Jacob
“So anong pag-uusapan natin?” panimula ko.
“Tungkol ito kahapon,” saka umupo sa sofa.
“Oh ano? Ano bang nangyari?”
“Si Tres ang may kagagawan-”
Bigla akong napatayo sa sinabi ni Otso.
“NAKOOO! SABI KO NA NGA BA EH! TAMA ANG HULA KO!” gigil kong sabi.
“PWEDE BANG PATAPUSIN MO MUNA AKO MAGSALITA?!!”
“Okay okay!” tahimik kong upo.
“Malamang ginamit niya na naman ang Pink’s Fragrance-”
Napatayo muli ako matapos siyang magsalita.
“SABI NA NGA BA EH!! GUMAMIT SIYA NUNG AMOY NA YUN, PARA HIMATAYIN SI ANA!”
Lumingon ulit ako kay Martin. Napansin ko na masama na ang tingin niya sa’kin. Grrrr! Nakakatakot din siya kung minsan.
Naiurong ko na naman ang aking dila at dahan-dahang umupo.
“Gusto mo ikaw na lang magkuwento?” yakag niya.
“H-Hindi! W-Wag n-na h-hehehe,” pinagpapawisan kong sagot.
“Baka gusto mo na ikaw na rin ang magpasa ng incident report? Ibibigay ko sa’yo yung code,” sabay abot niya ng kanyang cellphone.
“A-Ahh, w-wag n-na. T-Tuloy mo na y-yung s-sinasabi mo.”
Bumuntong hininga siya at saka nagpatuloy sa pagsasalita.
“May mga sinabi siya kay Ana-”
“WHAAATT?” pagkabigla ko.
Napatitig na naman siya sa’kin nang masama. Kulang na lang ay patayin niya ako dahil sa pagkainis. Shaakks!
“S-Sorry…” nanginginig kong kuha sa tasa ng kape at dahan-dahang humigop. “I mean, ano yung sinabi niya?”
“Ang sabi ni Ana, nabanggit daw sa kanya ni Tres na dadalhin niya si Ana sa kuya niya,” pagpapatuloy niya.
Nabuga ko ang iniinom kong kape dahil sa pagkabigla. SINO DAW?? YUNG KUYA NIYA???
“Punasan mo yan,” walang reaksyon niyang sabi.
“S-Sorry, n-nabigla a-ako.”
Ang sakit sa lalamunan. Ang init pa man din ng kape. Inuubo tuloy ako ngayon, hayyss!
“Nakausap ko rin si Guardian No. 7. Ang sabi niya, nagsalita na daw si Singko,” aniya.
“Anong sabi?” tanong ko habang pinupunasan ng tissue ang lamesa.
“May alam si Singko sa kaso ni Ana. At ang tinuturong salarin ay si CUATRO.”
“Pero bakit niya gagawin yun sa kapatid niya?”
“Yun din ang iniisip ko,” sapo niya sa kanyang noo.
“Alam na ba ‘to ni Ana?”
“Hindi pa..”
Hoooh! Mabuti naman.
“Nagtataka lang siya kung sino yung tinutukoy ni Tres na kuya niya, at kung paano siya nagkaroon ng kuya.”
“Bakit ba hindi mo na lang sabihin na-”
“Alam mong ipinagbabawal yun diba?” putol niya sa sinasabi ko.
“O-Oo…”
Habang nakatungo, may isang bagay akong naalala.
“Nga pala, tumawag sa’kin si Miss Verona,” wika ko.
“Anong sabi?”
“May naitala na namang isang unexpected death dito sa dimensyong ito,” salaysay ko.
“Isa na namang unexpected death?”
“Oo. Nakita daw ang bangkay na palutang-lutang sa ilog sa liblib na lugar. Nakipag-ugnayan ako kay Kamatayan para makita ang bangkay ng tao, at nagulat ako sa nakita ko.”
“Anong nakita mo?”
“Ang taong namatay, yun yung taong nakalaban ko sa amusement park.”
“Sa amusement park??” pagkabigla niya. “Yung…”
“Yung taong nagtataglay ng itim na apoy.”
“Kung ganon….”
“Kung ganon, maaaring ang pumatay sa kanya, ay si Dos.”
Nagsimulang tumikom ang kamay ni Martin, tanda ng galit niya sa kanyang narinig.
“Bwiset talaga siya!” mahina niyang sabi.
Martin
“Ang punterya niya kaya ay si Ana?” tanong ni Sais.
“Sa tingin ko, hindi.”
“Huh? Bakit?””
“Ayy Ma’am. Saan niyo po sunod na gustong sumakay?”
“Kayo bahala.”
“Ayos! Sumakay na lang tayo sa Ferris Wheel.”
“Sige sige tara!”
“M-Mukhang n-nanggaling y-yun s-sa F-Ferris W-Wheel!”
“Akala ko ba si Ana ang punterya niya?” muli niyang tanong.
“Yun din ang nasa isip ko nung una, pero bakit pa siya mag-aabala na magsugo ng isang mortal na tao sa amusement park, at magpasabog malapit sa Ferris Wheel? Bakit hindi na lang niya diretsong dukutin si Ana?” paliwanag ko sa kanya.
“Huh?”
“Sa mga oras na yun, si Liza ay nakapila sa Ferris Wheel nang mangyari ang insidente. Malayong-malayo na tayo nun sa Ferris Wheel. Kung si Ana man ang pakay niya, hindi ba dapat mismong si Ana na ang atakihin niya?”
“Kung sa bagay, may punto ka,” tango niya.
“Isesend ko ang incident report mamayang gabi. Pakisabihan na lang si Miss Verona.”
“Copy, Otso.”
Napagtanto ni Jacob ang isang bagay na gusto niyang tanungin kay Martin kanina pa.
“Uhmm, ano na nga palang nangyari kay Tres?” tanong niya.
“Hawak na siya ng Nobody Investigation Department.”
“HAAAAAHH??!! N-NAHULI MO SIYA???” di makapaniwala niyang reaksyon.
“Heh! Siyempre, ako pa,” pagmamalaki ko.
Napahawak si Jacob sa magkabilang-balikat ni Martin at malakas siyang niyugyog.
“ANDUUGA!!! WAAAHHH!! DALAWANG GUARDIANS NA ANG NAHULI MO, SAMANTALANG AKO WALAA PAAA!!! WAAHH!!” gigil niyang sabi.
Liza
“Ma’am, wala na po ba kayong iuutos?” tanong ng aking sekretarya.
“Ahh, wala na. Puwede ka nang umuwi.” nakangisi kong sagot.
“Ehh Ma’am, matanong lang po. Hindi pa po ba kayo uuwi? It’s already 6:30 na po eh.”
“Ahh, may inaantay lang ako.”
“Sino po?”
“Fiance ko.” wala sa isip kong sagot.
“Fianceeee???!!” gulat nitong tanong.
Natigil naman ako sa paperwork ko nang mapag-alaman kung anong sinabi ko. Hindi pa nga pala alam ng mga katrabaho ko na may fiance na ako. Hayyyy, biglaan kasing desisyon yun.
“Y-Yes, m-my f-fiance.” utal kong sabi.
“Kailan pa po kayo nagka-fiance?” muling tanong niya.
“Well, biglaan kasi ang lahat.” tipid kong ngiti siyang sinagot sa tanong niya.
“Bakit parang gulat na gulat ka ata?” tanong ko sa kaniya.
“Sa pagkakakilala ko po kasi sa inyo, ikaw yung boss namin na binasted ang sampung mayayamang binatilyong nanliligaw sa’yo. Hindi pa dun kasama yung dalawang may asawa na hah.”
Agad naman akong natawa sa sinabi niya. Ganon ba talaga ako kaganda? Ni hindi ko na nga napansin kung ilan na ang mga lalaking umakyat ng ligaw para sa’kin. Lahat sila’y mayayaman, ang ilan ay sikat, at ang iba ay mga gwapo. Gaya nga ng sinabi ng aking sekretarya, bukod pa sa sampu yung dalawang lalaking may asawa na pero gusto akong ligawan (Pwe! Ayoko kayang maging kabet!).
“Secretary Hernandez?” tawag ko sa kanya.
“Yes Ma’am?”
“May balak ka bang umuwi?” seryosong tanong ko.
“Oh, yes po Ma’am. Naku pasensiya na po, napadaldal, hehehe. Mauna na po ako Ma’am!” pamamaalam niya.
“Gege!”
Matapos ang ilang pagta-type sa laptop, pagbubuklat ng mga papel, at pagpipirma ng ilang documents, napatingin ako sa relo ko.
IT’S 7:05 NA PALA!! Hindi ko namalayan na nag-alas siyete na pala. Masyado akong naging tutok sa paperwork.
Tumayo ako sa kinauupuan ko, niligpit ang ilang gamit, inayos ang sarili, kinuha ang coat at isinuot, kinuha ang bag at isinabit sa braso, saka nilisan ang office.
Nag-elevator ako. Nang makababa ay medyo nagmamadaling naglakad palabas.
“Take care po Ma’am.” masiglang wika sa’kin ng guard.
Napansin ko ang isang magarang itim na kotse sa bandang harapan. Doo’y nakasandal ang isang lalaki.
“Yow!” bati ni Nathan na may pataas-taas pa ng dalawang kamay, animo’y parang isang bata na ngayon lang nagkita.
“Sorry, kanina ka pa ba dito?” paghingi ko ng tawad.
“Ahh, di naman, mga 6:30 lang naman, hehehe.”
“Ehhh? Mahigit kalahating oras ka na palang nandito? Bakit hindi mo ako tinawagan?”
“Naisip ko kasi na baka busy ka sa work mo, kaya hindi na kita tinawagan,” nakangiti niyang sagot.
“Tara na,” yaya niya sa’kin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse, pagkatapos ay sumakay na rin siya at nagsimula na magmaneho. Binuksan ko ang bintana ng kotse at tumanaw sa labas. Hmmm, ang lamig ng hangin. Isabay pa ang nagkikislapang mga ilaw ng gabi ng Maynila at ang malumanay na musika sa radyo.
“You like this song?” tanong niya.
“Yah,” maikling sagot ko.
Narinig ko na ang boses ng lalaki sa radyo na nagsasabing “Wish One O Seven Five”, hudyat na patapos na ang kanta. Pagkatapos na pagkatapos ay sinundan ito ng maikling balita.
“News Update. Isang bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa isang ilog sa liblib na lugar sa Dasmariñas, Cavite. Base sa resulta ng autopsy, makailang palo at putok ng baril ang natamo ng biktima. Napansin din nila na ang biktima ay may sobrang payat na pangangatawan at ang kahindik-hindik ay ang maiitim nitong mga mata. Sa ngayon ay wala pang lead ang kapulisan kung sino ang nasa likod ng karumaldumal na pamamaslang.”
Agad namang nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso nang marinig ang laman ng balita.
Hindi pa natatapos ang balita ay biglang nilipat ni Nathan ng ibang estasyon ang radyo.
“Hindi magandang pakinggan ang mga ganyang uri ng balita,” seryosong sabi niya.
“Grabe naman ang mga taong gumawa sa kanya nun. Mga walang puso,” mabigat sa loob kong sabi.
“Don’t mind it Liza, maiis-stress ka lang.”
Ibinaling ko ulit ang atensyon sa labas ng bintana, tinanaw-tanaw ang maliliwanag na ilaw, huminga-hinga ng malalim.
Martin
Umalis na si Jacob matapos ang aming usapan. Tumungo ako sa sala at iniligpit ang mga baso at platong nagamit. Inilapag ko ang mga ito sa kusina at saka hinugasan. Naglinis na rin ako sa buong bahay. Nang matapos magligpit, napaupo ako sa sofa.
Haaaayyyy! Nakakapagod. Ano kayang gagawin ko? Napatingin ako sa apat na librong nakapatong sa center table. Kinuha ko ang first volume at pinagmasdan ang balot.
Haruki-kun to no 365-nichi….
365 Days with Haruki-kun….
Written by: Zenaya…
Volume One….
Translated to English-Tagalog….
Ano bang meron dito? Bakit gustong-gusto ng dalawang yun ang nobelang ‘to?
Dahil na rin sa pagtataka, binuksan ko ang nobela. Hindi ko sinimulan sa una. Binasa ko muna sa bandang dulo. RomCom daw sabi ni Jacob….. sige, mabasa nga.
It’s a year, three hundred sixty five days in a year simula nang makilala ko siya. Ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Si Haruki, na may mapang-akit na mga mata, at malambing na boses. Bagama’t isang taon pa lang, pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya. At sa bawat araw na nadadagdag sa three hundred sixty five days, mas lalo ko pang natututunan siyang mahalin. Ngayon, nandito ako sa harap niya, ayaw na palampasin ang pagkakataon, na makapagtapat ng nararamdaman sa kanya.
So tungkol ito sa isang babaeng in-love sa isang lalaki? Dahil sa pagtataka, ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
“U-Uhmm, H-Haruki,” pautal-utal kong tawag sa kanya.
“Bakit? May problema ba?”
“K-Kasi….”
“Kasi ano?” nakangiti niyang tanong.
Bakit ba nakatitig siya sa’kin ng ganon? Hindi tuloy ako makapag-focus. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya.
“K-Kasi……. t-tingin k-ko……”
“Ang alin?”
Huminga ako nang malalim, saka nagpatuloy sa pagsasalita.
“T-TINGIN K-KO G-GUSTO N-NA K-KITA!” lakas-loob kong pag-amin.
Ang bilis? Umamin na agad siya? Hmmmm! Ano kayang gagawin ni Haruki? Tatanggihan niya kaya o sasagutin? Iiwas kaya siya? Lalayo kaya o aaktong normal? Maiilang kaya siya?
Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Nanlaki ang mga mata niya matapos na marinig ang mga salitang binitawan ko.
“G-Gusto m-mo a-ako?” hindi makapani-paniwalang tanong niya sa’kin.
“O-Oo…” pagtango ko.
“B-Bakit m-mo a-ako n-nagustuhan?” takang sabi niya.
Napansin kong parang wala lang sa kanya ang pagtatapat ko. Hindi ko na napigilang tumalikod at nag-umpisang maglakad palayo sa kanya. Dapat hindi ko na lang sinabi. Ganito tuloy ang nangyari. Kainis!
“Sandali!” napatigil ako nang yakapin niya ako mula sa likod. Ramdam ko ang t***k ng puso niya. Namula ako dahil sa ginawa niya.
“H-Haruki-kun?”
“Nagkakamali ka sa iniisip mo. I think…..” malumanay niyang sabi.
Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“I think I love you too,” bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga mula sa aking tenga.
Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ramdam ko ang maiinit niyang mga palad. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ito na ba talaga yun?
“H-Haruki-kun…?”
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mapupulang labi sa aking labi…..
OOOHH? MAGKIKISS SILA??
..….nang biglang….. namulat ang aking mga mata. Medyo maliwanag na sa labas nang tumingin ako sa bintana. Ito ako ngayon, nakahiga pa sa kama ko.
Inis kong ipinadyak ang aking mga paa. Napagtanto kong PANAGINIP LANG PALA ANG LAHAT NG IYON.
End of Volume 1.
Isinarado ko ang libro.
BWISET!
Napakamot na lang ako sa ulo sa labis na pagka-iyamot. Inihagis ko ang libro sa sofa at tinungo na ang sariling kuwarto.
Pamilyar ang pangyayaring yun sa’kin. Nangyari na ba yung ganon?
Tsss! RomCom, my foot!