Chapter 1
LAVINIA'S POV
Hello! I'm Lavinia Rose Cazas and I'm 17 yrs old ,Grade 11 at ako ay isang HUMSS student haha
So ayun nga eto lang ako one week yung bakasyon kaya andito lang ako sa bahay, walang magawa kaya ayon chinat ko na lang si Ria.
si Ria nga pala bestfriend ko don sa probinsya namin at siya nakakausap ko sa ngayon.
To: Ria
bes wala ka bang ipapakilala diyan? bored ako hahaa
Sent
*Delivered*
*Seen*
From: Ria
Eto si John Andre Euzon, chat mo siya at kachurch namin siya.
To: Ria
Ay seryoso? haha sige sige chat ko na lang thank you bessssss.
*Delivered*
*Seen*
Reacted "?" to your message
Ayun na nga sabi ng iba ei "Don't talk to stranger" daw ei ayun bored ako gusto ko makipagusap sa iba.
At tinignan ko muna yung profile niya and yun chubby siya so chinat ko na lang.
To: John Andre Euzon
Hiii po! ☺️
Sent
*Delivered*
Manonood na lang ako ng tv habang naghihintay ng chat.
*bling*
John Andre Euzon
Hello din kamusta po?
Nice nagchat agad haha mareplayan nga
To: John Andre Euzon
Eto bored pero okay lang naman ,ikaw ba?
Sent
*Delivered*
*Seen*
Ang bilis naman mag seen neto mukhang walang kausap.
John Andre Euzon
I'm okay naman so ayun ilan taon ka na pala?
So ayun nagusap na lang kami ni Andre,nagbigay na lang din ako ng topic hanggang sa mapunta sa ex-girlfriend niya yung topic namin.
JOHN ANDRE'S POV
Hello guys! I'm John Andre Euzon and 18 yrs old ,Grade 12 student and STEM student.
Ewan ko bakit iniisip ko pa rin na bakit STEM ang kinuha ko sabi ko sa sarili ko hindi ako kukuha ng may math pero wala no choice ako kaya yun na lang pinili ko.
*vibrate*
Lavinia Rose Cazas
So ano nangyare sa ex-gf mo bakit kayo nagbreak?
Hindi ko alam bat nagopen ako bigla sa babaeng ito pinachat lang naman sa akin ni Ria siya ,ano no choice kundi ako.
Nagkwento na lang ako dahil na open ka na rin naman.
To: Lavinia Rose Cazas
Hindi pa rin kasi ako makapag move-on sa ex ko may maipapayo ka ba diyan kung ano pwedeng gawin haha
Sent
*Delivered*
*Seen*
Ang hirap kaya ng sitwasyon ko ngayon yung ex-girlfriend ko meron ng iba ng hindi ko alam ,di ba ang bilis sinong di masasaktan sa sitwasyon na yun.
Minahal mo binigay mo lahat ng effort tas ganon lang gagawin sa akin.
"woy pre ano tulala ka diyan,sino kachat mo?" tanong ng tropa ko sa akin.
"wala to pre chix" sabi ko.
"ayan mang chix ka pre para mawala sa isipan mo ex mong manloloko (sabay tawa)"
Hindi ko na lang pinansin sinabi niya at tinignan ko na lang phone ko.
Lavinia Rose Cazas
Alam mo lahat ng bagay ei kailangan pakawalan,kung may iba na siya edi pakawalan mo na doon na siya masaya kaya dapat ikaw alam mo sa sarili mo kung ano yung worth mo kasi wala na siyang pake sayo kaya dapat intindihin mo na lalo yung sarili mo kaysa sa ibang tao kasi malalaman mo yan na ikaw lang mismo nakakaalam sabi nga ng iba loveyourself before others haha
Teka grabe naman pala makahugot ang babaeng ito,may pinagdadaanan kaya ito.
To: Lavinia Rose Cazas
Grabe makahugot ah may pinagdadaanan ka ba? haha pero tama ka rin naman kasi tignan mo masaya na siya iba at ako dito ei nagpapaka martir pa rin sa kanya.
Sent
*Delivered*
*Seen*
Biglang gumaan loob ko dito kay Lavinia mukhang makakasanayan kong kachat ito lalo na ei kakabreak ko lang naman. Teka taga saan ba siya? nakalimutan kong tanungin.
*vibrate*
Lavinia Rose Cazas
ohh di ba sabi ko naman sayo know your worth kasi ako natuto na din dahil sinabi mo na rin yung sayo sasabihin ko na yung akin haha so ayun may naka LDR din ako dati syempre mahirap yun. Nalaman ko na lang na may gf na siya nung tumawag ako sa kanya mismo at babae ang sumagot at sinabi na gf siya ,so ayun chinat ko mga kaibigan niya and na confirm ko nga edi iyak todo ako and yun ilang months,years haha single ako and ready na ulit chos haha
Kaya naman pala grabe makahugot at naranasan din pala ang pagiging heartbroken ei haha
Tama naman din siya know your worth ,new things,new me ganon haha
Kalalaking kong tao napapangiti ako sa chat neto ni Lavinia.
To: Lavinia Rose Cazas
Grabe talaga humugot neto haha btw ang bilis mo naman makamove-on na ganon na lang. Teka taga saan ka pala?
Sent
*Delivered*
Naghintay na lang ako ng chat niya.
Nakalimutan ko nagiinuman pala kami dito magtotropa haha hindi na ako nakatagay sila lasing na.
Naaliw ako sa mga chat ni Lavinia kasi mukhang di na nagreply ah.
Machat nga ulit
To: Lavinia Rose Cazas
pst gising ka pa ba? or tulog na?
Sent
*Delivered*
Tinadtad ko na lang siya ng chat ,hala Andre bat mo naman tinadtad ng chat ei nakakahiya naman sa kanya baka busy siya.
Tinignan ko na lang orasan ko napaisip ako hating gabi na pala siguro tulog na siya.
Marami din kaming napagusapan pero ayun naging komportable din ako sa kanya.
Napangiti na lang ako.
Teka bat kailangan kong ngumiti ,sira ka Andre kakabreak mo lang magmove-on ka muna.
Tinignan ko na lang yung mga pictures at video namin ng ex-girlfriend ko,kung di ka lang talaga nanloko sa akin Bea hindi tayo magkakaganito ,bakit mo nagawa sa akin yung ganitong sitwasyon.
Bigla na lang akong naluha buti na lang lasing na mga tropa ko at di nila nakikita na ganito ako kahina pagdating sa babae .
Sobrang hirap itago ng ganitong feeling na hindi ko mailabas sa ibang tao.Ayoko naman sabihan na kalalaking kong tao na maiiyak ako sa babaeng nagloko sa akin.
Iaaccept ko na lang sa sarili ko na hindi na talaga kami at masaya na siya sa iba.
Soon I'll be okay and makakahanap din ako ng babae na higit pa kay Bea.
Hays makapunta na nga lang kwarto at makatulog na nga lang.