LAVINIA'S POV
Unting unti na napapalapit yung moving-up namin kaya ngayon pa lang ei sobrang busy na namin
akalain mo yun grade 12 na sa susunod na pasukan,malapit na rin magcollege
Hindi ko nga alam kung anong kukunin ko na course pa,kung mag tourism ba ako or mass communication or criminology ba ganon haha bahala na
Nandito lang kami magtotropa sa computer room pinapagawa kasi sa amin kung ano magandang theme sa moving-up namin at don sa mga gagraduate na students
"guyss kamusta ginagawa niyo?" tanong ni Joyce sa amin
"eto masakit na sa mata shettt." sabi ko
"ang hirap mag isip ng theme" sabi ni Masey
Juskoo sana makahanap na kami ng magandang theme
Nakalipas ng ilang oras at natapos din namin pumunta na lng kami ng canteen nila Macey at kumain don
"Anong kukunin niyong course sa college?" tanong ni Nica
"Ako di ko pa sure kung ano kukunin ko" sabi ko naman
"sa akin psychology na tas sa La salle na rin ako papasok" sabi ni Macey
"Ikaw Lavinia saang school ka? or gusto mo?" tanong ulit ni Nica
"siguro sa Ateneo or NU.ikaw?nicaa nkapag decide ka na kung anong kukunin mong course?"
"di pa din pero sa school gusto ko state university kung papalarin makapasa." sabi ni Nica
"Di bale may isang taon pa tayo bago makapag decide sa nga course na gusto natin gawin." sabi ko
Pagkatapos na lang namin kumain,dumiretso na lang kami sa classroom
"Melooo anong ginawa sa Gen Math?" tanong ko
"Nagdiscuss lang si sir tas nagpasagot" sabi niya
"pakopya ako ng notes mo" sabi ko nman
"eto na kunin ko lang" sabi niya
Pagkabigay niya kinopya ko na lang agad
Habang nagsusulat ako naramdaman ko nagvibrate yung phone ko tinignan ko na lang
John Andre Euzon
Lavinia,kamusta ka po?
Nakalimutan ko siya ichat kanina sa sobrang busy ko din
Mamaya ko na lang siya replayan kapag uwian na
Makalipas ng ilang oras at naguwian na rin
Nagvibrate ulit phone ko at tinignan ko na lang ulit
Kuya Zac kong panget
Uwian niyo na tara sunduin kita diyan kakain tayo
Nireplayan ko na lang si kuya zac at syempre kainan yun haha
tekaa nireplayan ko na lang din si Andre
"uy lavinia uuwi ka na ba?" tanong ni Sherald
"hintayin ko si kuya ko susunduin daw ako dito" sabi ko
"sige uwi na rin kami ingat kayo" sabi ni Sherald
Nagba bye na lang ako sa kanila kasabayan din kasi ni Sherald sila Marifella
Nakita ko na yung kotse ni kuya zac kaya lumabas na rin ako
Kumatok na lang ako sa pintuan ng sasakyan at pinagbuksan ako ni kuya
"saan mo gusto Lavinia?" tanong niya sa akin
"huwaw kuya himala manlilibre ka ulit" pabiro ko sa kanya
"oo naman ngayon na lang ulit wag ka ng tumanggi diyan" sabi ni kuya na nakatingin ng nakakaloko sa akin
"sa Sm na lang tayo at marami naman pagpipilian don" sabi ko sa knya
Nag bonding na lang kami ni kuya zac ,kain don kain dito haha ganon lang trip namin dalawa
Makalipas ng ilang buwan at nag moving-up na kami buti na lang kasama sa higher honor and nakakatuwa kasi proud sa akin si kuya at magulang namin
Gusto sana pumunta ni Andre kaso busy naman din siya so ayun hindi na lang ako umasa na pupunta siya
Hindi ko alam kung nafafall na ba ako kay Andre or hindi haha di ba ang gulo ko rin
Siguro nga mahal ko na rin siya ayoko lang aminin sa sarili ko
Deserve na ba natin pahalagahan haha
Buti na lang at hindi na ako ginulo ni Quen ,sumalangit nawa char haha grabe naman
Eto na nga bakasyon ko na at sinuggest ni Papa na mag work daw ako kay Tita sa resto niya kahit papaano ei may allowance ako or may experience sa ganong work so ako naman ei pumayag naman ako
Syempre pera din at bagong experience
Napagusapan na rin naman ni Andre yun at pumayag na rin naman siya ,wag siyang kumontra ibang usapan na yun haha joke lang
So nandito ako sa bahay ni Tita kasi simula nagwork ako sa kanila ,dito daw ako titira masaya naman kahit papaano kasi kasama ko yung mga pinsan ko din.
Nakalipas ng ilang buwan nandito na ulit ako sa bahay namin kasi malapit na ulit daw pasukan kaya ayun siguro mga dalawang buwan lang din ako kila Tita.
Kahit may sarili na akong atm hindi ko pa rin naman ginagastos yun,gagastos siguro kapag need ko.
Nandito lang ako sa bahay at ako lang mag-isa wala si mama,papa at kuya zac.
Syempre kasama ko dito sila manang La
Naikwento ko na rin sa magulang ko na nafafall na ako kay Andre sabi naman nila kung mahal mo na siya umamin ka na at sagutin ko na daw.
ohh di ba haha sila pa nagpupush sa akin haha masaya lang ako kasi naging open ako sa ganong bagay sa kanila
Mavideo call na nga lang si Andre
*RINGINGGG*
Sinagot niya naman agad
"Andreeeee kamusta ka na??" tanong ko sa kanya
"okay lang naman,namiss mo ko no?" tanong niya sa akin
"oo sobrang miss" *smile*
"ano bang ginagawa mo ngayon? Love" pang-aasar niya sa akin yung Love / Lav
"wala naman kaya napatawag din ako sayo ikaw ba?" tanong ko
"eto tamang pahinga lang sakto tumawag ka wala na akong ginagawa" sabi niya
"nga pala sino kasama mo diyan ngayon?" tanong niya
"wala po ako lang nandito sa bahay." sabi ko
"Ingat ka diyan Love/Lav"
"Lavinia"
"Andre?"
"I love you" sabi niya sa akin,tuwing gusto niyang manlambing sa akin ganyan siya sa akin.
"I lov---
"LAVINIA GALA TAYO" sigaw ni kuya Zac
tekaaa kala ko ba nasa work siya biglaan sulpot naman neto
"Andre wait lang ha tatawag ako sayo mamaya byeee" sabi ko na lang
Pinuntahan ko muna si Kuya Zac sa kwarto niya
JOHN ANDRE'S POV
Nandito lang ako sa bahay ngayon kakatapos ko lang maglaba
Magkausap lang kami ni Lavinia kanina bigla na lang siyang nag babye at narinig ko yung sigaw ng kuya niya.
Nandon na yun ei magiilove you too na lagi na lang ako nabibitin don
"Andoy,ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ni Christian sa akin
"ano hindi ahh" sabi ko
"nakuu ikaw pa sino yan? ha?" tanong niya ulit
"Alam mo talaga kapag tulala o lutang ako pre" sabi ko
"malamang pre pinsan kita what are family for"
"itigil mo yan pre" sabi ko na natatawa na ,kabaliwan talaga
"hindi pre sige magkwento ka na"
"si Lavinia kasi ilang oras na hindi pa rin nagchchat narinig ko kasi kuya niya gagala sila pero hindi nag update sa akin" sabi ko naman
"baka busy lang din kaya hindi nakapag update agad,nag away ba kayo o hindi?"
"hindi naman bati naman kami non" sabi ko ulit
"teka baka may iba n *pak*
"gaig pre wag kang ganyan" nabatukan ko bigla kung ano ano kasi pinagsasabi
"nga pala may training tayo mamaya" sabi niya
"anong oras?"
"mga 4 to 6pm"
"Sigurado kang 6pm? di ko sure at may celebration sa church mamaya" sabi ko naman
"edi sabihin mo ka--
*Phone Ringing*
"pre wait lang" sabi ko sa kanya
Tinignan ko na lang kung sino ,si Lavinia pala
Sinagot ko na lang agad
"Hello Lavinia bat hin---
"Sorry Andre eto kasi si kuya bigla bigla na lang nagyaya gumala ei" sabi ni Lavinia sa akin na parang hingal na hingal.
"Naku Lavinia tama na yan" rinig kong sabi ni kuya niya,alam kong inaasar lang kami ni Kuya Zac
"uy kuya manahimik ka diyan" pang sisita niya sa kuya niya
"Saan kayo gumala? Lavinia" tanong ko
"Sa EK ayun kasi yung paborito namin libangan ei" sabi niya sa akin
"Nandiyan pa rin kayo sa EK?"
"Oo nandito pa rin kami andree kumakain na lng" sabi niya
"Ikaw Andre anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin
"eto nakaupo lang kasama pinsan ko,mamaya pala lavinia may celebration sa church baka hindi ako makapgchat" sabi ko sa kanya
"okay lang yun andre ,busy din naman din ako dito sa gala namin ni kuya"
"okay lang po ba talaga? Lavinia baka magtampo ka niyan" sabi ko
"siraa hindi po promise"
"sige lavinia, magingat kayo diyan"
"sige andre,magingat ka din diyan"
"sige pala lavinia baka busy ka na din diyan. I love you" pag eto wala nanamn ewan ko na lang haha
"I lov---
*toot*toot*
Anong nangyare bat ano ba yan di nanamn natuloy. Lakas naman mantrip ni Kuya Zac
Nag-ayos na lang ako ng susuotin ko mamaya para sa church
Si Clark uuwi daw muna para makapag pahinga
ZAC'S POV
Nandito lang kami ngayon sa EK syempre kasama ko si bunso.
Tamang pang-aasar lang ginagawa ko kay Andre at Lavinia
Alam kong nabitin nanamn si Andre sa Ilove you too ng kapatid ko haha
Matanong nga si Lavinia kung sila na
"Bunso kayo na ba ni Andre?" tanong ko na medyo nagulat siya
"ha hindi pa kuya sasabihin ko naman sa in---
"bakit nagiilove you kayo sa isa't- isa kung hindi pa kayo?" pinutol ko yung sinabi niya at nagtanong pa ako hahaa
"selos ka lang kuya eii" pangaasar niya sa akin
sh*t naback to you ako don ah haha mautak ka Lavinia
Ginulo ko na lang buhok niya
"hindi naman sa nagseselos ako ,ayoko lang kasi masaktan yung kapatid ko lalo na yung bunso namin" sabi ko
"naku naku kuya teka bat ang sweet mo ngayon,anong kailangan mo?" pang aasar niya ulit sa akin
"loko ka talaga bunso,seryoso ako sa mga sinasabi ko kapag yan si Andre nagloko o sinaktan ka ,lagot sa akin yan ako haharapin niya" nagseryoso ako ng mukha para maconvince siya na seryoso ako haha
"tara na nga kuya masiyado ng madrama,enjoyin na lang natin ito" sabi niya
Sabi ko sa inyo kapag alam niyang seryoso ako magiiba ng topic yan haha
Sumakay na lang kami sa rides ni bunso
Habang naglalakad kami ni Lavinia
"ay sorry miss" may nabunggo akong babae
"sorry din" sabi niya
Bigla akong napatitig sa kanya ,oh my ang ganda niya mukha siyang anghel na bumaba sa langit
"miss so--rry di ko napan-sin" Zac nauutal ka bakit ganyan ka
Ano ba yan ,bawas pogi points kapag nauutal
"okay lang yun thank you" sabay ngumiti siya sa akin
"ako nga pala si Zac" pakilala ko agad sa kanya.
"ako naman si Vanessa" sabi niya
Ang ganda naman niya ,morena,wavy ang hair tas nakakaakit yung mata niya
Nag shakehands na lang kaming dalawa tas bigla niya ng inalis yung kamay niya
"ahh Vanessa"
"Zac alis na ako bye" umalis na lang siya at mukhang nagmamadali
Hindi ko manlang natanong yung number niya ,ano ba yan
"uyyy si Kuya Zac nakakita ng maganda ,kinalimutan na agad ako." sabi ni Lavinia
Ginulo ko na lang yung buhok niya at sumakay na lang ulit ng ibang rides.