ANDRE'S POV
Goodmorning mga preee,pasukan nanamn ulit at tapos na rin ang bakasyon namin.
Nandito lang ako classroom at nakatambay kasama yung pinsan ko.
Hayss mamaya busy na ulit kakatraining sa basketball.
Tinignan ko na lang phone ko ,simula umaga walang chat si Lavinia ano kaya nangyare don?
"uy ano pre tulala ka diyan?" tanong ng pinsan ko
"wala pre nagtataka lang ako bakit wala pang chat si Lavinia" sabi ko
"baka naman busy lang kasi may pasok na rin naman"
"baka nga" sabi ko
"GUYS SI MAM NANDIYAN NA" sigaw ng kaklase ko na taga abang sa bintana
Inayos na lang namin yung pagkaupo namin at pumasok na yung teacher namin at binati na lang namin.
*fast forward*
Sa wakas natapos din klase namin,ang sakit sa ulo haha
kala mo talaga nakikinig,nagiisip lang ako hanggang ngayon wala pa rin chat si Lavinia.
"ano tara pre sa canteen?" tanong ng pinsan ko
"tara" tumayo na ako para makapunta na agad kami sa canteen masiyadong maraming tao don kasi recess na
Habang naglalakad kami may biglang bumunggo sa akin
"sorry pre" sabi niya
"sige pre ingat ka lang" sabi ko
Familiar naman pagmumukha non parang nakita ko siya kasama sa mga players dito sa school
Nagkasalubong kami ni coach
"Andre mamaya may training ha,abangan ko kayo don" sabi niya
"sige coach" sabi ko
"mukhang malumanay ka ata ngayon Andre, sabi ko naman sayo baka busy lang talaga si Lavinia" sabi ng pinsan ko
Di na lang ako umimik at sakto nandito na kami sa canteen bumili na lang ako ng pagkain ko.
Umupo na lang kami banda dito sa may malaking puno
"uy pre ex mo oh" sabay turo ni pinsan
btw guys si Christian nga pala pinsan ko.
Kaisa isang close ko na pinsan halos lahat ei naikwento ko na sa kanya
"yaan mo na pre diyan siya masaya di na kailangan pilitin pa" sabi ko
"nakss humuhugot mr.broken noon ngayon mr.move-on na ngayon" pang asar na sabi ng pinsan ko habang tumatawa siya
"sira ka talaga" sabi ko sabay smirk
umakbay bigla pinsan ko sa akin
"alam mo pre gusto mo na si Lavinia noh?" tanong niya
"alam mo pre kaka lalaking tao mo gusto mo chismis" sabi ko sa kanya
"pre ako lang to sinasabi ko sayo" pang aasar niya ulit
"ewan ko pre may kakaiba kay Lavinia na hindi ko naramdaman noon"
"so ano ba label niyo?" tanong niya
"wala magkaibigan lang kami" sabi ko naman
"magkaibigan pero may kakaiba kang nararamdaman pre ang gulo mo"
"ganon talaga" sabay binatukan ako
"tara na nga sa classroom" sabi niya
Oo nga naman ano ba label namin haha wala pa naman kasi magkaibigan lang naman muna kami at tsaka di pa ata ready si Lavinia na pumasok sa isang relasyon.
hayss bahala na nga hanggang ngayon wala pa rin siyang paramdam.
*fast forward*
Sa wakas uwian na rin,nakakapagod ng utak ngayong araw haha
"ano pre tara sa inyo" sabi ni Christian
"sige pre uwi muna tayo tas alam mo ng may training ngayon" sabi ko
"oo pre di ba nga nakasalubong natin si coach kanina"
"kaya nga" sabi ko
paglabas namin ng classroom bigla na lang may babaeng tumigil sa harapan ko
"Hiii Andre pwedeng bang papirma neto? kasi gustong gusto kita" sabi niya
"Sige sure akin na pirmahan ko" sabi ko naman
Himala naman at may taong idolo pala ako ei hindi naman ako masiyadong kilala at kinikilala dito sa school namin
Natapos ko ng pirmahan at bigla akong hinalikan sa pisngi
"thank you so much" sabi niya
Nagulat ako sa nangyare ,out of nowhere manghahalik siya sa pisngi
"yan ang pinsan ko habulin ng babae" pangaasar na sabi ni Christian at ginulo pa buhok ko
"siraaauloo ka" sabi koo
sabay tumakbo at hinabol ko na lang
Anong meron don sa babae at bigla bigla na lang nanghahalik sa pisngi
Ta*na ni Christian pinagod ako ,hingal na hingal pa naman ako nandito na rin kami sa bahay namin
simula school hanggang dito tinakbo namin haha talaga naman si christian
"ohh ano pagod ka noh?" pangaasar ni Christian
"sirauloo ka ba naman nagpaunahan tayo" sabi ko
"ohh mga iho nandito na pala kayo" sabi ni mama
Nagmano na lang ako kay mama
"kamusta naman ang araw niyo?" tanong ni mama
"okay lang naman po ma nga pala ma may training kami ngayon ha baka gabi na rin ako makauwi" paalam ko sa kanya
"sige anak basta mag-ingat lang kayo"
"opo thank you po" sabi ko naman
Inayos ko na lang yung mga damit na pampalit ko mamaya para sa training at si Christian ayun hinihintay ko na lang din mag kapitbahay lang naman kami kaya hintayin ko na lang din.
Tinignan ko ulit yung phone ko at wala pa rin chat si Lavinia,ano na kaya nangyare don? Lavinia sana magparamdam ka na
"preeee ano tara na" sigaw na sabi ni Christian sa may pintuan namin
Dinala ko na yung bag ko at lumabas na
Makalipas ng ilang minuto nandito na rin kami sa basketball court para magtraining.
"Magandang hapon sa inyo lahat pinagtraining ko kayong lahat kasi sasali ang ating school sa isang paligsahan" sabi ni coach sa amin.
"At gaganapin ito nextweek kaya nagmeeting kami kanina ng biglaan at ito nga sabi nila." pagpapaliwanag ni coach
"Magdasal muna tayo bago tayo magsimula"
Nagdasal na lang kami at nagtraining na
Makalipas ng ilang oras at natapos na din training namin
Nakakainis hindi ako masiyadong makapag contrate sa training namin
"Okay guys magaganda mga pinakita niyo ngayon sana sasusunod na training mas maganda pa ang maipakita ko niyo at dito na lang ulit nagtatapos training natin sa Wednesday na lang ulit. Maraming salamat " sabi ni coach sa amin
"Ay teka Andre maiwan ka pala at maguusap tayo" sabi niya
Nagpalit na lang muna ako ng damit at sinundan si coach
"Coach ano po yun?" tanong ko sa kanya
"Mr.Euzon may bumabagabag ba sa isipan mo ngayon,alam mo napapansin ko kanina hindi ka makapag concentrate sa training niyo at ngayon ko lang talaga napansin yun sayo." sabi niya sa akin
"Pasensiya na po coach ,medyo masakit lang pakiramdam ko ngayon" sabi ko
"totoo bang masakit pakiramdam ko or may iniisip ka lang? sabihin mo sa akin nagkekwento ka naman sa akin bilang coach mo" ika niya
Alam talaga ni coach kapag ganitong hindi ako mapakale ,matagal ko na rin naman na siyang kilala simula naghighschool ako hanggang ngayon para ko na rin siya tatay ituring.
"uy ano tulala ka na diyan." sabi niya
natauhan lang ako bigla
"ay sorry po coach" sabi ko
"ano gusto mo treat kita para makwento mo yung gusto mong sabihin"
"sige po coach tara po" sabi ko naman
pinauna ko na lang pinauwi si Christian at sabihin kay mama na kasama ko coach namin.
LAVINIA'S POV
Sobrang busy ngayon sa school ,juskoo indayyyy hindi ko na alam gagawin ko.
Kamusta na kaya si Andre,hindi manlang ako nakapag chat sa kanya ngayon teka nga bakit ko ba siya iniisip ngayon
Nandito lang ako sa classroom ngayon arghh naiinis na ako sa daming gawain
Sa ngayon gumagawa kami ng activity sa major subject namin
Biglang nagvibrate phone ko at tinignan ko na lang kung sino nagchat ,hindi ko binuksan mismo yung message pero nakita ko sa notif ko si Andre nagchat sa akin ,hindi ko na lang muna pinansin kasi gusto ko makapag concentrate ako dito sa ginagawa ko.
*kring*kring*
yesss uwian na rin at last subject na din pala ngayon
"ano saan tayo kakain?" tanong ni She sa amin habang nagaayos kami ng mga bag namin
"tara jollibee ano?" tanong ni Ella
"tara pala" sabi naman ni Melo
Nag agree lahat sila maliban sa akin haha syempre pa suspense muna ako kung sasama ba o hindi haha
"ano Lavinia? sama ka?" tanong sa akin ni Macey
"Tara na nga" sabi ko naman
"Taray kasama si Lavinia sa kainan ngayon" pang aasar ni Nica
Ang dami kong friends noh haha btw circle of friends talaga yan marami talaga kami haha
Naglakad na lang kami para tipid sa pamasahe haha oo nasa private school ako nagaaral pero ganito lang din ako lowkey yun kasi sabi sa akin ng magulang ko kahit mayaman ka or may kaya maging lowkey lang tayo.
Ohh di ba may natutunan kayo sa akin ngayon
So nandito na nga kami sa jollibee at umorder na lang kami at syempre kumain na
Makalipas ng ilang minuto nagsi paalam na kami sa isa't-isa para umuwi na
"byeee guyss" sabi ko sa kanila at sumakay sa kotse namin sinundo na kasi ako ni kuya Zac
"kamusta ang araw ng pasukan bunso?" tanong ni kuya
"ayun kuya okay naman nakakapagod masiyadong maraming ginawa" sabi ko kanya
Tinignan ko na lang phone ko at nagchat kay Andre hmm mukhang di online ah busy din siya.
Yesss nandito na rin sa bahay makakapagpahinga na rin
Umakyat na lang ako sa kwarto ko wala pa naman si mama at papa nasa trabaho pa rin naman so matutulog muna ako.
Nahiga na lang ako at mamaya na lang ako magpalit ng damit.
Mukhang busy naman si Andre so magpapahinga muna ako.