Chapter 5

2531 Words
Pumasok ako sa kwarto. Gusto kong sumigaw at umiyak. G-ganito ba talaga kapag matagal mong nakimkim lahat ng hinanakit? Hindi ko gets, bakit nangyayari 'to ngayon sa'kin? Na parang ngayon hindi ko na kayang idistract ang sarili ko at kalimutan na lang lahat. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sina Violet at Aleister. Kwinento ko sakanila ang nangyari at nagrant ako. "Grabe naman 'yan sis. Kaloka ka 'yang si Tito, ah. Naiistress tuloy ako." sabi ni Violet. Kanina pa niya sinasabi 'yan, actually. The way she replied and also rant about my situation, parang konti na lang ay susugurin niya na si dad. "So, ano na ngang gagawin mo ngayon Raven?" tanong ni Aleis. Kabaliktaran naman sila ni Violet. Tahimik siyang nakinig at inintindi ang situation ko. Minsan nagcocomment siya pabiro, pero alam kong ginagawa niya lang 'yon to lighten up our mood. He's just chill. "To be honest, hindi ko alam." napansin kong palagi kaming nag-aalala kung ano na nga bang sunod na gagawin. Knowing me na palaging handa pagdating sa plano. But now, really, wala akong maisip na gawin kun'di magpahinga muna. "Vacation ka muna, girl. It's time to unwind, magmuni-muni. Malay mo, saka mo malalaman kung ano na mga dapat mong gawin sa susunod kapag nakapagrelax ka." suggest ni Violet. "Yeah, I think it's a good idea na magbakasyon ka. You should try new things! In that way, makaka-explore ka pa sa mga bagay na hindi mo nae-experience before. Malay mo, iyon pala ang destiny mo." advice ni Aleis. Nakangisi lang ako habang sinasabi niya 'yun. Natawa ako dahil napapansin kong he's trying his best para makatulong. "Thanks." tipid ko sagot sakanila. I admit, dahil sa pangungulit nila at lakas ng pangungumbinsi nitong si Aleis, medyo naexcite akong umalis at mag-explore. Kaso saan naman kaya pwede? "Guys, suggest nga-" magtatanong pa lang sana ako sakanila ng mga lugar na pwedeng puntahan nang may kumatok sa pinto. Napalingon ako. "Raven?" si mom pala. Nagpaalam na ako kila Violet at in-end ang call. Lumapit ako sa pintuan at pinagbinuksan siya. Nang mabuksan ay tumambad si mom na mukha pa ring nag-aalala sa'kin. "Bakit?" agad kong tanong. Walang paalam siyang pumasok at dumiretso sa loob ng kwarto ko. Inilibot niya ang tingin dito. Sinundan ko siya pagkatapos kong isarado ang pinto. "Pagpasensyahan mo na ang papa mo, Raven." saad ni mom. "Dad ang tawag ko sakanya." pagtatama ko. Pasalamat nga siya, tinatawag ko pang tatay ang asawa niya. Kahit hindi ko naman nararamdaman. Mas ramdam ko pa na boss ko siya eh. Wala akong ginawa kun'di sumunod sakanya. At isa pa, isang tao lang ang tinatawag kong papa. Sino pa ba, edi 'yung totoo kong ama. "He just wants the best for you." pag-iiba niya. "Ma, kung pag-aawayan na naman natin 'to rito, please lang tama na muna. Pagod na 'kong paulit-ulit sabihin lahat ng mga salitang ayaw niyo namang pakinggan." saad ko. Tiningnan ko si mom, mukhang natamaan siya sa mga sinabi ko. "Try to understand your father." mahinahon niyang saad. Napairap ako. Huminga ako nang malalim. Gusto kong umiyak dahil nararamdaman ko na naman. "Palagi na lang ba? Palagi na lang ba ako mag-aadjust sa pamilya na 'to?" I almost whisper. Dahil anytime parang sasabog ako sa iyak. Napaupo na lang ako sa may sofa. Gosh! Why am I being so emotional these past few days!? Kainis. "Palagi ko na lang po ba kailangan ipilit at ipagsiksikan 'yung sarili ko, para magustuhan niyo 'ko?" mahina kong tugon. Tiningnan ko siya. Nang marinig niya 'yung sinabi ko, tumulo ang luha niya. Then, agad na umiwas ang tingin niya. "Iyan ba ang nararamdaman mo?" tanong niya. Tumahimik lang ako. Hindi ba dapat napapansin niya rin 'yun? "Alam ko na hindi kayo close ng daddy mo ngayon dahil sa misunderstandings, pero gusto ko lang malaman kung bakit, p-paano?" tanong niya. "Hindi ka naman ganito dati, ah?" tuloy niya pa. 'Yun na nga eh. Kasi nga buong buhay ko, sinusunod ko lahat ng gusto niyo. Umaasa na tanggapin niyo 'ko, bilang ako. "Ma, pagod na po ako." iyan na lang ang nasabi ko sakanya. Tumulo ang luha ko kaya agad akong yumuko. Then agad ko rin itong pinunas gamit ang kamay. "I'm sorry, Raven if you've been feeling this way. I'm afraid... I just want you to have a normal life. Pero mali ata... Kasalanan ko..." pabulong niyang saad. Kumunot ang noo ko. Sometimes, I really don't understand her. "Magbabakasyon muna ako." saad ko habang nakayuko pa rin, after ilang sandali na katahimikan lang. "Matutulog na ako." paalam ko. Narinig ko naman na bumuntong-hininga siya. Dahan-dahan siyang naglakad sa may pintuan. Hindi ko alam, pero nababasa ko sakanya na parang ang dami niyang gustong sabihin sa'kin. Hanggang sa tuluyan na siyang lumabas at sinarado ang pinto. Bumuntong-hininga ako. I need to distract myself, para kalimutan na mag-overthink. Urgh, Raven bakit ka na nagiging ganito? You're so emotional, nakakainis! Saan na nga ba ako? Oh yes, vacation! Agad kong chinat ang dalawa kong kaibigan kung saan ako pwedeng magbakasyon. Habang naghihintay sa mga suggestions, nagplano na ako mga gagawin at dadalhin. Hindi ko na kayang magstay dito, I think I should leave tomorrow agad bago pa ako makunsumo sa pagiging emosyonal ko. Tumayo ako at pumunta sa closet ko para mag-impake ng mga gamit. San Imperial Hindi ko alam pero bigla ko lang naisip ang lugar na iyon. Teka, lugar ba 'yun? Kinuha ko ang phone ko. At sinearch ang San Imperial. Oo nga, isang probinsya ito. Nagpop-up naman ang message nila Violet at agad ko iyong pinindot para icheck ang mga reply nila. Violet: bes may nakita ako sa twitter ang ganda ng probinsya na 'to omg feel ko magugustuhan mo Violet: sent 4 photos Tiningnan ko naman ang mga pictures. Hmm, mukhang hindi madalas puntahan ang probinsya na 'to. Feel ko lang. Aleister: may nakita rin ako sa twitter Aleister: ay hala same lang pala tayo Aleister: ang nabasa ko, sa San Imperial daw yan Nagulat ako nang mabasa ang San Imperial. Ang weird. Biglang tumatak sa isip ko itong lugar na 'to tas biglang 'yun din ang suggestion nila? Hay ang weird talaga. Nagkibit-balikat na lang ako. Pinagpatuloy ko na ang pag-iimpake. Nang matapos, ay agad akong nagresearch about sa San Imperial. 'Yung usual tourist spots and hotel or inn na pwede kong pag-stayan. Ang probinsya ng San Imperial ay binubuo ng tatlong municipalities. Ang Green Centrum naman ang siyudad nito. Isa pang tawag dito ay El Trebol, ngunit mas kilala sa tawag na Green Centrum dahil ito ang sentro ng San Imperial at dahil kahit ito ang siyudad ay marami pa ring kagubatan ang saklaw nito at karamihan dito namumulaklak ang four-leaf clover. Ang tatlo naman ay Las Espadas, El Corazon, at Los Diamantes. Ang weird naman ng mga pangalan. It looks old and mysterious, I think. Sa Green Centrum naman meron kasi doon, 'yung main transportation- may train station para sa mismong city or lungsod, train station para sa another cities or mga lalawigan na, airport kapag malayo na yung place at for abroad, at yung ship, ibig sabihin katabi nun ay dagat din. Dahil malapit ang airport sa Green Centrum, doon ko napagdesisyunan na magstay muna. Agad din akong nagbook ng flight and reservations para sa tutuluyan ko at sa mga pupuntahan na rin. Umabot ako ng madaling araw sa pag-aasikaso ng bakasyon na 'to. Naisip ko naman na pwede kong gawin 'to bukas, pero ewan I felt that I just really want to leave as soon as possible. Ang flight ko tomorrow ay hapon, 2 p.m., isang oras lang naman ang biyahe kaya hindi hassle. Natulog na ako after I finished rechecking all of the things I needed for my vacation. Kinabukasan... Hindi ako nagmadali masyado dahil hapon pa naman ang flight ko, pero maaga akong aalis dahil kikitain ko pa si Violet. Sinabi ko pala sakanilang dalawa ni Aleis na ngayon ang alis ko. Ibinaba ko na ang dalawang malaking maleta. "Hija, maglalayas ka ba, ba't parang ang dami mong dalang gamit?" puna ni Manang Lourdes. Natawa naman ako. Wala pa sa kalahati ng mga gamit ko 'yang laman ng dalawang malalaking maleta. "Manang naman, parang 'di mo naman kilala iyang si Raven. Eh field trip pa nga lang na pang-isang araw lang, gusto ng magdala ng maleta eh." sabat naman ni Kira, isa rin siya sa tumutulong dito sa bahay. Napakamot na lang ako sa batok. Marami kasi talaga akong dinadala na mga gamit. "Ay, Ma'am Elizabeth." biglaang saad ni Kira. Napansin namin na lumapit siya sa'min. Nawala ang ngiti ko. "Aalis ka?" mahinahong tanong niya. Tumango ako. "Diba sinabi ko sa'yo na magbabakasyon muna ako." tugon ko. Nagpaalam naman sila Manang at umalis para ilagay ang mga gamit ko sa sasakyan. "Okay. Saan ka naman pupunta?" tanong niya. Wala pa sana akong balak na sabihin kung saan ako pupunta dahil ayaw ko muna silang kausapin. Pero sige, para sa ikatatahimik niya. "Sa San Imperial po." tipid kong sagot. Kumunot ang noo niya. "S-san Imperial?" ulit niya. "Bakit, alam niyo po ba ang lugar na 'yun?" tanong ko. Huminga siya nang malalim bago nagsalitang muli. "Hindi." sagot niya. Hmm, parang may something. "Sige, mag-iingat ka ha?" paalam niya. Tumango na lang ako at nagpaalam na rin bago umalis. Malapit na magtanghali at pumunta ako sa isang restaurant malapit sa airport. Hinintay ko si Violet, sabi niya kasi na magkita kami before man lang ako umalis ng Manila. Nag-order na ako ng makakain. Maya-maya pa'y dumating na siya. "Sorry medyo late, may pinasa pa kasi akong papers sa office hehe." bati niya sa'kin. Nag-order na rin siya. Kwinento ko ang mga nangyari sa bahay habang naghihintay ng pagkain. Hanggang sa napunta kami sa topic about San Imperial. Kwinento ko sakanya ang biglaang pagtatak sa isip ko sa lugar na 'yun bago nila pa iyon masuggest. Namangha naman agad si Violet. "Wow 'te, may sixth sense ka." pang-aasar niya. Inirapan ko na lang siya. Dumating na ang order. Inabot at inayos ko naman ang mga pagkain nang mapansin ang kamay ko. Gosh! Naggo-glow na naman ito! Tumingin ako kay Violet kung napapansin ba niya. Pagbalik ko naman ng tingin sa kamay ko, ay bigla na lang itong nawala. Weird. Napansin kong mas maraming alam about dito si Violet. Ikwento ko kaya sakanya 'yung mga na-experience ko these past few days? "Bakit, anong problema?" napatingin ako sakanya nang tanungin niya ako. "I have something to tell." panimula ko. "Woah, nakakaintriga naman 'yan. So anong chika?" tanong niya habang sumusubo ng pagkain. "Okay, don't judge me. Dahil kilala mo naman ako, hindi ako mahilig sa mga ganito." inunahan ko na siya. Baka kasi pagtawanan niya lang ako. Hindi naman kasi ako pala-kwento about sa life ko. "Okay? Ano ba kasi 'yun?" nagtataka niyang tanong. "Ang weird kasi ng mga nangyayari sa'kin lately eh. Simula n'ong nasisante ako sa trabaho." saad ko. Kumunot naman ang noo niya. "Like what?" tanong niya. "N'ong araw na 'yun, may nakikita akong mga bagay na very unusual." saad ko. Mas lalo ata siyang naguluhan dahil medyo sumeryoso ang mukha niya. Napatigil din siya sa pagsubo ng pagkain niya. "'Yung wrist ko, nag glow siya. Tapos may mga numbers..." kwento ko. "Wait, 'di ba nakwento mo na 'yan?" saad niya. Inalala ko naman kung nakwento ko nga ba. Ay, oo tama. "Meron pa. Kasi n'ong gabi after natin kumain, 'di ba pauwi na ako. Sa may parking lot, may nakita akong babae. Napansin ko n-na lumiwanag 'yung p-parang outline ng katawan niya. Urgh, I don't know how to explain!" saad ko. Tahimik lang siyang nakikinig. Parang 'di pa ata nagpaprocess sa utak niya 'yung kwinento ko. "Dahil nacurious ako, lumapit ako para tingnan kung anong meron bakit gan'on 'yung nakita ko. T-tapos Violet, n'ong nakita ko 'yung mga mata niya..." I stopped talking dahil naalala ko na naman. "A-ano 'yung nakita mo? Okay ka lang ba?" alalang tanong ni Violet. Huminga ako nang malalim bago ipagpatuloy ang kwento ko. "I saw a vision. N-nakita ko kung pa'no siya namatay." saad ko kahit nahihirapan. Napasinghap naman siya. Hindi ako nag-iinarte dahil legit na kinatatakutan kong makakita ng anything about d-death. I can't even say it properly! "Then kinabukasan naman, napanood ko 'yung babae sa balita, exactly gan'on 'yung nangyari!" kwento ko. "A-and yes. Also, I have these strange dreams na palagi ko na lang napapanaginipan, talking with this weird lady." kwento ko pa. Ngayon ko lang ulit iyon naalala. Paulit-ulit na mga panaginipan na may kasama akong babae. "W-wait, okay Raven. Huminahon ka muna. At kumain ka naman." saad niya habang pinapakalma ako. Bumuntong-hininga siya. Ilang sandali kaming natahimik. Kaya kumain muna ako. "Do you believe me?" mahina kong tanong. Tumingin naman siya. "Of course." tipid niyang sagot sabay ngiti. Ba't para namang hindi totoo? "Speechless lang ako. Dahil alam kong logical kang tao. Kaya iniisip ko kung anong mga pwedeng dahilan sa mga nangyayari sa'yo na based sa kung anong pinaniniwalaan mo." sagot niya. Nagulat ako sa way ng pagsasalita niya. Hindi lang ako sanay na ang seryoso niyang kausap. "Pero kung ako ang tatanungin, syempre may iba akong mga naiisip na theories about sa nangyayari sa'yo!" tuloy niya. Kung kanina ay sobrang seryoso niya, ngayon ay bumalik ang pagiging ligalig niya. "Pwedeng nakakakita ka ng future o something about de--... time!" magulo niyang saad. Tss hindi pa niya tinuloy, alam ko naman kung anong ibig niyang sabihin. Future? Death? Time? Seriously, naniniwala siya sa mga abilities or powers na gan'on? "Ayun lang naman ang kwento ko." tipid kong wakas. "Alam mo, first time ko kasing makarinig ng ganiyang kwento in real life. Kaya sorry kung wala akong maa-advice sa'yo." sabi niya. "Hmm, siguro. Try to explore and follow your intuition." advice niya habang iniinom ang ice tea niya. Teka, parang familiar 'yung sinasabi niya. Parang narinig ko na rin 'yun somewhere. "How do I even know how to follow my intuition?" saad ko naman. Then pinagpatuloy ko ang pag-kain ko. "Raven, isip kasi ang palagi mong pinapagana eh. Subukan mo rin minsan sundin 'yung puso mo. Hindi naman masama at walang bayad, haha!" saad niya na ikinatigil ko. Hindi ako nakailag d'on, ah. Minsan, ibang klase talaga siya kausap. Lalo na siguro kapag mga ganitong bagay ang pinag-uusapan. "Sige, malapit na flight mo oh. Baka mahuli ka pa. Basta, update me na lang sa mga mangyayaring 'strange and weird' sa'yo, ah? Haha! Mag-iingat ka!" paalam niya. Inayos ko naman ang sarili ko. Buti na lang natapos na kami kumain. "Oo naman." tugon ko. "And don't forget to open your mind and your heart, of course. Haha!" saad niya. Medyo naguluhan ako sa mga payo niya ngayon. Nagkibit-balikat na lang ako. Nagpaalam na ako sakanya at dumiretso na sa airport. Nagcheck-in na 'ko agad. Ilang minutes lang ay pumasok na ako sa plane. So, I guess my journey will start here, huh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD