DRIX'S POV Finals na ng basketball at ang kalaban namin yung mga engineering Akalain mo yun nakahabol pa kami ng finals at kalaban ulit namin sila Andre. Wag nanaman sana mabugbog at bukas na yung pageant na sinalihan namin ni Lavinia. Nakikita ko si Lavinia at Cynthia sa may side nila Andre syempre boyfriend niya sino ba naman ako para icheer haha "GO DRIXXX!" nagulat ako sumigaw si Lavinia Tinignan ko naman si Andre pero wala naman siyang reaksyon at himala yun Nagstart na yung game at naglaro na kami Maganda naman yung laban at smooth yung laro hindi katulad nung una laro talaga may something Pinasa sa akin ni Jerome yung bola at nashoot ko naman Makalipas ng ilang minuto 2nd quarter na ng laro Nagulat nanamn ako at binato sa akin ni Lavinia yung towel na hawak niya "Uy Lav

