DRIX'S POV Pinalayas ako ng magulang ni Leona sa kwarto niya at umalis na lang ako para walang gulo Nandito lang ako sa loob ng bahay namin at may narinig ako na ambulansya Saan kaya galing yun bat parang banda kila Cynthia galing hindi ko na lang pinansin yun Makatulog na nga lang at gabi na rin naman Ilang oras makalipas hindi pa rin ako makatulog Tumunog na lang yung phone ko at Cezar yung tumatawag kaya sinagot ko na lang "Uy pre! Ano hindi mo ba nabalitaan" "ano yun pre?" tanong ko sa kanya "si Lavinia naglaslas nandon sa hospital hindi pa rin nagigising" sabi niya sabay pinatay ko na yung phone at nagbihis ng mabilis para puntahan si Lavinia Ilang minuto ako naghintay ng tricycle pero buti na lang at meron pa ako nasakyan Hindi ko na naisip na meron na pala ako motor

