Chapter 6

2537 Words
After an hour, nakalapag na ang eroplano rito sa Green Centrum International Airport. Inasikaso ko naman lahat. Nang matapos ay lumabas na ako at sumakay sa taxi para puntahan ang tutuluyan ko. Actually, halos 30 minutes din 'yung biyahe papunta roon. Isang kilalang villa resort. The ambiance of this villa feels like home. It's vintage and classy, and I love it. Nakakarelax din ang paligid dahil nakapalibot ang mga puno. Kapag pumunta ka naman sa terrace ay maganda ang magandang view ng bundok. Inayos ko na ang mga gamit ko. Magstay ako rito for 3 days dahil hindi ko alam kung anong next na pupuntahan. Siguro magreresearch pa ako more about naman sa ibang lugar dito sa San Imperial. Ngayon kasi nasa city ako. Good thing na nakita ko ang villa resort na 'to. Medyo malapit na rin pala ito sa La Corazon. Kahit na city ang Green Centrum, mahahalata mo pa rin ang pagka-probinsya nito dahil talaga nga namang puro puno ang nakapaligid rito. Gabi na kaya naghanda na ako sa pagtulog, and I also need some rest dahil sa biyahe. I texted my friends and also my mom para sabihing nandito na ako sa San Imperial. After ng night routine ko, I sleep na. Dahil sa pagod, I eventually fell into sleep. *** "Papa..." I heard a girl's voice. I think she's crying. I found myself in a middle of the night, sa gitna ng isang kalsada. Maraming puno naman ang nasa tabi nito, parang kagubatan. Sa hindi kalayuan, may nakita akong sasakyan. I'm curious kung anong meron kaya lumapit ako r'on. "Papa..." narinig ko na naman 'yung bata. Hinanap ko kung nasaan ang batang iyon. And then, I found her. Umiiyak siya. Agad naman akong nag-alala dahil panay ang iyak niya. A-ano bang pwede kong gawin para huminahon siya? "A-ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya. Lumingon ito sa direksyon ko. Nang makita ko ang hitsura niya ay nagtaka ako. Parang pamilyar siya? "Papa..." iyak niyang tawag. Humahagulgol pa rin siya. Pagtapos ay lumingon ulit siya sa harap niya. Hindi ako pinansin. "Bata, okay ka lang ba?" tanong ko pa ulit. Pero hindi siya lumilingon na parang walang naririnig. Napansin kong panay ang tawag niya sa papa niya? Sinubukan kong lumapit pa para makita kung bakit siya nakaharap doon. Ngunit bago pa ako makalapit nang tuluyan ay may humawak sa may balikat ko, dahilan para mapalingon ako sa likod. Biglang lumiwanag. Agad akong pumikit at tinakpan ang mga mata ko. "Raven." Narinig ko ang pangalan ko kaya dumilat ako. Tumambad sa'kin ang isang babae. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Kumunot ang noo ko, at tumingin sa babae. Teka, pamilyar 'to ah. Panaginip. Huh? Ibig sabihin, nananaginip ako? Yes! Gosh, it took a while bago ko marealize. Ito 'yung palagi kong napapanaginipan. At itong babaeng kaharap ko ang palagi kong nakakausap. Ngumiti siya. "Maligayang Pagbabalik." saad niya. So, totoo nga. I've been here for so many times. "Ikaw na naman?" naguguluhan kong tanong. "Naalala mo na ako." saad niya. "Yeah, and you're crazy." pranka kong saad. "Baliw nga ba talaga ako? O hindi mo lang ako naiintindihan?" tugon niya. Well, she has a point. Pero it doesn't make any sense, panaginip lang naman lahat nang ito. "Okay, then make me understand this whole thing." bored kong saad. "Paano mo maiintindihan kung hindi pa bukas ang puso mo?" tanong niya ulit. Natigilan ako. Bakit parehas lang sila ni Violet ng sinasabi? "Hindi ako naniniwala sa mga ganito. Wala akong panahon para makipaglokohan." diretso kong saad. "Pero hindi ito kalokohan." "Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na ipaintindi ko sa'yo mismo ang nangyayari sa'yo? Ngayon ang gusto ko lang ay buksan mo ang puso mo. At sundin ako." saad niya. Wow, ang demanding. Bumuntong-hininga ako. Siguro nga, mayroon talagang mga bagay na sa una ay hindi natin pinaniniwalaan. Should I give it a try, then? "Sige na nga." "So ano bang meron? Anong nangyayari sa'kin?" sunod-sunod kong tanong. "Hindi ko maaaring sabihin sa'yo lahat, dahil nais kong ikaw mismo ang makaranas ng mga iyon." sabi niya. Ano naman 'yun? I admit, medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Dahil naalala ko bigla 'yung visions ko about d-death. "T-tungkol ba 'to sa nangyari n'ong isang araw? 'Yung sa babae?" hindi ko mapaliwanag ang tinutukoy ko kaya sinusubukan kong sabihin ito sa pamamagitan ng pagtitig sakanya. Alam kong medyo ewan 'yung ginagawa ko pero sure naman akong magegets niya ako. Tumango siya. "Ihanda mo ang iyong sarili, sapagkat hindi lang iyan ang makikita mo." babala niya. Natigilan na naman ako. "Pero takot ako--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya. "Kung gan'on ay harapin mo ito." saad niya. Tumahimik lang ako. Honestly, hindi ko pa rin alam kung bakit takot na takot ako. Palagi kong rason ay dahil maaga akong nangulila sa aking ama. But it doesn't make sense, dahil wala naman din akong maalala n'ong mga panahon na iyon dahil sobrang bata ko pa. Pero kahit gan'on, sa tingin ko ay hindi naman madaling harapin ang takot kong iyon. Huminga ako nang malalim. Should I really trust and believe this lady? Yes. Nagulat naman ako. Teka, siya rin ba ang sumagot? Aba. "I'm the only one you have." makabuluhan niyang saad. Ang lalim niya magsalita, parang lahat ata ng sinasabi niya ay may double meaning. "So, anong gagawin ko?" tanong ko sakanya. I'm literally clueless and since sabi nga niya she's the only one I have, I might as well asked her what to do. "Sa paglalakbay mo, marami kang makikilalang mga tao. Ikaw ang magsisilbing sundo nila." utos niya. Huh? Sundo? Ano ako, sasakyan? "Just trust your instincts and follow your intuition. Sa pamamagitan n'on ay dadalhin ka nito sa iyong misyon." dagdag niya. "Paano ko malalaman kung intuition ko naman 'yun or what?" tanong ko. "Alam mo na iyon. Nakarating ka na nga rito sa San Imperial." saad niya. Ibig sabihin... 'Yung parang inner voice or 'yung bigla ko lang naiisip? Wow. I admit, I was amazed. "Last question..." saad ko. "Sino ka? or ano ka? Anong pangalan mo?" sunod-sunod kong tanong. Ngumiti lang siya. "Look into my eyes, then you'll see who I am." Napatingin naman ako sakanyang mga mata. Her eyes, It's mesmerizing and at the same time it looks dangerous. Hindi ko maipaliwanag, I felt overwhelmed dahil sa mga nakikita ko. Kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko maintindihan dahil ang tangi ko lang nakikita sa mga mata niya ay mga alaala. Mga alaala ko. "Raven, it's time to wake up." *** I woke very early in the morning. Pero hindi na katulad ng dati na wala akong naalalang mga panaginip. Dahil kahit hanggang ngayon ay sobrang vivid ng pag-uusap namin n'ong babae. "Ano kayang pangalan niya? Hindi man lang sinagot nang maayos 'yung mga tanong ko." mahina kong saad. Bumangon na ako nang tuluyan. Actually, ngayon ay wala akong balak na lumabas muna. Mas lalo naman ngayon dahil sa mga nalaman ko. Although hindi ko naman sure kung legit ba 'yung panaginip na 'yun. Kaya lang naman ako sumusunod ay dahil nacucurious ako and I'm totally clueless and lost right now. And I think I need someone who will guide me and I think siya lang ang nakakaalam tungkol sa mga kakaibang nangyayari sa'kin. Kumalam ang tiyan ko. Narealize ko naman na hindi pa pala ako kumakain simula kagabi. Kaya nag-order na lang ako ng pagkain at dito na lang ako kakain. Napagdesisyunan ko munang ayusin ang sarili. Pagkatapos ay itinuloy ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko. "Room service!" mayroong kumatok sa pinto. Ay, heto na ata 'yung almusal ko. Mabilis akong pumunta sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sa'kin ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 50's na. May katabaan ito, maputi, at katamtaman ang height. Halata rin sakanya ang ganda ng hitsura. "Raven?" nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Narealize ko na medyo matagal akong nakatitig sakanya. "Ito na po ang pagkain niyo." saad niya. Pinapasok ko naman siya para mailagay ang mga pagkain sa table ko. Pinauna ko siya at sumunod naman ako sakanya. "Uhm, paano niyo po pala nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sakanya. Napalingon naman sjya habang inaayos ang mga pagkain. "Ah, ako kasi ang naka-assign sa villa mo. Ako ang magdedeliver ng mga utos, at maglilinis na rin nitong villa." paliwanag niya. "Kaya nalaman ko ang pangalan mo dahil syempre, dapat namin alamin ang pangalan ng pagsisilbihan namin." mahinahon niyang saad. Mukha rin siyang mabait at masipag. "Ako nga pala si Felicidad. Pwede mo akong tawaging Manang Fe." ngiti niyang pakilala pagkatapos niyang maayos ang mga pagkain sa lamesa. Ngumiti ako pabalik. "Nice to meet you po, Manang Fe." bati ko na lang din. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa labas ng villa ko at nagpaalam. "Kung may kailangan ka pa, tumawag ka lang sa telepono, ha?" sabi niya sa'kin. Nakangiti lang akong tumango sakanya. Tuluyan na siyang umalis kaya sinarado ko na ang pinto. She seems so nice and friendly naman. Ngayon lang ako naka-encounter ng housekeeper na kinausap ako. Kumain na ako ng almusal. After that ay inasikaso ko na ulit ang mga gamit ko. Mga bandang tanghali, ay wala na muna akong ginawa kun'di lumabas sa terrace ng villa ko. Dito ay may dalawang sun loungers, isang table at may pool na rin. Kanina habang kumakain ng almusal ay may naisip akong parang title kaya agad ko itong sinearch at nalamang title pala ito ng isang libro. Naghanap ako sa google kung saan ko ito pwedeng mabasa. Nabibili pala 'to sa mga bookstores dito. Kaya napagdesisyunan kong pumunta sa isang mall na malapit lang dito. Tamang-tama at pumunta rito si Manang Fe para kunin ang mga pinagkainan ko. "Manang Fe, mayroon po bang malapit na bookstore dito?" tanong ko. "Oo. Sa plaza ng Green Centrum. Naroon ang pinakamalaking mall sa San Imperial, kaya malamang mayroong bookstore doon." ngiti niyang saad. "Okay po. Salamat." saad ko. Pagkatapos niya magligpit at umalis, ay naghanda na ako para umalis. Then, lumabas ako ng villa ko at nagbook ng taxi papunta sa plaza. Pagdating ko roon ay malawak nga ang buong plaza. Para din pala itong Manila or Makati. Maliwanag ang paligid at maraming tao ang namamasyal. Mayroong malalaking mga buildings at makikita ang mga busy na mga tao naglalakad sa paligid ng plaza na 'to. Dahil ayaw kong maligaw, nagsearch ako ng bookstore dito sa plaza sa pamamagitan ng google map. Then agad kong sinundan ang way. Maya-maya ay nakita ko na ang bookstore. Pumasok ako sa loob. Naamaze ako sa loob ng bookstore na 'to. It looks vintage and coffee tone ang kulay ng loob. Napansin ko lang din na may pagka-vintage nga ang mga places dito sa San Imperial. Kaya siguro maraming dumadayo rito. Pero bakit ngayon ko lang nga nalaman ang lugar na 'to? Nagkibit-balikat na lang ako. Inalala ko ang title ng libro at nagsimula na akong hanapin ito. Nagtanong din ako sa staff about sa libro, baka kasi wala pala silang stock. Edi nagsayang lang din pala ako ng oras kakahanap sa wala. The Alchemist Mabuti naman ay sinabi ng staff na meron sila. Itinuro niya ang way at nakita ko naman ang dalawang malalaking bookshelves na naroon. Ilang sandali ko itong hinanap, hanggang sa natagpuan ko na rin ito sa wakas. Binasa ko ang description ng libro. Hindi ito ang usual na binabasa kong libro. Pero mukhang interesting naman ito, knowing na mukhang related ito sa situation ko ngayon. At dahil tapos ko nang hanapin ang libro na 'to, naghanap pa ako ng ibang libro na gusto ko ring basahin. Umabot pa tuloy ako ng ilang oras dito. Pumunta na ako sa counter at binayaran ang mga librong pinili ko. Nang matapos, ay umalis na rin ako sa bookstore. Dahil wala naman akong masyadong gagawin sa villa ko, napagdesisyunan ko na lang na libutin ang plaza. Marami rin palang iba't-ibang stores and restaurants dito. 'Yung iba mga international, local, mamahalin, sikat, at mga hindi kilalang stores. Nag-ikot ikot ako. May times na bumibili rin ako kapag nagustuhan ko or naalala kong kailangan ko. At paminsan-minsan din ay nagwiwindow shopping lang ako. Pagkatapos ng pamamasyal, I decided to eat in a local restaurant. Sikat daw ang kainan na 'to sa San Imperial according sa pagresearch ko rito sa plaza. Mayroong branch dito sa plaza kaya pinuntahan ko na lang. Nilapag ko na ang mga pinamili ko sa tabi at kumain. Hindi naman ito ang first time kong kumain nang mag-isa pero I really felt lonely right now. Puro nakikita ko kasi mga pamilya na masayang nagkukwentuhan at nagkukulitan, mga couples na nasobrahan ata sa asukal at akala mo naman ay naka-glue ang mga katawan dahil sa sobrang lapit sa isa't-isa, at mga magkakaibigan na nagtatawanan na akala mo'y wala nang bukas. Bumuntong-hininga ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at paminsan-minsa'y chinecheck ang phone ko. Nang matapos ay nagdesisyon na akong umuwi. Nakakapagod din palang mamasyal. Ilang minutes ang lumipas and finally I'm here at my place na. Saktong sakto na sumalubong sa'kin si Manang Fe at tinulungan ako sa mga dala ko. "Uh, ayos lang po. Kaya ko naman po, Manang Fe." saad ko pero nakuha na niya ang halos lahat ng mga bags. "Ang dami nitong pinamili mo, ah. Sigurado akong nag-enjoy ka sa pamamasyal mo sa plaza, ano." tawa niyang saad pagkatapos ay dumiretso na sa paglalakad papunta sa mismong villa ko. "Medyo lang po. Wala naman din kasi akong kasama. At hindi ko rin naman talaga paborito ang mga gan'ong lugar." kwento ko habang naglalakad sa likod niya. Hindi ko aakalain na magkukwento ako nang gan'on. Siguro ay wala lang akong makausap kaya kahit siya ay napagkukwentuhan ko na rin. "Gan'on ba. Eh ano bang mga lugar ang paborito mo?" tanong naman niya. Nandito na kami sa loob ng villa ko. Napaisip naman ako. "Hmm... Ocean?" ngiti kong saad. Tumingin ako sakanya at nakita ko si Manang na nakangiti rin sa'kin. "Mukha iyon nga ang paborito mong lugar." komento niya. Naglakad na siya sa may pintuan, nang bigla siyang mapahawak sakanyang sentido. Kumunot ang noo ko. "Manang Fe, ayos lang po ba kayo?" tanong ko. Lumingon naman siya nang marinig ang tanong ko. She laughs nervously. "Wala ito, pagod lang. Hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga." mahina niyang saad. "Oh s'ya, sige. Mauuna na muna ako, Raven ha?" mahinahon niyang paalam nang makarecover. "Teka po, Manang Fe." "Pwede naman pong dito na muna kayo." biglaan kong saad. Medyo nagulat din ako nang sabihin ko iyon dahil hindi ko inaasahan na gagawin ko 'yun. Nag-aalala kasi ako kay Manang Fe. Naalala ko siya kay Manang Lourdes, all my life kasi naging close ko rin 'yun si Manang. Palagi kong kakwentuhan at nasasabi ko angga rants ko sakanya dahil palagi niya akong nababasa. Sa tingin ko nga ay siya pa mismo ang mas nakakakilala sa'kin kaysa sa mga magulang ko eh. "May dala po akong pagkain dito. Baka gusto niyong kumain atsaka samahan muna po ako?" maingat kong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD