CHAPTER 18: PINK FLAME GUARDIAN

2397 Words
Ana   Nagsimula na kaming magkantahan. Unang kumanta ay si Jacob. Ewan ko, pero namanhid talaga ang tenga ko, ANG GANDA NG BOSES NIYA (Sarcasm). Sunod na kumanta ay si James. Inaasahan ko naman na maganda ang boses niya. Pero, hindi ko pa rin na maiwasan na hangaan siya. Para bang…. nasa kanya na ang lahat? Waaaahh!   Nagvolunteer ako na kumanta pagkatapos. Kumanta ako ng isang masiglang awit. Nung una, naging maganda ang kinalabasan, pero nung bandang bridge ng kanta, nagsimulang manakit ang tiyan ko na naging dahilan ng maliliit kung galaw. Mukhang napansin nila na may mali sa akin, pero hindi ako nagpahalata.   Sinubukan kong pigilan, pero hindi ko kinaya. Kumawala ang tinig ng kalikasan. Namula ako sa nangyari. Grabeee! Nakakahiyaaa!     Pansin ko ang pagkagulat at ang panlalaki ng mata nila. Well, maliban lang kay Martin na mukhang tawang-tawa pa.   Ano ba ang huli kong kinain? Bakit sumasakit ang tiyan ko nang ganito? Kumain lang naman ako ng mga inihaw, konting matamis, yung ramen, at….. yung bottled coffee na bigay sa’kin ni James.   Teka…..   SANDALI! Kung hindi ako nagkakamali, yung sulat!   Gusto mo? Hahaha, binili ko talaga yan para sa’yo. Ang totoo, Iced Coffee yan, kaso nakalimutan kong ibigay sa’yo, sorry! - James   SIYA! SIYA ANG MAY KAGAGAWAN NITO! SI JAMES!! WAAAAHHH! Pano mo nagawa sa’kin toh?!! WAAAAHHH!! ANG SAMA MO!!   “A-Ana, sigurado ka bang ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Margaret. “Margaret.” “B-Bakit?” “WAAAAHH! SAMAHAN MO AKO!!” pagmamakaawa ko sa kanya. “Saan?” “Sa CR!! Dali!!” sabay hatak ko sa kanya. “S-Sige..” sabay hila ni Margaret ng supot na may lamang maraming tubig.   Tumakbo ako nang mabilis pero dahan-dahan. Alam mo yung ganon? Binibilisan ko’t baka datnan ako dito ng PANGANGANAK, pero dinadahan-dahan ko dahil baka dito ako MANGANAK! WAAAAHH!! SOBRA NA TALAGA ANG ARAW NA ‘TO!! SUMPAIN KA NOVEMBER 1!!!   Nang makarating ako sa banyo, agad kong nang inilabas ang SAMA NG LOOB.   “Hooohh! Success!” hinga ko nang maluwag. “Uhm, Ana.” tawag sa’kin ni Margaret. “Bakit?” “Antayin na lang kita sa labas hah!” ang sabi niya. “Sige!”   Natapos ako sa pagbabanyo. Mabuti na lang may sabon yung cubicle na pinasukan ko. Tumingin-tingin muna ako sa salamin bago umalis. Inayos ang buhok, sinuklay suklay gamit ang kamay.   Ouch! Hindi pa rin ako makapaniwala! PAANO SA’KIN NAGAWA NI JAMES ANG NAKAKAHIYANG BAGAY NA ‘TO??!! WAAAAHHH!! I HATE YOU NA!! Grabeng sakit ang naramdaman ko kanina. Pakiramdam ko nagsusuntukan lahat ng kinain ko. Para bang tinutulak nila ang isa’t-isa. Siguro iinom muna ako ng tubig.   “Nga pala Margaret, nasan nakalagay yung mga tubig na dala natin?” tanong ko sa kanya.   Salita ako nang salita, pero walang sumasagot. Na-pipi na ba si Margaret?   “Hoyy! Margaret!!” sigaw ko sa kanya.   Nakailang sigaw na ako, pero wala pa rin. Aba! Ano bang ginagawa ng babaeng yun? Sabi niya nasa labas lang daw siya.   “Margaret? Nandyan ka pa ba? Tinakasan mo na ba ako? Huyy!!”   Habang tinatawag ko si Margaret, biglang may pumasok na malakas na hangin sa loob. PUMASOK NA HANGIN? Eh sarado naman ang pintuan. Tiningnan ko ang maliit na bintana sa bandang itaas, nakasarado rin naman. Eh kung ganon, saan nanggaling ang hangin na yun?   Tinuloy ko na lang ang pagsuklay ng buhok ko at nanahimik na lang. Baka wala lang yun! Aalis na rin naman ako. Habang nakatingin sa salamin, biglang nagpatay sindi ang ilaw ng CR. Bale mayroong tatlong maliliit na fluorescent lamp sa loob ng CR. At ang lahat ng iyon, ay NAGPAPATAY SINDI!!   Kasabay ng mga wirdong nangyayari, nakarinig ako ng mga hakbang. Tunog ng takong, sa loob ng CR. Kabiglaana’y may narinig akong bakal na parang hinihila na naglalabas ng maingay at nakaririnding tunog. Mali, para siyang kadena. Hinihila papalapit sa’kin, sumasadsad sa sahig ng CR.   Rinig na rinig ko ang mga kakaibang tunog na iyon, papalapit nang papalapit sa akin. Kinakabahan na talaga ako. Natatakot na ako. Nag-umpisa na manginig ang buong kalamnan ko.   “M-Margaret! H-Hindi m-mo n-naman k-kailangang m-manakot n-ng g-ganito! Diba? A-Aaakala m-mo ba n-natatakot a-ako? H-Hmph!”   Ilang beses kong tinawag si Margaret, pero hindi siya sumasagot. Ano na bang nangyayari?   “E-Eh a-ano n-naman k-kung N-November 1 n-ngayon? M-Maargareet?!”   Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung kakaibang tunog na naririnig ko. Wala naman ng iba sa loob kundi ako lang. Ito na ba yung sinasabi nila na pagbabalik ng mga kaluluwa sa a-Uno ng Nobyembre?   “S-Sorry! S-Sorry! H-Hindi k-ko n-na p-pala s-sinusumpa a-ang N-November 1. A-Alam k-ko n-naman n-na m-mahalaga i-itong a-araw n-na i-ito s-sa m-mga k-kaluluwang k-katulad n-niyo. H-Hehehehe!” nagmamakaawa kong paghingi ng tawad.   Hindi pa rin tumitigil ang mga kakaibang tunog na naririnig ko, at ang pagpatay sindi ng mga ilaw.   Okay! IT’S TIME TO RUN!!!   Dala ng takot, tumakbo na ako papuntang pintuan ng CR. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito, pero… nakaLOCK! Pero teka, pano nangyari yun eh…. nasa loob ang lock ng pintuan, hindi sa labas?   Hindi ko alam kung bakit, pero AYAW MABUKSAN NG PINTUAN. Naririnig ko na papalapit nang papalapit pa ang mala kadenang tunog na yun, at ang mga lakad na takong. Anong gagawin ko? Pinipilit ko pa ring buksan ang pintuan para makatakas, pero walang nangyayari.   Wala na akong magagawa, kundi harapin ang takot na ito.   Nilakasan ko ang loob ko. Sa totoo lang, mahinang tao naman talaga ako. Sa mga ganitong pangyayari, palaging nandito si Martin sa tabi ko. Please, Self!! Kahit ngayon lang ulit! Maging malakas ka naman para sa sarili mo! Pinilit kong palakasin ang loob ko, at daigin ang nararamdamang takot.   Hindi na ako nagdalawang isip. Nilingon ko na ang pinanggagalingan ng kakaibang mga tunog na yun. Sa paglingon ko, biglang nawala ang mga tunog na yun. Tumigil din ang pagpatay sindi ng mga ilaw. Nawala ang lahat ng mga wirdong bagay na kanina lamang ay bumabagabag sa akin.   Hooooh! Huminga ako nang malalim. Lumingon ulit ako papaharap sa pintuan. Kaso biglang…   Martin   SUCCESS!! Hahahahaha! Ang sarap din pa lang makipaglaro kay Ana. Kanina habang iniisip ko kung paano maisasatupad ang plano, napalingon ako kay James. Dahil dun, nakaisip ako ng plano.   Habang wala pa ang mga babae, kumuha ako ng sticky paper at ballpen sa bag ko. Sa tagal kong kasama si Ana, alam ko na kung paano mag-isip ang babaeng yun, at madali lang sa’kin na gumamit ng mga matatamis na salita para biruin at lokohin siya.   Gumawa ako ng sulat sa sticky paper at dinikit sa bote ng kape. Inilagay ko doon na ang sulat na yun ay nagmula kay James, obsessed na kasi siya sa kanya, magandang pagkakataon yun. BWAHAHAHAHA!   Nang matapos kong gawin ang balak ko, inilagay ko na ang kape sa puwesto niya. Ang kailangan ko na lang gawin ay antayin na makita niya ito at inumin.   Ilang minuto lang, dumating na ang mga babae galing CR. Pumunta na rin si Ana sa puwesto niya, at sa wakas, napansin na niya ang kape. Pasimple akong lumingon-lingon para hindi halata na ako talaga ang naglagay doon. Napansin ko na binabasa na niya ang sulat doon. Pansin ko rin ang dahang-dahan na pagngiti niya sabay sulyap sa kinaroroonan ni James. Umaayon ang lahat sa plano ko hahahahahahah!   Dumating na nga sa tiyempo na siya ang kakanta. Akalain mo nga naman, mas mapapaaga pa yata ang plano ko ahh. Nagsimula na siyang kumanta. Kumanta siya ng isang masiglang kanta kung saan may pagiliw-giliw at pasayaw-sayaw pa siya. Sige lang! I-enjoy niyo ang pagkakataon na’ to dahil maya-maya, makakalanghap kayo ng SARIWANG HANGIN mula sa tinig ng KALIKASAN. BWAHAHAHAHA!!   At nangyari ang inaasahan ko.. Pinakawalan na niya. Sobrang tawang tawa ako, grabee! Pinipigilan ko talagang humalakhak, pero sa tingin ko rinig pa rin ang mga maliliit kong tawa na siyang napansin ni Ana. Mukha yatang nagalit nang makita niya akong tumatawa.   Hindi na siya nakapagpigil. Nagpasama siya kay Margaret papuntang CR. Tawang-tawa ako sa lakad niya, iika-ika mukhang pilay na ewan. HAHAHAHA! Mission Accomplish!!   Matapos ang ilang minuto, bumalik na si Margaret pero hindi niya kasama si Ana. Malamang namimilipit pa rin yun sa sakit.   “Masaya ka dun?”   Nagulat ako nang biglang nagtanong si James.   “Saan?” maangmaangan kong tanong. “Sa ginawa mo.” “Huh? Ano bang sinasabi mo?” “Hindi mo dapat ginawa yun.” seryoso niyang sabi.   So napansin niya na rin pala.   “Oo, ako ang gumawa sa kanya nun. Eh ano naman? Nakikipaglaro lang naman ako sa kanya, isa pa siya naman ang nanguna, hah!” paliwanag ko. “Pero babae siya-” “BAKIT BA MAS MARUNONG KA PA? AKO KAYA ANG GUARDIAN NIYA, HINDI IKAW!” pikon kong sabi. “Tsk! Akala ko maha-” “Sandali!” putol ko sa sinasabi niya.   Hindi dahil sa naiirita ako, kundi may narinig ako. Isang sigaw…   “Akala ko ba maha-” ulit niya. “SANDALI!”   Masama ‘to..   “Margaret!” tawag ko sa kanya. “Bakit?” “Nasa CR pa ba si Ana?” tanong ko. “Oo, teka parang kanina pa siya dun ahh. Sobrang sakit ba talaga ng tiyan niya?” pagtataka niya.   Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Tumakbo na ako nang matulin.   “Huh? Martin?”   Agad na akong tumakbo papuntang CR. Masama ang kutob ko dito. Nararamdaman ko ang paglayo ng presensiya ni Ana. Hindi kaya….   “PANG!” Mabilis kong binuksan ang pinto, ngunit wala doon si Ana. Bukod doon, nakakaamoy ako ng di kaaya-ayang amoy, (hindi yung IKINAWALA ni Ana). Ang amoy na yun…   Bukod pa dun, napansin ko ang isang puting sapatos. Kung di ako nagkakamali, kay Ana ito. Nasaan siya?   Maya-maya pa ay dumating sina Margaret, Stacey, at Jacob.   “Bro, anong nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Sais. “Nasan si Ana?” tanong naman ni Stacey.   Lumapit pa lalo si Margaret at saka sumigaw.   “Ana!! Nasan ka?” “Wala siya dito.” sagot ko sa kanya.   Napansin ni Margaret ang isang sapatos ni Ana.   “Teka, sapatos ba yan ni Ana?” turo niya doon.   Napahawak naman si Stacey sa mga braso ni Sais.   “K-Kuya..” nanghihina niyang tawag. “Bakit?” “P-Parang n-nahihilo a-ako..” kasabay nito ang kawalan niya sa balanse. “Nahihilo?” nakaalalay niyang tanong.   Ang amoy na ito…   “Magtakip kayo ng ilong niyo!” utos ko sa kanila. “T-Teka, a-ano b-ba y-yun?” tanong ni Margaret na sa mga panahon ding yaon ay umiikot na ang paningin.   Nagsimula na ring umepekto ang amoy kay Sais.   “T-Teka? H-Hindi k-kaya…” “Jacob, dalhin mo muna sila pabalik, doon kay James.” utos ko sa kanya. “S-Sige, p-pero i-ikaw?”   Huminga ako nang malalim.   “Hahanapin ko si Ana.”   Kainis! Nagkamali ako! Hindi ko dapat ginawa yun sa mga panahong ito! Hahanapin kita, Ana. Hindi ko hahayaan na makuha ka niya.   Ana   “N-Nasan a-ako?” sambitla ko habang bumabangon sa pagkakahiga. Hinimatay yata ako. Sa pagkakatanda ko, may magtakip sa ilong ko gamit ang isang panyo, na may kakaibang amoy.   Nasan na ba ako? Mukhang nagising ako sa gitna ng kagubatan. Anong ginagawa ko dito? Tumayo ako at tinanaw kung nasaan na ang campsite namin. Lumingon-lingon ako ngunit hindi ko natagpuan ang campsite namin. Paano ba ako napapunta dito? At sino yung nagtakip ng panyo sa ilong ko?   Tumalon-talon ako upang makita ang liwanag. Dahil sa sobrang dilim, mabilis ko lang na nakita ang liwanag. Medyo malayo, pero kung maguumpisa na akong maglakad, makakabalik ako.   Inihakbang ko ang aking mga paa. Una’y kaliwa, sunod ay kanan…. HAAAHH??!! NASAAN YUNG SAPATOS KO? Napansin ko na wala ang kanang sapatos ko. Nasan kaya yun? Inumpisahan kong maghanap-hanap sa paligid, pati na rin sa likod ng mga puno.   “Anong hinahanap mo?” ang tanong ng isang babae. “Ahh! Hinahanap ko lang yung sapatos ko!” sagot ko habang naghahanap.   WHAAAAT??   TEKA! S-SINO Y-YUN? Natauhan ako nang ma-realize ko na ibang babae ang nagtanong sa akin. Kinilabutan ako. Nakatayo siya sa harap ko, pero ang kulay rosas na takong niya lang ang nakikita ko.   TAKONG??!!   Dahan-dahan akong tumingala para makita siya, at napagtanto ko ang isang babae na may nakasabit na kadena sa leeg.   K-KADENA??!! Y-Yung m-mga t-tunog n-na y-yun…… takong at kadena…   Napansin ko rin na may apoy na kulay rosas na nakapalibot sa kanya. P-PINK FLAME??!! Ibig sabihin ba nun…   “Sa tingin ko alam mo na kung ano ako. Pero magpapakilala pa rin ako sayo. Ako si Guardian No. 3, ang Pink Flame Guardian. Sumama ka sa’kin, tutulungan kitang makaalis.” nakangiti niyang alok sa kamay ko.   “Makaalis dito?” “Oo. Don’t worry! Mabait na gabay naman ako.” nakangiti niyang sabi.   Mabait? Hindi! Sinungaling ka! Alam ko ang katotohanan tungkol sa inyong sampu.   “Sa dami-dami niyo wala man lang may alam ni kahit isa?! Tsk!” “Madami? Sampu lang naman kaming mga gabay.” “SAMPU?!” “Ang unang limang nakatatandang mga gabay ay naging suwail sa Kataasan. Dahil dun, pumili ang Kataasan ng isang Hinirang mula sa aming lima na natitira.”   “Ang unang lima sa mga gabay ay mga suwail. Kung pangatlo ka sa kanila, ibig sabihin…” may pagsususpetya kong tingin sa kanya.   Ngumit lamang siya nang nakakatakot.   “Matalino ka pala. Bihira lang ang mga mortal na ganyan. Alam mo ang tungkol dun ahh. So, anong gagawin mo ngayon?” may pananakot niyang tanong. “Malayo ka sa mga kasamahan mong mga guardian. Nandito ka sa gitna ng madilim at masukal na kagubatan, kasama ang isang masamang gabay na katulad ko.”   “K-Kahit a-ano p-pang m-mangyari, i-ililigtas a-ako n-ni M-Martin.” may tiwala kong wika. “Owwss! Talaga? Nakakatakot naman.” masamang pagngiti niya. “Ang mahinang gabay na yun, hahahahaha! Baka isang hampas lang ng kadena kong ito, siguradong patay siya eh. Hahahaha!” panlalait niya.   Kinuha ko na ang pagkakataon. Bago pa matapos ang pagsasalita niya, agad na akong tumakbo, kaso…   “KLING!!” ang tunog ng kadena.   OUCH!! Pinulupot niya ang kanyang kadena sa kanang paa ko. Wala pa man din akong sapatos, at napakahigpit ng pagkakatali ng makakapal na bakal na yun. Dahil sa nakapulupot na kadenang iyon, napadapa ako sa lupa, dahilan kaya hindi ako nakatakbo.   “Aww! Nakakaawa ka naman. Wala ka nang magagawa. Sasama ka sa’kin, SA AYAW AT SA GUSTO MO!!”   Habang pinanggigigilan niya ako, kumuha ako ng tiyempo. Palihim akong kumuha ng bato gamit ang kaliwang kamay ko, at lupa gamit ang kanang kamay ko. Ibinato ko ang bato sa kanyang ulo.   “ARAY!! SUMOSOBRA KA NA-” galit niyang sabi subalit..   Bigla ko namang ibinato sa kanya ang lupa na hawak-hawak ng kanang kamay ko. Tinamaan ko talaga ang mga mata niya. Dahil dun, napuwing siya. Nawalan siya ng kontrol sa kadena na nakatali sa paa ko. Yun ang naging dahilan kaya nakatakas ako.   Tumakbo ako nang sobrang tulin. Sobrang bilis, hanggang sa makakaya ko. Masukal na kagubatan, sa ngayon, nandito ako sa gitna ng malawak na kagubatan. Tumatakbo para sa kaligtasan ko. Nakakatakot, nakakahingal, hinang hina. Para bang, gusto nang sumuko ng katawan ko sa pagod, pero hindi puwede. Hinahabol ako ngayon ng isang babae, na nagtatangka sa buhay ko.   Sisigaw sana ako para humingi ng tulong, pero baka yun pa ang maging dahilan ng pagkahuli ko. Hindi ko na ngayon alam kung saan ako tutungo. Mas lalo pa akong napalayo sa campsite. Hindi ko na matanaw ang liwanag mula sa kinatatayuan ko ngayon.   Habang tumatakbo, napaisip ako. Parang nangyari na ‘to… saan nga ba? Habang iniisip ko kung saan ito nangyari, naalala ko ang nakaraan. Mula sa tunay kong mundo, doo’y hinahabol ako ng isang lalaki. Oo, binaril niya ako, at niligtas ako ng Hinirang. Ang nakaraan yun, na naging simula ng pagkakakilala ko sa isang makulit, nakakainis at manhid na gabay.   Oo, sa mga oras na ito, ang maaari lang na magligtas sa akin, ay si Martin o di kaya’y…. ang misteryosong Hinirang.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD