CHAPTER 19: A SPECIAL FRIEND

2433 Words
Ana   Kasalukuyan akong nasa kalagitnaan ng madilim na kagubatan dahil sa isang tiwaling gabay, si Guardian No. 3, ang Pink Flame Guardian. Mula sa pangalan niya, nagtataglay siya ng kulay rosas na apoy. Hayyy, kung gaano ka-ganda ang kulay niya, ganon naman ka-sama ang budhi niya.   Nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas at makatakbo papalayo sa kanya. Kasalanan niya rin naman, iniismol niya ako ehh! Habang tinatakbo ang kalawakan ng kagubatan, naalala ko ang mga pangyayaring may pagkakahalintulad din sa nangyayari ngayon, at yun ay ang pagtatangka sa buhay ko ng isang masamang gabay doon sa tunay kong dimensyon.   Kung iisipin ang lahat ng nangyayari, dito sa dimensyon na ‘to, madalas na may nangyayaring masama sa bawat lugar na pinupuntahan namin. Pero nang magpakita si Guardian No. 3, naisip ko na baka ako talaga ang pakay ng mga tiwaling gabay. Ako nga ba ang sentro ng lahat ng ito? Pero bakit? Bakit ako?   Sa kakatakbo ko, nadapa ako sa bato. Dahil dun, nagkaroon ako ng sugat sa kanang tuhod ko. Hayyyss! Ang hirap tuloy kumilos. Siguro dapat na muna akong magpahinga. Sa tingin ko malayo naman na ako sa kanya.   Habang pinaplano ko na magpahinga, nakita ko sa di kalayuan ang mala kulay rosas na apoy. Ramdam ko rin ang kakaibang init na kadalasan kong nararamdaman sa mga gabay. Agad kong pinilit ang sarili ko na tumakbo. Di bale nang sumakit ang sugat ko, basta buhay ako.   Agad akong nagtago sa likod ng malaking puno. Dahan-dahan kong sinilip ang kinaroroonan ni Guardian No. 3. Nakahinga ako ng malalim nang makita na tumungo siya sa ibang direksyon malayo sa’kin.   AWWW!! It really hurts! KAINIS! BAKIT BA KASI AKO NADAPA? ANG LAMPA MO NAMAN, SELF!! Hayyyssh! Bakit ba wala man lang dumadating na tulong? Wala naman ako magagawa. Hindi naman ako puwedeng sumigaw, matutunton ako ni Guardian No. 3. WAAAHH!!   Habang iniinda ang sakit, biglang may matigas na bagay ang humampas sa kanang braso ko. Sa sobrang lakas, tumalsik ako at bumangga sa kabilang puno.   “Surprise!!” tinig ng babae.   Nagulat ako sa narinig ko. Ang boses na yun, kay Guardian No. 3! P-Pano n-niya a-ako n-nahanap? S-Sobrang l-layo n-na n-niya s-sa’kin! Tinignan ko siyang mabuti. Napansin ko na mas lalo siyang lumakas kaysa kanina. Ang kulay rosas na apoy na pumapalibot sa kanya, at ang mahaba’t matigas na kadena na walang sinomang maaaring makaputol…   OUCH!! Sobrang sakit na ng katawan ko. Hindi na ako makakilos.   “Kawawa ka naman! Nasan na si Loner mong guardian hah?”   Loner? Yun din diba ang tawag sa kanya ni Guardian No. 1? B-Bakit?   “Hayyy! Sumuko ka na kasi at nang hindi ka nahihirapan. Sumama ka na sa’kin, dali!” irita niyang sabi. Lumapit siya saka muling nagsalita. “Matagal ka nang hinihintay ng kuya mo.” nakangiti niyang sabi.   Ano daw?   “K-Kuya? W-Wala a-akong k-kuya….” paliwanag ko sa kanya. “HAH?! Kung ganon, hindi pa pala sinasabi sa’yo ni Otso? Awww! Kaawa-awa ka naman!” pagkabigla niya.   Hindi sinasabi ang alin?   “A-Alin a-ang h-hindi s-sinasabi s-sa’kin n-ni M-Martin?” “Tsk! Tsk! Tsk! Wag kang magmarunong, iha! Marami ka pa palang hindi alam. Tapos umaasa ka na dadating si Otso para sa’yo? O di kaya yang pinagmamalaki niyong Hinirang? Hahahahaha!” malakas niyang halakhak.   Lumapit siya sa akin at hinatak ang buhok ko.   “Hoy babae! Gaano mo ba pinagkakatiwalaan si Otso hah? Alam mo ba ang tungkol sa nakaraan niya?” gigil niyang tanong. “N-Nakaraan n-niya?” “Oww! Kung ganon, may nililihim siya sa’yo.” “A-Ano b-bang s-sinasabi m-mo?”   Kung sa bagay, tama siya. Kakaiba ang kinikilos ngayon ni Martin. Palagi niya akong nilalayo sa mga kapwa niya gabay. Ano ba ang dapat kong malaman? Sabi niya kailangan ko lang daw na manahimik at mamuhay dito sa dimensyon na ito nang mapayapa, wala ng iba. Pero bakit ba niya nililihim yun?   “Wag ka nang umasa! Hindi ka talaga niya….. MAHAL!!” pang-asar niya.   OUCH!! STRIKEEE!!! SAPULLLL!!   “Wala siyang interes sa’yooo! HINDI KA NIYA MAHAL! HINDI KA NIYA GUSTO!!! HIN-DI KA NIYA MA-HAL!!” paulit-ulit niyang pang-aasar. “HAH! At sino bang nagsabi sa’yo na may gusto ako sa mokong na yun? Like duh!” pagtataray ko.   Humalakhak muli siya.   “Hindi daw! HAHAHA! Hindi ka makakapagsinungaling sa harap ko. Nababasa ko ang mga emosyon na nararamdaman mo. KITANG-KITA KO!” diin niyang wika.   Dahil sa inis, naitulak ko siya. Sa sobrang galit niya, mas lalong nag-alab ang apoy na pumapalibot sa kanya, na naging dahilan na pagliyab ng ilang dahon at sanga.   “Tama na ang kadramahan mong MARUPOK ka! Dadalhin kita sa kuya mo, sa AYAW AT SA GUSTO MO!!” napipikon niyang sabi.   Nag-umpisa nang gumalaw ng kusa ang kadena patungo sa akin. Nagsimula na akong makaramdam ng sobrang takot.   Please!! Tulungan niyo ako!!   “Tulungan mo ako, HINIRANG!!!!”   “SHRINGGG!” Malakas na tunog na nagmumula sa isang patalim.   Biglaang may umatake sa atake ni Guardian No. 3. Ang nilalang na yun, may suot na puting kapa, at hood na nakatatakip sa mukha niya. May mga puting apoy na nakapalibot sa kanya, na sobrang nagliliwanag. Nakakasilaw. Hindi ko siya masyadong maaninag.   Teka, hindi kaya siya si…..   “HINIRANG???” pipikit-pikit kong pagkabigla. “Huh?” sagot niya.   Chamkkan! Ang boses na yun, kilala ko ang boses na yun ahh! Kung hindi ako nagkakamali, si Martin yun!!   “Ayos ka lang?” muli niyang tanong.   Biglang nag-iba ang paningin ko. Ang kulay ng apoy, hindi pala puti, kundi pula. At ang nilalang na ito, ay walang suot na puting kapa, at naaaninag kong dahan-dahan ang mukha niya. Mukhang namalik-mata lang ako sa nakita ko kanina. Akala ko ang Hinirang na, yun pala si Martin lang.   “M-Martin??”   Ngumiti siya at saka sumagot.   “Yup!”   Tama! Si Martin nga!!   Napayakap ako nang mahigpit sa kanya at humagulhol ng iyak.   “M-Martin!” nanginginig kong sambit ng pangalan niya. “Ayos lang yan. Nandito na ako.” sabay tapik niya sa likod ko.   Bumangon naman si Guardian No. 3 sa pagkakadapa.   “AHAHAHAHA! How sweet naman!” baliw na tawa niya.   Mas lalo pang nag-alab ang apoy ni Guardian No. 3. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang init, hindi tulad ng kanina, mas nakakapaso.   Napansin ko rin na nagdoble ang haba ng kanyang kadena, tulad lang rin ng abilidad ni Guardian No. 1 na pahabain ang lubid. Kaso, mukhang mas mahirap ngayon, dahil kadena ang kalaban namin at hindi lubid, hindi madaling mapipigtas.   “Dito ka muna sa likod ko. Poprotektahan kita.” hawi niya sa’kin sa bandang likod. “Akala mo ba, ganon lang yun kadali? AHAHAHAHAHA! At kailan ka pa naging malakas, hah Loner?” pang-aasar niya kay Martin.   Tinawag na naman niyang “Loner” si Martin. Nagtikom ang kamay ni Martin, tanda na nagagalit siya.   “Kahit na anong mangyari, hindi ko hahayaan na makuha mo siya.” buong paninindigan niya.   Nagsimula nang mag-alab ang pulang apoy ni Martin. Ramdam ko rin ang init niya. Lumitaw na rin ang espada niya sa kanang kamay. Naghanda na siya sa pag-atake ng ikatlong gabay.   Nag-umpisa nang umatake si Guardian No. 3. Iginalaw niya ang mahaba niyang kadena papunta sa kinatatayuan ni Martin. Mabilis ang paggalaw ng kadena, ngunit nagawang niyang iwasan ang ginawang pag-atake ng ikatlo. Dahil sa naiwasan nga ni Martin ang pag-atake niya, tumama ang kadena sa puno sa tabi ng puwesto ko. Kitang-kita ko ang pagkabutas ng malaking puno, at ang pag-usok nun sa sobrang lakas ng impact.   Mapapansin na mas nahihirapan ngayon si Martin sa laban niya sa ikatlong gabay. Bukod sa madilim, limitado ang kanyang mga galaw dahil sa mga puno na nakapaligid dito. Hindi naman makikitaan ng paghihirap ang ikatlong gabay. Ni hindi man lang siya gumagalaw sa puwesto niya dahil kusa namang kumikilos ang mahahabang kadena.   Kusang gumalaw ulit ang kadena papunta sa kinaroroonan ni Martin. Sa pagkakataong ito, nagawang labanan ni Martin ang pag-atake niya sa pamamagitan ng kanyang espada. Nagdulot iyon ng kaunting pagkasira sa unahan ng kadena. Nag-aalala ako kay Martin. Mukhang mahihirapan talaga siya sa labang ito. Mahirap na kalaban si Guardian No. 3, mas malakas kaysa kay Guardian No. 1.   “Hanggang jan lang ba ang kaya mo? Wala ka talagang kuwenta.” wika ng suwail na gabay.   Tuloy pa rin ang pag-atake ni ikatlo laban kay Martin, pero nagagawa namang labanan ni Martin ang lahat ng kanyang pag-atake. Natanggal na rin ang ilang kabit-kabit na bakal sa kadena, dahilan ng pag-ikli ng kadena ng ikatlong gabay.   Palayo nang palayo ang kinaroroonan ng kanilang paglalaban. Mukhang may sinasabi si Guardian No. 3 pero dahil sa malayo sila, hindi ko na marinig ang sinasabi niya. Matapos niyao’y napansin ko ang naging reaksyon ni Martin. Mukhang nanghina siya, nanglulupaypay. Anong nangyayari? Ano kayang sinabi niya na naging dahilan ng panghihina ni Martin?   Dahil dun, nagawang ipulupot ni ikatlo ang kanyang kadena sa katawan ni Martin. Mahigpit na pagkapulupot. Hindi na makakilos si Martin sa higpit ng pagkakapulupot ng kadena. Anong gagawin ko? Pag nagtagal ‘to, mamamatay ang katawan ni Martin.   Martin   Nagiging mahigpit ang labanan namin ni Tres. Tama ang hinala ko. Sa umpisa pa lang, nakamasid na siya sa bawat kinikilos namin, kumukuha ng pagkakataon na makuha niya si Ana. Kainis! Nawala ako sa kutob ko. Naging pabaya na naman ako.   “Poprotektahan mo pa rin ba siya?” tanong ni Tres. “Huh?” “I mean, kaya mo ba? Alam mo naman, mahina ka. Paano kung mangyari ulit ang nangyari noon? Mapoprotektahan mo kaya siya?” “Ano-” “Kasalanan mo rin naman. Tumigil ka na. Kawawa ka naman. Ibigay mo na lang siya sa’kin. Masasaktan mo lang siya.” ang sabi niya. “Ayy mali, nasasaktan mo na pala siya.” “Ano bang sinasabi mo?” pagtataka ko. “Naglilihim ka sa kanya diba? Hindi mo ba alam ang pakiramdam na yun? Masakit yun para sa kanya. Pakiramdam niya nagiging pabigat siya sa’yo, at yun din naman ang pinapakita mo sa kanya. Sumuko ka na. Mauuwi lang ang lahat ng pinaghirapan mo sa wala. Sa huli, hindi mo rin siya mapoprotektahan.”   Nabigla ako sa lahat ng narinig ko. Ang lahat ng sinabi ni Tres ay nagdulot sa akin ng mabigat na pakiramdam. Tama kaya siya? Paano kung mauwi nga lang ang lahat sa wala? Paano nga kung hindi ko maprotektahan si Ana sa huli? Karapat-dapat pa ba akong maging guardian niya?   Totoo naman ang lahat ng sinabi ni Tres, mahina ako lang naman talaga ako…   Nagawa akong ipulupot ni Tres gamit ang kanyang kadena. Hindi na ako makalaban. Nanghihina na ako. Siguro dapat nga na sumuko na lang ako hangga’t maaga pa. Masasaktan ko lang siya kapag nagpatuloy pa ako.   Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Ano bang ginagawa ko? Kahit ano namang gawin ko, matatalo’t matatalo lang rin naman ako.   “Martin!!” sigaw ni Ana mula sa kalayuan. “Lumaban ka!! Martin!”, sigaw niya ng buong lakas.   Mahina na siya, hindi na dapat siya nagaaksaya ng lakas niya.   “Lumaban ka, Martin! Kaya mo yan! Talunin mo siya!!” sigaw niyang muli.   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ang mga sinabi niya….. ay muling nagpaalala sa’kin ng isang babae. Pinapalakas niya lagi ang loob ko. Palagi siyang nasa tabi ko, sa paligid, palagi niya akong sinusuportahan, kahit na…. mahina talaga ako. Siya ang dahilan kung bakit ako lumalakas, at nagpapatuloy na maging gabay.   Kaya ko kaya? Makakapasa kaya ako? Isip-isip ko habang naglalakad papuntang paaralan. Ngayong araw kasi ang actual test namin. Kung sino ang makakapasa, magiging isang gabay. Pero kakayanin ko kaya?   Ang maging gabay ay isang malaking pangarap para sa mga Nobody. Dito’y pipili ng sampung malalakas na kabataan upang maging makapangyarihang mga gabay. Pangarap ko na ito simula noong pumasok ako sa paaralan, subalit anong magagawa ko eh mahinang nilalang lang naman ako.   “Martin! Martin!”, ang tinig ng isang babae. Ang boses na yun, pamilyar sa’kin yun. Ang kanyang tinig ay nagmumula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko ang kanyang napakagandang mukha. Ang kanyang mga masasayang mata, na dahilan kung bakit ako ngumingiti araw-araw.   “Martin! Good luck sayo hah! Kaya mo yan! Susuportahan kita!” pagpapalakas-loob niya sa’kin. “Kinakabahan nga ako eh. Mukhang hindi ko kaya!” ang sabi ko sa kanya.   Kinakabahan naman talaga. Hindi ko alam kung papasa ako o hindi.   “Ang sabi nila, marami daw malalakas na nobody mamaya.” kabado kong wika. “Ano ka ba! Alam kong kaya mo yan! Huwag ka ngang panghinaan ng loob!” sabay hampas niya sa balikat ko.   Tinanggal ko ang lahat ng alalahaning nagkukumpol-kumpol sa isip ko, at ngumiti nang may sigla at puno ng pag-asa.   “Sige! Sabi mo eh! Tama! Kaya ko ‘to! Magiging… GUARDIAN ako!” “Yan! Ganyan nga!” ang sabi niya sa’kin na may maaliwalas na ngiti.   Nakarating na ako ng paaralan. Ilang minuto lang rin, nagsimula na ang test. Sa loob ng test, ipapakita mo kung gaano ka kagaling at kalakas. Kinakabahan talaga ako. Marami ring estudyante sa paaralang ito ang gustong maging gabay, pero ang alam ko talaga, sampu lang ang mapipiling maging gabay.   Dumating na ang oras kung saan ako na ang magpapakitang gilas. Tumayo ako sa harap ng matataas na opisyales ng Nobody World. Kasama ko sa harap ay ang magiging kalaban ko. Napakalaking nobody niya, mukhang malakas. Rinig ko ang bulungan ng mga hurado, sambit nila na wala akong panama sa nobody na ito.   Nagsimula na ang laban. Sa unang atake ng kalaban, nakaiwas ako. Sinubukan ko ring umatake, pero hindi ko kaya. Ang pangalawa niyang atake ay nagawa kong iwasan, pero ang pangatlo…… ay tinamaan na ako.   Nanghihina na ako sa mga oras na ito. Gusto ko nang matapos ang kahihiyang ito. Tumingin ako sa paligid, pansin ko ang mga reaksyon nila. Ang pagkaawa sa mga titig nila, na may kasamang panglalait.   “Hanggang jan lang ba ang kaya mo? Mahina ka naman pala. Ni hindi nga ako pinagpawisan ng matindi!” asar sa akin ng aking kalabang nobody.   Siguro’y wala na nga talaga. Hanggang pangarap ko na lang talaga ang maging isang gabay. Hanggang pangarap ko lang talaga na tingalain at kilalaning malakas ng iba.   “Martin!!” sigaw ng isang babae.   Lumingon ako upang makita kung sino ang babaeng iyon. Ahh, siya pala. Talagang pumunta siya hah?   “Lumaban ka!! Martin!” sigaw niya mula sa di kalayuan. “Lumaban ka, Martin! Kaya mo yan! Talunin mo siya!!” sigaw niyang muli.   Napaisip muli ako. Itutuloy ko pa ba? Palagi siyang nariyan sa tabi ko para suportahan ako. Kahit na mahina ako, pakiramdam ko’y malakas ako pag nasa tabi ko siya. Pakiramdam ko’y ligtas ako pag nariyan siya.   Ginanahan ako sa sinabi niya. Ayokong sayangin ang tiwala niya sa’kin. Sinubukan kong bumangong muli. Inumpisahan ko nang umatake. Sumugod ako patungo sa kanya, ngunit umiwas siya.   “HAHAHAHA! Ang lampa mo naman!” ang sabi niya sa’kin.   Napangiti na lang ako sa sinabi niya.   “Totoong walang panama ang mahinang katulad ko sa malakas na katulad mo, pero huwag kang pasisiguro, baka magbago ang ihip ng hangin at ikaw ang matalo” ang matapang kong sagot sa kanya.   Dahil nga sa umiwas siya sa pagsugod ko, nagkaroon ako ng tyansa na makaatake dahil nasa likuran niya ako. Ang isang malaking nobody na katulad niya, ay mahirap na makakilos ng mabilis mula harap patalikod, kaya hindi niya maiiwasan ang gagawin kong pag-atake.   Mabilis akong nakaatake dahil na rin sa maliit kong pangangatawan na malaya’t magaang makakakilos. Tinitigan kong mabuti ang sukat ng lugar na aming pinaglalabanan. Mabilis ko itong kinalkula. Sa pagpapakawala ng ilang may pwersang suntok patalikod, nagawa ko siyang patalsikin palabas. Ganon ko natalo ang isang malakas na nobody na katulad niya, sa tulong ng isang espesyal na babae, na tinuturing kong kaibigan. Siya, na sumuporta sa akin, kaya nandito ako ngayon…. bilang isang gabay, at nagpapatuloy.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD