Jacob
Nagulat ang lahat sa biglang pagkawala ni Ana. Kutob ko’y may mali na simula nung una pa lang. Masyadong planado ang kanyang pag-atake.
Kung iisipin, ilang beses na pumunta si Ana sa palikuran, ngunit sa unang pagkakatao’y hindi nagkaroon ng pagatake. Bakit? Dahil kasama niya sa mga pagkakataong iyon sina Margaret at Stacey. Sa pangalawang beses na tumungo siya sa palikuran, isinama niya si Margaret. Ngunit bumalik si Margaret na hindi kasama si Ana, umaasang maya-maya’y babalik na rin si Ana. Subalit ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin siya bumabalik.
Nagmamadaling pumunta si Otso sa palikuran. May nararamdaman siyang kakaiba, na kanina ko pa rin din nadidiwaan. Mayroong kakaiba, at masyado itong planado. Nag-iwan ito ng mga tanda.
Una, natagpuan ang kanang sapatos ni Ana sa loob ng CR. Ibig sabihin, hindi kusang umalis si Ana. Maaaring sapilitan ang pagkawala niya.
Pangalawa, nakaamoy kami ng di kanais-nais na amoy. At ang amoy na yun, ay galing lang sa iisang nilalang. Isang gabay, si TRES. Ang sinoman na makaamoy ng amoy na iyon, ay makakaramdam ng panghihilo o pagkahimatay. Maaaring yun ang ginamit niya para madukot si Ana.
Sinundan namin ni Margaret at Stacey si Martin sa CR. Nang maamoy namin ang amoy na iyon, nakaramdam kami ng panghihilo. Dinala ko ang dalawa pabalik sa campsite, habang si Martin naman ay hinahanap si Ana.
“Ano na kayang nangyari kay Ana?” nag-aalalang tanong ni Stacey.
“Ilang oras na rin nang umalis si Martin, pero hindi pa sila nakakabalik,” sagot ko.
“May nangyaring masama kaya sa kanila? I mean, baka may mga mababangis na hayop sa kagubatan. Grrr, sobrang dilim na pa man din. O di kaya, baka may mga naggagala na mga masasamang espiritu sa paligid, at pinatay na sila!! O kaya dinala sila sa IMPIYERNO!!” hindi makapakaling sabi niya.
“HOYY! Ang OA mo!”
“Pwede bang nag-aalala lang? Tsss!”
Samantala, si Margaret na nasa tapat ko lamang, ay unti-unting naluluha.
“Kasalanan ko ‘to eh. Dapat hindi ko siya iniwan sa CR ng mag-isa. Dapat naghintay pa ako sa kanya ng kaunti. Napahamak tuloy siya,” sisi niya sa sarili.
Nakaramdam ako ng awa sa ipinapakita niyang emosyon.
“Wag kang mag-alala. Magiging okay din sila. Wala kang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarli mo,” pagpapanatag ko ng loob sa kanya.
Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng nanginginig niyang kamay. Sobrang lamig, tila bangkay.
Biglaang hinampas ni Stacey ang kamay ko.
“ARAY!”
“LUMAYO KA NGA!! MANYAK!” sabay hawak niya kay Margaret.
“ANO?! MANYAK??!”
“Nakuu Margaret. Binabalaan kita. Lumayo ka jan sa lalaking yan. Bastos yan!” paalala niya kay Margaret.
“AKO? BASTOS?”
“Nakalimutan mo bang nakabuntis ka ng babae? Hindi mo pa nga pinapakilala yung nabuntis mo at yung pamangkin ko! Tapos gusto mo pang gawing KABET si Margaret? What a shame!” nanlalaki niyang mga mata.
“WALA NGA SABI AKONG ANAK!! WALA AKONG NABUNTIS NA BABAE!! VIRGIN PA AKO!! VIRGIIINNN!!” sigaw ko sa kanya.
“Pwee! Virgin ka jan??! UTOT MO!” naka-irap niyang sabi.
Mahinhing natawa si Margaret sa sinabi ni Stacey.
Hayyyy!! Kainis talaga tong kapatid ko. Talagang sinisiraan pa ako kay Margaret. But she is so pretty lalo na kapag tumatawa.
“Oh! ANA!!” sigaw ni Stacey.
Lumingon ako sa likuran ko. Sa wakas, nandito na sila. Buhat-buhat ni Martin sa likuran niya si Ana.
“H-Hello!” nakangiti niyang bati.
Tumakbo nang matulin si Stacey papalapit kila Ana.
“Ana!! Ayos ka lang ba? Hala, m-may s-sugat k-ka!” turo niya.
“Ahh eto? Wala to,” ngiti niya.
Dahan-dahan din namang lumapit si Margaret habang pinupunasan ang nangingilid niyang mga luha sa mga mata.
“Sorry Ana,” nakatungo niyang paghingi ng tawad.
“Huh? Para san?”
“Hindi ka sana mawawala kung hindi kita iniwan. Sorry talaga!” pagyuko niya.
“Naku! Wala yun!”
“Oh siya, tama na muna. Kailangan niya na magpahinga,” pagpapatuloy ni Otso sa paglalakad.
Dinala ni Martin si Ana sa tent at dahan-dahang inihiga. Tsss! Nakakainis naman tung dalawang ‘to!
Pagkatapos niyang dalhin sa loob ng tent si Ana, lumabas siya at tumungo sa puwesto namin.
“Kumusta siya?” tanong ni James.
“Ayun, natutulog na. Matulog na rin kayo,” aniya.
“Magpahinga na kayo. Lilinisin ko lang itong mga nakakalat. Nakakahiya din kasi sa may-ari ng campsite,” wika naman ni Margaret.
Ayos! Pagkakataon ko na ‘to!
“Ahh teka, tutulungan na kita,” boluntaryo ko.
Ngumiti siya at saka nagsabi, “Okay!”
Napansin ko na iniikot-ikot ni Martin ang balikat niya.
“Bro, may problema ba?”
“Ang sakit ng balikat ko! Ang bigat talaga ni Ana,” buntong-hininga niya. “Ah, Margaret!”
“Bakit?”
“Alam mo ba kung ilang kilo yang si Ana?”
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kung sino ang nasa likuran ni Otso. Walang kamalay-malay si Martin na nasa likuran niya lamang si Ana.
“U-Uhm M-Martin-” kulbit ko sa kanya.
“Teka! May tinatanong ako-”
Isang umuusok-usok na suntok ang ibinigay ni Ana kay Martin.
“Ano nga ulet yung tinatanong mo?” may pagbabanta niyang ngiti.
“T-Teka, a-akala k-ko b-ba n-nanghihina k-ka?” kinakabahang tanong ni Martin habang kinakapa ang parte na sinuntok ni Ana.
“Actually, lumabas ako ng tent para tanungin sana si Margaret kung may panggamot siya sa sugat, humahapdi kasi. Kaso may narinig kasi ako na nagpakulo ng dugo ko,” nanggigigil niyang ngiti.
Nakakatakot siya… Bakit ba nakakatakot na ang mga babae ngayon?
“Ano nga ulet yung sinasabi mo?” tanong muli ni Ana.
“W-Wala n-naman a-akong s-sinasabi a-ahh,” kaila ni Martin.
“Ahh, ganon ba…”
Mas lalong lumapit si Ana kay Martin, at hinila ang kanang tenga nito, saka kinaladkad palayo sa campsite.
“T-Teka t-teka! M-Masakit! M-Masakit! A-Ana! A-Ang s-sakit!” kakapa-kapa niya sa namumula niyang tenga.
“WALA AKONG PAKE!!” habang hila-hila pa rin ang tenga niya.
Nagpahinga na ang lahat. Bale mayroong tatlong tent na tinayo namin kanina. Si Ana at Margaret ang magkasama sa unang tent. Ako at si Stacey naman sa pangalawa, habang si Otso at Siyete ang sa pangatlo.
Pumasok na ang lahat sa kanya-kanya nilang tent, maliban sa’min ni Margaret. Nag-aayos pa kasi kami ng mga ginamit namin.
“Ako na jan!” habang kinukuha ang mga gamit na dala-dala ni Margaret.
“Salamat Jacob!” sabi niya na may magandang ngiti.
Hayyy!! Bakit ba napakaganda niya pag ngumingiti??!! Waaahhh!
“Mabuti naman ok lang si Ana noh” pagbasag niya sa katahimikan.
“Ah Oo” sagot ko na may ngiti.
“Kinabahan talaga ako. Akala ko may nangyari na masama kay Ana.”
“Sabi ko sa’yo magiging ok lang siya eh. Si Martin pa!”
Ngumiti si Margaret saka muling nagsalita.
“Ganon ba talaga kalakas na guardian si Martin?” tanong niya.
“Oo. Magaling na guardian si Martin,” sagot ko naman.
WHAAAATT!! Naumid ako ng ma-realize ko ang tanong niya. Bakit siya nagtanong ng ganon? May alam siya tungkol sa guardian?
“Guardian din ba ang dahilan ng pagkawala ni Ana?” tanong niya na puno ng pagtataka.
“A-Ahh e-ehh…” utal kong sabi. Anong sasabihin ko?
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap patalikod. A-Ano b-bang n-nangyayari?
“Salamat!” malambing niyang sabi.
“P-Para s-san?” kabado kong tanong.
“Sa pagligtas mo sa’kin!”
Hayyss! Paano na ‘to?
“Naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Ana kay Martin.”
Huh? Bakit napapunta kila Ana?
“Ganito pala ang pakiramdam ng may tagapagligtas, ng may gabay,” nakangiti niyang wika.
Ilang minuto kami sa ganong posisyon. Pagkatapos ay kumalas siya sa pagkakayakap sa’kin.
“Oh pano na, ikaw na bahala jan hah!” malambing bilin niya sa’kin.
“H-Haah?!”
“Inaantok na kasi ako. Puwede bang magpahinga na ako?” ang sabi niya sa’kin na may mapupungay na mga mata.
How cuteee!
“Sige! Ako na ang bahala dito! Matulog kana!” masigla kong tugon.
“Salamat, pogi!” saka siya nag-finger heart.
Shuuutt! Ang kyuuuuut!! Ang puso ko!!! Bakit ba napakaganda niya??!! Yieeeee!
Iniwan niya na akong tuluyan na nag-iisa. Mag-isa, na naglilinis ng mga kalat namin. Hayyyy! Uto-uto talaga ako. Binilisan ko na lang ang paglilinis para makatulog na ako. Basta ang masasabi ko lang, ang saya ng araw na ‘to.
Dark Flame Enterprises
“Mr. Kim!” tawag ni Nathan sa kanyang sekretarya.
“Yes po sir?”
“Sumama ka sa’kin”
“Saan po sir?”
“Magfa-firing ako..”
Sumakay si Nathan sa likod ng kanyang kotse, habang si Mr. Kim naman ang magda-drive.
“Bakit niyo po naisipan na mag-firing sir?” tanong ni Mr. Kim habang nagmamaneho.
“Gusto ko lang sanayin ang aiming skills ko,” pagpapatunog ni Nathan sa kanyang mga daliri.
“Kung ganon, bakit po hindi na lang sa bahay ninyo?” muling tanong ni Mr. Kim habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.
“Huh?”
“Ipapatawag ko lang po yung mga walang kwenta niyong tauhan, tapos pagbabarilin niyo po, diba practice na rin yun?”
Napahalakhak si Nathan sa sinabi ni Mr. Kim.
“Nagbibiro ka ba? HAHAHA!”
“Hindi po sir. Seryoso po ako!”
“Seryoso ka na niyan? Hahahaha, bilisan mo na nga ang pagmamaneho, baka pag ako’y nainis, ikaw ang barilin ko jan,” natatawang biro ni Nathan.
“Yes po sir!”
Pagkatapos ang ilang minutong biyahe, nakarating na sila sa firing camp. Bumaba ng kotse si Nathan, saka ipinarking ni Mr. Kim. Pumasok si Nathan sa loob ng kampo at tumungo sa firing range. Habang naglalakad, doon niya nakita ang isang babae na nagfa-firing din. Namangha siya sa kanya dahil sa galing nito sa pag-asinta.
Nang humarap sa kanya ang babae, nagulat siya sa nakita niya.
“Mr. Nathan?” gulat na tanong ng babae.
“Ms. Liza?”
“Anong ginagawa mo dito, Mr. Nathan?” tanong ni Liza.
“Ahh, magfa-firing din. I told you, don’t call me Mr.” simangot niya
“Ahh, oo nga pala, sorry!”
“Nathan na lang. Ang awkward naman kapag Mr. pa. We’re engaged, remember?”
“A-Ahh, y-yes. N-Nathan,” iwas-tingin ni Liza.
“Good!” ngiti ni Nathan.
“Sir, ito na po ang baril,” sabay abot ni Mr. Kim ng baril sa kanya.
“Thank you!”
Nang maiabot sa kanya ni Mr. Kim ang baril, nagsimula na siyang umasinta at bumaril. Ang diretsong tindig niya, ang seryosong mukha, ang matatalas na mga mata, yun ang mapapansin mo sa kanya, bago iputok ang limang bala.
“WOAAH!!” pagkamangha ni Liza.
“OWWW!” nanlalaking mga matang pagkamangha ni Mr. Kim.
Hindi naman naiwasan ni Nathan na magtaas-noo sa kanyang pagpapakitang gilas.
“Sir, ang galing!! Sa limang balang pinakawalan niyo, WALA MAN LANG TUMAMA NI KAHIT ISA,” palakpak ni Mr. Kim.
“HAAAH? WALA BA?”
“Mukhang hindi ka ganon ka-asintado ahh,” nakangiting sabi ni Liza.
Pigil-tawa naman si Mr. Kim sa narinig.
“Anong tinatawa-tawa mo jan?” yamot na tanong ni Nathan.
“Sorry po sir,” pagil-tawa pa rin niya.
“WAAAAHH!! HINDI AKO MARUNONG UMASINTA. Nanginginig yung kamay kooo..” pikon niyang wika.
“Tulungan kita?” tanong ni Liza.
“Sige nga. Please?” pagpapa-cute ni Nathan.
Pumwesto si Liza sa bandang likuran ni Nathan, saka inalalayan ang kamay niya.
“Sige, hawakan mong mabuti,” tingin ni Liza ng malayo.
“Ganito ba?” malanding tanong ni Nathan.
“Ganyan nga,” ngiti niya.
“K-Kakalabitin k-ko n-na b-ba?”
“Yes!”
Pinakawalan na ni Nathan ang ilang bala matapos na maitutok niya ng maayos ang baril sa sentro. Hindi nga siya nabigo. Tumama ang lahat ng bala.
“Yan! Very good!” palakpak ni Liza.
“Oo nga noh! Asintado! Ang galing mo namang magturo, Liza,” papuri niya sa dalaga.
“Ayy wala yun! Sige, try mo ulet!”
“Teka, pano nga ulet yun? Puwede bang ulitin mo ulet? Pano ba yun-”
“Nananamantala ka ba?” taas-kilay ni Liza.
“Joke lang! Hindi ka naman mabiro!”
“Tsss!”
Matapos ang ilang minutong pagsasaya, nagdesisyon na sila na umuwi.
“By the way, are you free tonight?” tanong ni Nathan kay Liza.
“Huh? Oo.. Bakit?”
“Labas tayo mamaya,” yakag niya.
“HAAH?”
“Bakit? Bawal ba?” nakasimangot na tanong ni Nathan.
“Ah.. eh..”
“Fiance mo naman ako diba?” pangatwiran niya.
“Oo….”
“Then, mamayang 7pm hah.”
“Teka, nasa trabaho ako nun.”
“Don’t worry! Susunduin naman kita,” saka siya tumalikod.
“P-Pero-”
“See you!” lingon niya sabay kindat.