CHAPTER 17: THE VOICE OF NATURE

2116 Words
Ana   Nagsimula ang Spin-the-Bottle game. Unang natapatan ay si Jacob, kung saan nagboluntaryo si Margaret na magtanong tungkol sa nangyari sa amusement park. Mabuti na lang nagkaroon ng pagkakataon na maiwasan ang tanong niya. Sunod na natapatan ay si Stacey, si Margaret, si James, at si Martin.   Tinanong ni Margaret kung sino ang First Love ni Martin. Sa totoo lang, umasa talaga ako na ako yun. Ang baliw noh! Pero hindi. Anyway, I don’t care! Nang ako na ang susunod, tinanong ni Margaret ang katulad na tanong, kung sino ang First Love ko. Nung una, hindi ko alam kung anong isasagot ko, pero naisip ko na magandang pagkakataon ito, to enjoy, hehehe!   Nag-imbento lang ako ng isang lalaki, na may pangalang Charles. Nang sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kanya, na mayaman siya, gwapo, matalino, sobrang namangha ang lahat, maliban kay Martin.   Pansin ko ang pagka-iyamot niya sa mga sinabi ko. Ang malalim na tingin niya sa’kin. Yung para bang kung may patalim lang yung mga titig niya, eh duguan na ako ngayon. Nginitian ko siya ng mapang-asar na ngiti bilang sukli sa malalim niyang pagtitig.   Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Mukhang may mangyayaring giyera sa gabing ito. Tama lang! HINDI PA AKO KUNTENTO! BWAHAHAHAHAHA!     Umalis si Margaret at tumungo sa niluluto niya para paghainan kami. Ano kayang niluto niya? Sumama ako para makita kung anong pagkain ang niluto niya.   Binuksan ni Margaret ang lalagyan at nakita ko ang umuusok-usok at napakainit na ramen.   “WOW!!” pagkamangha ko.   WAAAH!! Kung di niyo maitatanong, ramen ang isa sa mga paborito kong pagkain. Yung sobrang init at sobrang anghang, the best talaga lalo na kapag malamig ang panahon.   “Sa ganitong malamig at masayang panahon, walang tatalo sa napakainit na ramen.” wika ni Margaret sabay kuha at lagay ng mga chopsticks sa gilid ng mga nakahandang mangkok. “Sinabi mo pa! Ang bango!!! Tulungan na kita maghain.” pagboboluntaryo ko. “Mabuti pa nga.”   Kinuha ni Margaret ang mga mangkok at nagsalin ng ramen.   “Margaret.” lilingap-lingap kong tawag sa kanya. “Bakit?” “May sili ka ba dito? Hehe, nakukulangan kasi ako sa anghang.” paliwanag ko sa kanya. “Kunin mo doon malapit sa mga kutsara. Kumuha ka na rin pala ng mga kutsara.” sabay turo niya saka umalis at pumunta sa kabilang lamesa. “Sige!” “Wag mong lagyan lahat hah! Yung sa’yo lang! Baka kasi mayroon sa’tin na ayaw ng maanghang.” bilin ni Margaret.   Dahil sa sinabi ni Margaret, may naisip akong magandang plano. NAPAKAGANDANG PLANO.   BWAHAHAHA! Salamat sa payo, Margaret. Kaibigan talaga kita. Dahil sa mga sinabi mo, nakaisip ako ng bagong plano. This is going to be EXCITING!!!   Owww! Ito na ba yung siling sinasabi ni Margaret? SILING LABUYO? Nilagyan ko ng sili ang ramen ko. Pagkatapos nun, kumuha naman ako ng sili para naman kay Martin. NAPAKARAMING SILI at pinitpit ito gamit ang kutsara. Inihiwalay ko ang balat at buto sa katas na nakuha ko upang hindi mahalata ang anghang nito. Pasimple ko itong nilagay sa mangkok ni Martin.   “Anong ginagawa mo-” “WAAAAHH!”   Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Margaret. Napansin niya kaya ang ginawa ko?   “Ahh.. k-kakatapos k-ko lang l-lagyan ng sili yung m-mangkok ko, hehe!” pagpapalusot ko.   Tumango lamang siya at wala nang sinabi. Kinuha na namin ang mga tray at dinala na namin ni Margaret ang mga mangkok na may lamang ramen. Isa-isa na inabot ni Margaret ang mga mangkok sa kanila. Ganon din ang ginawa ko.   Dalawa na lang ang dala-dala ko. Isa sa akin, at isa nama’y para kay Martin. Dahan-dahan kong inilapag sa tapat ni Martin ang ramen niya, sabay ngiti.   “Ito na ang ramen mo, Sir!” nakangiti ko sa kanyang abot.   Bumalik na ako sa puwesto ko at sinimulang kainin ang ramen.   “Hooohh!! Ang sarap! Tamang-tama ang init at ANGHANG!” ang sabi ko habang kumakain. “Oo nga! Grabe, ang galing mo magluto Margaret! Napakagaling mo!” papuri naman ni Jacob kay Margaret. “Hehehe! Salamat.”   Pasimple akong sumulyap kung ano na ang nangyayari kay Martin. Inumpisahan niya nang kainin ang ramen niya. Hinigop niya ang sabaw at biglang huminto. HAHAHAHA! Malamang naramdaman niya na ang LIMANG SILING LABUYO na nilagay ko sa ramen niya. Sa totoo lang, KULANG PA YUN!!   Pansin ko ang mabagal niyang paghigop ng sabaw at pagkain ng ramen. Pansin ko rin ang pagpapawis niya at ang sobrang pamumula niya.   Naubos na naming lahat ang mga ramen namin, habang si Martin ay halos nangangalahati pa lang at maya’t maya ang pagpupunas niya ng kanyang pawis na tumatagaktak sa kanyang noo.   “Hooohh!! Sobrang sarap Margaret. Sa susunod, turuan mo akong magluto hah!”   Napansin ko nga na magaling sa gawaing bahay si Margaret, specially sa pagluluto. Talagang magpapaturo ako sa kanya. Sawang sawa na rin kasi ako sa mga luto ko. Kailangan ng konting improvements.   “Sige ba.” pagpayag niya. “Huy! Sali din ako.” pagmamakaawa ni Stacey. “Hahaha, bahala ka.” “Mula ngayon, tatawagin ka na naming CHEF MARGARET!!” sabi ko sa kanya. “Hala! Wag!”   Tumawa lamang kami ni Stacey. Napalingon naman si Margaret sa bandang dako ni Martin.   “Huh, Martin?” tawag ni Margaret.   Yun! Ayos! Napansin din!   “Bakit hindi mo pa nauubos yang ramen mo?” tanong niya kay Martin. “Ah.. eh-” “Ayaw mo ba ng lasa?” nakasimangot na tanong ni Margaret. “Teka, parang namumula ka yata bro?!” tanong naman ni Jacob.   Tumayo siya at saka nagsalita.   “Uhm, p-puwede b-ba a-ako m-makahingi n-ng t-tubig?” hihingal-hingal niyang tanong.   YES! PERFECT PLAN!   “Nandoon sa lamesa, malapit sa lalagyan ng mga kutsara.” sabay turo niya. “S-Salamat!”   Martin   SOBRANG ANGHANG!!! Paano nila natitiis ang ganon kaanghang? Ayoko talaga ng mga pagkain na maaanghang. Kainis!   Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nakailang baso ako para lang maginhawaan ang dila ko. Sa sobrang dami ng nainom ko, nabasa na pati ang damit ko. Inilapag ko ang baso sa lamesa. Papasok muna ako sa tent para punasan ang damit ko. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang kulay pula na makintab na nakalagay sa lamesa. Durog-durog, parang…….. SILI!!   “Ito na ang ramen mo, Sir!”   ANG BABAING YUN!!! MALAMANG NILAGYAN NIYA NG SILI ANG RAMEN KO!! BWISET KA TALAGA!!   Ahh! Ganito pala ang gusto mo hah. Nakikipaglaro ka ba sa guardian mo? HAH! Sige, makikipaglaro din ako sa’yo. And I will take to the fullest of it, BWAHAHAHAHA!   Habang nag-iisip ng plano kung paano makakaganti kay Ana, pumasok na ako sa tent kung saan nandoon ang gamit ko. Habang hinahanap ko ang pamunas, nakapa ko sa loob ng bag ko ang isang bote. Inilabas ko ‘to at nalaman ko na Iced Coffee pala yun. Hindi na nga lang Iced dahil kanina pa ito. Sa pagkakatanda ko, binili ko ito sa convenience store kaninang hapon nung inaantay namin si Ana.   Bumalik na ako sa puwesto ko. Napansin ko na nagtatawanan lang ang mga babae. Si James naman ay nagse-cellphone, habang si Jacob ay nakatingin lang sa’kin. NAKATINGIN SA’KIN?   “Saan ka nanggaling? Ang tagal mo ata.” tanong niya. “Jacob.” lapit ko sa kanya. “Bakit bro?” “May pangpurga ka bang dala?” “Laxative? Wala bro.” iling niya. “Ganon ba..” “Teka, tignan ko lang sa bag ko”, saka siya tumayo. “May pinamigay kasi sa’min nung nakaraan na pampurga, eh nakakalimutan ko namang inomin kaya malamang nandoon pa yun sa bag ko.” “Sige! Tingnan natin.”   Ayos! Alam ko naman na mayroon siyang ganon sa bag niya. Si Jacob yata ang pinaka makakalimutin at careless sa lahat ng mga guardian. Pumasok kami sa tent niya at kinuha niya ang bag niya. Kinapa niya isa-isa sa mga bulsa ng bag niya.   Hindi ako nabigo. May nahanap nga siya. Iniabot niya ito sa’kin.   “Salamat bro!” “Teka, bakit kailangan mo ng pampurga?” tanong niya. “Huh? K-Kasi… m-magpupurga a-ako b-bukas. At para hindi na rin ako bumili sa pharmacy. Hehehe! Alam mo naman, health conscious ako.” palusot ko. “Ganon ba, oh sige bahala ka.”   Umalis na si Jacob. Pagkaalis niya, ginawa ko na agad ang maitim kong balak. Dinurog ko ang purgative at tinunaw sa iced coffee. Ilang minuto lamang matapos na inomin niya ito, siguradong sasakit ang tiyan niya. BWAHAHAHA! Sayang, madami pa man din siyang kinain, HAAHAHA!   Bumalik na ako sa puwesto ko. Habang naglalakad ako pabalik, biglang sumagi sa isip ko ang isang problema. Paano ko ito iaabot sa kanya? Malamang iisipin niya na gumaganti ako sa kanya. Maghihinala siya.   Habang nag-iisip ako kung paano ito iaabot kay Ana, napansin ko na wala ang mga babae sa puwesto nila. Tanging sina Jacob at James lang ang naabutan ko na nandoon.   “Teka, nasan na yung iba?” tanong ko sa kanya. “Ahh, nag-cr lang daw.” sabi niya habang nagba-browse sa f*******:. “Nag-cr?”   BWAHAHAHAHA! Mukhang pumapanig sa akin ang kapalaran ahh. Pero hindi naman puwede na ilapag ko lang ito sa puwesto ni Ana. Kailangan kong sulitin ang pagkakataon.   Habang nag-iisip ulit ako kung anong gagawin ko, napatingin ako kay James.   Ana   “Huyy! Ana!” tawag sa’kin ni Stacey. “Bakit?” “Samahan mo nga akong umihi.” sabay hila niya sa’kin. “Luh, hindi ko alam kung nasan yung cr eh..” “Nandoon ang cr, sa bandang kanan ng front garden. Diretsuhin niyo lang yun.” turo ni Margaret.   Nagkibit-balikat lamang kami ni Stacey, patunay na hindi namin naunawaan ang lahat ng sinabi ni Margaret.   “Hay nakoo! Samahan ko na nga lang kayo!” sabay tayo niya sa pagkakaupo. “Bilis! Naiihi na talaga ako ehh.”   Pumunta muna kami sa cr. Ihing-ihi na daw kasi si Stacey. Pero para hindi sayang sa oras, umihi na rin kami ni Margaret.   Nang matapos kami sa cr, bumalik na kami sa kanya-kanya naming puwesto. Uupo na sana ako nang mapansin ko ang isang bottled coffee sa tapat ko. Napansin ko na may nakadikit na sticky paper sa bote. At may sulat!   Gusto mo? Hahaha, binili ko talaga yan para sa’yo. Ang totoo, Iced Coffee yan, kaso nakalimutan kong ibigay sa’yo, sorry! - James   YIEEEEE!! A-Ano t-to? A-Ano b-ba y-yan! P-Para s-sa’kin b-ba t-talaga t-to? Eiiiiii! Ikaw talaga James!! Mas lalo tuloy akong nafo-FALL!! (Ang rupok bes!)   Sumulyap ako kay James. Nang tumingin siya sa’kin, kumindat ako sa kanya, tanda ng pasasalamat ko sa kanya. Nginitian lang niya ako. Binuksan ko na ang ibinigay niyang bottled coffee at uminom. Grabeee! Kapag iniisip ko na siya ang nagbigay sa akin nito, mas lalong sumasarap ang kape. Mas maganda sana kung nainoman niya ito, Chour! Hay nakuu, Ana! Umaarangkada ka na naman!   Ilang minuto ang lumipas, biglang nagsalita si Margaret.   “Ok! How about magkantahan tayo?” suggestion niya.   Kumanta? Yeyyy!! Hindi sa pagmamalaki, pero maganda talaga ang boses ko. FYI, isinasali kaya ako sa mga contest sa school since kindergarten, Duh!   "Sige! Sige! Maganda yang naisip mo, Margaret. Ako ang unang kakanta.” boluntaryo ni Jacob.   Si Jacob? Hindi ko pa ata naririnig na kumanta si Jacob ahh.   “Sige! Galingan mo hah!” pagpapalakas-loob ni Margaret.   Namula naman itong si Jacob dahil sa suporta ni Margaret. Tss!   Tumayo si Jacob at tinono ang boses niya. Nang matapos na siyang makapaghanda, nagsimula na siyang kumanta.   1..….2…..3…. GO!!   Hindi ko alam kung bakit. Parang kanina lang na ang bawat isa sa amin ay nagsasaya. Nagtatawanan, nag-aasaran, nagkukuwentuhan, hanggang sa dumating ang isang kakila-kilabot na tinig. Tila ba gusto nang sumuko ng aking pandinig. Tila ba gusto ko nang putulin ang aking tainga. Tila ba sasabog ang ulo ko sa sakit. Hindi ko alam kung bakit. Saang banda ba hindi naging perpekto ang araw na ito? Ewan ko….. Ang kasiyahan, na binasag ng kagalingan….    Unlocks her potential in Filipino Literature…   PAGDALAK NG DUGO, DUGO NG EARDRUMS, TONE DEAF, PAKIKIPAGLABAN, KAGALINGAN, PRIDE!!! TORTURE!!   “P-Parang a-awa m-mo n-na, s-suko n-na k-kami. W-Wag m-mo n-na k-kaming p-pahirapan.” takip-tenga kong pagmamakaawa.   Agad na tinakpan ni Stacey ang bibig ni Jacob. Grabee! Akala ko yun na ang huling sandali ko sa mundong ito. Saklap naman ng mamatay sa di mo sariling dimensyon, haysss…   “T-Thank you, next.” wika ni Margaret. “Ako!” taas-kamay ni James.   Huyy! Interesting! Sa wakas, si James naman. Ano kayang kakantahin niya? Love song? Yieeee!   Nagsimula nang kumanta si James. Ang boses niya, napakalambot! Napakasarap sa tenga, ang lamig! Ang masasabi ko lang, WOW! Ang ganda ng boses niya. Para bang siya ang lunas sa terible na naramdaman ko kanina. Hulog ka talaga ng langit, James!!   Nagpalakpakan ang lahat sa ipinakita niyang talento. Nakakamangha!!   “Ang galing mo naman kumanta, James!” puri ko sa kanya. “Salamat!” pasasalamat niyang may ngiti.   Ang ngiti niya!! Waaaaahh! Nakakatunaw! Di tulad ng isa jan, nakakabuwiset!   “Sinong susunod?” tanong ni Margaret. “Me!” pagboboluntaryo ko. “Sige! Go Ana!” suporta sa’kin ni Margaret.   Tumayo na ako at hinanda ang boses ko. Nang ok na ang lahat, nagsimula na akong kumanta. Yung joyful ang kinanta ko, para magmukha akong cute kay James. Hihihi!   Pansin ko ang pagngiti ng lahat at ang pag-ayon nila sa kanta ko. Lahat sila ay nag-eenjoy maliban siyempre kay Martin. Kahit kailan talaga… dapat siguro ang kinanta ko ay yung “Manhid Ka!!” KAINIS!!   PURURUNG!!   Habang nasa kalagitnaan ng pagkanta, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Nakarinig din ako ng kakaibang tunog na nagmumula sa…. sa TIYAN KO!!   Sobrang sakit!! Ang masigla at masaya kong kilos, ay naging pilipit na parang kawayan. Tumiyempo pa sa BRIDGE ng kanta. Grabee! ANG CRUCIAL NAMAN NITO!!   Iniwasan ko ang pagkilos ng malalaking galaw habang kinakanta ang BRIDGE. Napansin ko na napapansin nila ang kakaibang kinikilos ko. Sinubukan kong gumalaw ng konti kaso…..   PURURUUTTT!!   Biglang sinira ng malakas na tunog ang kagandahan ng boses ko. Dahil dun, natahimik ang lahat at nanlaki ang mga mata.   “N-Nagkakamali k-kayo.. H-Hindi a-ako y-yun-” pagkakaila ko.   PUUUWEKK!!   MAMASA-MASA! Wala na, sira na ang social life ko. Anong gagawin ko? Tatanggi ba ako? Hindi. Wala na akong kawala sa kahihiyang ito. WAAAAHHH!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD