Ana
“Byeee!!” kaway ko sa kanila.
“Bye Ana!!” pamamaalam ni Margaret.
“Sa uulitin!!” kaway naman ni Stacey.
Natapos ang masayang araw ng camping namin. Bagamat ang daming nangyari, at muntik na akong madukot, dumating naman si Martin para iligtas ako. Duh! Bakit ko pa ba iniisip ang lalaking yun. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. Mataba na ba ako? Panget na ba ako? Grrrr!
Nagkahiwa-hiwalay na kami ng mga landas. Si Margaret ay tumungo sa ibang daan, si Stacey at Jacob naman ay sinundo ng kanilang driver, habang kaming tatlo nila James at Martin ay nagcommute pabalik sa kanya-kanya naming tirahan.
“Bye, Ana!!” nakangiting kaway ni Martin.
“Tsss!” talikod ko sa kanya.
Lumiko ako papuntang 3rd street. Napansin ko na parang may nakaupo na isang batang babae sa tapat ng bahay ko. Mukhang malungkot siya. Hindi ko na lang pinansin. Sanay naman na ako na may mga batang pagala-gala sa kalye. Malamang, may nakaaway lang ang batang to. Pumasok na ako ng bahay at sinarado ang pinto.
“Bye Ana!” rinig kong sabi ni James bago ko tuluyang isinara ang pinto.
Haaaaayyy! Agad na akong nahiga sa kama. Pagod na pagod ako. Ayyssh! Ang hapdi parin ng sugat ko.
Habang nakahiga, napatingin ako sa kalendaryo ko. It’s November 2. Ilang linggo pa lang akong nandito sa dimensyong ito, pero pakiramdam ko ang tagal-tagal ko ng nandito. Siguro dahil sa sobrang daming nangyari, at ang lahat ng yun NAKAKASTRESS!
Habang nakatulala sa kisame, biglang may naalala ako.
“Remind lang kita na hindi ka pa nga pala nakakapagpasa sa’kin ng report mo sa Science.”
“Hala, ganon po ba? Sorry po. Magpapasa kaagad ako.”
“Hahaha! Take your time. Well, sa lahat naman ng mga estudyante ko, ikaw ang binigyan ko ng additional time frame, alam ko naman na espesyal ka eh.”
SHEMAAAY!! Oo nga pala. May ipapasa pa akong science report kay Guardian No. 9- kay Ma’am Violet. Napasampal ako sa mukha ko nang maalala ko na may kailangan pa pala akong gawin.
Huh? Ang mukha ko….
Napatingin ako sa salamin nang may mapansin akong kakaiba sa mukha ko. WAAAAHHH! Totoo ba to? Tumataba ang pisngi ko! Nawawala yung magandang hugis ng mukha ko.
Tumungo ako sa CR at saka naghilamos. Siguro di muna ako kakain ng carbs at sweets ngayon. Kailangan kong mag-diet. Nakakasama din ang mga yun sa skin ko. Kailangan kong mapanatili ang pagiging maganda ko.
Hindi kaya tumaba ako dahil sa kain ako ng kain sa bawat lakad namin? Hayyy! Kaya ako naaasar ng mokong na yun ehh!
Pero….. ano kayang ginagawa niya ngayon? At ano naman kayang gagawin ko sa maghapon? So boring….!
Jacob
Sino naman kaya tong tumatawag? Nag-ring ang phone ko pagkalabas na pagkalabas ko galing CR. Naligo kasi ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino itong nangiistorbo.
Otso is calling. Answer or Decline?
Si Martin?
“Hello bro?”
“Sais!”
“Bakit ka napatawag?”
“May kailangan akong sabihin sayo..”
“Wala akong time-”
“Tungkol ito sa insidente kahapon-”
“Sandali! Antayin mo ko jan! Pupunta ako jan!!!”
“Akala ko ba, wala kang oras?”
…..
Matapos ang ilang minuto, nakapunta na ako sa bahay ni Otso, saka pinindot ng ilang beses ang doorbell.
“Pasok!” pagbubukas niya ng pinto.
Agad akong pumasok at pumunta sa sala ni Martin, umupo at ipinatong ang dala-dalang tatlong libro sa center table.
“Anong gusto mong inumin?” tanong niya.
“Ka-”
“Walang wine hah!” pahabol niya.
“KAPE!!”
Pumunta siya sa kusina para paghandaan ako ng kape. Ako naman ay nag-aantay sa kanya dito sa sala. Sa sobrang pagkabugnot, binuksan ko na lang muna ang isa sa mga librong dala-dala ko.
Inilapag niya ang kape sa lamesa. Mukhang napansin niya ang librong binabasa ko.
“Ano yan?” turo niya.
“Ahh, eto? Nobela,” sagot ko.
“Novel?”
“Haruki-kun to no 365-nichi (365 Days with Haruki-kun)”
“Yan din yung paboritong nobela ni Ana ahh!” aniya. “Maganda ba yan?”
“Oo!! Sobra!!”
Umupo siya at muling tinignan ang mga librong dinala ko.
“Tingin ko nga. Tatlong volume agad ang binili mo eh!”
Hihihi..
“Ano bang genre niyan?” sabay igop ng kape.
“RomCom,” sagot ko sa kanya.
“RomCom? Ano yun?”
Naniii?? Hindi mo alam ang RomCom?
“RomCom! Romantic Comedy!”
“Ahh yun pala yun!” tango niya.
“Hindi ka ba nagbabasa ng novels?”
“Hindi. Wala naman akong pakialam jan. Nakakaubos lang ng oras, wala namang kwenta,” buntong-hininga niya.
Walang kwenta? How dare you!!
“Sayang! Paborito pa man din ito ni Ana-” nakangiti kong sabi.
“SAAN MO NABILI YAN??!!” desperado niyang tanong.
“Sa Bookstore dun banda sa Town Square!”
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay.
“T-Teka! San ka pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Sa Bookstore. Ano pang ginagawa mo diyan? Bilisan mo na! Pakupad-kupad ka pa eh!”
Sumakay kami sa kotse ko at tumungo papuntang Town Square. Ipinarking ko ang kotse at naglakad kami papuntang Bookstore.
“Hi! Mga pogi!” tawag sa’min ng isang babae mula sa aming likuran. Lumingon kami upang makita kung sino itong tumawag sa amin na pogi.
“Puwedeng magtanong?” mapang-akit na sabi niya.
WOAAAHH! Grabeee! Ang ganda niya! At ang sexy… COKE! At OHOHO! Isama pa yung malalaki niyang dibdib. At yung curve… at yung-
“Anong itatanong mo?” masungit na tanong ni Martin.
“Saan ba dito yung SM?” dikit ng babae sa kanya.
“Ayun oh! Ilang hakbang lang. Ang laki-laki ng dibdib mo, hindi mo mahanap yung napakalaking mall na halos nasa harapan mo lang?” inis na turo niya sa SM.
Nasuntok ko tuloy siya sa mga pinagsasasabi niya. Hayyyss!
“ARAY!”
“Pasensiya ka na Miss sa kasama ko hah! Ganyan talaga yan!” malambing kong hingi ng tawad.
“Naku, okay lang yun,” saka hinipo ang balikat ko. “Salamat, baby boy!” sabay pa-flying kiss niya at naglakad paalis.
“W-Walang A-Anuman!”
Ang ganda niya!!! Ayy, may nakalimutan ako.
“Teka Miss?” tawag ko sa kanya.
“Yes?” lingon niya.
“What’s your name?”
“Erica. My name is Erica,” pagpapakilala niya.
“Can I have your number?” alok ko sa kanya.
“Oh, sure!”
Kinuha niya ang isang papel sa bag niya at iniabot sakin. Doo’y nakasulat ang cellphone number niya.
“I will text you later!” kaway ko sa kanya.
“‘Kay! Bye!” malandi niyang pamamaalam.
“Hayyyy! Ang lakas ko sa babae noh?” pagyayabang ko.
Tumawa lamang si Martin nang pagkalakas-lakas.
“Tingin ko nga! At hindi lang sa babae hah! HAHAHA!” tawang-tawa niyang wika.
“Ba’t ka natatawa?”
“Hindi mo ba napansin?”
“Ang alin?”
Lumapit siya sa’kin at nagsalita.
“Na lalaki siya?” bulong niya.
Tumindig ang lahat ng balahibo ko dahil sa narinig.
“HAAAAHHH??!! Imposible! Sa ganda niyang yun!” di makapaniwala kong sabi.
“Tsk! Tsk! Tsk!” iling niya. “Mag-iingat ka kasi sa mga sobrang magaganda ngayon. Yung iba, hindi talaga babae, kundi SHOKE! HAHAHAHAHAH!! NA-SCAM!!”
“Bwiset yung baklang yun. May pahawak-hawak pa siya sa balikat ko. NASAN NA SIYA? HAH?!”
“Bro, chill! Wala na siya kanina pa!”
“Kainis!!”
Sa sobrang galit ko, napagpunit-punit ko yung papel na ibinigay ng HAYUP na yun!!
Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang Bookstore. Ilang minuto’y nakarating din kami sa loob.
“Nasan? Nasan dito? Nasan yun?” lilingap-lingap niyang tanong.
“Akala ko ba, wala kang pakialam sa mga novel? Sabi mo walang kwenta?” pang-aasar ko sa kanya.
“Nagbago na ang isip ko,” malayo niyang tingin.
“Nandon sa section na yun!” turo ko.
“WOOOAAAHH!!” kikinang-kinang na mga mata niyang pagkamangha.
Tsk! Isip-bata! Hindi na siya nakapagantay at dali-dali na tumakbo papalapit sa Novel Section.
“Hooyy! Wag kang tumakbo!”
“Ito na ba yun?” nanlalaking mga mata niyang turo sa libro.
“Yan na nga! Iisa na lang agad? Bilis! Bilhin mo na.”
“Sige!”
Kukunin na niya sana ang libro nang may humablot din ng parehas na libro sa kabila.
“Huh?”
Lumingon ako sa taong nakikiagaw ng libro kay Martin.
“Teka, a-anong g-ginagawa m-mo d-dito?”
Ana
Napakaboring! Anong gagawin ko ngayong araw? Dahil sa kabagutan, napagdesisyonan ko na magbasa na lang ng nobela.
365 Days with Haruki-kun?
Oo nga pala! Hindi ko pa nabibili yung tatlong pinakabagong volume. Nang maalala ay agad akong nagbihis para pumunta sa Bookstore.
Sumakay ako ng tricycle pababa ng Town Square. Nagmamadali akong bumaba at naglakad papuntang Bookstore. Sa sobrang pagmamadali, nabunggo ko ang isang babae na may hapit na suot.
Tssss! Ang laki ng dibdib niya. Halatang PEKE!
“Sorry!” paghingi ko ng tawad.
“DUH! BULAG KA BA? BAKIT BA HINDI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO? KALOKA!” inis na sabi niya with matching irap pa.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad. NAKAKAGIGIL KANG BAKLA KA! Ang taray, kala mo nireREGLA, may LAWIT naman!! SHAMEFUL!
Dumiretso na ako sa pintuan sa likod ng Bookstore. Bale mayroon kasing dalawang entrance sa Bookstore, isa sa harap, at isa sa likod. Tutal mas malapit yung nasa likod, edi doon na ako dumaan.
Hinanap ko yung section ng Novels. Doon ko nakita yung shelf ng mga bagong released na libro. In fairness, may mga bagong Fictional novels ahh. Nung huling punta ko dito, wala pa ‘tong mga kuwentong ‘toh. Nang makita ko ang mga libro ng 365 Days with Haruki-kun, agad akong lumapit.
Bes! Ito na yung bagong volume!! Kaso nag-iisa na lang.
Nang mahawakan ko na ang libro, nagulat ako dahil mayroon ding humablot ng librong hinahawakan ko sa kabilang dulo. Mas ikinagulat ko pa nang makita ko kung sino ito.
“Huh?”
“Teka, a-anong g-ginagawa m-mo d-dito?”
“Jacob? Martin?!” hindi makapaniwala kong reaksyon.
Well, naiintindihan ko pa na nandito si Jacob, pero si Martin???!!
“Bibilhin ko sana yung bagong volumes ng 365 Days,” wika ko kay Jacob. “Siya nga pala, anong ginagawa ni Martin dito?” bulong ko sa kanya.
“Ahh, bibili rin sana siya ng Haruki-kun,” paliwanag niya.
S-Si M-Martin? Bibili ng nobela?
“WHAAAATT??! Nagbabasa ka pala ng novels?” gulat kong tanong sa kanya.
“Oo, paborito ko kaya ‘tong kuwentong ‘toh,” sagot niya.
“Owwwss! Eh sabi mo wala kang interes sa mga ga-”
Mabilis pa sa kidlat na inapakan ni Martin ang paa ni Jacob.
“AWWW!” daing ni Jacob.
Biglang hinatak ni Martin ang libro na hawak-hawak ko.
“Akin na ‘to. Bibilhin ko na ‘to!”
Hindi ako nagpatalo. Pumunta ako dito para bilhin ang librong ‘toh tapos hindi ko mapapasa’kin?
“Ayoko nga! Ito na lang ang natitirang volume ehhh!” buong lakas ko ring hila.
Mas lalong humigpit ang kapit ni Martin sa libro.
“AKO ANG NAUNA DITO!” pagmamapilit niya.
“AKO KAYA ANG NAUNA!”
“Teka Martin, bakit hindi mo muna bilhin yung first volume?” singit ni Jacob.
“First Volume?” paghinto niya.
“Oo. Siyempre dapat mag-umpisa ka muna sa una, bago mo basahin yung susunod. Haaaayyy!” hawak ni Jacob sa kanyang ulo.
“Luh, hindi mo pa pala nababasa yung first volume ehh,” sabi ko sa kanya.
“N-Nasan y-yung f-first v-volume?” namumula niyang paghahanap.
Natawa naman ako nang bahagya. Ang cuteee!
“Nandun!” taas-kilay kong turo sa kanya.
Agad tumakbo si Martin sa kinaroroonan ng libro. Tsss! Mukha siyang batang sabik na sabik sa laruan, hayyy.
Binili na namin ang mga librong napili namin. Binili ko yung Volume 5 to 7 ng Haruki-kun, samantalang si Martin naman ay ang Volume 1 to 4.
“Gusto mong sumama?” alok ni Jacob.
“Ako?”
“Oo.”
“Saan?” tanong ko sa kanya.
“Sa bahay ni Martin,” sagot niya.
Waahh! Kung puwede lang sana…
“Ahh, hindi ako available ngayon eh,” sagot ko sa kanya.
“Huh? Bakit?”
“May ipapasa pa kasi ako kay Ma’am Violet na science report,” malungkot kong paliwanag.
“Pinagrerequire ka pa ni Nueve na magpasa?” tanong naman ni Martin.
“Dapat wag na. Naiintindihan niya naman ang kalagayan mo eh. Tss, sineseryoso niya ba ang pagiging teacher niya?” wika naman ni Jacob.
Sa kakalakad, nakarating na kami sa bahay ko.
“Oh siya, kayo na lang. Pasok na ko, at nang masimulan ko na. Bye!” pamamaalam ko sa kanila.
“Byeee!!” kaway nila.
Hayyy! Nakarating din. Agad na akong pumunta sa kuwarto ko at umupo sa kama. Kinuha ko ang mga gamit ko, papel, ballpen, ruler. Inilagay ko ang mga ito sa lamesa at ako’y sumalampak sa carpet.
“Okay! Sisimulan ko na!”
Pero… anong isusulat ko? Hayyysssshhh! Para akong nagkaroon ng amnesia dahil sa sembreak! WAAAAHH! Anong gagawin ko?
Habang nag-iisip ng isusulat, napatingin ako sa tatlong libro na binili ko.
NOOOOO! TUKSO!!! LAYOOOO!!
Kailangan ko ‘tong matapos. Kaya mo yan, Self! Kaya mo yan!