CHAPTER 7 THIRD PERSON POV Mag-aalas otso na ng umaga nang muling tumahimik ang kagubatan matapos ang gabing puno ng halinghing, halakhak, at halikan. Ang araw ay dahan-dahang sumilip mula sa likod ng mga punongkahoy, at ang malamig na hamog ay nagsimulang mawala habang unti-unting umiinit ang paligid. Sa ilalim ng mga punong dapdap, nakahiga pa rin si Gellian sa bisig ni Etaziel. Pawisan, pagod, pero may ngiti sa labi parehong tila ba bagong silang sa mundong kanilang pinag-alabanan noong gabi. Hindi na sila nag-usap matapos ang huling bugso ng init. Nagkasya na lamang sila sa mahigpit na yakap, tila sinisigurado na totoo ang lahat, na buhay sila pareho, at magkasama. Makalipas ang ilang minuto, tumayo na si Etaziel. Tinakpan niya si Gellian gamit ang kanyang jacket at inabot ang kan

