CHAPTER 10: IN AMUSEMENT PARK PART 2- THE TRAGEDY

1841 Words
Ana   Nagtungo kami sa amusement park. Siyempre, excited ako na masakyan ulit ang mga ride doon. Pero bago yun, hinanap muna namin si Stacey at ang kuya niya. Nang makarating kami sa kinalalagyan nila, ikinagulat ko ang sinabi ng kuya ni Stacey.   TINAWAG NIYANG OTSO SI MARTIN!   Sumagot naman si Martin at tinawag siyang Sais. Doon ko napagtanto. Kung tinawag niyang Uno si Guardian No. 1, at tinawag niyang Sais ang kuya ni Stacey, ibig sabihin ang kuya ni Stacey ay si Guardian No. 6.   Sa sobrang pagkabigla ko, napatawag ako sa kanya na Guardian No. 6, na naging dahilan ng pagkalito nila Margaret at Stacey.   Tinanong ako ni Margaret kung bakit tinawag ko siyang Guardian. Grabeee, hindi ko alam ang isasagot ko. Mabuti na lang, nakaisip ako ng dahilan.   Pumasok sa isip ko ang mga pangyayari kanina sa bus.   “TA-DA!! Aruy… baby Ana! Dede na ng gatas! Inom na para makatulog ka!” habang hawak-hawak ang bote ng gatas.   Tama! Yun na lang! Bahala na! Sana umepekto.     “Kuya, may hindi ka sinasabi sa’kin hah!” sabay turo kay Guardian No. 6 “Huh? Ano yun?” nagtatakang tanong ng gabay. “Kuya..” Lumapit siya lalo sa kuya niya. “MAY ANAK KA NA PALA?!” “HAAAHH??!!!”   “Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong ng kuya niya. “Sabi sa’kin ni Ana.” sabay lingon sa kinatatayuan ko.   WAAAHH!!   “Ano ba yung sinabi mo?” bulong ni Martin. “Nagtanong kasi siya kung bakit ko daw siya tinawag na Guardian, eh wala akong maisip na paraan kaya sinabi ko na lang na nakita ko siya na nag-aalaga ng bata.” mahinang paliwanag ko. “Ano?! Bata? Tsk! Asa ka pa eh pedopilya yan.” mahinang reklamo ni Martin. “Whaaat?”   Lumapit ako sa kuya ni Stacey na tulalang nakatayo mag-isa.   “A-Ahh, k-kuya..” nahihiya kong sabi. “S-Sorry p-po. Wala na po kasi akong maisip na maipalusot kay Stacey. Masyado po kasi silang matanong. Sorry po.” nakayuko kong paghingi ng tawad. “Ahh ganon ba? Sige sige ok lang! Hahaha!” sabay kamot niya sa ulo.   Nagsimula na kaming maglakad nang mapagdesisyonan namin kung saan unang sasakay.   “Ahh! Stacey!” wika ni Guardian No. 6. “Oh bakit?” “Tungkol nga pala dun sa bata-” “Ahh oo nga pala. Kailan mo sa’kin ipapakita ang pamangkin ko?” pagputol ni Stacey sa sasabihin ni Guardian No. 6. “HAAAH?!” “At kailan mo ipapakilala kila Mommy at Daddy yung BABAENG NABUNTIS MO??” “Wala nga sabi-” pagkokontrol ni Guardian No. 6 sa pagkakairita. “Tsk! Tsk! Tsk! Ano kaya ang magiging reaksyon dito ni Mommy?” iiling-iling na tanong ni Stacey.   Hindi na nakapagtimpi ang gabay at inilabas ang pagkainis.   “WALA AKONG ANAK!! HINDI TOTOO ANG LAHAT NG SINABI NG KAIBIGAN MO!! WALA AKONG NABUNTIS NOH!! AT HIGIT SA LAHAT, WALA KANG PAMANGKIN!!!” malakas na sigaw nito na pumukaw ng atensyon ng ibang tao.   Kabigla-biglaana’y sinuntok ni Stacey ang tiyan ni Guardian No. 6. Grabe! Bakit ba ang brutal ni Stacey?? Sa pagkakaalala ko’y muntikan niya na ring bugbugin si Martin.   “Sabihin mo! Anong ginawa mo kay Ana?” “HAAHH??!! S-Stacey! T-Tigilan m-mo n-nga y-yan!” “Kung ganon, bakit ka ginabi ng uwi, Ana? May ginawa ba ‘tong lalaking ‘to sa’yo? Hinaras ka ba niya?”   Bigla-bigla niya na lang hinablot ang kuwelyo ni Martin, haysss. Hindi lang yun, naalala ko’y isa siya sa mga babaeng galit na galit na sumugod sa’kin noong mga oras na sinasabi nilang inagaw ko raw sa kanila si Martin. Gosh!   “Wag mo kong sinisigaw-sigawan diyan! Talagang TATAMAAN KA SAKIN!!” sabay taas ng kanyang kamao. “Araay!” pag-inda ng kuya niya. “Ana! Ano nga ulit ang pangalan ng kuya ni Stacey?” curious na tanong ni Margaret. “Hindi ko rin alam eh..” mahina kong sabi. “Ayy oo nga pala, hindi niyo pa nga pala kilala ang isa’t-isa.”   INTRODUCING: Jacob Villanueva   “Ang pangalan niya ay Jacob. Isa na siyang College student. Dalawang taon ang agwat ng edad namin sa isa’t-isa. Kung mapapansin niyo, napakatangkad niyang tao. Pero kung gaano siya kataas, ganon KABABA KUNG PAANO SIYA MAG-ISIP!” sabay tingin ni Stacey kay Guardian No. 6 at ngumiti ng masama. “ANO??!!” reklamo ng kuya niya.   Ouch! Ang sakit naman magsalita ni Stacey sa kuya niya..   “Matanda na siya pero ISIP BATA pa rin! Palaging NANGUNGULIT. TANONG NANG TANONG! BABOY KUNG KUMAIN. Pati PAGKAIN KO KINUKUHA NIYA PA. Pero pag nasa harap siya ng mga BABAE, bigla siyang nagiging MATURE. Akala mo sobrang bait. Pero ang hinding-hindi na mawawalang katangian niya…”   Huh?   “Isa siyang….. BALIW! MANYAK! BASTOS! MAKA-SARILI! WALANG GALANG! BOBO!” sigaw ni Stacey.   STRIKEEE!!!   “Kaya kayo, mag-iingat kayo sa mga lalaking katulad niya. Mahilig yan makipag-date sa iba’t-ibang mga babae. Hayy!” hawak sa ulong sabi ni Stacey. “Ahhh… S-Stacey. S-Siguro s-sapat n-na l-lahat n-ng m-mga n-narinig n-namin, hehe.” pagpigil ko kay Stacey. “T-Tama s-si A-Ana. O-Ok n-na y-yun h-hehehe!” wika naman ni Margaret. “Siya nga pala kuya, sila naman ang mga kaibigan ko.” ang sabi niya kay kuya Jacob habang tinuturo kami isa-isa. “Sa tingin ko naman, magkakilala na kayo ni Martin. Siya naman si Margaret…” “Hello po kuya! Nice to meet you po!” bati ni Margaret na may masayang ngiti at mahinhing boses.   Napansin kong ilang segundong nakatitig si kuya Jacob kay Margaret. Si Margaret nama’y umiiwas ng tingin at namumula. Ano ba yan!!   “At siya naman si Ana.” turo sa’kin ni Stacey. “Hehe! Nice to meet you po, kuya Jacob.” sabay yuko ko. “Ana? Ibig sabihin ikaw ang-” “OPO!” mabilis kong pagputol. “Mag-ingat ka naman!” bulong ni Martin kay Jacob. “Sorry!” “Tara, pumila na tayo!” alok ni Stacey. “Sige!” sabay-sabay naming sabi.   Sa wakas, kanina ko pa talaga gustong-gusto na sumakay. Habang naka-pila kami, may bigla akong naalala.   “Teka, akala ko ba may kasama pa tayong isa pang lalaki?” tanong ko. “Oo nga, yung kaibigan ni kuya Jacob.” wika naman ni Margaret.   Nanlalaking mga matang nagkatinginan sina Martin at Jacob.   “Sabi ni kuya, hindi daw siya makakasama. Tama ba kuya?” tanong ni Stacey. “A-Ah o-oo! Hindi DAW siya makakasama.” masamang tingin ni Jacob kay Martin.   Pinandilatan lamang ni Martin si Jacob.   “Sayang naman!” malungkot kong sabi. “Bakit sayang?” tanong ni kuya Jacob. “Iniisip ko kasi kung gwapo ba siya. Gosh! Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa kanya.” sabay hawak ko sa ulo.   Bahagyang napangiti si Martin sa sinabi ni Ana. Tumingin naman si Jacob sa nakangiting si Martin at saka lumingon ulit kay Ana.   “Ahh, S-Siguro?” natatawa niyang sabi. “Talaga?!! Sa tingin mo BAGAY KAMING DALAWA?” nakangiting tanong ko.   Pasimpleng umubo si Martin at tila’y may pinahihiwatig.   “OO!” nakangiting sagot ni Jacob. “ANO???!!!” gulat na reaksyon ni Martin. “Bakit Martin? Nagseselos ka?” taas-kilay kong tanong. “AKO??!! Pffft! HHAHAHAHA!” tawa lamang ni Martin. “Oo! Sinabi niya kaya sa’kin na bagay kaming dalawa ng kaibigan niya! BOOM! Selos ka noh! HAHAHAHA!” I proudly said.   Pigil-pigil tawa si Jacob sa iniasal ni Ana.   “PAKIALAM KO SA’YO!” sabay iwas ni Martin.   Lumapit ako kay Martin at bumulong.   “Tsk! Tsk! Tsk! Salbaheng GUARDIAN!”   Nakasakay na kami sa rides na pinilahan namin. Sakay doon, sakay dito at talagang… nag-enjoy kaming lahat. Palakasan ng sigaw. Pataasan ng kamay. Sobrang nagsaya kami sa bawat ride na sinakyan namin. Dumating na sa tiyempo na nagutom na kami. Dahil dun, nagdesisyon si Stacey na bumili ng pagkain namin. Sumama rin pala si Martin, gusto niya kasi na makapamili ng pagkain niya. Ang arte talaga!   Niyaya naman kami ni kuya Jacob na sumakay sa Ferris Wheel pero nagpaiwan na lang si Margaret sa tambayan namin, in case daw na dumating sina Stacey eh may magpapaliwanag kung nasaan kami. Kaya kami nalang dalawa ni kuya Jacob ang pumila at sumakay sa Ferris Wheel. Habang nakasakay kami sa Ferris Wheel, pinagusapan namin ang maraming bagay. Mga masasayang bagay dito sa dimensyon na to, mga childhood memories namin na nakakatawa, mga kaibigan hanggang sa dumating sa usapan ang tungkol kay Martin.   Tumingin sa’kin si kuya Jacob at biglang natawa nang bahagya.   “Ano pong nakakatawa?” tanong ko. “Wala! Naalala ko lang na may isa nga pala kaming naging kaibigan. Babae siya.” “Babae?”   Tumango siya at nagpatuloy sa pagsasalita.   “Ang babaeng yun, sobrang malapit sa kanya si Martin.” sabi niya.   K-Kay M-Martin? Sino siya? Ex niya?   “Kaso may nangyari kasi eh..” muling sabi niya. “Anong nangyari?”   Natahimik lang siya ng ilang segundo saka muling nagsalita.   “Basta! Malalaman mo rin yun! Hahaha! Kumusta na ba kayo ni Martin?” “Ok naman kami. Talagang nakakabuwiset lang siya. Pero masasabi kong isa siyang magaling na guardian, napakagaling na gabay.” “Ganon ba?” ngiting sabi niya.   Huminto na ang Ferris Wheel. Oras na para bumaba.   “Sana maging malalim pa ang samahan ninyong dalawa.” ang sabi niya bago tuluyang lumabas.   Ang mga salitang yun! Yun din mismo ang sinabi sa’kin ni Guardian No. 9 ahh. Ano bang ibig sabihin nila?   Martin   Natapos na kaming bumili ng pagkain namin. Ngayon, pabalik na kami dala-dala ang mga pinamili naming pagkain.   Sa di kalayuan, may grupo ng mga tao ang nag-uusap kung saan sila susunod na sasakay.   “Ayy Ma’am. Saan niyo po sunod na gustong sumakay?” tanong ng isang babae. “Kayo bahala.” “Ayos! Sumakay na lang tayo sa Ferris Wheel.” wika naman ng isa sa mga kasamahan nilang lalaki. “Sige sige tara!”   Kapansin-pansin lamang sa’kin ang isang babaeng nasa gitna nila.   “Oh, si Ana yun diba?” turo ni Stacey sa babae. “Ana!!” sigaw niya na may kasamang pagkaway ng kamay. “Huh? Sino daw? Ana?” nagtatakang usapan ng kasamahan ng babae.   Hinablot ni Stacey ang kamay ng babae.   “Ana, tara kumain na tayo. Teka, sino ba ‘tong mga kasama mo?” tanong niya sa kanila. “Ikaw dapat ang tanungin namin ng ganyan. Sino ka ba?” “Oo nga! Bakit mo hinahawakan ang kamay ni Ma’am Liza?” “Haah? L-Liza?” pagtataka ni Stacey. “Teka, tinawag mo akong Ana? Kung ganon, kilala mo si Ana?” tanong ng babaeng nagngangalang Liza.   Alam ko na ang nangyayari. Tama! Hindi ito si Ana. Siya ang counterpart ni Ana na nabubuhay dito sa dimensyon na ‘to.   Hinablot ko ang kamay ni Stacey at saka hinila papalayo.   “T-Teka! A-Ano b-bang g-ginagawa m-mo?” “Bilisan mo! Umalis na tayo.” “Teka, nandon si Ana!” pagpipilit niya. “Hindi yun si Ana.” irita kong sabi. “Huh? Eh sino yun? Bakit niya kamukha si Ana?” “Basta! Bilisan na natin!”   Sa mabilis naming pagtakbo, nakarating kaagad kami sa tambayan namin.   “Oh, nandyan na pala kayo.” lingon ni Margaret nang makita kami. “Nasan si Ana?” diretso kong tanong. “Huh? Puwede bang hinga muna kayo nang malalim? Bakit parang hinabol kayo ng mga aso?” “NASAN SI ANA?” sigaw ko. “N-Nandon s-siya s-sa F-Ferris W-Wheel, k-kasama s-si k-kuya J-Jacob…” gulat niyang sagot.   Naku.. hindi!   Hindi puwedeng makita ng counterpart si Ana. Pag nagkataon…   “Hi!!! Nandito na kami!!” papalapit na sabi ni Ana. “Ana?” “Huh? Bakit?”   BOOOOMM!!!! Isang malakas na pagsabog ang gumimbal sa buong parke. “AHHHH!!” sigaw ng mga tao. “A-Ano y-yun?!” tanong ni Ana. “A-Anong n-nangyayari?”   Mula sa di kalayuan nagmula ang malakas na pagsabog.   “M-Mukhang n-nanggaling y-yun s-sa F-Ferris W-Wheel!” turo ni Ana sa bandang Ferris Wheel.   Ferris Wheel?   “Ayy Ma’am. Saan niyo po sunod na gustong sumakay?” “Kayo bahala” “Ayos! Sumakay na lang tayo sa Ferris Wheel” “Sige sige tara!”   KASALUKUYAN NGAYONG NANDOON SI LIZA!   “Bro! Tignan mo!” turo ni Jacob sa bandang itaas.   Nakita ko ang maiitim na apoy sa pinangyarihan ng pagsabog.   “Itim na apoy, ibig sabihin….” “Si Dos.”   Hindi kaya, si Liza ang pakay niya?   “M-Martin..” nag-aalalang sabi ni Ana. “Ako na ang huhuli kay Dos. Martin, itakas mo muna sila.” utos ni Jacob. “Sige. Ikaw na ang bahala.”   Tumakbo na si Sais patungo sa pinangyarihan ng pagsabog. Bilang mga natitirang mabubuting gabay, kailangan namin na hulihin ang mga masasamang gabay at ibalik ang kapangyarihan nila alinsunod sa utos sa amin ng Kataasan.   “Umalis na tayo. Bilis! Sundan niyo ako!” sigaw ko. “Teka, sandali! Saan pupunta si kuya?” tanong ni Stacey. “Basta sumunod na lang kayo. Sigurado ako na hindi naman mamamatay ang kuya mo.” “Napansin ko yung itim na apoy. Hindi kaya…” mahinang wika ni Ana. “Saka ko na sasabihin sayo kapag nakaalis na tayo.”   Pagkatapos ng mabilisang pagtakbo, nakalabas na kami sa amusement park   “Teka!” lilingap-lingap na sabi ni Ana. “Bakit?” “Nasaan si Margaret?” nag-aalalang tanong ni Ana. “Wala ba sa likod niyo?” “Hindi kaya nahiwalay siya sa atin?” tanong ni Stacey. “Margaret!!!!” sigaw ni Ana.   Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD