Martin
“Martin!!” sigaw ng isang babae mula sa kalayuan. Naalala ko na naman ang nakaraan, at nakalimutan ko na nasa gitna nga pala ako ng laban.
“Lumaban ka!! Martin!, sigaw niya. Sa pagkakataong ito, hindi siya na babaeng nagmula sa nakaraan ko ang sumisigaw ng buong lakas, kundi si Ana. Mahina na siya, hindi na dapat siya nagaaksaya ng lakas niya.
“Lumaban ka, Martin! Kaya mo yan! Talunin mo siya!!” sigaw niyang muli.
Dahil sa suporta ni Ana, ginanahan ulit ako na lumaban. Sa pagkakataong ito, nagconcentrate ako. Nag-isip ako ng plano kung paano matatalo si Tres. Matagal-tagal din akong naging tulala, pero dahil dun, nakapagpahinga ako ng kaunti.
Naglabas ako ng mas malakas na kapangyarihan kaysa kanina. Mas lalong nag-alab ang apoy ko kumpara kanina, sapat upang natunaw ang matigas na bakal ng kadena. Dahil sa natunaw nga ito, nabawasan ang kahabaan ng kadena ni ikatlo.
Hindi makapaniwalang nag-umpisa muling umatake si Tres matapos akong makaalpas mula sa pagkakapulupot niya. Bawat atake ni Tres ay nagagawa kong iwasan. Tila mas mabilis ang mga kilos ko kumpara kanina.
Kumilos ako sa bawat pagitan at likod ng mga puno, at talagang kung saan ako nandoon, naroon din ang tungo ng kanyang kadena.
“KLI-LI-LING!!” tunog ng kanyang kadena.
“Teka, anong nangyayari?” sambit niya na may pagtataka matapos huminto ang pagkilos ng kadena.
Umayon ang lahat sa plano ko. Pumulupot ang kanyang kadena sa mga puno. Matindi ang pagkakapulupot nito kaya hindi niya na ito maigagalaw pa.
“ANONG NANGYAYARI??!!” sigaw niya na may pagkapikon.
Napangiti ako nang maalala ko ang mga sinabi niya sa’kin kanina. Mahina? Tsss, sinong mahina?
“Totoong walang panama ang mahinang katulad ko sa malakas na katulad mo, pero huwag kang pasisiguro, baka magbago ang ihip ng hangin at ikaw ang matalo,” ang sabi ko sa kanya.
Nagngalit ang kanyang mga ngipin sa narinig. Dahil sa wala na siyang kontrol sa kadena, mula sa harapan, ay nagawa kong kumilos ng mabilis patungo sa likod niya.
Ang pagpapakitang gilas ko ang nagpagulat sa kanya.
“PAANONG….?!” nakatulala niyang sabi.
“Hindi mo ba ako kilala, Tres? Ako si Otso. Tandaan mo yan!”
Inilitaw ko ang isa pang espada ng pulang kapangyarihan sa kaliwang kamay. Ngayo’y may hawak akong dalawang espada sa magkabilang kamay.
“B-Baka p-puwede p-pa n-nating p-pag-usapan t-toh n-noh?” walang magawang pagmamakaawa niya.
Inumpisahan ko na ang ritwal.
“Guardian No. 3, tinatanggalan ka ng karapatan sa kapangyarihan ng pagiging gabay. Ang iyong kapangyarihan ay maibabalik sa kamay ng Kataasan at ang iyong kapangahasan sa batas ang magpaparusa sa’yo sa ilalim ng Pamunuan ng Mundo ng Kawalan, magpakailanman.” pagwawakas ko.
Isinaksak ko sa kanya ang dalawang espada ng pulang kapangyarihan. Nagsimula na siyang maging usok at ang kanyang katawang tao ay unti-unting naging abo.
“Ganyan talaga, Tres. Delikado ang kapangyarihan ng apoy. Subalit sa oras na mawala ang alab at init nito, palaging nag-iiwan ng bakas, tulad ng usok at abo.” pangaral ko sa kanya.
“HINDEEE!!” tanging nasabi niya bago siya mawala sa mundong ito.
Natapos ang laban sa pagitan namin ni Tres. Nagawa kong ibalik ang kapangyarihan niya sa Kataasan. Hayyy, nakakapagod. Hindi pa pala tapos ang lahat. Lumalala na ang apoy sa buong kagubatan. Kailangang may gawin ako.
Bago pa ito lumaki, kinontrol ko ang apoy na kumakalat. Fire Bender lang noh, HAHAHAHA! Pero may ganon kaming kapangyarihan. Ngunit bilang gabay, limitado lamang ang kapangyarihan namin sa apoy na ibinigay ng Kataasan. Kaya dapat kaming maging responsable, at gamitin ang natanggap naming kapangyarihan sa ikabubuti ng nakararami.
Ana
Anong gagawin ko? Wala akong magawa. Mahina na ang katawan ko. May sugat na rin ako sa kanang binti ko gawa na nadapa ako kanina sa bato. Ano bang puwede kong gawin para matulungan si Martin?
Wala akong maisip kundi sumigaw. Sumigaw ako hanggang sa marinig ako ni Martin.
“Martin!!” sigaw ko. Agad naman silang tumingin sa kinaroroonan ko.
“Lumaban ka!! Martin!” wala akong magagawa kundi suportahan lang si Martin.
Wala naman akong kapangyarihan tulad nila para matulungan siya. Wala rin naman akong matibay na katawan para indahin ang sakit. Wala rin akong tapang para sumugod sa laban.
“Lumaban ka, Martin! Kaya mo yan! Talunin mo siya!!” sigaw kong muli ng buong lakas. Ok lang ako, Martin. Talunin mo siya. Kaya mo yan! Wag mo na akong intindihin.
Ilang sandali pa, napansin kong mas nag-alab ang apoy ni Martin. Kahit medyo malayo ako sa kanila, ramdam ko ang kakaibang init na nagmumula sa kanya, mas mainit kaysa kanina. Naginhawaan ako. Kutob ko’y nasa mabuti na siyang kalagayan.
Hindi ko na masyado pang nakita ang sumunod na mga pangyayari. Ngunit ang tanging napansin ko lang ay ang tila linya na pulang liwanag.
Teka! Mukhang pamilyar yung liwanag na yun ahh! Kung hindi ako nagkakamali, yun ding liwanag na yun ang lumitaw noong kalaban niya si Guardian No. 1. Sobrang bilis niya sa mga oras na yun. Parang pumikit lang ako tapos nasa likuran na siya ni Guardian No. 1.
WOW!! ANG GALING NIYA!!! YIEEE!! Mas lalo tuloy akong nafo-fall- MALI!! ERASEEE!!!
Nakarinig ako ng malakas na pagsigaw, sigaw ng babae. Isa lang ang ibig sabihin nun, PANALO SI MARTIN!!
Mula sa kinatatayuan ko, unti-unti ko na siyang nakikitang papalapit patungo sa’kin. Gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko nang makitang ayos siya.
“Martin!!” may luhang sigaw ko sa kanya. “Ayos ka lang?” sigaw ko habang pilit na tumatakbo papalapit sa kanya.
Dahil sa mahina pa ang katawan ko, habang tumatakbo, bumigay ang mga tuhod ko. Babagsak sana ako sa lupa, ngunit inalalayan ako ni Martin.
“Magdahan-dahan ka naman. Hindi ka na dapat kumikilos. Halika na! Kailangan mo nang magpahinga.” wika niya sa’kin.
“A-Ayos k-ka l-lang b-ba?”
Hindi ko maiwasan na mag-alala. Nagsimula nang magluha ang mga mata ko nang makita ko ang mga sugat at gasgas niya sa katawan. Isama pa ang mga pasa na natamo niya sa bawat tama ng kadena, at mga paso ng apoy na rosas.
“Ayos lang ako,” sagot niya na may ngiti. “Ikaw ang hindi maayos. Tignan mo, may malaking sugat ka. Masakit ba?” sabay turo niya sa tuhod ko.
“Siyempre! Kita mo naman na di na ako makalakad magtatanong ka pa!” sabay pahid ko ng mga luha sa aking mga mata.
Tinitigan niya ako habang nakangiti. Hayyyy! Nung una, nabwibwisit ako kapag ngumingiti siya, pero ngayon, sumasaya ako kapag nakikita ko ang mga ngiti niya. Nakaka-relief!
Nagulat ako nang pumunta siya sa harapan ko, tumalikod at umupo.
“Sakay.”
“Huh?”
“Wag ka na mapilit. Hindi mo kayang maglakad. Sumakay ka sa likod ko. Bubuhatin kita pabalik, dali.” utos niya sa’kin.
“O-Oh s-sige..”
Dahan-dahan akong sumakay sa likod niya. Ano pa nga bang magagawa ko? Pagkasakay na pagkasakay ko, bigla kaming tumumba.
“Anong problema?” tanong ko sa kanya.
“Nabigla ako. Ang bigat mo nga pala.” kamot-ulo niyang sagot.
“BWISET!”
Bumaba ako mula sa likuran niya. KAINIS!! Nakakasama ng loob! Naawa na nga ako sa kanya, NANLAIT PA SIYA!!
“Huyy! Joke lang yun! Dali na, sakay na.” pagsuyo niya.
“Hmph!”
“Sige, maglakad ka mag-isa mo!” sabay tayo’t hakbang papalayo.
“Ito na! Ito na!”
Sumakay ulit ako sa likuran niya. Nung una, parang maa-out balance pa ulit siya, pero kinaya niya naman. TSSS! Oo, mabigat ako. Pero hindi naman ako mataba noh. Siksik lang!
“Anong ginagawa mo?” tanong niya.
“Bakit?”
“Humawak kang mabuti.”
“Nakahawak naman ako sa balikat mo ahh.” kapit ko sa balikat niya.
“Humawak kang mabuti!”
“Pano?”
“Yumakap ka.”
“H-HAAHH??!”
Yumakap ako sa kanya gaya ng sinabi niya. Shemms! Ang awkward!
“Yan! Baka kasi mahulog ka… sa’kin. YIEEE!!” pagbibiro niya.
Hindi ako nakapagtimpi’t nabatukan ko siya.
“Aray! Nagbibiro lang naman eh!”
Kainis!!!
Nagsimula nang maglakad si Martin. Ang awkward pa rin. Sobrang tahimik. Walang nagsasalita sa’ming dalawa. Tanging maririnig mo lang ay ang mga yapak at mga kuliglig.
“Sorry!” pagbasag niya sa katahimikan.
Sorry? Saan?
“Para san?”
“Naging pabaya na naman ako.”
“Huh?”
“Napahamak ka tuloy.”
Eh? Wala naman siyang kasalanan. Actually, I’m very thankful pa nga eh dahil niligtas niya ulit ako.
“Ahh yun ba? Wala yun. Niligtas mo naman ako ehh. At saka, SI JAMES TALAGA ANG MAY KASALANAN NITO EHH!! BWISET SIYA!!”
“Ang totoo-”
“Biruin mo, binigyan niya ako ng bottled coffee, tas may sweet sweet message pa sa sticky paper, TAPOS SUMAKIT ANG TIYAN KO. BILISAN MO NA NGA MAGLAKAD AT NANG MABATUKAN KO NA ANG LALAKING YUN!”
“Ang totoo, ako yung nagbigay sa’yo ng bottled coffee, hehehe!”
Silence….
“ANOOOO???!! IKAW???!!!” gigil kong sigaw sa kanya.
“Kasalanan mo rin naman ehh!!! Ikaw kaya ang nagsimula” bunton niya ng sisi sa akin.
“HAAAH?!”
“Hinainan mo ako ng sobrang anghang na ramen, alam mo naman na ayaw ko ng maaanghang. Nananadya ka ba?”
Shemms! I’m screwed!
“Bakit mo ba ginawa yun? Ang sama mo…” sabi niya.
“Hmph!” iwas-tingin ko.
Alangan namang tanungin ko kung sino yung babaeng yun? No wayyyy…!
“Uhm, sino nga pala siya?” tanong ko sa kanya.
WHAAAATT?! Ano bang sinasabi ko?
“Huh? Sino?”
“Si Maxine…” nahihiya kong sabi.
OH MY PRIDE!! WAAAHH!
Ngumiti lang siya sa tanong ko. NANGGIGIGIL AKO!!
“Kaya pala..” iiling-iling niyang sabi.
“Alin?”
“Kaya mo pala ako binigyan ng maanghang na ramen.” natatawa niyang wika.
“BALIW!! Sino nga kasi siya??!! Gusto ko lang naman malaman!”
“Childhood Friend.” maikling sagot niya.
“OO, ALAM KO NA YUN!!”
“Bakit mo natanong? Nagseselos ka?” pang-aasar niya.
“SIRA! Curious lang ako kung mas maganda siya kaysa sa’kin.” taas-kilay kong palusot.
Tumahimik siya’t nag-isip saka ngumiti.
“Sobrang ganda niya.” tugon niya.
“Wehh?”
“Oo nga.”
“Tsss, eh ano naman?” sabay irap ko.
“Diba nagtatanong ka? Hayyss!”
May isa pa pala akong tanong sa kanya.
“Ano ba siya? Tao o Nobody?”
“Bakit ba ang dami mong tanong?” irita niyang sabi.
Gusto ko lang naman malaman ang tungkol kay Maxine. Ano kayang meron sa kanya (na wala sakin, Char!) ? Hayyy, kakaiba ka talaga, Self! Bakit mo ba iniisip ang mga bagay na yun? Pakialam ko kay Maxine na yan, tsss!
Eh ano naman kung siya yung first love niya? Ano naman kung nagkiss na sila? Hayyysshh! Tama na, Self! ERASEEEE!
“Huyy! Ok ka lang?” tanong niya sa’kin.
Pero ang pinagtataka ko, bakit pa kailangan niyang ilihim sa’kin ang mga bagay na yun?
“Huyy-”
“Sinabi sa’kin ni Guardian No. 3 na dadalhin niya daw ako sa kuya ko. Pinagtataka ko lang, wala naman akong kuya. Sino yung tinutukoy niyang kuya ko?” prangkang tanong ko sa kanya.
“A-Ahh, h-hindi k-ko a-alam y-yung s-sinasabi n-niya..” utal niyang sagot.
Bakit siya nauutal? Kung ganon, tama ang sinasabi ni Guardian No. 3. May hindi nga sinasabi sa’kin si Martin.
“Ahh, wala kang alam. Curious lang ako kung sino yung tinutukoy niyang kuya ko.”
“Sinabi ko naman sa’yo, hindi mo na kailangang malaman-”
“Ayoko lang na maging pabigat! Kung malakas lang sana ako, hindi ka naman masasaktan ng ganyan, kaso hindi! Kung kaya ko lang protektahan ang sarili ko.” putol ko sa kanya.
“Hindi mo naman kailangan na maging malakas,” aniya.
“Huh?”
“Diba sabi ko sa’yo, hangga’t nasa tabi mo ako, poprotektahan kita. Wala kang dapat na ikabahala.” wika niya.
“Pero-”
“Niligtas mo ako.” ang sabi niya.
Niligtas? Kailan?
“Ang totoo, malakas ka Ana. Kundi dahil sa’yo, hindi ko matatalo si Tres.”
“Sa’kin?”
Wala siyang sinabi kundi bagkus ngumiti lamang siya.
“Alam mo bang malakas na kalaban si Tres? Malakas ang pakiramdam niya sa mga emosyon. Kayang-kaya niyang kontrolin ang lahat ng may emosyon. Kaya gaano pa kalakas ang isang gabay, kapag kinontrol niya ang emosyon nito, kayang-kaya niyang talunin. Pero dahil sayo, natalo ko siya.” paliwanag niya.
“Ahh, kaya pala kahit gaano na ako kalayo sa kanya, nagawa niya akong mahanap.”
“Bakit? Ano bang nasa isip mo sa mga oras na yun?” tanong niya.
Nasa isip ko? Ano nga ba? Ahhh, tama! Iniinda ko ang sakit ng sugat ko sa mga oras na yun.
Unti-unti ko nang nakikita ang liwanag na nagmumula sa campsite namin. Hayy! Sa wakas! Nakabalik din!!