Nathan
“Sir, pasensiya na po. Wala naman pong naiwang ebidensya-”
“WALANG EBIDENSYA?” pilit kong pagkokontrol sa lakas ng boses ko. “Ang sabi ko, MALINIS! MALINIS BA YUN?”
“Sorry po sir!”
Nang mapansin ko na papalapit sa akin si Liza, agad ko nang ibinaba ang aking cellphone.
“Is there any problem?” pag-aalala niyang tanong.
“Wala naman. Let’s go.” nakangiti kong sagot.
Muntikan na ako kanina dahil sa balitang yun. Sa pagkakaalam ko, matalinong babae si Liza. Magaling siya mag-obserba ng mga nangyayari. Pag nagkataon…. Jeez! Hindi maaaring dahil lang sa isang pagkakamali, masisira ang lahat ng mga plano ko. Hindi ako papayag.
“Mukhang seryoso ka ngayon ahh! Sino ba yung tumawag sa’yo?”
“Uhm, I-It’s M-Mr. K-Kim. Just reminding me na may gagawin pa ako,” pagpapalusot ko.
“Oh, sorry. May gagawin ka pa pala. Anyway, thank you for dinner.”
Naging maayos naman. Mas lalo kaming napalapit sa isa’t-isa. Waaaahhh! Salamat Mr. Kim. Napakatalino mo talaga. Wala talaga akong alam sa mga ganitong galawan, pero laging nariyan ang masipag kong sekretarya para tulungan ako.
“Wait! Punta lang akong restroom.”
“Sige, hintayin kita dito.”
Naghintay ako sa labas ng restaurant, nakasandal sa sarili kong sasakyan.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Liza habang pinapagpag ang kanyang palda. Biglang may dalawang lalaking lumapit sa kanya na may mga takip ang mukha, at naglabas ng kutsilyo, pinapanakot sa kanya.
“HOLDAP ‘TO! IBIGAY MO SA’MIN ANG BAG MO!”
Tumakbo ako nang mabilis papalapit kay Liza upang iligtas siya. Ngunit bago pa ako makalapit, biglang pinilipit ni Liza ang braso ng may hawak na patalim. Nabitawan nito ang hawak na kutsilyo at agad niyang sinipa sa kasamahang holdaper. Subalit bago pa niya mapulot ang kutsilyo, mabilis na kumilos si Liza. Sinipa niya ang mukha ng isa pang lalaki gamit ang kanyang kanang paa, habang mahigpit niya pa ring hawak ang braso ng isa.
Hindi makikitaan ng takot ang itsura niya. Wala siyang ekspresyon. Tila’y madali lang sa kanyang makikipagbugbugan sa dalawang lalaki at wari’y nalalaman niya ang mga susunod na ikikilos nila.
Ginawa niyang punching bag ang dalawang lalaki. Malalakas na suntok ang pinakawalan niya. Yung tipong ramdam ko yung pwersa kahit malayo ako sa kanila. Nagagawang bumawi ng suntok at sipa ang dalawang lalaki, ngunit mabilis naman itong naiiwasan ni Liza.
Natapos ang labanan. Bagsak ang dalawang lalaki. Mukhang hindi nila kinaya ang lakas ni Liza.
“Mukhang hindi niyo kilala ang kinakalaban niyo ahh!” sabay diin ng pagtapak sa mga kamay ng dalawang lalaki.
“Uulit pa kayo?” nakangiti ngunit nakakatakot niyang tanong.
“H-Hindi n-na p-pooo, awwww!” pagmamakaawa nila.
Ilang segundong nakalipas, dumating na rin ang kapulisan, at hinuli ang dalawang holdaper. Maraming taong nakatingin at nagtsitsismisan sa nangyari. Ang ilan pa ay kumuha ng mga larawan gamit ang kanya-kanya nilang cellphone.
“Glad you’re safe.” natatawa kong bati.
“Kala nila hah!”
“Ang lakas mo naman. Akalain mo, dalawang lalaki, may dalang kutsilyo yung isa, tapos natalo mo na walang kahirap-hirap?!”
“Sus! Sisiw lang yun, hahahaha! Grupo nga ng kalalakihan, napabagsak ko, dalawa pa kaya, hahahaha!”
Grupo ng kalalakihan?
“Mahilig ka pala makipagbugbugan. Natatakot tuloy akong maging asawa mo. Baka bugbugin mo ako kapag ginabi ako ng uwi, hahaha!” biro ko sa kanya.
“Hoy! Hindi naman. May niligtas lang ako that time.”
“Sino?”
“Ana- Never mind! Let’s go home.” balisa niyang sagot.
So, you’re already met Ana huh! Nice.
Hindi ko inaasahan… na magiging ganito ito kadali.
Ana
Gosh! It’s Monday. Tapos na ang pahinga. Back to school na ulit. No worries naman, maaga kasi ako nagising. Ito ako ngayon, nakabihis na ng itim naming uniform, nakapagsuot na ng itim na sapatos, dala-dala ang bag, at umalis ng bahay.
Nagmasid-masid ako sa paligid. Tiningnan ko muna kung may mga estudyanteng nasa labas. Baka mapatulad kasi ako sa nangyari noong sem break, haysss! Buti naman, napansin kong madaming estudyante ngayon tulad ko, papasok din sa school.
Natapos ko naman yung report ko sa Science kahit na may panukso (365 Days with Haruki-kun). Handa na akong ipasa ito kay Guardian No. 9-
MALI! Kay Ma’am Violet.
Nakarating na ako sa gate ng school namin. Muli kong tinitigan ang kabuuan ng buong campus. Sobrang laki talaga kumpara sa tunay kong school. Nakakapanibago pa rin yung pagkawala ng puno sa gilid. Doon pa man din ako nagtatago kapag maraming tao ang naghahanap sa’kin. Well, hindi na yun kailangan dahil iba ang existence ko dito, grrrr!
“Bakit ayaw mo pa pumasok?”
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni mokong sa likod ko.
“Bakit ba bigla ka na lang nagsasalita? Di ka man lang magparamdam.” sabay irap ko sa kanya.
“Tara na, pumasok na tayo. Baka ma-late pa tayo.” saka siya naglakad papasok.
As usual, in-inspect ulit ng masungit na guard kung may ID ba kaming dala. Luckily, pareho naman naming nadala ang mga card namin, pero siyempre may mga naharang pa rin at hindi pinapasok. Tsk! 1st day ng klase mula sa sem break, hindi man lang maging mabait ang guard na ‘to.
“Hayy!” pagbubuntong-hininga ko. “Actually, ayaw ko pa talagang pumasok sa school. Gusto ko pang gumala!” pagrereklamo ko habang naglalakad.
“Ang akala ko school ang pinakapaborito mong lugar.” sabi ni Martin.
“Oo nga, school ang paborito kong lugar. That’s because I’m a famous student sa school namin noh! Di tulad ngayon, isa lang akong tuldok sa libo-libong estudyante dito.” pagmamaktol ko. “You know the feeling na papasok ka sa school tapos hinahangaan ka ng maraming tao? And then sabay-sabay silang lalapit, makikibati, magpapapicture, at magbibigay ng random stuff. Ganon ang high school life ko noh!” pagmamalaki ko.
Sa lahat ng mga pinagsasasabi ko, nagtaas-kilay lamang siya.
“Ano namang maganda dun?” tanong niya.
WHAAAAT?
“Like hello, ang saya kaya maging popular. Marami kang friends. Ganorn!”
“At paano ka nakasisiguro na ang lahat ng kaibigan mo ay totoo sa’yo? Paano kung kaya ka lang nila kaibigan ay dahil sa matalino’t sikat ka?” pahabol niyang tanong.
Huminto ako sa paglalakad at nagsalita.
“ANO KA BA? PANIRA KA NAMAN EH! Iba ang friends sa close friends noh! At iba pa ang close friends sa bestfriends mo! You know, libo ang followers ko sa i********:, but not all ay friends ko. Marunong din naman ako kumilatis ng mga tupperwares!”
Natahimik lang siya at nanatiling nakatayo. Ako nama’y nauna na at nagpatuloy sa paglalakad.
“Good morning..” matamlay kong bati.
“Good morning, Ana!” masigla namang bati ni Margaret. “Bakit parang sobrang tamlay mo ata ngayon?”
Ibinaba ko ang bag ko sa upuan.
“Margaret, huhu gala ulit tayo next time!” request ko sa kanya.
“HAHAHA! Siyempre naman!” tawa niya sabay baling ng kanyang atensyon sa tuhod ko. “Kumusta ang sugat mo?”
“Ahh ito?” Kinapa ko ang bandage na nakadikit sa tuhod ko. “Magaling na yan. Tuyo naman na, nilagyan ko lang ng bandage.” nakangiti kong sagot.
“Mabuti naman!”
“Good morning, guys!”
Natuon ang atensyon namin nang magsalita si Class President sa unahan.
“Sorry guys. Alam kong masyado pang maaga para i-announce ito sa inyo. But I want to take the oppurtunity na rin kasi, habang wala pa si Sir William.” panimula niya.
“We all know naman na malapit na ang December. Magkakaroon kasi ng Talent competition sa buong campus, at ang theme natin ay kahalagahan ng pag-ibig.”
Talent competition tungkol sa kahalagahan ng pag-ibig?
“Magkakaroon din ng fund raising ang school natin na ido-donate sa napiling orphanage ngayong pasko. Nananawagan po kaming Student Council na sana’y maging active po tayo sa mga stalls na itatayo sa center campus.” pagyuko niya. “Sino po kaya ang gustong gumawa ng stalls para sa klase natin?”
Nagusapan ang mga kaklase namin at isa-isang nag-suggest. Ang iba’y nagbubulungan at nagtuturuan kung sinong puwedeng makilahok sa naturang event.
“Ikaw Ana?” mahinang tanong sa’kin ni Margaret.
“H-Huh?”
“Saan ka sasali?”
“A-Ako? Hindi ko pa alam eh!” sagot ko.
“And guys, siyempre hindi mawawala yung poster and slogan making natin.” pahabol ni Class Pres. “Bukod pa nga pala dito yung station ID na gagawin natin para sa Christmas Party sa December. Sinasabi ko na rin para mapaghandaan natin.”
“Oh, labas jan yung mga magagaling kumanta at sumayaw!” sigaw ng isa sa mga kaklase naming lalaki.
Hayyy! Ang ingay!
“Ikaw Ana?” tawag sa’kin ni Class Pres.
“W-What? Ako?” turo ko sa sarili ko.
“Oo! Diba magaling kang kumanta?”
Shet! Paano nila nalaman ang tungkol dun? Ni hindi naman ako kumakanta pag nasa school. Alam ko na! Napalingon ako kay Martin nang maalala ang abilidad niya. Ninitian niya lamang ako saka nagpa-cute.
Grrr! So siya pala ang may pakana nun hah!
“Ok, nakalista na si Ana. Sino pang gustong magparticipate sa station ID?” tanong ni Class Pres.
“T-Teka, hindi pa naman ako pumapayag eh!”
“Pasensiya na, pero wala nang bawian, Ana. Nailista na kita. Bawal kasi ang erasure sa list eh gawa na ipapasa ko ito sa student council at sa adviser.” nakangiti niyang paliwanag.
Kaasar!
Matapos ang tatlo naming klase ngayong araw, sa wakas, LUNCHBREAK na!!
“BALIW!” sigaw ko sa kanya.
“Ano na naman ba?” iritang tanong ni Martin habang binubuksan ang kanyang baunan.
“BALIW! BALIW! BALIW!” paulit-ulit kong sigaw sa kanya.
“BAKIT BA?” pikon niyang sabi.
“ALAM KONG IKAW ANG MAY KAGAGAWAN NUN!”
“Ang alin?” sabay subo niya ng kanin.
“YUNG EXISTEN-” bigla kong pagtakip sa bibig ko nang mapag-alamang kung anong sinisigaw ko.
Itinabi niya ang kutsara’t tinidor na hawak niya kanina, at tinakpan ang walang laman na niyang baunan.
“UBOS MO NA AGAD ANG PAGKAIN MO??!” di makapaniwala kong tanong.
Wow! Pati rin ba sa pagkain, sobrang bilis niya?
“Bakit hindi mo pa sinisimulang kainin yang baon mo?” sabay turo niya sa baon na nasa lamesa ko.
Waaahh! Hindi pa nga pala ako kumakain! Binuksan ko na ito at nagsimulang sumubo ng ilang kutsara ng kanin.
“Bakit mo ba kasi ginawa yun?” tanong ko sa kanya habang ngumunguya.
“Diba sabi mo, masaya ang buhay kapag sikat at kilala ka sa buong school?” sagot niya.
“Oo nga! Sinabi ko yun, in my case noong nasa sariling dimensyon ko pa ako. Iba ngayon noh! Wala akong alam sa mga tao dito.”
“Ayaw mo nun? Para sumikat ka rin dito.”
Wala akong nagawa kundi sumimangot at bilisan ang pagkain. Hayyyy!!
Matapos ang madaliang pagkain, tumungo ako sa Science Department na nasa ikaapat na palapag para ipasa kay Ma’am Violet ang report ko.
Tatlong beses na katok bago pumasok, mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang mukha ni Ma’am Violet na busy sa pagta-type sa kanyang laptop. Dahil naririto rin ang mga kasamahan niyang guro, ang itsura niya’y may bagsak na mga pisngi at iilan-ilang puting mga buhok.
Lumapit ako sa desk ni Ma’am at bumati. Nang makita niya naman ako’y bumawi siya ng ngiti.
“Ma’am ito na po pala yung report ko sa Science. Sorry po kung late na ako nagpasa,” normal kong pananalita.
“It’s okay! Hindi pa naman ako tapos mag-check ng mga output niyo eh.”
Tinitigan kong mabuti si Ma’am Violet. Ngayong alam ko na ang tunay niyang itsura, masasabi kong kahit sa mukhang matanda’y maganda pa rin siya. Nakakamangha lang…
“Mauna na po ako,” yuko’t pamamaalam ko.
Mahigit apat at kalahating oras ang nakalipas, natapos na ang klase namin.
“Ayyy!” tili ng mga babae sa kabilang classroom.
“Kasabay ko siyang uuwi!”
“Hindi, ako kaya ang kasabay niya!”
“MGA BRUHA! AKO KAYA!”
“AKO! AKO! AKO!”
“Ano bang nangyayari sa kabilang section? Bakit para atang nagkakagulo doon?” tanong ko kay Stacey.
“Sa tingin ko, alam ko na ang dahilan,” sabay turo ni Margaret sa isang lalaking palabas ng kabilang silid.
JAMES??
“Oh, Hey!” kaway ni James nang mapansin niya kami sa hallway. “Sabay na ako sa inyo!” nakangiti niyang sabi.
Shemmss! Heto na naman ang ngiti niya, nakakatunawww!
“Luh? Bakit sa kanila sumama si James?” bulungan ng mga babae.
“Oo nga! Ang papangit kaya nila!”
“Ginayuma kaya ng tatlong yan si James?” mga nakairap nilang sabi.
WHAAATT??! ANONG SABI NIYO? PANGET?
“HOOOYY! ANG KAKAPAL NG MGA MUKHA NIYO! BUBULONG-BULONG PA KAYO, RINIG NA RINIG NAMAN! AT ANONG SABI NIYONG GAYUMA? BAKA GUSTO NIYONG TUMAMA ‘TONG KAMAONG ‘TO SA MGA PAGMUMUKHA NIYO!” gigil na pagbabanta ni Stacey.
“Stacey, shhh! Tama na! Ano bang sinasabi mo?!” awat ni Margaret.
“Bakit? Hindi ba? Ang papangit niyo kaya!” ang sabi ng isang atribidang babae.
“Kaya nga! Akala mo naman magugustuhan sila ni James,” nakairap na dagdag ng isa pang babae.
Ito na namaaaan ang mga nakakabwiset na mga babae. KAILAN BA AKO TATANTANAN NG GANITONG MGA SINARYO?! AWATIN NIYO AKOOO!! NANGGIGIGIL AKOOO!
“Wala na akong kasalanan diyan hah!” iwas-tingin na sabi ni Martin.
Pumagitna naman sa amin si James, nagtatangkang ayusin ang lahat ng nangyayari.
“Hey! Huwag na kayong mag-away. Wala naman kayong mapapala diyan. Isa pa, desisyon ko naman na sumama sa kanila dahil mga kaibigan ko sila. At sinong nagsabi sa inyo na pangit sila? All of you are pretty,” nakangiti niyang wika.
Agad namang umamo ang mga itsura ng mga babae na kanina lang ay gigil na gigil sa amin.
“I think you are wrong, James!” taas-kilay kong sabi.
Napatingin naman ang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Lumapit ako ng kaunti sa nakairap na mga babae.
“Look at your curly wiggly hair and your cheap plastic Hello Kitty hairband. My gosh! How old are you na ba? Kindergarten?” natatawa kong turo sa buhok niya.
Nanlaki naman ang mga mata ng lahat dahil sa narinig.
“HOW DARE YOU TO-”
“And look how pity you are! Yuck! Dark red lipstick under your dark skin tone? Do you notice how thick your blush on? Ahahaha! Sinampal ka ba ng kaliwa’t kanan?” turo ko naman sa babaeng kanina pa nanggagalaiti sa galit.
“YOU! HOW DARE YOU!” paiyak na sabi ng isang babae.
“Panget? Panget pala kami hah! Nakakahiya naman. Gosh! Why am I wasting my energy on these BITCHY girls? Fashion Terrorists! Pweee! Ang babaduy!” nakangisi kong sabi sa harapan nila.
Tinalikuran ko silang lahat at saka hinawi ang mahaba kong buhok. Haha! Ugly? Wala yun sa bokabularyo ko noh!