin 'yun. Nagdagdag si Manang ng mga pagkaing ihahain para mamaya after siguro ng prusisyon. Tumulong kami para mapabilis ang gawain. Ilang oras pa ay kumonti na lang ang bisita, puro mga kamag-anak na lang ang nandito pa. Pinaghanda na rin kami dahil aalis na kami at makikisali sa prusisyon na gaganapin mamayang 5 p.m. Nagretouch ako para naman magmukhang fresh and hindi haggard paglabas namin. Nang makarating sa may simbahan ay pumwesto na kami. Binigyan pa kami ni Manang ng kandila dahil necessary iyon sa parada. Naisip ko kung gaano karelihiyoso ang mga tao rito sa probinsya. Common na siguro sakanila ang ganitong mga occasion and events na may kinalaman sa religion. Nagsimula na ang prusisyon. Nagdadasal ang mga tao habang naglalakad. Tahimik lang ako habang nakatingin sa hawak kong kandila, hindi ko rin naman kasi alam kung anong dinadasal nila. Tuluyan nang gumabi at finally, nakabalik na kami sa simbahan. Pumunta kami sa may loob para idisplay ang kandilang hawak namin. Dahil naubos na ang kandila namin ay kumuha kami ng panibago. Nagsindi ako at ipinatong ito sa may candle stand. Nakatingin lang ako roon. Maya-maya ay nakita kong tumabi sa'kin si Isagani at inilapit ang kandila niya sa kandila kong may sindi para masindihan ang kanya. Inilagay niya 'yun sa tabi ng kandila ko. "Alam mo ba sabi nila, kapag daw 'yung kandila mong nakasindi, kapag may naglapit ng ibang kandila para masindihan, magiging konektado na ang buhay nila." mahina niyang saad sa tabi ko. Medyo naguluhan naman ako n'ong una sa sinabi niya. Did he means, na kapag someone lit a candle using the other candle's light ay magiging connected na sila? Wow. "Talaga? Edi kung gan'on, we're connected then?" saad ko. Ngumiti siya. "Siguro nga." tipid niyang saad. Ilang sandali kaming nanahimik. "Alam mo rin ba na kapag nagdasal ka rito gamit ang kandila rito, ay matutupad ang hiling mo?" sabi pa niya ulit. Mahina akong natawa. He acts like a tour guide, saying facts that I don't even know 'til now. Well then, Ang wish ko, sana ay makilala at matagpuan ko na ang sarili ko. I wish I will have the courage to embrace my greatest fear. And I wish to find my genuine happiness and peace. Pikit mata kong hiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD