chapter 9

564 Words
Tungkol sa "aquing", sa tulang:   "Dî binig-yang daang aquing pang mabunot ang sacbat na cáliz at maca-pamoóc"...   ganito rin ang nasa "Kun sino ...", samantalang kay P. Sayo ay ganito naman:   "Dî binigyan daan aking pang mabunot" ...   na lalong naging garil. Kung ginawa man lamang sanang "di binigyang daang akin pang mabunot"--(na ang "akin" lamang ang inalisan ng ligazon)--ay manapa'y tama. Nguni't kay Balagtas nga kaya iyang kalakuerdang iyan ng mga pang-ugnay? Sa kanya nga kaya iyang sunodsunod na "binig-yang" at "daang" at "aquing" at "pang" ...? Katakottakot na "palamuti" at kagulatgulat na pananagalog! Hindi, hindi kay Balagtas iyan. Marahil ay walang _ligazon_ ang "aquin" upang makahingahinga naman ng kaunti ang dagundong ng kalakuerda!... Subali't ganyan ang sa "Kun sino ..." at sa sipi namin.   Nguni't tingnan naman natin ang "bayaan", sa:   "!ay Amá co! baquit...?  !ay Fleridang toua! catoto,i, bayaan aco,i, mapayapa."   ang "bayaan" dito ay pinabayaan nga at di linagyan ng _ligazon_! Maanong nanghiram man lamang sana sa kay damidaming nasa unahan at ikinabit sa "bayaan"! Sana'y naging "bayaang aco,i, mapayapa", gaya ng na kay P. Sayo.   At ang _ligazong_ yaong nawala sa "bayaan" ay tingnan nati't yumakap naman sa "magta-anan". Nagkaroon ito, gayong di dapat magkaroon. Dapat ngang basahin lamang "magtaanan", nguni't hindi "magtanan" (gaya kay P. Sayo), ang "magta-anang" sa:   "cúsang magta-anang sa Real Palacio" ...   Nariyan ang ilang paliwanag, na maaaring maging saligan, kung ibig, ng isang dalubhasang pagbubuu o pagpapanauli ng datihang "Florante". Sa kagandahang palad ay walang mga salita at pangungusap na nababago ang siping ito kay sa natatandaan ng mga anak ng dakilang Makata; at may mga kamalian man nga ito, ang kamalian ay di sa ano man kundi sa pagkakalimbag na lamang, at pawa namang nangahahalata sa unang malas pa lamang. Ang pagkabanluga ng ortograpia, na nagpapakilala ng kawalang ingat ng kahista--na di kailangang maging "cun" ang datihang "cong", "cundi" ang datihang "condi", "catauan" ang "catao-an", "datapua" ang "datapoua", "catuiran" ang "catouiran", "sasaquián" ang "sasac-yan", "mucha" ang "muc-ha", "balaquiót" ang "balac-yot", "rube" ang "rubi", "mag-adia" ang "mag-adiya" at iba't iba pa, saka hindi kailangang mapasama man o mapahiwalay ang mga panglapi, o magkakabit man ang dalawang salita (gaya ng "di" at "co", "mo" at "na", "di" at "pa"), o magkahiwahiwalay man ang mga pantig ng iisang salita (gaya ng "nag sisi sila", "na aba", atbp.)--; ang pagkabanluga nga ng ortograpia at ang maliliwanag na kamalian sa limbagan ay madaling maitutumpak. Nguni't hindi namin ginawa ang ganitong pagtutumpak sapagka't wala kaming ibang hangad kundi maipakilala lamang ang tunay na sipi ng lumabas noong 1861--na buháy pa ang Makata--at siping sinakit na maging siya rin at walang munti mang kaibhan, pati sa kanyang mga kamalian.   Wala nga kaming munti mang binago sa siping ito. Ni isa mang kuwit ay hindi inalis. At wala namang idinagdag, ni isa mang tuldik na pangtanong, kahi't napaghahalatang talagang kulang at sa kapaubayaan na lamang ng kahista. At ang pag-iingat namin ay pinapagibayo sa pagsipi sa mga ginamit na kudlit sa mga pangdulo ng talata; mga kudlit, na gaya na nga ng dinaliri namin sa mga halimbawang ilinahad sa ika 25 paliwanag, ay malimit na "mapalagay kahi't na paano", bagama't may nangatutumpak din. Ang tanging di namin napag-ingatang lubos ay ang pagkakalagay ng mga kudlit na pabigla ("acento agudo"), kung nanga sa gitna ng talata; subali't oo, at pinag-ingatang labis, ang lahat nang nangasadulo ng talata, pati na ng mga pabigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD