CHAPTER 8 BRIANNAH POV Habang nagkakape si Kuya Etaziel at si Gellian sa receiving area, hindi ko mapigilang mapatitig sa babaeng ‘yon. Ang sexy. Ang kinis. Pero kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya kahit pilit niyang tinatago sa mga ngiti niya. Alam ko kung gaano kabigat ang pinagdaanan niya. Hindi biro ang bumagsak sa kagubatan na parang eksena sa pelikula. Kaya matapos ang kaunting kulitan, lumapit ako. "Girl, gusto mo makita ‘yung mansion namin dito sa unahan? May mini-garden, may koi pond, tapos may overlooking pa ng buong foothills!" alok ko habang sumisimsim pa ng mainit na tsaa. Napatingin siya sa akin, medyo nagulat, pero ngumiti rin. "Sure! Kailangan ko rin ng konting lakad-lakad… baka sakaling mawala ang trauma." Tumayo kami at naglakad palabas ng bahay. Sa gilid la

