CHAPTER 13: STREET FOODS

1945 Words
Ana   Good Morning!! Araw ngayon ng Lunes so it means…. PASUKAN na naman. Mabuti na lang natulog ako nang maaga kagabi. Wala naman akong halos ginawa. Ni hindi nga ako lumabas ng bahay eh, malamig kasi.   Tumawag kahapon si Stacey sa’kin, nagtatanong tungkol kay Liza. Hindi ko naman puwedeng sabihin yun noh. Hindi rin kami nagkausap ni Martin kahapon, kahit sa cellphone lang hindi. Hindi rin naman siya pumunta kahapon dito. Hayyss! Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari.   Natapos na akong kumain, maligo, magbihis at ngayon, handa na akong pumasok sa school. Lumabas na ako ng bahay, sinarado ang gate, at nag-umpisa na, na maglakad papunta sa school.   “Good morning Ana!” ang nakangiting bati ni Nanay Celerina. “Good morning po Nay!” paglapit ko sa kanya kasabay ang pagmamano. “May pasok pala kayo ngayon?” “Opo Nay!”   Nakoo! Matanda na talaga si Nanay. Ni hindi alam na Lunes ngayon.   “Sige po, papasok na po ako.” kaway ko sa kanya. “Oh sige.” kamot-ulo niyang sabi.   Ang lamig ng ihip ng hangin. Mabuti nalang nag-jacket ako ngayon. Dala ko rin naman ang payong ko, in case na umulan. Bukod pa dun, napansin ko na walang estudyante ang naglalakad din papuntang school. Pero marami namang naglalaro na mga bata sa labas.   Malapit ko nang marating ang school namin. Kakanan palang ako ng biglang may tumawag sa’kin.   “Ana!” sigaw ng isang lalaki.   Nilingon ko ang lalaking sumigaw ng pangalan ko.   “Kuya Jacob?” “Jacob na lang, hehehe.” “Ano nga palang ginagawa niyo dito?” tanong ko. “Papunta ako ngayon kay Martin.” sabay turo niya ng daan. “Kay Martin? Eh may pasok kami ngayon eh..” “Ganon ba? Akala ko wala eh. Si Stacey kasi hindi pa lumalabas ng kuwarto niya mula kagabi. Malamang hanggang ngayon tulog pa rin yung babaeng yun.” “Si Stacey?! Eh kayo po? Wala po ba kayong pasok?” tanong kong muli. “Wala. Sem Break namin ngayon eh.” pagmamalaki niya.   HAH? S-Sem B-Break?   “Akala ko nga sem break niyo rin eh!” wika niya. “S-Sem B-Break??!!”   Oo nga pala! Kaya pala kakaiba ang mga napapansin ko ngayon sa mga tao. Nakalimutan ko, SEM BREAK NGA PALA NGAYON!!!   “Oh sige pumasok ka na. Baka ma-late ka pa eh.” “A-Ahh h-hindi n-na! U-uuwi m-muna a-ako h-hehe!”   Tumakbo ako nang sobrang tulin. GOSH!! NAKAKAHIYA!   “S-Sandali-” “Byeee!!!”   ANG BALIW KO!!!! ISA SA MGA MASASAYANG PANAHON SA BUHAY NG ESTUDYANTE, HINDI KO DAPAT KINAKALIMUTAN YUN!! Nakakahiya! Kaya pala wala akong nakikita na ibang pumapasok, Sem Break nga pala.   Tumakbo ako pabalik sa bahay ko at agad na nagpalit ng damit. Ang saya saya ko pa man din kanina dahil nagising ako nang maaga. Hayyysss!!   Biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino itong nagtext sa akin.   Huh? Number lang? Sino naman kaya ito?   Papunta na ako kay Otso. Kung gusto mo sumunod ka na lang. - Jacob   UGH! Paano niya nakuha ang number ko? Hayyy! Malamang kay Stacey.   Sandali akong tumingin sa salamin at pinagmasdan ang sarili, mula ulo hanggang paa. P-Pupunta k-kay M-Martin? Okay! Magbibihis na ako!   Kumuha ako ng mga damit sa closet ko. Isa-isa ko itong sinukat, tinitignan kung anong babagay sa’kin. Ano kayang magandang suotin ngayon? Blouse? Or T-shirt? Huwag, masyadong simple. Ito nalang kaya. Ayy hindi, ito na lang!   WAAAHH!!!! BAHALA NA! Si Martin lang naman yun!   Pagkatapos kong makapag-ayos, at huling sulyap sa salamin, umalis na agad ako sa bahay at pumunta na sa bahay ni Martin.   Pagkalabas na pagkalabas ko, narito ang malamig na hangin. Grrrr…. a-ang l-lamig!   Matapos ang paglalakad at mahirap na pakikisapalaran sa malakas at malamig na hangin, nakarating na ako sa bahay ni Martin. Pinindot ko ang Doorbell.   Ito na naman po. Pinindot kong muli ang doorbell saka sinundan ng pagkatok sa pinto.   “Tao po!! Martin!” tawag ko.   GOSH! BA’T BA ANG TAGAL NIYANG BUKSAN? NILALAMIG NA AKOOO!!   “Oo! Ako ang boyfriend niya.”   SHEEMMSS! BWISET KA TALAGA, MARTIN!!   Martin   DING- DONG! Ang pagtunog ng doorbell. Kararating lang ni Jacob, may isa na naman.   “Malamang si Ana na yun!” nakangiting sabi ni Sais. “Pinapunta mo siya dito?”   Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon. Hayyy!   “Tao po!! Martin!” sigaw ni Ana mula sa labas. “Ito na! Ito na! Papunta na!”   Binuksan ko ang pintuan at biglang pumasok ang malamig na hangin.   “Oh Ana-” “BALIW!” galit niyang sabi.   Huh? Ano? B-BALIW? Ano na naman bang problema ng babaeng toh??!!   “Buti nandito ka na Ana.” kaway ni Sais. “Ano bang gagawin natin?” nakataas-kilay na tanong ni Ana. “Maglalaro. Magkukuwentuhan.” “WHAAAT??! No way! Aalis na ako. Ano ba yan! Ang lamig-lamig pinalalabas niyo ako!” pagtalikod niya sabay lakad papaalis. “HAHAHA! Joke lang! May kailangan lang kaming sabihin sa’yo.” pigil ni Sais. “May sasabihin kayo?” tanong ni Ana.   Ano namang sasabihin ni Sais?   “Anong gusto niyong inumin?” pagputol ko sa kanilang usapan. “Uhm… Red Wine?” tugon ni Sais.   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Red Wine?! UGH! Ganito ba talaga pag mayaman?   “Ahahaha! Joke lang! Alam ko namang wala kang ganon dito! Ahahaha!” halakhak niya.   Nang-iinsulto ka ba?!! Iniabot ko na lang sa kanya ang isang tasa ng kape.   “Sa’yo Ana?” “Hmph!” iwas niya.   ANO BA??!!!   “Sige! Ito na lang sa’yo.” Iniabot ko sa kanya ang isang bote ng gatas. “A-ANO T-TOH??!” “Gatas. Para sayoo baby! Inom naaa!” pang-aasar ko na may malumanay na boses. “ILAYO MO NGA YAN!!!” “Marami pa ako niyan sa ref. Gusto mo?” “WAAAAAHHH!!”   Ana   Makalipas ang ilang minuto, nagsalita si Jacob.   “Bro! Nabalitaan mo na ba?” tanong niya. “Ang alin?” tanong ni Martin. “Tungkol kay Siyete?”   Sino daw? Siyete? Ibig sabihin, si Guardian No. 7??!!   “Oo, nabalitaan ko nga.” tango ni Martin. “Ang alin nga?” inis kong sabi, pilit na inaalam kung anong pinag-uusapan nila. “Si Siyete kasi, nandito ngayon sa dimensyon na ‘to.” wika ni Jacob.   Dito?! Panibagong guardian na naman? Hayy! Sakit na naman sa ulo. May isa na naman akong pakikisamahan, at isisikreto kila Margaret.   Speaking of Margaret, niligtas nga pala siya ni Guardian No. 6. Nag-aalala tuloy ako ngayon sa mental health niya, huhu.   “Balita ko rin, nahuli niya na si Singko sa kabilang dimensyon. Ang galing niya naman. Malakas din kaya si Singko, pero madali niya lang nahuli. Samantalang ako, wala pa akong nahuhuli na guardian.” malungkot na sabi ni Jacob.   Mahinang napatawa si Martin dahil sa pagkaawang nararamdaman ni Jacob sa sarili.   “ANONG TINATAWA TAWA MO JAN??!! BAKIT IKAW? NAKAHULI KA NA BA NG GUARDIAN?” inis na tanong ni Jacob. “Siyempre naman!” pagmamalaki niya. “Weh? Sino?!” “Si Uno-” “ANOOOO???!!! WEEHHH?” di makapaniwalang reaksyon ni Jacob. “Oo nga!” “IMPOSIBLE! Waaah! Paturo naman! Pano mo ba nagagawa yun? Huyy..” pangungulit niya kay Martin. “Uhm, Jacob.” singit ko sa usapan nila.   Dapat ko nang makialam, para sa kaibigan ko.   “Huh? Bakit?” “D-Diba…. d-diba n-niligtas m-mo s-si M-Margaret?” tanong ko sa kanya. “Huh? Oo!” “K-Kung g-ganon, nakita ka niya bilang isang guardian?” “Ahh Oo.”   Natahimik ang lahat at nakatingin lamang kay Jacob.   “WAAAAHHH!!!! N-NAKITA N-NIYA N-NGA P-PALA A-AKO!!!! BAKIT DI KO NAISIP YUN?? HAYSSSSTT!!! ANONG GAGAWIN KO?” pagpapanic niya nang matauhan. “Malamang naguguluhan siya ngayon. Mukhang kailangan mong ipaliwanag sa kanya ang lahat.” bilin ko sa kanya. “Kahit kailan talaga, hindi ka nag-iingat sa mga kinikilos mo. Pabaya!” iiling-iling na sabi ni Martin.   STRIKEEE!!!   “Kung sa bagay, hindi ko naman yun maitatanggi.” natatawa niyang biro.   Someone   “AAAAHHH!!!!” sigaw ng binata. “S-Sir? M-May p-problema p-po b-ba?” tanong ng kanyang sekretarya. “Iniisip ko kung paano ko makukuha si Liza. Hindi ko naman na puwedeng ipamahagi pa ang kapangyarihan ng itim na apoy. May naiisip ka ba, Mr. Kim?” tanong ng lalaki. “Uhm..” pag-iisip ni Mr. Kim, ang kanyang sekretarya. “Magrerecruit na naman ba ako ng tao, tapos papasahan ko ng kapangyarihan ko? WAAAHHH!! Hindi ko na alam ang gagawin ko!!” naguguluhang wika ng binata. “Sir, puwede niyo naman po siyang makuha sa maayos na paraan.” suggest ni Mr. Kim. “May paraan pa ba bukod sa pagpatay ng tao?” “Yes po sir.”   Inabot ng kanyang secretary ang tablet na mayroong info tungkol sa Fernando Group, ang kumpanyang pagmamay-ari ng pamilyang Fernando na kung saan, ang Chief Executive Officer ay si Liza.   “Oh tapos? Anong meron?” tanong ng binata. “Kung mapapansin niyo, bumababa na ang stocks ng Fernando Group. Sa madaling salita po sir, maaari nating tulungan sila sa pamamagitan ng shares…. ngunit may kundisyon..” paliwanag ni Mr. Kim. “Kundisyon?” “Gaya ng….. MARRIAGE?” “Arrange Marriage?” “Opo sir. Arrange marriage.. sa anak ni Mr. Fernando, sa CEO ng kanilang kumpanya, kay Ms. Liza Fernando.” nakangiting sabi ni Mr. Kim.   Ilang segundo munang nag-isip ang binata.   “PERFECT! Great Job Mr. Kim! Matalino ka talaga hah!” papuri nito sa sekretarya. “Salamat po, Sir Nathan!” wika ni Mr. Kim sa kanyang amo. “Ang kailangan na lang…. ay makausap ko ang mga Fernando.”   Martin   Nagluto ako ng pagkain namin. Matapos na makakain, nagdesisyon na si Jacob na umuwi.   “Salamat sa pagkain. Oh siya, mauna na ako. Kanina pa yata ako inaantay ng boss ko.” buntong hininga ni Sais. “Boss mo? Nagtatrabaho ka? Diba mayaman naman kayo?” tanong ni Ana. “Si Stacey ang tinutukoy ko..” “A-Ahhh…” “Alis na ako!” saka sumakay ng kanyang kotse. “Bye!!”   Ipinaandar na ni Sais ang kanyang sasakyan, at saka nagmaneho papauwi.   “Ikaw!” tukoy ko kay Ana. “Ako? B-Bakit?” tanong niya. “Umalis ka na rin.” suplado kong utos. “Pinapaalis mo na agad ako.” “Maglilinis pa kasi ako ng bahay.” paliwanag ko. “Dali na! Umuwi ka na!”   Saglit na natahimik si Ana. Kutob ko’y may kalokohan na naman itong naiisip.   “Mamaya ka na maglinis.” wika niya. “HAH?!”   Talagang NAG-IINIT ANG ULO KO!! Bakit ba ayaw umalis ng babaeng toh?   “Diba guardian kita?” tanong niya.   Naka-isip pa ng dahilan??!! Hayyss..   “O-Oo..” sagot ko. “Kung ganon..”   Anong ginagawa niya? Bigla niyang hinawakan ang kamay ko… at unti-unting inilapit ang mukha niya sa’kin.   “Kung ganon…. Tara.” bulong niya sa tenga ko. “H-Huh.. s-saan?”   A-Ang I-init ng hininga niya.   “SA LABAS! ILILIBRE KITA NG STREET FOODS!” bigla niyang sigaw na halos ikabingi ko. “BAKIT KA BA SUMISIGAW??!!”   Ano daw? Street Foods? Anong pagkain yun? Pagkain sa kalsada? O pagkain na napupulot sa kalsada? Kailan pa naging pulubi si Ana?   “Uhm… malinis ba yun?” tanong ko. “Huh? Malinis naman..”   Naman? Ibig sabihin, hindi ka sigurado?   “Pero masarap!” “Baka….nakakalason yun?” nag-aalala kong tanong.   Huminto siya at saka tumalikod sa akin.   “Hayy, huwag na nga lang. Puro ka naman tanong eh!” inis niyang sabi. “Sige sige, payag na ako.” pilit kong pagpayag. “Talaga? Yehey!!!”   Ganito ba talaga kahirap maging guardian?! Dinala niya ako sa mga tindahan sa tabi ng kalye na nagtitinda ng sari-sari na pagkain.   “Tsk! Tsk! Tsk! Hindi ko alam na hindi mo alam ang Street Foods.” dismayado niyang sabi. “Ito ba ang lagi mong kinakain?” tanong ko sa kanya. “Hindi naman. Pero minsan pag pauwi, dumadaan ako dito.”   Ana   “Masarap kaya yung maputi na flat?” biglang tanong niya.   HALA!! Hindi kaya…. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga babaeng maputi pero FLAT?!!   “Ano bang tawag dito?” sabay turo niya.   Ahhh! Yun pala!   “Ah, Fishball ang tawag jan.” “Ahh sige kukuha ako-” “Wag yan! Hilaw pa yan. Dapat yung medyo brown na.”   Hayyy! Wala ba talaga itong kaalam-alam sa street foods?   “Ahh ok. Teka, ano naman yung bilog na yun na kulay orange?” turo niya. “Kwek-kwek yan. Masarap yan, try mo.” “Pero parang mas masarap yung kulay brown yung pahaba.” “Ahh! K-Kikiam y-yan! K-Kikiam tawag jan!”   GOSH! I HATE MY MIND!!   “Anong gusto mong sauce? Matamis o maanghang?” tanong ko sa kanya. “Matamis lang.” sagot niya. “Ayaw mo ng maanghang?” “Hindi kasi ako mahilig sa mga pagkaing maaanghang.” paliwanag niya. “Sus! Sarap-sarap kaya! Ang duwag mo naman..”   Martin   Wala talaga akong alam sa mga to. Nakakahiya! Nang umpisahan ko nang kainin ang mga pagkain na pinili ko, nung una’y pikit mata ko pang kinagat ito. Pero nagulat ako sa lasa nito. Hindi ko akalain na masarap pala. Kaya pala marami ding mga tao ang nagkakagusto sa street foods, bukod sa mura, masarap pa.   Kung sa susunod kaya, bibili rin ako ng mga ganitong pagkain.   “Marami pang ibang street foods dito.” sabay turo niya sa ibang stall na nakatayo sa gilid ng kalye. “Eh?” “Oo! Masarap ba?” tanong niya sa’kin. “Oo, pero masyadong mamantika.” “Health conscious ka ba?” natatawa niyang tanong. “Parang ganon na nga.” sabi ko. “Ngayon alam ko na.” “Ang alin?”   Ngumiti ako saka nagpatuloy.   “Ang rason kung bakit ka tumataba. Hahahaha!” natatawa kong wika. “BWISET! Huyy.. ubos na yung kikiam ko.. Pahingi naman ako.” sabay kuha niya ng stick niya. “Ubos na yung akin.” paghawi ko sa kamay niya. “Sinungaling! Nakita ko kaya may isa ka pa jan!” “Nakain ko na nga!” “EIII!! May kikiam ka pa eh!” pamimilit niya. “WALA NA NGA SABI!” inis kong sabi. “Fine! Ang damot! BAYARAN MO AKO!” Ibinuka niya ang kanyang kamay at hinihingi ang bayad ko. “HAAH??! Akala ko libre?” “EH MADAMOT KA NAMAN!” kasabay ng pang-iirap ng mga mata. “Wala akong perang dala.” “EDI ILUWA MO LAHAT NG KINAIN MO!!”   “Huyy! Nandyan pala kayong dalawa!” tinig ng isang babae.   Kilala ko ang boses na yun ahh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD