CHAPTER 14: THAT HANDSOME GUARDIAN

2230 Words
Casa Fernando   Kring! Kring! Ang tawag sa telepono. Kumaripas ng takbo ang isang kasambahay na sa kasalukuyan niyaon ay nasa kusina, naghahanda para sa tanghalian ng mag-asawang Fernando.   “Hello? Fernando Residence, sino po sila?” magalang na tanong ng katulong. “Puwede ho bang makausap si Mr. Fernando? Urgent lang!” sagot ni Mr. Kim. “Sige po! Standby lang po sir hah!”   Umakyat ang katulong sa ikalawang palapag at kumatok sa opisina ng kanyang amo.   “Sir, may gusto pong kumausap sa inyo sa telepono.” “I’m busy. Sabihin mo sa susunod na lang.” sagot ni Mr. Fernando. “Pero urgent daw po.” “Okay! Transfer the call here in my office.” utos ng matanda. “Noted po, sir!”   “Hello?” panimula niya. “Ito po ba si Mr. Fernando?” “Yes! Speaking.”   Ipinasa ni Mr. Kim ang telepono kay Nathan.   “Good morning, Mr. Fernando.” bati ni Nathan. “Sino ‘to?” “I am Nathan Garcia. I’m the chairman of a giant electronic company, The Dark Flame Enterprises.” pagpapakilala niya. “Dark Flame?” “Yes. Balita ko, kailangan niyo ng shares, right?” “Oh, Yes! Kailangan namin.” “Willing ako na magbigay.” “What? Talaga Mr. Garcia?” “Hindi lang yun. Pupunan ko ang nawala sa inyo sa mga nakalipas na buwan, with no interest.” alok ni Nathan. “So anong meron? I’m sure may kapalit ang lahat-lahat ng ino-offer ninyo, Mr. Garcia.” “Oh! You’re so witty, Mr. Fernando! No doubt kung bakit isa ka sa magagaling na businessmen sa buong bansa.” papuri niya sa matanda. “Your daughter.” “What? Anak ko?” “Yes, si Ms. Liza. Gusto ko na..” “Na alin?” “..na maikasal siya sa’kin.” “A-Ano??!!”   Martin   Kilala ko ang boses na yun ahh!   “Guardian No. 9?” gulat na sabi ni Ana. “Yezz!” ngiti niyang bati. “By the way, anong ginagawa niyo dito? Maya-maya magdidilim na, nandito pa kayo sa labas.” lilingap-lingap na tanong ni Nueve. “Ahh nag-” “OH MY GOSH!” takip-bibig niyang sabi. “Naku, p-pasensiya n-na! N-Nakasagabal y-yata a-ako s-sa d-date n-niyong d-dalawa.” natatawa niyang sabi. “DATE??!!” “Diba nagde-date kayo ni Otso?” tanong niya kay Ana. “A-Ano k-ka ba! H-Hindi kami nagde-date! Kumain lang kami ng street foods.” paglilinaw ni Ana. “Eh? Diba date na rin yun?” “Wag mo ngang iinsist!”   Sa tuwing nakikita ko si Ana, at sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mga mata, naaalala ko ang babaeng iyon, labing walong taon na ang nakakaraan…   “Martin! Martin!”, ang tinig ng isang babae. Ang boses na yun, pamilyar sa’kin yun. Ang kanyang tinig ay nagmumula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko ang kanyang napakagandang mukha. Ang kanyang mga masasayang mata, na dahilan kung bakit ako ngumingiti araw-araw.   “Martin! Good luck sayo hah! Kaya mo yan! Susuportahan kita!” pagpapalakas-loob niya sa’kin. “Kinakabahan nga ako eh. Mukhang hindi ko kaya!” ang sabi ko sa kanya.   Kinakabahan naman talaga. Hindi ko alam kung papasa ako o hindi.   “Ang sabi nila, marami daw malalakas na nobody mamaya.” kabado kong wika. “Ano ka ba! Alam kong kaya mo yan! Huwag ka ngang panghinaan ng loob!” sabay hampas niya sa balikat ko.   Tinanggal ko ang lahat ng alalahaning nagkukumpol-kumpol sa isip ko, at ngumiti nang may sigla at puno ng pag-asa.   “Sige! Sabi mo eh! Tama! Kaya ko ‘to! Magiging…   …magiging GUARDIAN ako!”     “U-Uhm, M-Martin.” tawag sa’kin ni Ana. “H-Huh?” “P-Puwede b-bang t-tigilan m-mo a-ang p-pagtitig s-sa’kin n-nang g-ganyan? N-Naiilang k-kasi a-ako..” nauutal niyang sabi.   Natauhan ako nang marinig ko ang sinabi ni Ana. Gaano na ba ako katagal na nakatitig sa kanya?   “S-Sorry..” sabay kamot ko sa batok. “Otso!” tapik sa’kin ni Nueve. “Bakit?” matamlay kong tanong.   Nguniti lamang siya at saka nagsalitang muli.   “Wag ka na malungkot! Matagal na yun!” aniyang may kasamang ngiti. “Matagal ang alin?” may pagtatakang tanong ni Ana. “Wala! HAHAHA!” nakatalikod niyang tawa saka humakbang ng ilang sentimetro. “Sana… maging malalim pa ang samahan ninyong dalawa!” dagdag niya saka tuluyang nagpaalam.   Kailangan kong mag-focus sa misyon ko. Sa ngayon, tungkulin ko na protektahan ang babaeng to. Ako ang guardian niya. Kailangan kong maging responsable.   Nagsimula na kaming maglakad pauwi. And again, it’s an AWKWARD SILENCE. Pasimple kong sinulyapan si Ana. Nakatulala lang siya. Diretso ang tingin sa nilalakaran at seryoso ang mukha. Wari ko’y may malalim na naman siyang iniisip.   “Alin ba….” bigla niyang pagbasag sa katahimikan. “Huh?” “….ang dapat kong malaman?” tanong niya habang diretso pa rin sa paglalakad.   Yung sinabi ba ni Nueve ang bumabagabag sa kanya? Bakit ba sobrang curious siya?   “Wala kang dapat malaman”, seryoso kong sagot. “Ang kailangan mo lang ay manatili sa dimensyon na ‘to hanggang hindi pa nahuhuli ang gabay na pumatay sa’yo. Yun lang ang gagawin mo. Don’t try to go beyond that”, dagdag ko. “Ganon ba..”   Matapos ang mahaba-habang paglalakad, nakabalik na kami sa bahay ni Ana. Hinatid ko siya baka kasi may mangyari na naman na masama. Habang naglalakad kami sa 3rd street, napansin ko ang isang lalaki na lumabas sa isang bahay malapit sa bahay ni Ana. Mga dalawang bahay lang ang pagitan. Tinitigan ko nang maayos at napag-alaman ko kung sino siya.   Ana   Kakaiba na naman ang inaakto ni Martin. Ano na naman bang problema niya? Nainis kaya siya sa’kin kanina? Hayy! Halos matunaw na nga ako sa titig niya kanina ehhh.   Inihatid niya ako pauwi. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko, napansin ko ang isang lalaki na lumabas sa isang bahay. Mga dalawang bahay ang pagitan mula sa bahay ko. Humarap ang lalaki sa’min ni Martin.   Nanlaki ang mga mata ni Martin. Nanlaki rin naman ang mga mata ko.   ANG GUWAPOOO!!   “Guardian No. 7?” tanong ni Martin. “Otso?” kunot-noong tugon ng lalaki.   Sino daw? GUARDIAN NO. 7?? Kung ganon, GABAY PALA SIYA!! Sa lahat ng mga nakilala kong guardian, sa tingin ko siya ang pinakagwapo sa lahat. Yieee!! Kinikilig akoo.   Heh! Walang binatbat si Martin HAHHAHA!   “Dito ka pala tumutuloy.” masungit na sabi ni Martin.   Tsk! Di man lang marunong gumalang ang mokong na ‘to!   “Ahh! Oo!” ngiti niya.   WAAAAHH!! ANG CUTE NIYA!!!   “A-Ah e-eh..” papansin ko.   Nang mapansin ako, bigla siyang lumapit sa’kin at nagtanong.   “Teka, ikaw ba yung espesyal na babae?” tanong niya.   Espesyal?? Bakit ang sarap pakinggan pag siya ang nagsasalita ng salitang yun? Waaah! Now, I feel special na talaga!!   “Ahh yes, ako nga” kikinang-kinang na mga mata kong sagot. “Kung ganon….. kayo nang dalawa?” diretsa niyang tanong.   “WHAAAAT??” gulat na gulat kong reaksyon.   “Ahh hehehe, n-nagkakamali ka. Hindi kami m-magjowa.” paliwanag ko sa kanya. “Kung ganon, kapitbahay pala kita..” mahinhin kong sabi. “Kapitbahay?” “Dito lang kasi ang bahay ko”, sabay turo ko sa apartment ko na dalawang unit lang ang layo sa bahay ni Guardian No. 7. “Kung gusto mo, puwede kang bumisita hehehe.”   SMOOOOTH!   “Ahh oo nga pala, ito yung number ko just in case na magkaroon ng emergency, hehehe alam mo na, may matatawagan ako.” sabay kuha at abot ko ng cellphone ko sa kanya. “Ganon ba, sige-” “TEKA!!”   Bago pa makuha ni Guardian No. 7 ang cellphone ko, umeksena naman ang mokong na ‘to.   “Bakit ba?” yamot kong tanong. “PUMASOK KA NA!” madiing utos niya. “P-Pero-” “PASOK!!” ulit niya. “AYOKO!” pagmamaktol ko. “AKO ANG GUARDIAN MO!!” “EH ANO NAMAN?!! AKO NAMAN ANG BOSS MO!” banat ko sa kanya. “AT KAILAN PA KITA NAGING AMO?” sagot niya naman. “Pasok na! Shoo! Shoo!” pagpapataboy niya sa’kin. “Ito na! Ito na! Papasok na ’ko!” padabog kong pagpasok sa loob ng bahay.   Kainis! Makukuha niya na ang number ko ehh. Kahit kailan talaga, panira ang MOKONG na yun!! Kainis talaga!! KAINIS!   Liza   “Bye, ma’am!” paalam ng mga empleyado. “Bye!” pamamaalam ko. “Ingat po kayo!” “Kayo rin!” nakangiti kong sabi.   Natapos na ang nakakapagod na araw ko sa trabaho. Nahihirapan kami ngayon, gawa ng biglaang pagbaba ng stocks ng Fernando Group. Hindi na namin alam kung paano mapapalago ulit ang kumpanya. Pero kahit na nakaka-stress, napapasaya naman ako ng mga katrabaho ko.   Sumakay na ako sa kotse ko. Pagkasakay, ipinikit kong saglit ang mga mata ko.   “Ma’am, diretso na po ba sa bahay?” tanong ng driver ko. “Ahh, no. Ibaba mo na lang ako sa bahay nila Dad at Mom.”   Tumawag sa kin si Mommy kanina, may mahalaga daw na pag-uusapan mamaya. Napaisip tuloy ako. Ano kayang meron? Hindi kaya….. tungkol na ito kay Ana? Ang babaeng yun, nang makita niya ako, umiwas siya ng tingin sa’kin. Bakit? Alam ko naman na magkamukha kami, pero gusto ko lang naman tanungin kung sino siya. May tinatago ba siya? Alam niya ba?   “Ma’am, nandito na po tayo.”   Bumaba na ako ng kotse. Anong itong nararamdaman ko? Bakit kaya, kinakabahan ako? Sasabihin na kaya nila ang tungkol kay Ana?   “Ma’am Liza, inaantay ka na po nila.” bungad ng katulong. “S-Sige..”   Kinakabahan ako. O baka excitement ‘tong nararamdaman ko?   “Ma’am, sir, nandito na po si Ma’am Liza.” magalang na wika ng katulong   Tumayo si Mrs. Fernando at sinalubong ang papalapit niyang anak.   “Oh Liza, sumama ka na dito sa’min.” yakag ni Mommy.   Napansin ko ang maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Napansin ko rin ang mga suot ni Mommy at Daddy. At ang pinaka napansin ko, ay ang isang binata na nakaupo sa harap nila Mom at Dad.   “Come and join us, sweetie!” “Yes po Mommy.”   Uupo sana ako sa tabi ni Mommy, pero pinigilan niya ako. Pinaupo niya ako sa tabi ng lalaki. Speaking of that guy, mukhang mayaman din siya. Ang mga damit niya, at ang relo niya, ang ayos ng buhok niya, ang postura niya, lahat ng iyon na nagpapatunay na mayaman siya.   “Liza, I want to introduce to you, si Mr. Nathan Garcia, ang chairman ng Dark Flame Enterprises.” turo ni Daddy. “Nice to meet you, Ms. Liza!” nakangiti niyang bati. “Me too, Mr. Garcia.” then I bow my head. “Nathan na lang.” “Ano po bang meron ngayon? Masyado naman yatang magarbo ang dinner na ‘to.” tanong ko kila Mommy. “It’s important, honey!” sagot ni Mommy. “Important? And what’s important with this guy?” diretsa kong tanong. “This night, our problems about sa kumpanya, ay masosolusyonan na.” balita ni Daddy. “Masosolusyonan? Tha’ts great!” “Nagsign kanina ng contract si Mr. Garcia. From now on, he will be one of our new stockholders.” dagdag pa ni Daddy. “I see.” “Yes! At hindi lang yun. Lahat ng nawala sa kumpanya natin, lahat ng yun ay pupunan ni Mr. Garcia.” dagdag naman ni Mommy. “Pero….” sabi ni Daddy.   Pero? So there’s more.   “Pero ano?” tanong ko. “You need to….” “To what?” “To marry me.” dugtong ni Mr. Garcia.   “Okay, I’m done for this! I gonna go home.” “Liza..” pigil ni Mommy.   Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at umalis. Pero bago pa ako makalabas ng bahay, kinausap ako ni Mommy.   “Honey. Can we talk?” pakiusap niya “Anong pa pong pag-uusapan natin?” “Nakikiusap ako. Please! Pumayag ka na.” “Mom, bakit ko kailangang pakasalan ang taong hindi ko naman mahal? Ni ngayon ko nga lang siya nakilala. No, hindi ko pa siya kilala. Nakita ko lang siya.” “That’s not a problem, Honey! Pwede mo naman siyang kilalanin kapag engaged na kayo.” “Pero-” “Please honey! Para naman ‘to sa kumpanya natin. Pabagsak na tayo. Isipin mo na lang na kaya mo ‘to ginagawa ay para sa amin ng Daddy mo. Please??!!”   Ilang segundo akong nag-isip.   “O-Ok, Fine!” pagsang-ayon ko.   Makakatanggi ba naman ako sa mga magulang ko? Sige na nga. Para naman sa kanila. Wala naman akong magagawa.   “Thank you for accepting, Ms. Liza. Hayaan mo, hindi kita bibiguin pati na ang mga magulang mo.” determinado niyang wika.   Kung sa bagay, mukha namang mabait itong si Nathan. Bukod pa dun, may itsura din naman siya. Sa sitwasyon namin ngayon, wala akong magagawa kundi tanggapin ang alok niya. Siya lang naman ang makakapagligtas sa kumpanya namin eh. Sana lang!   Ana   Bakit ba ayaw niyang ipakilala sa’kin si Guardian No. 7? Nakakainis talaga ang lalaking yun. Pero ok lang. Sa tingin ko naman madalas kaming magkakausap ni Guardian No. 7 dahil kapitbahay ko lang siya.   Tumunog ang cellphone ko at napagtanto kong may nagtext sa akin. Tinignan ko kung kanino nagmula ang message.   Kay Margaret?   Good evening Ana! Talagang sobrang nagsaya ako sa pagpunta natin sa amusement park. Sana mas madalas pa tayong magkasama-sama sa mga lakad natin. Dahil dun, naisip ko na yayain kayo, tutal malapit naman na ang Halloween. Magcamping kaya tayo sa November 1? May nakita na akong camping site! About sa oras, siguro mga 5:30 pm dapat nandoon na tayo. Sana pumayag kayo! Good night!   Camping? PAYAG NA PAYAG AKOOOO!! Siguradong magiging masaya toh!! Magtatayo kami ng tents, gagawa ng campfire, magtu-truth or dare, o kaya Spin the Bottle. Magiihaw, magluluto, magkukuwentuhan ng mga katatakutan.. YIEEEE!!! Excited na ako!!!   Martin   Pinapasok ako ni Guardian No. 7 sa bahay niya. Napansin kong medyo makalat pa ang bahay niya, siguro dahil sa kakarating niya palang dito.   “Siya diba yung niligtas ng Hinirang?” tanong niya. “Oo.” “Anong pangalan niya?” tanong niyang muli. “Ana.” “Oh! Maganda siya hah!” “Layuan mo siya!” Tinitigan ko siya nang masama. “Sorry! Hehehe! Wala naman akong interes sa girlfriend mo.” natatawa niyang sabi. “HINDI KO SIYA GIRLFRIEND!”   “Kumusta na, Otso?” sabay higop niya ng mainit na kape. “Wag mo nga akong tawaging Otso! Hindi tayo close noh!” irita kong sabi. “Okay!” pananahimik niya. “Balita ko, nahuli mo si Singko?” sabay higop ko naman sa kape. “Ahh, oo. Sa kabilang dimensyon ko siya nahuli.” “Anong balita sa kanya?” tanong ko. “Nung na-interrogate na siya sa Nobody World, nalaman na may alam siya sa kaso ni Ana.”   Napahinto ako sa sinabi niya. Si Singko? May alam tungkol si Singko sa kaso ni Ana?   “Ano??!! A-Anong s-sabi n-niya?!! S-Sino? Sino ang pumatay kay Ana?” “Kailangan mo pa bang tanungin ang bagay na yan?” mahinahon niyang sabi. “Hindi na ata parte yan ng trabaho mo.”   Natahimik lang ako sa sinabi niya.   “Hayaan mo na kami sa mga bagay na yan. Mag-focus ka sa trabaho mo.” seryoso niyang wika. “Alam ko kung anong ginagawa ko.” inis kong sabi sa kanya.   “Si Cuatro!” ang sabi niya. “Huh?” “Si Cuatro, ang pinakautak at ang gabay na nasa likod ng lahat ng ito.” “ANO?!”   Bakit niya gagawin yun? Si Cuatro, pagtatangkaan si Ana? B-Bakit? Ganon na ba talaga ang galit niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya pang kailangang gawin yun.   Bakit niya pinagtatangkaan… ang kapatid niya?   “Kahit anong mangyari, kailangan mong ilayo si Ana sa kuya niya. Nahuli na si Singko, malamang nagpaplano na siya ng susunod niyang pag-atake. Hindi siya titigil.. hangga’t hindi niya lubos na napapatay si Ana.” bilin niya sa’kin. “Alam ko na ang gagawin ko. Hindi siya mananalo. Nasa panig natin ang Hinirang.”   Habang pinag-uusapan ng dalawang gabay ang tungkol sa kaso ni Ana, wala silang kamalay-malay na nakikinig nang palihim sa kanila, ang isang gabay na may hawak ng kapangyarihan ng rosas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD