Jacob
Pumunta kami ni Stacey at ng mga kaibigan niya sa amusement park. Nalaman ko na kaklase pala ni Stacey si Otso. At sa unang pagkakataon, nakilala ko ang taong niligtas ng misteryosong Hinirang, si Ana. Nakilala ko rin pala ang isa sa mga kaibigan ni Stacey, si Margaret.
Nagsaya kami sa amusement park. Sumakay kami sa maraming mga ride. Ngunit ang kasiyahan ay biglang napalitan ng pagkatakot at pangamba matapos na magkaroon ng malakas na pagsabog. Napagtanto namin na ang nasa likod niyaon ay si Guardian No. 2, si Dos. Si Dos ay isa sa mga naging suwail na guardians. Siya ang may hawak ng kapangyarihan ng itim na apoy. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya sa ngayon. Dahil sa mga nangyari, pinatakas ko na sina Martin. Pagkakataon ko na! Makakahuli na ako ng suwail na gabay sa buong buhay ko! Ako na ang huhuli kay Dos.
Nang makarating ako sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog, inilabas ko na ang nag-aalab na init sa loob ng katawan ko, ang kapangyarihan ng berdeng apoy. Tama! Matagal-tagal na rin. Ito nga ang pakiramdam na ito, ang nakakapasong init ng berdeng apoy na pumapalibot sa buong katawan ko. Ito na ang tamang panahon, na mahuli si Guardian No. 2 at gagamitin ko ang kapangyarihang ito laban sa kanya.
Agad kong hinanap kung saan nagmumula ang itim na apoy, at sa wakas natunton ko rin siya. Naroon nga siya malapit sa Ferris Wheel, winawasak ang anumang bagay na gustuhin niyang sirain. Kinuha ko ang aking itak, inaakmang aatakihin siya sa likod. Kumukuha lang ako ng tiyempo habang hindi pa siya nakatingin.
Alam kong malakas si Dos. Sa totoo lang, wala kaming panama sa lakas ng kapangyarihan niya. Pero, binigyan kami ng karagdagang kapangyarihan ng Kataasan upang mahuli ang mga suwail na gabay. Sa tingin ko, kakayanin ko na, na talunin siya na mag-isa.
Hetooo naaa!!
Papaatake ako ng biglang lumingon si Dos. Pero… pero teka… MALI!
HINDI SIYA SI DOS! Hindi si Dos ang nilalang na ito. Kung ganon, sino siya?
Nararamdaman ko na mortal siya. Sino naman kaya ang lalaking ito? Ang taong ito… bakit taglay niya ang kapangyarihan ni Dos? Kailangan kong mag-ingat. Dapat na masugatan ko lang siya para maibalik ang kapangyarihan ni Dos. Hindi dapat na mapatay ko siya, magiging dahilan iyon ng UNEXPECTED DEATH.
Medyo mahirap ito. Pag nagkataon at napatay ko siya, maaari akong maparusahan.
Umatake ako laban sa kanya. Bahala na, sana magtagumpay. Sinubukan ko na tamaan ang balikat niya, pero nabigo ako. Mabilis siyang kumilos. Kaya niyang iwasan ang lahat ng mga atake ko.
Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ng kalikasan. Ang kapangyarihang ito ay ibinigay sa’kin ng Kataasan. Ang sinomang nagtataglay nito, ay kayang kontrolin ang kalikasan- mga puno, dahon, at mga halaman sa paligid kung kinakailangan.
Kinontrol ko ang mga baging na nakapulupot sa mga puno malapit sa hanging bridge. Pinahaba ko ito para ipang-atake sa taong ito. Sinubukan ko itong ihampas sa kanya ngunit nabigo ako. Talagang napakabilis niyang kumilos. Matindi rin ang stamina niya ahh. Mukhang di siya napapagod kumpara sa isang normal na tao.
“Hindi ikaw si Dos. Sino ka? Bakit nagtataglay ka ng kapangyarihan ni Dos?” madiin kong tanong.
“Hindi na mahalaga na malaman mo pa iyon. Hindi ba ikaw ang Guardian No. 6?” Huminto siya at tumawa nang mahina. “Ang hina mo naman pala”.
Kaasar! Nagawa pang manglait ng HAYUP na ‘to! Talagang tutruan ko ito ng leksyon!
Sinubukan kong umatake gamit ang mga baging na kinokontrol ko. Habang sa kabilang banda naman, tatalon ako at aatake ako pataas gamit ang itak ko. Sa pag-atake ko gamit ang baging, umiwas siya na naging dahilan kaya tumama ang makakapal na baging sa paanan ng Ferris Wheel. Pero, inaasahan ko na iyon. Umiwas siya mula kanan papakaliwa, napansin ko kasi na lagi niyang iniiwasan ang mga atake ko.
Iyon ang dahilan kung bakit pumwesto ako sa bandang kaliwa at pinahaba lang ang baging. Ngunit hindi sapat ang bilis ko para tumakbo na kasing tulin tulad ng kay Otso. Ang tanging magagawa ko lang ay tumalon ng mataas at lumambitin gamit ang mga baging, nang sa ganon ay mabilis akong makakaatake.
Ikinagulat ko ang sumunod niyang hakbang. Ginamit niya ang anino ng mga baging bilang panangga sa atake ko. Kung ganon, marunong din pala siyang gamitin ang anino tulad ni Dos.
Sa pagkakataong ito, siya naman ang umatake. Hinayaan kong sugatan niya ako gamit ang itim na apoy. Ngunit sa kabilang banda, umiilig ako sa ilang atake niya, pasikretong tumutungo sa isang open area kung saan, walang anino siyang mamamanipula.
Huminto siya at hindi na nagtangkang lumapit pa. Sinasabi ko na nga ba. May isang bagay siya na hindi kayang gawin, na tanging ang tunay lang na Dos ang makagagawa.
Kinontrol ko ang ihip ng hangin na dumako sa kinalalagyan namin. Nagawa ko siyang sugatan sa balikat. Doo’y tumulo ang kanyang dugo.
Napansin kong magtatangka siyang manlaban, ngunit anong panama ng isang mortal sa isang gabay tulad ko? Kahit pa’t nagtataglay lamang siya ng ilang kapangyarihan ni Dos.
Mukhang unti-unting naglalaho ang itim na apoy. Hindi na siya ganoon kalakas tulad ng sa kanina. Pagkakataon ko na ito.
Sumugod ako papalapit sa kanya. Inihanda ko na ang aking itak habang kontrol-kontrol ang mga naghahabaan at naglulutangang mga baging. Mistulang ahas kung kumilos ang mga ito at kusang pumulupot sa mortal. Hindi ko na ito patatagalin pa, lalo’t na ang itim na apoy ay sadyang makapangyarihan at kayang sirain ang mahuhunang baging.
Sinugatan ko siya sa kanyang tuhod at binti, na naging dahilan ng kanyang panghihina at paglagpak sa sahig.
“Ikaw mortal, na nagtataglay ng ilang kapangyarihan ni Guardian No. 2, tinatanggalan ka ng karapatan sa kapangyarihan ng nasabing gabay.” pagsisimula ko ng ritwal. “Ang iyong kapangyarihan ay maibabalik sa kamay ng Kataasan at ang iyong kapangahasan sa batas ang magpaparusa sa’yo dito sa mundong kinalalagyan mo. Bagamat hindi ko nalalaman kung paano ito nangyari, ang kapangahasang ito ay maibibilang sa mga kasalanan ni Guardian No. 2, sa ilalim ng Pamunuan ng Mundo ng Kawalan, magpakailanman.”
Matapos ang pagtatanggal ng kapangyarihan sa taong ito, unti-unti nang nawala ang mga itim na apoy sa buong parke. Ang taong ito, nagdulot siya ng kaguluhan sa loob ng amusement park. Sa ngayon, ang taong ito ay nawalan ng malay. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Dos para magkaroon siya ng kapangyarihan niya. Ganoon na ba talaga siya kalakas para magawang ipasa ang kapangyarihan niya sa isang mortal?
DUGSHH!! Biglang nawala na sa balanse ang napakalaking Ferris Wheel at nagpagulong-gulong sa gitna ng parke.
WAAAAHHH!!! HINDI PA NGA PALA TAPOS!! Nasira nga pala ang paanan ng Ferris Wheel. Kapag hindi ko ‘to napigilan, maaaring may mamamatay na tao-
“TULONG!! TULUNGAN NIYO AKO!!!” sigaw ng isang babae.
Teka, kilala ko ang boses na yun ah. Ang boses na yun.. ay si..
Margaret
Dali-dali na rin kaming umalis dahil sa naganap na malakas na pagsabog. Maraming tao na ang nagtatakbuhan. Ano kaya ang pagsabog na yun? Sino ang may gawa nun?
Habang kami ay tumatakbo palabas, may dumaan na grupo ng mga tao, tumatakbo rin. Naharangan nila ako kaya hindi ako makadaan. Nang makaalis sila, napansin kong wala na ang mga kasama ko. Pano yan?
Saan ako dadaan? Naharangan pa man din yung main entrance gawa ng pagpapanic ng mga tao. Marami na ring nasira na mga stall sa parke at nagtumbahan sa daan.
“A-Ana?! A-Ana?! S-Stacey?! M-Martin?! Nasan na kayo? Iniwan niyo na ba ako? Huyy!! ANA!!!” malakas at pigil kong sigaw.
Nagsisigaw ako nang nagsisigaw, pero mukhang nakalayo na sila nang hindi nalalaman na hindi na nila ako kasama. Naghanap ako ng ibang daan. Maraming mga daan ay naharangan na ng mga naglalakihang stalls at mga puno. Sa kabutihang palad sa kakatakbo ko, nakahanap ako ng mapa ng parke sa daan. Oooh! Salamat naman. Sa wakas! Makakalabas na ako.
DUGSHH!!
Ano yun? Ano yung ingay na yun? Kakaibang ingay na parang papalapit sa’kin. Lumingon ako upang tignan kung ano ang ingay na yun sa likod ko.
WAAAAH!! Y-YUNG FERRIS W-WHEEL!!
Wala na akong nagawa. Nanlalamig na ang mga kamay ko. Ang dambuhalang bakal, sobrang lapit na nito sa’kin. Napangunahan na ako ng takot at hindi ko na nagawa pang kumilos. Nanginginig ang buo kong kalamnan.
Wala akong nagawa kundi pumikit na lamang. Ito na siguro ang katapusan ko.
BUGSHH!! Malakas na pagtama ng Ferris Wheel…
“Ayos ka lang?” tanong sa akin ng lalaki.
… ngunit ligtas ako.
Ang boses na yun!
“ Dito ka lang hah. May pahihintuin lang ako, Beautiful!” ngiti niyang sabi na may kasamang pagkindat.
Ano daw? B-Beautiful?
Nang humarap siya sa’kin, agad ko siyang nakilala. Siya nga! Si kuya Jacob. Pero bakit parang may kakaiba sa kanya?
At ano yung berde na yun na umiikot sa katawan niya? Nakakapasong init. Parang apoy? Pero wala namang ganong apoy ahh! May berde bang apoy?
Napansin ko ang mga nakalutang na baging na siyang ikinatakot ko. Gamit iyon, itinali niya ang Ferris Wheel.
Muli siyang tumakbo papalapit sa’kin.
“A-Ayos k-ka l-lang b-ba? N-Nasaktan k-ka b-ba? HAH! M-May s-sugat k-ka..” nag-aalala kong tanong habang tinuturo ang sugat niya sa balikat.
“Ahh eto, wala to. Ikaw?”
“A-Ako?”
“Nasaktan ka ba?” sabay kapa niya sa balikat at ulo ko.
TUG-DUG! TUG-DUG!
Waaaahhh!!! Ano toh? B-Bakit….. B-Bakit g-ganito??
“O-Okay l-lang a-ako.” kinakabahan kong sabi.
Napansin ko na mabilis na naghilom ang sugat niya na kanina lang ay walang tigil sa pagdurugo. Weird huh?
Oo nga pala. Madami akong gustong itanong sa kanya. Pagkakataon ko na.
“Pa-”
“Ang alam ko kasama mo sina Martin ahh.” pagputol niya sa sinasabi ko.
“Ahh, kasi napahiwalay ako sa kanila. Masyado na kasing maraming tao ang nagkakagulo. Ahh saka nga pa-”
“Ganon ba. Tara na, umalis na tayo.” nakangiti niyang yakag.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong sa kanya. Hayy!
“Tara na, Beautiful.” sabay hawak niya sa kamay ko.
“B-Beautiful?” namumula kong tanong.
Ana
Natatakot ako para kay Margaret. Ano na kayang nangyari sa kanya? Hindi kaya… NADAGANAN SIYA NG MGA NAGTUMBAHAN NA PUNO? O kaya…. NASABUGAN SIYA? PATAY NA KAYA SIYA? Nooo!! No no no Self! Hindi yun mangyayari. Positive Ana! Positive!
“AYOS KA LANG?” malakas na sigaw ni Martin.
“WAAAHHH!! BAKIT KA BA NANGGUGULAT?”
“Ang lalim kasi ng iniisip mo.”
“Ah, eh. Uhm, i-iniisip k-ko k-kasi k-kung o-ok l-lang s-si M-Margaret.” nakasimangot kong wika.
“Siya ba? Kala ko kung sino..” sabay buntong-hininga.
“Magiging ok lang kaya siya?”
“May tiwala naman ako kay Sais.”
“Yung apoy….. yung apoy sa loob…. kulay itim. Hindi kaya.. isang gabay ang nasa likod nito?”
“Malamang.”
“Kung ganon sino?”
Hindi niya ako sinagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa madilim na kalangitan.
“Heyy!!” Narinig namin ang isang pamilyar na boses
“Kuya!!” sigaw ni Stacey saka tumakbo papalapit sa kanya.
“Heyy!!” kaway niyang bati.
Heyy? Ang baduy ng expression… Required ba yun sa mga gabay? Yung isa ko namang kakilala diyan, Yup ang expression. Eww!
May kasama siyang isang babae. Nang makita ko kung sino ang kasama niya…
“Margaret!!!” mabilis kong pagtakbo.
Salamat!! Ligtas si Margaret!
“Pano ka nakaligtas?” nag-aalala kong tanong.
“Niligtas ako ni kuya Jacob.” sagot niya.
“Talaga? Mabuti naman!” maluwag-luwag kong hinga.
“Teka kuya.” wika ni Stacey.
“Bakit?”
“Bakit nga pala kayo magkahawak ng kamay ni Margaret?” sabay turo niya sa magkahawak na kamay nila kuya Jacob at Margaret.
“HAH?”
Mabilis pa sa kidlat nang sila’y maghiwalay at umiwas ng tingin.
“Hindi mo pa pinakikilala sa amin yung asawa mo, may kabit ka na agad.” diretsahang sabi ni Stacey.
“KABIT?? SINABING WALA NGA AKONG ASAWA EHH!!! NATURAL WALA AKONG KABIT!!” pikon na sabi ni kuya Jacob.
Napansin ko na parang malalim ang iniisip ngayon ni Margaret. Yun ba’y dahil sa nakita niya si kuya Jacob bilang gabay. Malamang naguguluhan siya sa mga nangyari ngayon.
“Oh siya! Umuwi na tayo. Malapit nang lumubog ang araw. Mata-traffic tayo pauwi.” yaya ni Martin.
“Sige tara na!” masigla kong tugon.
“Ahh Martin!” tawag ni kuya Jacob.
“Bakit?”
“Puwede bang sumama ka muna sa’min ni Stacey pauwi?” tanong niya.
“Huh?” pagtataka ni Martin.
“May mahalaga akong sasabihin sayo.” Lumapit siya at saka bumulong. “Tungkol kay Dos.”
“Ahm, Ana.” pagtawag sa’kin ni Martin.
“Bakit? Aalis na ba tayo?”
“Ah, oo. Kaso, puwede bang hindi muna kita samahan sa pag-uwi?” pagpapaalam niya.
“Ah sige ok lang! Kasama ko naman si Margaret eh.” nakangiti kong pagsang-ayon.
Ngumiti lamang siya at bigla akong niyakap.
“Mag-iingat ka.” malumanay niyang bilin.
“A-Ah.. Oo!”
Sumakay na kami sa bus papauwi. Si Martin naman ay sumakay sa kotse nila Stacey. Ano kayang meron? Sa tingin ko naman trabaho lang ng mga gabay tulad nila.
“Dito tayo Margaret.” sabay pagpag ng upuan sa tabi ko.
“Dito na lang ako! May pogi eh!!” mahina niyang sabi.
“MARGARET!”
“Joke lang! Heto na, tatabi na!” natatawa niyang lapit sa akin.
Martin
“Saka nga pala, bakit ka sumama sa’min Martin?” masungit na tanong ni Stacey.
“May pag-uusapan lang kami.” sagot ni Jacob.
“Eh? Sino? Anak mo?”
“WALA NGA SABI AKONG ANAK!!”
“Eh sino?”
“Sino ba talaga ang tamang itanong mo?” naiinis niyang sabi.
Matapos ang maingay na byahe, nakarating na kami sa bahay nina Sais. Napanganga ako sa ganda ng bahay nila. WOW! Ang laki pa ng bahay nila!! Mansion!!
“Ang sarap naman ng buhay mo bro!” bulong ko sa kanya.
“Siyempre! Ganon kapag wala naman masyadong iniintindi.” pagmamalaki niya.
“Hoyy Kuya!! Ano pa bang pinagdadaldalan niyo jan? Pumasok na nga kayo! Malamok na jan sa labas! HOYY!!” sigaw ni Stacey.
“Mali! May mabigat pala akong iniintindi!” bawi niya sa sinabi niya nang mapagtantong may mabigat pala siyang iniintindi.
“Sa tingin ko nga!” hagikhik ko ng tawa.
Naaawa ako kay Sais. Pero sa bagay, kilala ko si Sais. Loko-loko siyang gabay. Pero ngayon, mukhang baliktad ang sitwasyon niya. Haysss… Madilim na nang makarating kami sa bahay nila. Nag-aalala ako kay Ana. Sana makauwi siya ng maayos.
Ana
Sobrang nakakapagod naman ang araw na ‘to. Inaantok na akoo. Pero ang saya rin naman, kahit na may nangyaring masama pagkatapos.
“Bye Ana!” pamamaalam ni Margaret.
“Bye!”
Kasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan at kadiliman ng 3rd street patungo sa bahay ko. Liliko sana ako sa kabilang kanto ng biglang may grupo ng mga sigang lalaki ang humarang sakin.
“Oooohh! Saan ka papunta Miss?”
“H-Huh? P-Papauwi n-na a-ako..” sagot ko.
“Nako Miss, delikado na maglakad ng mag-isa”
“Tama! Ang ganda mo pa man din”
“Alam mo ba Miss, ganyang kagandahan ang hinahanap ko sa babae”
“Gusto mo Miss, samahan ka na namin?”
Lumayo ako nang kaunti sa kanila.
“A-Ano b-bang p-pinagsasasabi n-niyo?”
“Dali na samahan ka na namin”, bigla niyang paghablot sa kamay ko.
“ANO BA!!”
PAAAKK!! Hindi ko ito natiis at nagawa ko siyang pakawalan ng isang malakas na sampal. Hehe! Expert yata ako sa ganitong sampalan lalo na’t nagpapractice ako sa mukha ni Martin.
“BASTOS!” galit kong sabi.
“Owww! Bastos daw!”
“Ayoko sanang manakit ng babae, pero.. HINDI KO PALALAMPASIN TOH!”
Itinaas niya ang kamay niya, inaakma na sampigahin ako. Malapit na niya akong masaktan. Wala akong magawa kundi pumikit na lang, pero….
“@#$%! SINO KA?!” pagmumura niya.
“H-Huh?”
Biglang may pumigil nang sasampigahin na niya ako
“Dapat hindi ka nananakit ng babae.” nakangiti niyang sabi.
Nakatalikod siya. Hindi ko makita ang mukha niya. Ngunit nang marinig ko ang boses niya, napagtanto kong siya si..