Martin
Napagkasunduan namin na magkaroon ng camping ngayong a-Uno. Bukod sa mga nakasama ko sa amusement park, may napadagdag sa amin, si James, ang ikapitong gabay. Padilim na nang makarating kami sa campsite kaya naisip ni Margaret na hatiin ang mga gawain upang mapabilis kami. Nautusan ako na magset-up ng tents. Pero ang hindi ako makapaniwala, sina Ana at James, maghahanap ng mga kahoy sa kagubatan, ng MAGKASAMA!
Sa ilang minutong magkasama sila, hindi ako mapakali. Paano kung..? Paano kung may sabihin si James kay Ana? O kaya….. ahh basta!
Ilang minuto pa ay dumating na sila. Agad kong hinila si Ana para makausap siya. Dinala ko siya, malayo sa ibang tao, sa lugar na kami lang ang makakapag-usap.
“Ana!”
“BAKIT MO BA AKO DINALA DITO?” galit niyang tanong.
“Anong nangyari sa inyong dalawa?” nag-aalala kong tanong sa kanya.
“Huh?”
“May ginawa ba siya sayo?”
“Ang totoo-”
“ANONG SINABI NIYA SA’YO??”
Natigilan siya. Sheeeet! Mali! Mali! Mas lalo akong nagpanic. Hindi ko naman intensyon na sigawan siya. Hindi naman ako nagagalit.
”Teka, ANO BA!! WALA NAMANG NANGYARI! WALA NAMAN SIYANG SINABI!” malakas na banat niya.
“G-Ganon b-ba..” nahihiya kong wika sa kadahilanan ng mga inasal ko sa harapan niya.
“Oh! Nandyan lang pala kayo!” Isang boses ng babae ang narinig namin malapit sa kinaroroonan namin.
“M-Margaret?” kutob ni Ana.
“Yes?” tugon ng babae.
Anong ginagawa dito ni Margaret? Gaano na ba siya katagal sa kinatatayuan niyang iyon? May narinig kaya siya na hindi niya dapat narinig?
“K-Kanina k-ka p-pa b-ba j-jan?” nauutal na tanong ni Ana.
“Ahh, hindi. Kakarating ko lang. Kanina ko pa kasi kayo hinahanap eh.” sagot niya.
Samantala, habang nag-uusap sina Margaret at Ana, napansin ko na mayroong kakaiba. Tila’y may nakasilip at nagmamatyag sa amin sa likod ng mga makakapal na puno. Hindi ko lang maaninag dahil madilim na sa mga oras na ito, pero malakas ang kutob ko na-
“MARTIN!” gigil na sigaw ni Ana.
“B-Bakit?”
“Tara na!”
Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Ana.
“S-Sige….” buntong-hininga ko.
Bumalik na kami sa campsite. Pagdating namin doon, nakahanda na ang lahat. Pero tungkol kanina, kailangan kong maging alerto. Sa mga ganitong pagkakataon, kutob ko’y maaaring may mangyaring masama.
Ana
“Tsk! Ang simple naman ng tanong mo Ana!” reklamo ni Margaret. “Ako naman ang susunod!”
“Sige! Anong itatanong mo?” tanong ni Jacob.
“Tungkol sa amusement park…” pagpapatuloy ni Margaret.
Lahat ay nabigla sa sinabi ni Margaret. Lahat ay kinakabahan sa itatanong niya.
P-Patay! Wala na! T-Tapos n-na!
Kung sa bagay, sa larong ito, pagkakataon na nga ni Margaret na itanong kay Jacob kung ano ang mga nangyari sa amusement park.
“Bakit-” pasimula niya.
“Pumunta kayong amusement park? Sayang naman. Sana isinama niyo man lang ako.” putol ni James sa sasabihin ni Margaret.
“Bakit-” ulit muli ni Margaret.
“Naku, sorry! Hayaan mo, sa susunod, isasama ka namin. Diba kuya?” sagot naman ni Stacey sa tanong ni James.
“Yayayain sana kita eh, kaso naisip ko na baka hindi ka makakasama.” paliwanag ni Jacob.
Wait! Teka sandali. Hindi kaya….. SIYA? SIYA ANG TINUTUKOY NI STACEY NA KAIBIGAN NG KUYA NIYA?
“Teka, akala ko ba may kasama pa tayong isa pang lalaki?”
“Sabi ni kuya, hindi daw siya makakasama. Tama ba kuya?” tanong ni Stacey.
“Iniisip ko kasi kung gwapo ba siya. Gosh! Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa kanya.” sabay hawak ko sa ulo.
“Ahh, S-Siguro?”
“Talaga?!! Sa tingin mo BAGAY KAMING DALAWA?” nakangiting tanong ko.
“OO!” nakangiting sagot ni Jacob.
YIIIEEEE!!! Sa tingin ko si James nga ang tinutukoy nila!! Waaahh!
“ANO???!!!” gulat na reaksyon ni Martin.
“Bakit Martin? Nagseselos ka?” taas-kilay kong tanong.
“AKO??!! Pffft! HHAHAHAHA!” tawa lamang ni Martin.
“Oo! Sinabi niya kaya sa’kin na bagay kaming dalawa ng kaibigan niya! BOOM! Selos ka noh! HAHAHAHA!”
“PAKIALAM KO SA’YO!”
Hmmm! Pakunwari pa na hindi daw siya nagseselos, HAHAHAHA! Well besh, don’t you see? Palaging pinalalayo ni Martin si James sa’kin. And what’s the reason for that? JEALOUSY! EXACTLY!
“Okay! Next na!” ikot ko ng bote.
“T-Teka… Hayystt!” hindi na napansin pa si Margaret matapos na iikot ni Ana ang bote.
Sunod na natapatan ng bote ay si Stacey, pagkatapos ay si Margaret, tapos ay si James.
“ME! ME!” pagtaas ko ng kamay.
“Sige. Anong itatanong mo?” nakangiti niyang tanong.
YIEEEE!! Pagkakataon ko na ito!
“A-Anong s-standards m-mo s-sa b-babae?” nahihiya kong tanong.
Nanlaki ang mga mata ni Martin sa narinig.
“Standards ko? Uhm, gusto ko yung….. Mabait.” sabi niya.
Mabait ako! Yes!
“Maganda..”
Hehe! Siyempre, maganda. CHECK!
“Yung simple lang..”
Well, simple rin naman ako. CHECK!
“Masayahin..”
HAHAHAHAHA! Masayahin! CHECK!
“At….” pag-iisip niya.
“At..?”
“At may malinis na puso at isip.” wika niya.
INDEED! YES! MALINIS NA PUSO AT…….
WAAAAHHH!! ANONG SABI? MALINIS NA ISIP??? WAAAHH! WALA NA! HINDI KO KAYA YUN! BAGSAK AKO DUN!
“Yes!” mahinang tawa ni Martin.
“ANONG NIYE-YES MO JAN HAH?!”
“Okay! Next na…” sabay abot ni Stacey ng bote.
Tapos na si Jacob, si Stacey, si Margaret, si James. Kung hindi ako nagkakamali, kami na lang ni Martin ang hindi pa natatapatan.
“FUWHIP!”
“Ang susunod ay si…. MARTIN!!” turo ni Stacey.
Si Martin? Kung ganon panghuli ako. Hmmm. Ano kayang maitanong sa kanya?
“Ako! Ako!” taas-kamay ni Margaret.
Teka? Tungkol na naman ba ito sa amusement park?
“Anong tanong mo?” tanong ni Martin.
Bago magsalita si Margaret, tumingin muna siya sa’kin at ngumiti. Ano kayang ibig sabihin niya?
“Sino ang…”
Ang? Ang alin? Bakit ba kapag si Margaret ang nagtatanong, nakakakaba?
“Sino ang… first love mo?” tanong ni Margaret.
A-Ano? F-First L-Love?
Napansin ko na nagulat ang lahat sa tanong ni Margaret. Saglit din namang sumulyap sina Jacob at James kay Martin. Mukhang interesado ang tanong na to ahhh.
Pagkatapos tumingin si Jacob kay Martin, saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti. WAAH! Anong ibig sabihin nun? B-Bakit siya tumingin at ngumiti sa’kin?
Matagal nang magkakilala sina Jacob at Martin, at malamang, may alam si Jacob kung sino ang first love niya. Pero…. pero bakit siya tumingin sa akin?
Ibig sabihin kaya nun……. AKO ANG FIRST LOVE NI MARTIN??!!
Tug-dug! Tug-dug! Tug-dug!
WAAAHH!!! B-Bakit g-ganito a-ang n-nararamdaman k-ko? Nakakakaba. Ang init! Pinagpapawisan ako! Hooff! GOSH!
“Ang first love ko ay si….”
Bago pa sabihin ni Martin, nagulat ako sa sumunod na nangyari. Bes! Sumulyap siya ng tingin sa akin, saka umiwas ng tingin. WAAAAHH!! CONFIRMED! Ako na yan! Ako! Ako! Ako!
YIEEE!! KINIKILIG AKO!! Hindi ko inaasahan ‘to! Huhu!
Bye singles! MAY BOYFRIEND NA AKOOO!!
“Ang first love ko… ay si Maxine.”
“HAAAAH?!” gulat na reaksyon ng lahat.
Huh? Sino daw? M-Maxine? S-Sino n-naman y-yun?
“Ahh, hindi niyo siya kilala hehe.” sabay kamot niya sa ulo.
“Maxine? Hindi ko pa naririnig ang pangalan na yun ahh.” sabi ni Stacey.
“Anong grade level niya?” tanong ni Margaret.
“At class number?” tanong naman ni Stacey.
“Ahh, hindi natin siya schoolmate.” paliwanag ni Martin.
“Ehh? Wala rin akong kilalang Maxine eh.”
“Kababata?”
Sunod-sunod na nagtanong sina Margaret at Stacey kay Martin at sinasagot naman ito lahat ni Martin.
“Oo…” sagot niya.
“Ahhh!”
“Maganda ba siya?” taas-kilay ni Stacey.
“Oo. Sobra..” nakangiti niyang sagot.
“WOW!”
“Mabait?” tanong naman ni Margaret.
“Oo.”
“Masayahin?”
“Oo, pala ngiti siya. Palagi niya akong sinusuportahan, at pinapasaya.”
“Ang sweeett naman!” sabay na wika nina Margaret at Stacey.
Kung ganon, Maxine ang pangalan ng First Love niya. Ang sabi niya maganda daw siya, mabait, at masayahin. Ngayon, naiintindihan ko na. Bakit ba ako umaasa, eh may mahal siyang iba? (Awttss!)
Hayysstt, self! Pilingera ka talaga. At sino ba ang nagsabi na may gusto ako sa kanya? Hmph! Asa ka pa!
BESHH! MAY GUSTO NA SIYANG IBA!! STOP NA!
“Uhm, Ana.” tawag sa’kin ni Margaret.
“Huh?! B-Bakit?”
“Wala ka bang itatanong kay Martin?” tanong niya sa’kin.
“A-Ako?”
Ano naman kaya ang puwede kong itanong?
“Ah-eh…. n-nag…” kinakabahan kong sabi.
“Nag?”
“N-nag k-kiss n-na b-ba k-kayo?” nahihiya kong tanong.
Nakakahiya! Bakit ko ba tinanong yun? Nababaliw ka na Self!! Bakit para yatang puro KISS na lang ang nasa isip mo? Kainis! Kasalanan ‘to ng nobelang binabasa ko eh!
“Oo.” diretso niyang sagot.
“ANO?!!” di makapaniwalang reaksyon ng lahat.
Pansin ko rin ang reaksyon nina Jacob at James, gulat na gulat sila. Malamang ngayon lang rin nila nalaman. WAAAAHHH!! AYOKO NA!! ANG SHAKET BES!! ANG SHAKET!! BWISET KANG MANHID KA!!!
Gusto na talagang bumagsak ng luha ko, pinipigilan ko lang na magpakita ng anumang emosyon. Gusto kong maging matapang, kahit sa mga pagkakataon lang na ganito.
Teka, ano ba! SINABING WALA AKONG GUSTO SA KANYA. Walang kailangang ikalungkot, self! Eh ano naman kung iba ang first love niya? Eh ano naman kung napapangiti at sinusuportahan siya ng FIRST LOVE NIYA? Hmph!
Para gumaan-gaan ang pakiramdam ko, ilang beses akong bumuntong-hininga.
“Okay! Ikaw na lang Ana.” sabay tingin sa’kin ni Margaret.
Palihim akong huminga nang malalim saka pineke ang panlabas kong emosyon.
“Okay! Anong tanong niyo sa’kin?” masigla’t nakangiti kong tanong.
“Same question na lang rin, Ana!” request ni Margaret.
WHAAATTT!!
Anong gagawin ko? Wala naman akong first love. Sino? Sinong sasabihin ko? Si Martin? ANO BA! HINDI KO NGA SIYA SABI GUSTO! Si James? Gosh! Crush ko lang siya! Iba ang first love!
“Ana, ok ka lang?” tapik sa’kin ni Margaret na may pag-aalala.
“O-Okay l-lang, hehe!”
Anong gagawin ko?
Habang nagwawala ako sa isip ko, finally, nakaisip ako ng magandang paraan.
This is going to be EXCITING! Ang tawag ko dito, GIVE AND TAKE.
“Si Charles.” taas-noo kong sagot.
“CHARLES??!!” gulat na reaksyon nilang lahat.
“Yes! Charles! Charles ang pangalan niya!” pagyayabang ko.
Napansin ko ang pag-iwas tingin ni Martin. Owww!
“Hindi ko alam yan ah! Sabi na nga ba, may sinesekreto ka sa’kin eh!” nakasimangot na sabi ni Margaret.
“Sino siya?” tanong naman ni Stacey.
“Childhood friend.” diretsahan kong sagot.
“Ano? Gwapo ba siya? Mayaman? Matalino?" tanong ulit ni Stacey.
Patalim kong tinignan si Martin saka umirap.
“Oo! GUUUUWAAAPOOO SIYA! MAAATAAALIIINOOO SIYA!! At MAAAYAAAMAAANN PA! HMPH!” taas-kilay kong sabi.
“WOW!! Eh gusto ka niya?” tanong naman ni Margaret.
“Hahaha! Siyempre naman noh.”
“Wow! Ang taray naman!” puri ni Stacey.
“Siya kaya ang unang nagconfess, DUHH!” pagmamalaki ko.
Di maipinta ang pagkamangha nina Stacey at Margaret.
“Ikaw Martin? May itatanong ka?” mapang-asar kong tanong sa kanya.
Sa mga pagkakataong ito, makikita sa kanya ang pagkaiyamot. Ang nakasimangot niyang mukha, AHAHAHAHA! Good for mental health!
“WALA!” iwas-tingin niyang sagot.
“Okay! Sabi mo eh!” kibit-balikat kong sabi.
YESSS! REVENGEEE!!
Napansin ko ang malalim na titig sa’kin ni Martin. Hahaha! Mukhang galit na galit siya ahh. Ramdam ko ang kuryente na dumadaloy sa mga mata niya papunta sa mga mata ko. Para bang, maya-maya lang sasabog na siya. BWAHAHHAHAH!
Pasensiya na, Martin! BAWIAN LANG! BWAHAHAHAHAHHA!