CHAPTER 15: CAMPING PART 1

2006 Words
Ana   YEEEEYYY!!!! It’s November 1 na!!! Imbes na matakot ako sa araw na ‘to, sobrang excited pa ako!! Why? Niyaya kasi kami ni Margaret na magcamping. In fairness, nakahanap pa siya ng camping site sa ganitong araw hah. Expected kasi na puno ang spots, parks, sites, kahit nga siguro mga hotel at inn puno din sa araw na ‘to gawa ng mga tao na pupunta sa sementeryo at sa mga kani-kanilang probinsya. Pero bilib ako kay Margaret, WAIS!   Nakapag-prepare na ako ng mga dadalhin ko. Handa na rin ako. Tumingin ako sa orasan ko, 4:30 pm na. Magkikita daw kami nila Margaret sa Convenience Store sa kanto ng 2nd street. Lumabas na ako ng bahay at isinarado ang pinto.   Nagsimula na akong maglakad, bitbit ang napakabigat kong backpack. Kulang na nga lang dalhin ko ang buong bahay ehh. Matapos ang mahirap-hirap na paglalakad, nakarating na ako sa Convenience Store. Doon ko nakita si Margaret, Martin, at ang isang binata na pamilyar sa akin ang mukha.   “Oh, nandyan na siya.” sabi ni Margaret. “Good morning, Ana!” bati ng binata.   HAAAAH?! GUARDIAN NO. 7?   “Anong ginagawa mo dito Guardian-” “Kasama ako sa camping ninyo.” pagputol niya sa sinasabi ko. “Pero kilala ka na ba ng mga kaklase ko?” bulong ko sa kanya. “Tama si James! Isinama ko na siya, kahit na hindi natin siya kaklase. Alam mo na, mas marami mas masaya!” sagot ni Margaret.   Ano daw? James?? James ang pangalan ni Guardian No. 7? At hindi rin namin siya kaklase. Mukhang naiintindihan ko na kung anong nangyayari. EXISTENCE ‘to!   “Oh siya, tara na!” yakag ni Margaret. “Teka, sina Stacey?” “Ahh sila ba. Wag mo na silang alalahanin. Alam mo na, RICH!” “Ok! Tara na!!”   Nagsimula na kaming maglakad papuntang bus station. Hanggang public transportation lang talaga kami eh, di tulad nila Stacey. Hayy!   “Saka nga pala James.” ang sabi ko habang naglalakad. “Bakit hindi ka na lang namin maging kaklase? Puwede mo pa naman baguhin ang existence mo diba? Baguhin mo na, para magkaklase tayo!” bulong ko sa kanya. “Naku, hindi puwede yun.” nakangiting niyang sabi. “Bakit naman?” “Bawal daw sabi ng guardian mo.” bulong niya.   Kainis! Talagang pinaglalayo kami ng mokong na yun ahh! Ano bang iniisip niya? Tssss!   Napansin ko, kanina pa ata tahimik si Martin ahh. Ano na naman bang problema niya?   Martin   Ang sabi ni Singko, si Cuatro daw ang nasa likod ng lahat ng pagpatay kay Ana. Pero bakit niya kaya gagawin yun? Posible kaya na…? Hindi. O kaya naman….? Hindi rin eh!   Ahh! Ang sakit sa ulo isipin ang kasong ito. Bakit ba kasi naging ganito ito ka-kumplikado?   “MARTIN!!” sigaw ni Ana. “B-Bakit?” “Kanina pa ako tawag ng tawag sayo.” irap niya. “Mukhang malalim ang iniisip mo ahh! May problema ka ba?”   IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!!   “W-Wala..” sagot ko. “Sigurado ka?” naaawa niyang tanong.   Ahh! Gusto mo palang makipaglaro huh..   “Bakit? Nag-aalala ka sa’kin?” marahan kong hawak sa mukha niya. “O-Oo..” namumula niyang sagot.   Walang nagbago sa reaksyon niya. Kung ganon, nag-aalala nga siya sa’kin. Ahh! Ang sarap naman kapag ang inaalagaan mo’y nag-aalala din sa’yo.   “NAG-AALALA AKO NA BAKA NABABALIW KA NA!!” malakas niyang sigaw.   UGH!   “Pero hindi ko naman pala kailangang mag-alala dahil BALIW KA NA TALAGA! HINDI NA YUN MAGBABAGO NOH!” bawi niya.   BWISET TALAGA!   “Ok! Nakarating na tayo sa bus station. Tara! Sumakay na tayo!” yakag ni Margaret. “Ok!”   Ano? Ni hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa terminal.   Ana   Sumakay na kami ng bus. Magkatabi kami ni Margaret habang magkatabi naman sina Martin at James. Gusto ko sanang makatabi si James, kaso baka mageskandalo pa si Martin, nakakahiya!   Hayyy! Ito na naman. Humihikab na naman ako.   “Ana?” tawag sa’kin ni Margaret. “Bakit?” “Inaantok ka ba?”   Shemmss! May naalala na naman ako.   “Nakatulog ka ba ng maayos?” …. “Matulog ka na muna sa balikat ko. Gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo.” …. “TA-DA!! Aruy… baby Ana! Dede na ng gatas! Inom na para makatulog ka!”   “GOSSSHH!!” malakas na sigaw ko.   Napatingin ang lahat ng nasa bus sa kinauupuan ko. Ang ilang mga natutulog at mga jowang naghaharutan, ay nagising at napatingin din.   “O-Ok k-ka l-lang b-ba t-talaga A-Ana?” nag-aalalang tanong ni Margaret. “O-Okay l-lang a-ako…” namumula kong sagot.   Waaahh! Grabe, nakakahiya yun ah. Na-curious tuloy ako kung anong ginagawa nina Martin at James. Inaaway na naman kaya ni Martin si James?     Tumingin ako sa kanilang dalawa. Nagulat ako sa nakita ko. Nakatingin pala sa akin si Martin. At ang tingin niya, nakangiti ngunit NAKAKATAKOT. Pinandidilatan niya ba ako ng mata? Nakakainis talaga.   Matapos ang ilang minutong paglalakbay, narating na namin ang daan papuntang camping site. Naglakad pa ulit kami ng kaunti upang marating ang eksaktong lokasyon ng camping site. Nasa harap namin ngayon ang isang malaking tarangkahan. Ang itsura nito….. kalawangin na. Yung tipong isang malakas-lakas na bunggo lang sa tarangkahan na ito, siguradong bibigay na. Napansin ko rin na napapalibutan ng napakarami at malalagong puno ang loob nito. Ang daan din patungo dito ay batuhan at malupa, hindi sementado. Kapag umulan ng sobrang lakas, siguradong maputik dito.   Kinuha ni Margaret ang cellphone niya at tinawagan ang bantay sa loob.   “Hello? Nandito na kami sa tapat. (….) Kumpleto na kami. (…) Oo.. (….) Nandyan na sila? (….) Bilisan mo na. Buksan mo na ang pintuan para makapasok na kami. Marami-rami din kaming dala. (…..) Sige!!” saka ibinaba ang cellphone. “Ok! Tara na! Nandoon na daw sa loob sina Stacey at kuya Jacob.” yaya niya. “Sige!” tugon ko.   Wieee! Excited na ako!   Unti-unti nang nagbukas ang malaking tarangkahan. Bumungad sa amin ang napakagandang paligid. Mapreskong hangin, maberdeng puno, makulay na mga bulaklak, pati na rin ang mga paru-parong malayang lumilipad. Ang mga mayang umaawit, ang mga mahahamog na dahon, ang tunog ng kuliglig, pati na rin ang kagandahan ng takip-silim, lahat ng iyon, nakakaginhawang pagmasdan.   “Hoyy!!! Dito!!” sigaw nila Stacey at Jacob. “Stacey!! Jacob!!” sabay takbo patungo sa kanila.   Nakita namin na nakaupo sa bangko sina Stacey at Jacob. Lumapit kami sa kanila at inilapag na ang dala-dala naming mga gamit sa lamesa.   “Ang ganda dito hah!” wika ni Stacey. “Oo nga, Margaret! Pero tanong ko lang, bakit parang tayo lang ang nandito?” tanong ko kay Margaret. “Ahh, kinuha ko kasi itong buong camping site.” paliwanag niya.   WOW!! Mayaman din kaya si Margaret?   “Nakakapagod ba ang biyahe? Sigurado kasing siksikan ngayong Undas.” may pag-aalalang tanong ni Jacob kay Margaret. “Ah hindi naman! Hehe!” sagot niya. “Aww! Sayang! Kung puwede lang sana imaneho ni kuya yung van, kaso hindi kasi kami pinapayagan nila Mommy na magdala ng van.” nakasimangot na sabi ni Stacey. “Ayy haha! Ok lang!” tapik ko kay Stacey.     “Ok! Magtayo na tayo ng mga tent!” masiglang sigaw ko sa kanila. “Huwag Ana!” pigil ni Margaret. “Huh, bakit?” “Hindi tayo dito magca-camping. Doon sa likod, mas malawak doon.” sabay turo niya sa bandang likod. “Ahh, ganon ba? Sige tara na!”   Pumunta kami sa bandang likod. Doon ay mayroong mga d**o, at napakaraming mga matataas na puno sa likod. Para bang, gubat na ang likod nito.   “Siyete!” kaway ni Jacob. “JACOB!” pagsaway ni Martin kay Jacob. “Hehe! Sorry. James pala.” kamot-ulo niyang sabi. “Nandito ka pala?” “Ah, oo. Isinama ako ni Margaret.” nakangiti niyang sagot. “Huh? Bakit?” “Dahil nagwapuhan sa kanya si Margaret kaya isinama siya. HAHAHA!” sabay siko ni Martin kay James. “HAAAHH??!!” nanlalaking mga matang reaksyon ni Jacob.   Ngumiti lamang si James.   “Malapit na magdilim. Kailangan na nating magmadali. Ako at si Stacey ang magpe-prepare ng mga gamit at pagkain. Si Martin at si kuya Jacob ang magtatayo ng tent. Si Ana at si James naman ang kukuha ng mga kahoy para sa campfire.” utos ni Margaret. “S-Sila?” di makapaniwalang tanong ni Martin. “YES!” nakangiti kong sabi. “Pero-” “Ok! Let’s GOO!!” taas-kamay ni Margaret.   YEY!! Sa wakas, nagkaroon na ako ng pagkakataon na makasama si Guardian No. 7. Isa pa, kami lang dalawa!! How romantic!!   Yung magkukuwentuhan kami habang naglalakad, magtatawanan, tapos maghahanap kami ng mga kahoy, tapos kapag magkakasabay kami sa pagkuha ng isang kahoy, mahahawakan niya ang kamay ko. Yieee!   O kaya, may dadating na ligaw na ahas, tapos poprotektahan niya ako. O kaya madudulas ako o matatalapid tapos sasaluhin niya ako. Tapos… Tapos.. Tapos.. Yieeeeeeee!   “Ana? Ana!” tawag sa’kin ni James. “H-Huh, b-bakit?” “Sapat na kaya itong mga nakolekta ko?” sabay abot ng mga kahoy na nakolekta na niya.   Naku! Hindi ko namalayan na nakahanap na pala si James ng mga kahoy, habang ako wala pa’t nakatayo lang dito.   “Siguro sapat na yan. Pero para sure, maghahanap pa ako.” ang sabi ko sa kanya. “Huwag na. Umupo ka na lang dito. Bantayan mo na lang itong mga nahanap kong kahoy. Ako na lang ang maghahanap para hindi ka mapagod.” nakangiti niyang bilin.   WAAAHHH!!! Buti pa si James, huhu! Pero kung si Martin ‘to….   “Anong ginagawa mo? Bakit patayo-tayo ka lang jan? Maghanap ka! Ang tamad mo!” “Ang unti naman niyan!” “Bakit ang liliit niyan?” “Ang bagal mo naman! Bilis!”   GRRR!   “Ana!” habang dala-dala ang maraming kahoy. “Huh?” “Tara na!” “Sige!”   Mabilis kaming nakarating sa camping site. Pagdating namin, naitayo na nila ang mga tent, may nakalatag na rin na picnic blanket, pati na rin ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto.   “Ana, nandito na pala kayo.” wika ni Ana habang inaayos ang ilang gamit. “Ahh, oo.”   Walang pasabing kinuha ni Martin ang kamay ko.   “Martin?” “Mag-usap tayo.” seryoso niyang sabi. “T-Teka…”   Hinila niya ako palayo kila Margaret, sa lugar na kami lang. Ano kayang gagawin niya?   “Ana!” “BAKIT MO BA AKO DINALA DITO?” napipikon kong tanong. “Anong nangyari sa inyong dalawa?” nag-aalala niyang tanong. “Huh?” “May ginawa ba siya sayo?” “Ang totoo-” “ANONG SINABI NIYA SA’YO??”   Nagulat ako sa ikinilos ni Martin. Anong meron? Bakit ba parang nagpapanic siya? ”Teka, ANO BA!! WALA NAMANG NANGYARI! WALA NAMAN SIYANG SINABI!” inis kong sabi. “G-Ganon b-ba..” nakayuko niyang wika. “Oh! Nandyan lang pala kayo!” boses ng isang babae.   Nagulat kami nang biglang may narinig kami na nagsalita sa di kalayuan.   “M-Margaret?” paninigurado ko. “Yes?”   Gaano na siya katagal nandoon? Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin? Hala!   “K-Kanina k-ka p-pa b-ba j-jan?” kinakabahan kong tanong. “Ahh, hindi naman. Kakarating ko lang. Kanina ko pa kasi kayo hinahanap eh.” sagot niya.   Hoooh! RELIEVED!!!   “Nakagawa na nga pala sina James ng campfire. Tara na! Dumidilim na oh. Delikado na dito kapag madilim na.” yakag niya sa’min. “Sige! Martin!”   Tinatawag ko si Martin, pero parang hindi niya ako naririnig. Patingin-tingin lang siya sa paligid. Ano bang tinitignan niya? May hinahanap ba siya?   “MARTIN!” “B-Bakit?” gulat niyang tanong. “Tara na!” “S-Sige….” sabay buntong-hininga niya.   Matapos ang paglalakad, nakabalik na kami sa campsite. Madilim na rin nang makabalik kami. Mabuti na lang nag-set na sila ng campfire. Yun ang naging gabay namin pabalik sa campsite.   “Oooohh! Anong amoy yun? Ang bango!” natatakam kong tanong. “Ana! Bilis, kumuha na kayo.” alok ni Stacey sabay lagay ng mga inihaw. “Yan ba ang naaamoy ko?” “Yes, BARBECUE!” sabay abot niya ng barbeque. “WOW!!”   “Ana!” tawag sa’kin ni James. “Gusto mo?” sabay abot niya sa akin ng marshmallows na nakatusok sa stick. “WOW! Sa-”   Kukunin ko pa lang sana ang marshmallow na inaalok sa akin ni James kaso BIGLA ITONG KINUHA NI MARTIN AT KINAIN.   “Shayamat! (Salamat)”, nakangiti niyang sabi habang nguya-nguya ang marshmallows. “WAAAAHHH!! BAKIT MO KINAIN??” “Bakit? Masama ba?” “HINDI NAMAN SA’YO YUN EHH!! AKIN YUN! AKIIINNN!” “Ganon ba? Sige, idudura ko na lang tapos ibibigay ko sa’yo.” sabay nganga niya. “YUCK! GROSS!”   Tumawa lamang sina James at Margaret sa kanilang nakikita.   “ANO BA! KADIRI KA! LUMAYO KA NGA!” sabay tulak sa kanya. “Dali na! Ito na oh!” pamimilit niya. “IWWW!”   Nagsaya kami ngayong gabing ito. Nagkuwentuhan ng mga nakakatakot, nagtawanan, nagkantahan, at marami pang iba. Masaya ang naging gabi namin. Hanggang sa naka-isip ng laro si Stacey.   “Spin the bottle?” yakag ni Margaret. “Oo. Spin the bottle!” pagpayag ni Stacey.   Hehehe, inaasahan ko na ‘to eh. Sa katunayan, inaabangan ko talaga na mangyari ‘to. At marami na akong mga nasa isip at mga expectation. Kumbaga sa larong ito, napaghandaan ko na, at alam ko na ang mga puwedeng mangyari, HAHAHA!   “Okay! Simulan na natin!”   “Spin the Bottle” “FUWHIP!”   Sinimulan na ang pagpapaikot sa bote. Sa pagtigil nito, tumuro ito kay… JACOB!!   “Ok! Ako muna ang magtatanong!” pagboluntaryo ko.   Ayos! Gusto ko talagang malaman sa kanya ‘to eh. Matagal ko na talagang gustong itanong sa kanya ‘to, kaso nahihiya ako kasi baka mali ang instinct ko. Pero ito na ang tamang pagkakataon…   “FAVORITE NOVEL MO?” tanong ko sa kanya. “HAH?” takang reaksyon nilang lahat.   Kung hindi ako nagkakamali, mahilig din siya sa novels at manga. I can sense it!   “Favorite novel ko…” “A-Ano?” “…ay……”   ANO??!!   “Yung Haruki-kun to no 365-nichi (365 Days With Haruki-kun)”   Napatayo ako sa sobrang saya.   “SAME!!!” sigaw ko. “Weh? Nagbabasa ka rin pala nun?” di makapaniwala niyang tanong. “Oo! Ang ganda kaya! Nakakakilig!” “May Manga na daw kaya nun!” masaya niyang balita. “Eh talaga?”   “Tsk! Ang simple naman ng tanong mo Ana!” reklamo ni Margaret. “Ako naman ang susunod!” “Sige! Anong itatanong mo?” tanong ni Jacob. “Tungkol sa amusement park…” pagpapatuloy ni Margaret.   Lahat ay nabigla sa sinabi ni Margaret. Lahat ay kinakabahan sa itatanong niya.   P-Patay! Wala na! T-Tapos n-na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD