PROLOGUE
Kanina pa ako takbo ng takbo.
Wala na nga akong malabasan
dito sa malaking bahay na to e.
Saan ba ang daan palabas?
Bakit naka sara ang lahat?
Hindi ko rin maabot ang mga bintana
dahil masyadong mataas. Masyado
ring madilim dito na parang ayaw
sinagan ng araw. Tanging ang buwan
lang ang nagbibigay sakin ng gabay
para makita ko ang daan.
" Nasaan na ba kasi ang daan palabas? "
Bawat pinto ay binuksan ko. Pero
merong iisa na hindi ko pa
nabubuksan dahil natatakot ako.
" My dear. You can't leave this house. "
Isang beses na di'ko alam kong saan
Nanggagaling.
" SINO KA? " -tanong ko.
" Don't you remember? "
Bakit? Nakita ko na ba siya?
" KUNG SINO KA MANG TAMPALASAN
KA! PALABASIN MO NA AKO. GUSTO
KO NG UMUWI, " -pagmamakaawa ko.
" No. You can't. Don't leave me. "
Sa part na 'Don't leave me' para
siyang nagmamakaawa?
Lilinga-linga ako pero wala talaga
akong makitang daan palabas.
Tumakbo ako ulit. Masakit na ang
mga binti ko. Masakit na rin ang
t'yan ko dahil nagugutom na ako.
Halos mapudpud na rin ang sapatos
ko kakatakbo.
" Pa'no ba kasi ako napunta dito? "
-tanong ko sa sarili ko.
Napahinto ako ng may lalakeng
nakaharang sa dadaanan ko.
Malayo ang distansya namin
sa isa't isa.
Sino naman to?
Siya ba yung kanina?
" Hindi ka aalis, " -tila maotoridad
nitong sabi.
" Hindi mo'ko iiwan. ".
Hala? Tanga ba siya? Ni hindi
ko nga siya kilala.
" Hoy!! Kung sino ka man na nagdala
sa'kin dito. Pwede ba? Gusto ko ng
umuwi! " -mangiyak ngiyak kong sabi.
Napasinghap ako ng biglang nasa
harap ko na siya. Harap ko mismo.
Face to face. Ngayon ay nakita ko
siya ng harapan. Mapupungay na
mga mata.
Pero parang naka drugs ata? Ang
pula, e. Tapos yung balat niya.
Sing-puti na ata ng bangkay?
" Please. Don't leave me. " -bigla
ako nitong niyakap.
Sino kaba?