Stacey
“Ahm, Ana.” paglapit ni Martin kay Ana.
“Bakit? Aalis na ba tayo?” tanong ni Ana.
“Ah, oo. Kaso, puwede bang hindi muna kita samahan sa pag-uwi?” pagpapaalam niya.
“Ah sige ok lang! Kasama ko naman si Margaret eh.” pagsang-ayon ni Ana na may maaliwalas na ngiti.
Isang matamis na ngiti ang itinugon ni Martin saka siya niyakap nang mahigpit. Ang lahat ng iyon ay nasaksihan ng dalawa kong mata.
Nagsimula na akong mag-isip. Ano yun? Anong meron sa kanila? Ang mga ngiti nila, at kung papaano yakapin ni Martin si Ana. Hindi kaya, SILA NA??!! Tapos HINDI NILA SINASABI SA’MIN?? Ano kayang namamagitan sa kanila? May tinatago ba sila sa’min?
Then this is the time. Kailangan kong malaman kung anong sinisekreto nila. Mabilis na natapos ang kanilang usapan, nagpapaalam na si Martin.
“Mauna na ako. Gumagabi na. Kailangan ko nang umuwi. Baka kung ano pang mangyari habang wala ako.” pagpapaalam niya.
“Hayy, mahirap talaga kapag may binabantayan. Kawawa ka naman, bro! Natali ka na ata masyado sa babaeng yun!” panunukso ni kuya.
Naririto ako ngayon sa likod ng pintuan ng kuwarto ni kuya. Maghahatid sana ako ng meryenda.
“Binabantayan?” bigla kong pagpasok.
Pansin ko ang kanilang pagkabigla at ang nanlalaking mga mata.
“Anong binabantayan mo Martin?” tanong kong muli.
“Wala. Aalis na ako!” pagkaway niya.
“Geh!” sabi ni kuya.
Lumabas na siya ng bahay namin. Pero tinawag ko agad siya.
“Sandali lang Martin!” pagsigaw ko.
“Huh? Bakit?”
“Puwede ka nang umalis, pero bago yun. Sagutin mo muna ang tanong ko.”
Hindi nakatakas sa paningin ko ang kaniyang paglunok. Pansin ko rin ang kanyang pagpapawis.
“Wag mong sabihing, ang binabantayan mo…” saglit kong paghinto.
“B-Binabantayan?” nauutal niyang sabi.
“Ang binabantayan mo’y isang BATA rin?!!”
“HAAH??”
“Nakabuntis ka rin ba tulad ni kuya?” prangkahan kong tanong.
“Ano bang sinasabi mo?”
“Sa bagay, di na rin nakakapagtaka kung bakit magkaibigan kayo ni kuya. PAREHO DIN KASI KAYONG CHICKBOY!!” taas-kilay kong sabi.
“HAAAHHH??!”
Tsk! Tsk! Tsk! Base sa reaksyon niya, mukhang totoo nga. May binabantayan nga siyang bata.
“Hindi ko alam kung anong nakita ni Ana sa’yo, pero hindi ako makakapayag na lokohin mo ang kaibigan ko!” buong paninindigan kong sabi.
Bigla siyang natiad sa kanyang kinatatayuan.
“A-Ahh! K-Kailangan k-ko n-na u-umalis! B-Bye!” mabilis niyang pagtakbo.
Tsss! Sinasabi ko na nga ba.
Ana
Natapos din ang nakakapagod na araw namin sa amusement park. Kahit na may nangyari, inaamin kong nagsaya talaga kami!!
Habang naglalakad ako pauwi, nakasalubong ko ang isang grupo ng kalalakihan. Sinabi nila na sasamahan daw nila ako pauwi. HINDI NAMAN AKO TANGA! Bakit ako sasama sa kanila, ni hindi ko nga sila kilala. Ipinilit pa rin nila ang gusto nila.
Nang isa sa kanila ay hinawakan ako sa kamay, agad ko siyang sinampal. TALAGANG BASTOS! Pero aba! Hindi magpapatinag! Pagtatangkaan pa akong sampigahin subalit may pumigil sa kamay nito.
“@#$%! SINO KA?!” pagmumura ng lalaki.
“Dapat hindi ka nananakit ng babae.” nakangiti niyang sabi.
Tama! Si Martin! Subalit iyon ang akala ko.
Ang ngiting yun! Alam ko ang ngiting yun! Ang ngiting yun, ang ngiti na lagi kong nakikita sa tuwing humaharap ako sa SALAMIN! Siya si….
“ABA! ISA PA! BAKIT KA BA NAKIKIALAM? BAKA GUSTO MONG MASAKTAN KA RIN. NANANAKIT TALAGA AKO NG BABAE!”
Siya’y ako sa dimensyong ito!!!
“Sige, SU-BU-KAN MO!” gigil niyang sabi kasabay ng kanyang pagpilit sa kamay ng sigang lalaki.
WAH! Pinulupot niya ang kamay ng lalaki? Nagsimula na ring umatake ang iba pa, pero agad niyang pinagsusuntok at pinagsisipa sila. Isa sa kanila ay umakma na hampasin siya gamit ang kahoy, pero agad niya itong naiwasan.
Ang astig niya!!
Inagaw niya ang kahoy na iyon sa lalaking yun, at saka pinaghahataw sa kanila. Ang isa ay di napigilan na tumumba habang ang isa naman ay sumusuka na ng dugo. Walang kahirap-hirap na pinatumba niya ang tatlong malalakas na lalaki. Pagkatapos nun, tinadyakan pa niya ang isa sa kanila at inapakan ang ulo nun.
Ang lakas niya. Nakakahanga siya! Habang hinahangaan ko ang katapangan niya, biglang may naalala ako.
“Gusto ko lang sanang tanungin kung anong mangyayari kapag nagkita kami sa kabilang dimensyon” walang kamuwang-muwang kong tanong.
“Hindi dapat na mangyari yun”
“Bakit?”
“Ok lang na makita mo siya. At ok lang na makita ka niya. Basta hindi lang dapat na makita niya ang mga mata mo”
Mata? Ang mga mata ko?!!
“Ayos ka lang?” tingin niya sa’kin sa di kalayuan.
Papalapit na siya sa’kin!!
“Diba… ikaw si Ana?” tanong niya kasabay ang dahan-dahan niyang paglapit.
Huh? Kilala niya ako? Paano…
“Ako si Liza Fernando.” pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
Liza Fernando? Kung ganon, magkaiba pala kami ng pangalan.
“Nakakapagtaka nga lang na magkapareho tayo ng apelyido noh? Isa pa…. magkamukhang magkamukha pa tayo.” papalapit niyang sabi. “Sino ka ba?”
A-Anong g-gagawin k-ko? Wala akong nagawa kundi pumikit. Pumikit ako at inilihis ang ulo.
“Magkaano-ano ba tayo? At bakit tayo, magkamukha?” dire-diretso niyang tanong.
Malapit na siya sa’kin!! Anong gagawin ko?? Natatakot na ako. Please! Help me!
“Puwede bang…. tumingin ka sa’kin?” tanong niya.
Mas lalo pa siyang lumapit at pinagtangkaan akong hawakan, kaso..
“H-Huh?”
“Hindi na mahalaga na malaman mo yun.” tinig ng isang lalaki nang hilahin niya ang kamay ko patungo sa kanya.
Siya na nga!!
“M-Martin!”
“Wag ka nang manggulo sa buhay ng ibang tao. Mamuhay ka ng sa’yo.” seryoso niyang wika.
“Ikaw?” turo kay Martin ng nagngangalang Liza. “Ikaw yung nasa amusement park ah!”
Huh? Sa amusement park? Ibig sabihin, nagkita na sila kanina?
“Ikaw pala ang boyfriend ni Ana.” sabay takip niya ng bibig.
“Waaahh!! Nagkakamali ka! Hindi ko siya-”
“Oo! Ako ang boyfriend niya.” diretsong sabi ni Martin.
WHHHAAAATTT!!
“Kung hindi nakaka-abala sa’yo, uuwi na kami ng girlfriend ko.” sabay akbay niya sa’kin at mas hinila ako papalapit sa kanya.
LAGOT KA TALAGA SA’KING MOKONG KA!!
“Tara na!” nakangiting yaya ni Martin.
“T-Teka M-Martin!”
Hinila niya ako papalayo sa lugar na iyon, malayo mula kay Liza.
KROO! KROO! KROO! Ang tinig ng maiingay na mga kuliglig.
“Teka teka Martin, MASYADO KANG MABILIS!” inis kong sabi.
“Huh?” huminto siya at lumingon sa akin.
“KINAKALADKAD MO BA AKO?”
Biglang nag-iba ang kanyang reaksyon. Lumapit siya sa’kin at kinapa-kapa ang mga braso’t kamay ko. Tila’y nagsusuri.
“Nasaktan ka ba? May sugat ka ba? Masakit ba? Saan?” nag-aalala niyang tanong.
“Teka teka ANO BA!! Ok lang ako. Dumating naman si Liza.” irita kong sabi.
Ikinagulat ko ang kanyang sunod na ginawa. Niyakap niya ako nang mahigpit, sobrang higpit.
“H-Huh?”
“Sorry!” malumanay niyang sabi.
“P-Para s-san?”
“Naging pabaya akong gabay. Hindi ko nagampanan ang tungkulin ko. Pano kung hindi dumating si Liza? Hayy! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa’yo.” seryoso niyang sabi ngunit dama ang kanyang pag-aalala.
Wala akong nasabi. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Nag-aalala ba siya sa’kin? Bakit? Pero sa bagay, tama nga siya, kung hindi dumating si Liza, malamang nadali na ako ng mga manyak na lalaking yun. Tama nga si Miss Verona, masyadong mapanganib ang mundo na ‘to para sa mga taong hindi taga dito tulad ko.
“Umaakto ka ba na boyfriend ko?” pagtataray ko.
“Hindi.” maikli niyang sagot.
“Kung ganon-”
“Umaakto ako bilang guardian mo.”
That awkward silence. I hate this.
“Kung..” mahina kong sabi.
“Huh?”
“Kung kasing lakas lang sana ako ni Liza, at kasing tapang niya… hindi mo na sana kailangan na mag-alala pa ng ganito. Sorry!”
YEAAAHH! Tamang pakabait lang!
“Hindi mo na kailangan na maging malakas. Gaya nga ng sinabi ko sa’yo, magiging ligtas ka hangga’t nasa tabi mo ako.” sabay kalas niya sa pagkakayakap. “Poprotektahan kita kahit anong mangyari. At isa pa, kaya ka mahina, ay dahil KAILANGAN MO AKO. BWAHAHAHA! Hindi mo yun makakaila! Kailangan mo ako sa buhay mo, HAHAHAHA!” pang-aasar niya.
“BWISET KA! LUMAYO KA NGA!” sabay tulak ko sa kanya.
Kainis! Nagawa niya pang magbiro, hah!
“Hahahaha! Nagbibiro lang naman!” pagtawa niya.
“Bahala ka jan! Papasok na ko!” mabigat na paa kong pagtalikod saka pumasok sa loob ng bahay ko.
“Huy!”
“Hmph!”
DAAM! Padabog kong pagsara ng pinto.
“Huy! Ana!”
In someone’s house:
KRING! KRING! Ang tunog ng telepono. Sinagot ng binata ang tawag mula sa telepono.
“Hello?”
“Sir!” tinig ng lalaki mula sa kabilang linya.
“Anong balita?”
“Sir, si ano po… pumalpak po.”
“Ganon ba?” Ngumiti siya saka kinuha ang champagne sa tabi niya. “Inaasahan ko na yan.”
“Ano pong gagawin namin?” tanong ng lalaki mula sa telepono.
“Ano pa nga ba? Siguraduhin niyong malinis hah! Ayoko ng kalat!”
“Yes po sir!”
Oooh! So, palpak pala ang lalaking yun. Napapangiti na lang ako sa nangyayari. Hayyy! Sayang naman ang kapangyarihan ko sa kanya. Di bale na, kahit anong mangyari, makukuha din kita. Mapapasakin ka rin….
…Liza.
Ana
TIKTILAOK!
Gosh! Ang lamig! It’s October 27 na! Buti nalang wala kaming pasok. Puyat talaga ako, pero himala MAAGA ako nagising. Nagsimula na akong magluto ng pagkain. Binuksan ko ang ref ko para kumuha ng lulutuin. Grrr! Ang lamig talaga! Taglamig na sa mga ganitong araw.
Hayyy!! Tinatamad ako! Binuksan ko ang kalan at pinainitan ang kawali. Teka, bakit nga ba ako napuyat kagabi? Hindi ba…. kakaisip sa mga nangyari kahapon? Hayyss, napakarami naman talagang nangyari..
Pumunta kami sa amusement park. Nakilala ko si Guardian No. 6. Nalaman ko na kuya pala ni Stacey si Guardian No. 6. Nagsaya kami sa amusement park. Biglang may nangyaring pagsabog. May mga nakita akong itim na apoy. Napaisip ako kung isa siyang gabay. Nawala si Margaret. Binastos ako ng tatlong hinayupak na mga lalaki. Iniligtas ako ng isa pang ako sa dimensyong ito. Nagkita kami at nagtanong siya tungkol sa’kin. Nalaman ko na Liza pala ang pangalan niya. Sinabi ni Martin na boyfriend ko daw siya. Niyakap niya ako…
Waaahhh!!! Niyakap niya ako? Baliw!! Ahhhh! Namumula na naman ba ako? Ba’t ang init?
Ayy hala! Umuusok na pala ang kawali! Waaahh!
Agad kong pinatay ang kalan. Binuksan ko ang bintana at hinawi ang usok palabas.
Binuksan ko ulit ang kalan nang mawala na ang usok. Nagsimula na akong magpainit ng mantika. Matapos nun, nagluto na ako ng… ITLOG! Diet muna ako eh hehehe. Matapos ba naman tanungin ni Martin kung ilang kilo ako, aba! Ganon na ba talaga ako kabigat? Hindi naman ako mataba. In fact, ang ganda ko nga eh.
Titingin-tingin sa salamin, naalala ko si Liza. Ang lakas niya. Napatumba niya ang tatlong malalakas na lalaki ng siya lang? Ni hindi man lang siya nahirapan. Ang galing niya makipaglaban. Kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya. Kung ganon lang din sana ako, hindi sana ako namatay. Hindi sana mangyayari ang lahat ng toh! Hindi ko sana makikilala ang mga weird na mga gabay na ‘to! Pero ano bang laban ng tao sa isang gabay? Hayyy!! Makakain na nga!
KRING! KRING! Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Napagalaman ko na si Stacey pala. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot.
“Hello?”
“Uhm, Ana?”
“Bakit?”
“Uhm….. kahapon kasi-”
“Ahh, salamat nga pala kahapon hah! Talagang nagsaya kami! Salamat na rin kay kuya Jacob.”
“Kahit na may masamang nangyari?”
“Huh, uhm.. Oo naman.”
“Kahapon nakakita ako ng isang babae.”
“B-Babae?”
“Oo. Ang nakakapagtaka…. sobrang magkamukhang magkamukha kayo..”
WHAAATT? Hindi!! Nakita pala ni Stacey si Liza?!!
“Ang isa pang nakakapagtaka, alam ni Martin na hindi siya ikaw..”
“A-Ah e-eh..”
“Sino ba yung babaeng yun? Kapatid mo? Ate? At bakit kilala siya ni Martin? May tinatago ba kayong dalawa?”
“Tinatago?”
“Dinedeny mo na may gusto ka sa kanya, pero napapansin ko na close naman kayo. Magkababata ba kayo? O kaya…..”
“K-Kaya a-alin?”
“…..PASIKRETO KAYONG NAGDE-DATE?!!”
“WAAAAAHH!!! ANO BANG PINAGSASASABI MO?”
“Kung ganon paano mo mapapaliwanag ang relasyon ninyo? Ghorl! Umamin ka na kasi!”
Kung sa bagay, masasabi ko ngang close na kami ni Martin. Pero hindi ko naman puwedeng sabihin na kaya kami close ay dahil guardian ko siya. At kahit sabihin ko yun, hindi niya rin naman maiintindihan. Isa pa, magdudulot lang yun ng problema.
“Hello?”
Pretending na mahina ang signal, hehehe.
“Huyy! Ana!”
“Hello? Stacey? Nandyan ka pa ba?”
“Nandito pa ako!”
“Hellooo?”
“Umiiwas ka lang sa tanong ko eh! Wag mo nga akong lokohin. Malakas kaya ang cellular network jan sa area niyo!”
“Ok, tawag ka nalang ulit sa susunod. Napuputol ka na kasi eh!”
“Huy-”
BWAHAHAHAHA!! SA WAKAS, NAKATAKAS DIN! AHAHAHAHA!
Martin
Kasalukuyan ako ngayong nasa labas ng bahay ni Ana.
“AHAHAHAHA! NAKATAKAS DIN! AHAHAHA!”
Ano bang ginagawa niya? Nababaliw na ba siya? Tumatawa ng mag-isa? Hayss! Nag-aalala ako kay Ana. Malamang tama si Sais, pinupunterya siya ni Dos.
“Ano bang pag-uusapan natin?”
“Tungkol to sa itim na apoy.” panimula ni Sais.
“Oo nga pala, nahuli mo si Dos?”
“Hindi.” nakayuko niyang sabi.
“HAH??!”
“Dahil ang nakalaban ko… ay hindi si Dos.”
“ANO??!!”
“Isa lang siyang normal na tao, na nagtataglay ng ilan sa mga kapangyarihan ni Dos.” paliwanag niya.
“Isang mortal? Pero… pero pano yun nangyari?” naguguluhan kong tanong.
“Hindi kaya, may kakayahan si Dos na ipasa ang ilan sa kapangyarihan niya sa iba?” tanong niya.
“P-Pano..”
“Lumalakas din pala ang gabay na yun kahit na suwail siya.” inis na sabi niya.
“Kung ganon, anong ginagawa ng mortal na yun sa amusement park?” muli kong tanong.
“Hindi ko alam..”
“Hindi kaya….. dahil kay Liza?” tanong ko.
“Kung si Liza nga ang hanap niya, ibig sabihin… ang talagang punterya niya….”
“... ay si Ana.”
Kahit anumang mangyari, poprotektahan kita, Ana.