"Elise!" tawag ko kay Elise nang marealize na nandito ako sa lugar niya na palaging nasa panaginip ko. "Hoy babaeng nasa panaginip ko!" pag-uulit ko, baka kasi hindi siya sanay na tinatawag ko siya sa ga'ong pangalan. Kumunot ang noo ko nang wala pa ring babae na sumulpot sa harap ko. Ano ba, tinataguan ba niya ako? Ilang araw ko na rin siyang hindi napapanaginipan, ah. Linibot ko ang lugar na 'to para hanapin si Elise. Pero hindi ko alam kung dahil ba nasa panaginip ako kaya surreal ang mga nangyayari at paulit-ulit lang akong napupunta sa pwesto ko, o 'di kaya pinaglalaruan niya ako. Anong nangyari sakanya? Bakit hindi siya nagpakita rito? Ngayon lang ako nanaginip sa lugar na 'to nang wala siya. "Elise!" ilang beses ko pa siyang tinawag, bago tuluyang sumuko. Nanaginip ba ako?

