CHAPTER 25: THE GHOST

1502 Words
Martin   “Wow! Ang tapang mo ghorl!” puri ni Margaret kay Ana. “Huh! Hindi ko na hahayaan na bastusin tayo ng ganon-ganon lang noh!” buong paninindigang sabi ni Ana.   Hindi rin ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Ana. Akalain mo nga naman. Tila’y may patalim sa bawat salita niya na sumasaksak ng paulit-ulit sa mga babaeng yun. Natatawa na lang ako sa lahat ng nangyari. Iba ka talaga, Ana.   “Hoooyyy!!” sigaw ng isang lalaki sa labas ng gate ng campus.   Si Sais ba yun?   “Kuya? Anong ginagawa mo dito?” lapit ni Stacey sa kanya. “May importante kasing pinuntahan si Tatang. Hindi ka niya ngayon masusundo, kaya ako na ang sumundo sa’yo,” paliwanag niya.   Sumulyap naman siya ng tingin kay Margaret at binigyan siya ng masiglang ngiti. Hehe! Mukhang alam ko na talaga ang pakay niya. Imposible nga naman na basta-basta pumayag si Jacob na sunduin ang kapatid niya, maliban na lang kung may tunay siyang dahilan.   “Hi, Margaret!” kaway niya kay Margaret.   Sinasabi ko na nga ba.   “Good afternoon po!” bawi naman niya.   Habang nagkukumustahan, bigla namang tumunog ang cellphone ni Jacob. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. Matapos ang pag-uusap, humarap siya sa’min na may malaking ngiti.   “Anong meron? Parang ang saya mo ata?” tanong ni James sa kanya. “W-Wala! Hehe!” “Ohoho! Si Dear Erica mo ba yun?” asar ko sa kanya. “MARTIN!” “Sinong Erica?” tanong ni Margaret.   Agresibo na namang lumapit si Stacey sa kuya niya at hinatak ang kanyang kuwelyo.   “BABAE MO NA NAMAN BA SIYA?” galit niyang tanong. “A-Ano k-ka b-ba! B-Babae? HINDI NGA SIYA BABAE EH!” inis niyang sagot.   Hindi ko na napigilan pang humalakhak nang malakas. Ipinagtaka naman nila ito, maliban kay Jacob na kanina pang umuusok sa inis.   “ANONG IBIG SABIHIN MONG HINDI BABAE?” galit na tanong ni Stacey. “Yang kapatid mo kasi, nauto ng isang lalaki. Nasa dibdib lang ata ang mga mata ng kuya mo eh! HAHAHA!” pang-aasar ko. “BWISET SIYA! MAY PAHIPO PA SIYANG NALALAMAN!” “Kasalanan mo yan! Hindi niya naman sinabi sa’yo na landiin mo siya, diba?” natatawa kong sabi. “Ganon ba talaga ka-attractive sa mga lalaki ang malalaking dibdib? Sakto lang kasi yung akin eh!” tanong ni Ana sabay kapa sa dibdib niya.   ANAAA! ANO BANG GINAGAWA MO?   “Oo, ghorl! Mahalaga yun noh!” ani naman ni Margaret.   BAKIT BA NILA PINAG-UUSAPAN ANG MGA GANITONG BAGAY? HINDI BA SILA PUWEDENG MAGPASINTABI SA MGA LALAKING NASA HARAPAN NILA?   “Oh siya, tara na, kuya!” yakag ni Stacey saka kusang sumakay sa kotse. “Uhm, Margaret!” tawag ni Jacob sa kanya. “Yes?” “Gusto mo sumabay sa’min?”   Heto na, ang kanyang malupitang galawan.   “Okay lang! Huwag na lang! Sasabay na lang ako kila Ana tutal sa 2nd street lang naman ako nakatira,” aniya. “Sigurado ka?” may pag-aalalang tanong ni Jacob. “Sobrang lapit lang ng bahay ni Margaret dito sa school, tapos magkokotse pa? Ano ba yan, kuya!” angal ni Stacey. “Dapat dinala mo na lang yung van!” “Sige, mauna na kami! Bye!” pamamaalam ni Jacob bago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse. “Byeee!” kaway ni Stacey.   Kami na lamang nina Ana, Margaret, at James ang naiwan. Nag-umpisa na kaming maglakad pauwi. Dumidilim na rin kasi.   “Bye, Ana!” pamamaalam naman ni Margaret bago lumiko papuntang 2nd street.   Kasalukuyan naming tinatahak ang madilim na 3rd street. Magaala-sais y media na ng gabi sa mga oras na yun.   “Ana,” tawag sa kanya ni James. “Bakit?” nakangiting niyang tanong.   Ayan na naman ang ningning sa kanyang mga mata.   “Sorry nga pala sa nangyari kanina. Ako na rin ang humihingi ng tawad para sa mga kaklase ko,” sabay yuko niya sa harap ni Ana. “Naku! Wala yun! Hahaha!”   Namaalam na rin si James matapos naming marating ang bahay niya. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Ana ang natitira. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging mga kuliglig at ilang sasakyan sa malayong lugar lang ang maririnig mo. Ahh, may pusa rin palang nag-iingay sa basurahan.   Biglang napahinto si Ana sa tapat ng kalapit bahay niya, na nasa bandang tapat lamang ng apartment niya.   “Bakit? May problema ba?” tanong ko sa kanya. “Wala naman. Kahapon ko pa kasi siyang nakikita sa tapat ng bahay ko,” sabay turo niya sa batang babae na nakaupo sa tapat ng bahay niya.   Nakaputing bestida ang batang babae. Nakatiklop ang kanyang mga paa at ang kanyang katawan ay nakahilig sa poste ng ilaw. Mahina siyang umiiyak.   “Hanggang ngayon, umiiyak pa rin siya?” wika ni Ana. “Pa rin?” “Oo. Kakauwi ko lang nun galing camping. Nakita ko siya diyan na ganyan, umiiyak.”   May nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Lumapit ako papunta sa batang babae. Tumindig ako nang maayos at nagpalabas ng pulang apoy sa’king kanang kamay.   “T-Teka, anong gagawin mo?” naguguluhang tanong ni Ana.   Hindi pa rin humihinto sa pag-iyak ang bata. Wala na akong nagawa kundi ibato sa kanya ang pulang apoy na nasa aking kanang kamay.   “TEKA! HUWAAAG!” sigaw ni Ana.   Walang nangyari sa bata. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng paso, galos, o anumang sugat. Hindi rin siya nagtaas-ulo mula sa pagkakasubsob sa kanyang sariling mga tuhod. Patuloy lamang siya sa pag-iyak at walang anumang pinakitang reaksyon.   “P-Papanong…?” “Hindi siya nasusugtan o nakakaramdam man ng sakit. Ana, isa siyang multo,” diretsahan kong sagot.   Imbes na sumang-ayon, nagtaas-kilay lang siya at tumawa.   “Multo? Ahahaha! Boi, walang ganon! Hahahaha! Kapag patay na, patay na talaga. Ano ba yan! Naniniwala ka pa sa ganon? Ang tanda-tanda mo na eh!” aniyang may pang-iinsulto. “Anong klaseng pag-iisip yan? Nakalimutan mo bang hindi ako tao?” tanong ko sa kanya. “Sa umpisa naman diba’y wala kang alam tungkol sa’ming mga Nobody? Kaya pano ka nakasisiguro na hindi nga totoo ang mga multo?”   Natigilan naman siya sa walang humpay niyang pagtawa.   “Iba naman yun noh! Paano mo ako mapapapaniwala na totoo nga siyang multo?” mataray niyang tanong. “Hawakan mo siya.” “WHAAAATT?” “Hawakan mo siya. Dali!”   Dahan-dahan siyang lumapit sa batang babae at nanginginig na iginalawa ang kanyang kamay. Dahan-dahan niyang kinapa ang balikat ng bata ngunit tumagos lamang ang kamay niya. Napaigtad naman siya dahil sa pagkagulat.   “Ang lamiggg!” kapa niya sa kamay niya.   Nakakapagtaka naman. Anong ginagawa ng isang multo dito sa tapat ng bahay ni Ana?   “Bata, bata!” yugyog ko sa balikat ng batang babae.   Humarap naman siya sa’kin at pinunasan ang kaniyang naluluhang mga mata gamit ang kanyang mga kamay.   “Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba sinusundo ni Kamatayan?” tanong ko sa kanya. “WHAATT? So ang Grim Reaper ay nage-exist?” hindi makapaniwalang tanong ni Ana. “Oo naman.” “WOAAAAHH!!”   Tsss! Hindi naniniwalang may multo pero sa Grim Reaper manghang mangha?   “Tumakas ako,” mahinang sagot ng bata.   Tumakas??   “Bakit ka tumakas? Ayaw mo pa bang magpahinga?” malumanay kong tanong sa kanya. “Gusto. Kasooo…” “Kaso?” “Mga bes! Baka gusto niyong pumasok sa loob ng bahay ko? Medyo lumalamig na rin kasi,” alok ni Ana. “Ikaw lang naman ang nakakaramdam ng lamig,” sagot ko sa kanya. “Pumasok na kasi tayo! Baka may makakita pa sa’tin dito. Baka akalain nila na nababaliw na tayo,” pagpupumilit niya.   Ana   Inalalayan ni Martin na tumayo ang batang babae mula sa matagal na pagkakaupo. Hindi ko rin ine-expect ito. Ako lang ba o talagang may ganitong side si Martin? Bakit hindi siya ganito kabait sa’kin? Huhu, nagseselos tuloy akoooo!   Binuksan ko ang pintuan at pinapasok sila. Pinatuloy ko sila sa sala. Pinaupo naman ni Martin ang bata sa sofa.   “Pedopilya!” mahina kong sabi sa kanya. “ANONG PEDOPILYA?” “Hihi! Joke lang!” hagikhik ko.   Sadyang… mabait lang siguro siya sa mga bata. Dinala ko ang itinimpla kong dalawang tasa ng kape sa center table.   “Oh, magkape muna kayo!” alok ko sa kanila. “Kape? Aanhin ‘to ng isang multong katulad niya?”   Shemmmss! Oo nga pala! Multo nga pala siya.   “Sorry sorry! Lutang lang, hehe!” sabay kuha ng kape. “Nga pala, paanong nakikita ko siya eh tao ako? Wala naman akong third eye..” “Dahil nga sa namatay ka na,” maikli niyang sagot.   Oo nga pala. So parang hindi na rin ako pangkaraniwan na tao?   “Eh paanong nakakapa mo siya? Diba dapat tatagos din ang kamay mo?” “Kaming mga nobody at mga kaluluwa, kaya naming makita at mahawakan ang isa’t-isa. Kayo lang namang mga mortal ang walang ganong abilidad.”   EH?   “Anong dahilan bakit mo tinatakasan si Kamatayan? Ayaw mo ba sa Spirit World?” tanong naman ni Martin. “ANOOO?? MAY GANON?” di makapaniwala ko na namang tanong. “Oo. Totoo ang Spirit World. Isa rin yun sa mga mundong hindi alam ng mga tao,” paliwanag niya. “Anong meron dun?” “Halos parehas lang rin ng ibang mundo. Kaso, mga kaluluwa’t espiritu ang nakatira doon. Mga multong nanggaling sa mundo ng mga tao at siyempre, si Kamataya’y nagmula din doon.”   Woaaahh! Gusto kong makapunta doon!   “Tawagan ko kaya si Kamatayan-” “HUWAAAG!” pigil ko. “Bakit?” “Diba tinatakasan daw ng batang ‘to si Kamatayan?” “Oo. Kaya lang, mas mapapabuti siya kung ibibigay natin siya kay Kamatayan. Malamang, kanina niya pa rin din hinahanap ang multong ‘to.” “Pero baka kasi may resonable siyang dahilan..”   Mukha kasing nakakaawa ‘tong batang ‘to. Siguradong may dahilan naman diba ang walang humpay niyang pag-iyak?   “Bakit ka ba malungkot?” tanong ko sa batang babae. “K-Kasi… g-gusto k-kong m-makita s-si P-Papa..” nanginginig niyang sagot.   Ganon pala. Marahil gusto niyang makita ang tatay niya bago siya kunin ni Kamatayan.   “G-Gusto k-kong s-sabihin s-sa kanya n-na w-wag siyang m-malulungkot..” dugtong ng batang babae.   Awwww! Naiiyak ako, huhu!   “Kaso, alam mo naman na kahit anong gawin mo, hindi ka maririnig ng tatay mo diba?” wika ni Martin. “Wala na bang ibang paraan?” tanong ko sa kanya. “Huh?”   Naniniwala akong may paraan. Kailangang matupad ang kahilingan ng batang babaeng ito bago siya mamaalam sa mundo ng mga tao. Ayokong may pagsisihan siya tulad ko.   “Subukan lang natin. Hanapin natin ang tatay niya,” sabi ko. “P-Pero-” “Kung ayaw mo, edi huwag! Ako na lang ang tutulong sa kanya,” wika ko. “Kahit anong mangyari, hahanapin natin ang tatay mo!” paninindigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD